You are on page 1of 44

Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila

A. Saligang Kasaysayan - /
B. Tula - /
c. Karunungang Bayan - /
D. Kantahing Bayan - /
E. Tulang Pambata - /
Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila

F. Epiko
G. Uri ng Maikling Kuwento
H. Mga Alamat at Kuwentong Bayan
I. Duri/Uri ng Dula
Ano ang Epiko?

 Ang Epiko ay uri ng panitikan na matatagpuan


sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay
tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan.
 Kwento ito ng kabayanihan noong unang
panahon na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na pangyayari.

 Ang mga pangunahing tauhan dito ay


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa
lipi ng mga diyos o diyosa.
 Ang epiko ay galing sa salitang Griyego
na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’.
Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o
talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-
tangi sa bawat rehiyon at hindi
maikukumpara sa mga Kanluraning
epiko.
Katangian ng Epiko
 Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga
sumusunod:
 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
 Mga inuulit na salita o parirala
 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng
kanta
Katangian ng Epiko
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha
sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman,
hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang
mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-
anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang
minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa
panliligaw o pag-aasawa.
Halimbawa ng Epiko

 Epiko ng Luzon
 Biag ni Lam-ang (Ilocos)
 Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
 Ibalon (Bicol)
 Kudaman (Palawan)
 Manimimbin (Palawan)
 Ullalim (Kalinga)
 Epiko ng Visayas
 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon (Panay)
 Labaw Donggon (Bisayas)
 Maragtas (Bisayas)
 Epiko ng Mindanao
 Bantugan
 Darangan (Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
 Agyu
 Bidasari
 Olaging (Bukidnon)
 Sandayo (Zamboanga)
 Tudbulul
 Tuwaang
 Ulahingan
 Ulod
G. Ano ang Maikling Kwento?
 Ang maikling kwento ay isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o higit
pang mga tauhan. Isa rin itong masining na
anyo ng panitikan.
 Si Deogracias A. Rosario ang tinaguriang
“Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog.”
Mga Elemento ng Maikling Kwento
 Mayroong 11 elemento ng maikling kwento. Ito ay ang mga
sumusunod:
 Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
 Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
 Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan sa
kwento.
 Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao
laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa
kapaligiran o kalikasan
 Kasukdulan
Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 Kakalasan
Ang tulay sa wakas ng kwento.
 Wakas
Ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento
 Tagpuan
Inilalahad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o
insidente pati na rin ang panahon kung kailan naganap ang
kwento.
 Paksang Diwa
Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
 Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.
 Banghay
Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
kwento.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
 Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi at sangkap: simula, gitna at
wakas.
 Simula
Ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan, at ang
suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan.
 Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan,
tunggalian, at kasukdulan.
 Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at
katapusan ng kwento. Ang kakalasan ang
bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba
ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan
ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
 Wakas
Ngunit may mga kwento na hindi laging
winawakasan sa pamamagitan ng dalawang
huling nabanggit na mga sangkap. Kung
minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin
ang wakas para hayaan ang mambabasa na
humatol o magpasya kung ano sa palagay
nito ang maaring kahinatnan ng kwento.
 10 Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral
 Ang Tanging Hiling ni Buboy
 Trak ng Basura
 Ang Maya
 Liham
 Ang mga Tasa ni Prop
 Ang Sikreto ni Lolo Tonyo at Lola Iska
 Ang Kakaibang Hiling ng Mag-aaral ni Ginang Robles
 Kung Maibabalik lang ang Kahapon
 Ang Hindi Malilimutang Aral Mula sa Pintor
 Ambisyon
Mga Uri ng Maikling Kwento
 Mayroong 10 uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga
sumusunod:
 Kwento ng Kababalaghan
Ito ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
 Kwento ng Katatakutan
Ito ay aglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
 Kwento ng Katatawanan
Ito ay mga salaysayin na nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa
mambabasa.
 Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa naturang lugar.
 Kwento ng Madulang Pangyayari
Ito ang mga salaysayin kung saan binibigyang diin ang
kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
 Kwento ng Pag-ibig
Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tauhan sa kwento.
 Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng
pakikipagsapalaran.
 Kwento ng Sikolohiko
Ang salaysaying ito ay bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
 Kwento ng Tauhan
Dito inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng isang mambabasa.
 Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
Alamat

ang tawag sa pasalitang literatura na ipinamana pa sa


atin ng ating mga ninuno. Mga simpleng istorya ito
na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang
maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran.
Alamat

Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay


Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at sa
pinanggalingan ng mga hayop at halaman.

Ang alamat ay isang bahagi ng malawak na


kwentong bayan. Lalong nagkakahugis ang mga
ideya ng kapaligiran kung may mga ganitong
pasalitang literatura na naisusulat at naikukuwento sa
mga kabataan.
 Sinasabi na bukod sa nakaaaliw ito sa mga
mambabasa ay nakapagtuturo rin ito ng aral upang
makamit natin ang kabuuang kaunlaran.

