You are on page 1of 35

Magandang

Umaga!
F7PB-IIId-e-15 / F7PB-IIId-e-16
Nasusuri ang mga katangian at elemento
ng mito, alamat, kuwentong-bayan,
maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga
tauhan, kaisipan at mga aspetong
pangkultura
(halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay, at iba pa)
Balik-aral Iba’t ibang
Paraan ng
Pagkilala ng
Kahulugan ng
Salita
Pangkatin ang mga salita batay sa punong salita o paksa.

alcohol moderna
faceshield
pfizer facemask
sinovac
DENOTASYON KONOTASYON
DENOTASYON KONOTASYON
Ano ako
Panuto:
Suriin ang inilalarawan ng mga pahayag mula sa Mathematic Code.

Mathematical/Alphabetical Code
A= 0 B= 1 C= 2 D= 3 E= 4

F= 5 G= 6 H= 7 I= 8 J= 9
K= 10 L= 11 M= 12 N= 13 Ñ= 14
NG= 15 O= 16 P= 17 Q= 18 R= 19
S= 20 T= 21 U= 22 V= 23 W= 24

X= 25 Y= 26 Z= 27
Tungkol ako sa mga tauhan
kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan. Likhang-isip lamang
ako. At kadalasan ang mga kuwento
ko ay tungkol sa tiyak na pook o
rehiyon ang isang bayan o lupain.
Ano ako?
11-23-25-5-14-22-17-
14-7-2-1-27-1-14
Kuwentong-bayan
Ako ay isang masining na anyong
pampanitikan. Isang akong maikling
salaysay na kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan lamang. Ang aking pagkakagawa ay
paggagagad ng realidad ng isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Natatapos akong
basahin sa isang upuan lamang.
Ano ako?
13-1-9-11-12-9-14-7
11-23-25-5-14-22-17

Maikling Kuwento
Produkto lamang ako ng malikhaing
imahinasyon ng nagsulat. Mula sa ating
mga ninuno nagpasalin-salin na sa dila ang
aking mga kuwento papunta sa iyo. Sa
aking mga kuwento isinasalaysay ko ang
pinagmulan ng mga bagay bagay o lugar.
Ano ako?
1-12-1-13-1-22

Alamat
Ako’y isang kuwentong nagpasali-salin
na sa dila mula sa katutubo hanggang
sa kasalukuyan, masasabing halos
ipinakikita ko ang mga tradisyon ng
isang lahi. Karaniwang tinatalakay sa
kuwento ko ang mga diyos at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa
mga likas na kaganapan.
Ano ako?
13-9-22-17

Mito
Sa palagay mo bakit
mahalagang pag-aralan
ang mga panitikang
katulad ng kuwentong-
bayan, maikling
kuwento, alamat at
mito?
KATANGIAN NG MITO,
ALAMAT,
KUWENTONG-BAYAN
AT MAIKLING
KUWENTO
Isa sa mahahalagang bahagi ng kulturang
Pilipino ang mga mito, alamat, kuwentong-
bayan at maikling kuwento. Ito ay bahagi
ng ating panitikang salin-dila o lipat-dila
(ibig sabihin ay naikukuwento lamang
nang pasalita) na lumaganap bago pa man
dumating ang mga mananakop sa ating
bansa.
Ang mga akdang pampanitikang ito ay
halos may kaugnayan sa isa’t-isa. Halos
pareho lamang ang kanilang paksa na
karaniwan ay tumatalakay sa kalikasan,
pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura
ng isang particular na pangkat o lugar.
Nababanggit din sa mga akdang ito ang
heograpiya, uri ng hanapbuhay, at
katangian ng mga mamamayan kung
saang lugar o pangkat ito nagmula.
Bagama’t halos magkakatulad ay
makikita pa rin ang pagiging
natatangi ng bawat pasalindilang
ito.
Ang mito o myth ay karaniwang
tumatalakay sa mga kuwentong may
kinalaman sa mga diyos, diyosa, bathala,
Diwata, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.
Ang alamat ay isang kuwentong nagsasaad
kung saan nanggaling o nagmula ang mga
bagaybagay o lugar gaya ng “Alamat ng
Capiz” “Alamat ng Pitong Makasalanan.”
Ang kuwentong-bayan, gaya ng “Si
Usman, ang alipin” ay kuwento tungkol sa
tauhang naninirahan at nagtataglay ng
katangian, katutubong kulay o kultura sa
isang partikular na lugar o pangkat.
Samantalang ang Maikling kuwento gaya
ng “Pagislam” at si Reynang Matapat” ay
mga mga kuwentong ‘di makalilimutang
bahagi ng buhay ng tao ang paksa nito.
Nakatuon ang kuwento sa isang
mahalagang tagpo lamang, iisa ang
nangingibabaw na kakintalan at
kadalasang natatapos sa iisang upuan
lamang.
MITO
ALAMA
T
KUWENTONG-
BAYAN
MAIKLING
KUWENTO
EDGAR ALLAN POE
Ang Maikling Kuwento - Ayon kay
Edgar Allan Poe, ang tinaguriang
'Ama ng Maikling Kuwento', ay ay
isang akdang pampanitikang likha ng
guni-guni at bungang isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ito ay mababasa sa isang tagpuan na
nakapupukaw ng damdamin at
mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.
ELEMENTO
TAUHAN
Karakter na gumaganap sa kwento
TAGPUAN
Ang lugar o pinangyarihan ng kwento
BANGHAY
Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

2.
1. SIMULA
3.
TUNGGALIA
4.
KASUKDULA
N
KAKALASA
N
5. WAKAS
N

You might also like