May kasabihan tayong, "Ituro mo sa akin ang


bansang may mayamang alamat at ituturo ko sa iyo
ang bansang may kulturang ganap."
 Mga Halimbawa

Alamat ng Alagaw
Alamat ng Ampalaya
Alamat ng Apoy
Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin
Alamat ng Aso
Alamat ng Bahaghari
Alamat ng Batangas
Alamat ng Bawang
Alamat ng Bayabas
KWENTONG BAYAN – Sa araling ito inyong
matutunghayan ang ang mga pinagsama-samang
halimbawa ng kwentong bayan ng mga makatang Pilipino.
Ang mga halimbawa ng kwentong bayan Tagalog ay
nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga
sumulat.
Kwentong bayan o folklore sa Ingles ay may kahulugan na
mga salaysay mula sa kathang isip ng mga Pilipino. Ang
mga tauhan sa kwentong bayan ay kumakatawan sa pag-
uugali at mga turo ng mamamayan. Ito ay binuo upang
ipahayag ang mga sinaunang pamumuhay ng mga tao na
siyang naging gabay hanggang sa kasalukuyang
pamumuhay. Binubuo ito ng alamat, mito, parabula at
pabula na magandang basahin at kapupulutan ng leksyon.
 Ang kwento na pinamagatang Pinocchio ay isang
halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang
kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga
karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan
natin ng aral katulad sa tunay na buhay.
 Sa paksang ito, ating matutunghayan ang mga dula
halimbawa, kahulugan, elemento, sangkap, at ang mga
uri ng dula. Sa larangan ng panitikan isa ito sa kilala at
ginagawa o tinatanghal.
 Bahagi na ito ng ating kultura at kailangan magkaroon
tayo ng malawak na kaalaman tungkol sa dula. Kaya,
halina’t ating tunghayan sa ibaba ang halimbawa ng dula,
kahulugan, elemento, at ang mga uri nito.
 Ano ang Dula?
 Ang dula ay isang uri ng panitikan, na tinatawag
ding “drama” o “play” sa Ingles. Ito ay isang
paglalarawan na ginaganap sa isang teatro. Ito ay isang uri
ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming
tagpo.
 Ang bawat yugto nito ay mayroong maraming eksena na
tinatawag sa Ingles na “Stage Play,” dahil ang isang dula
ay itinatanghal sa isang entablado. Ang dula ay maaaring
hinango sa totoong buhay o kathang-isip lamang ng isang
manunulat.
 Dagdag pa rito, ang pinaka layunin ng dula ay
upang mapanood sa entablado, hindi lamang
basahin sa harap ng maraming tao. Ito ay upang
ipakita ang nilalaman ng buong kwento sa isang
manunuri ng dula upang maunawaan at
maintindihan ang nilalaman ng kwento.
Sangkap ng Dula
 Tagpuan
 Ang tagpuan ay ang panahon at pook kung saan naganap ang mga
mahahalagang pangyayari na isinaad sa isang dula.
 Tauhan
 Ang tauhan ay ang mga taong gumaganap sa isang dula at sila rin
ang nagbibigay buhay sa kwento. Sa mga tauhan umiikot ang mga
panyayari.
 Kakalasan
 Ang kakalasan ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga
problema at pagsasaayos ng mga suliranin at tunggalian.
 Kasukdulan
 Ang kasukdulan o tinatawag na “climax” sa Ingles, bahagi ito ng dula na
nagbibigay pagsubok sa mga tauhan. Dito mararamdaman ang bugso at matinding
damdamin at pinakasukdulan ang tunggalian.
 Tunggalian
 Ang tunggalian ay ang paglalaban ng mga tauhan sa dula. Ito ang nagbibigay
daan sa mga tagpo upang lalong maging kapana-panabik ang mga pangyayari.
 Sulyap sa suliranin
 Ito ang mga suliranin na kailangan solusyonan sa dula. Ito ay maaring makita sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari.
 Saglit na kasiglahan
 Ang pangyayaring ito ay ang mga sandaling nakatakas ang mga tauhan sa
suliraning nararanasan ngunit panandalian lamang.
 Ano ang mga uri ng Dula?
 Narito ang mga uri ng dula na naayon sa paksa o
nilalaman, kanilang kahulugan, at mga halimbawa nito.
 Trahedya
 Ang trahedya o kalunos-lunos ay ang mga dulang
tumutukoy sa pagkasawi o pagkamatay at hahantung sa
kabiguan ng mga pangunahing tauhan sa dula. Ang tema
nito ay mabibigat at nakakasama ng loob, nakakaiyak, at
nagwawakas na malungkot ang dula ngunit makabuluhan.
 Mga halimbawa:
 Moses, Moses
 Kahapon, Ngayon, Bukas(sarswela)
 Sinag Ng Karimlan
 Anghel ni Noel De Leon
 Jaguar
 Ang Trahedya Sa balay ni kadil na isinulat ni Don
Pagurasa
 Komedya
 Ang komedya o katatawanan ay mga dulang tumutukoy
sa masasayang kaganapan at nagbibigay kasiyahan o
katatawanan sa mga manonood. Hinggil ito sa mga
pagpapatawa ng mga tauhan at sa mga linyang
binibitaniwan ng mga ito.
 Ang mga tauhan sa ganitong uri ng dula ay palaging
nagtatagumpay. Ito ay mayroong magaan na tema.
 Mga halimbawa:
 Sa pula, sa puti
 Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan
 “Plop! Click” ni Dobu Kacchiri
 Melodrama
 Ang melodrama ay mga dulang tumutukoy sa nga kwento
na pawang laging may problemang kinakaharap ang mga
pangunahing tauhan sa dula. Subalit, mayroon naman
itong kasiya-siyang wakas.
 Tinatawag din itong “soap opera” na nagpapalabas ng
luha ng mga manonood dahil sa mga kahabag-habag na
mga pangyayari. Kadalasan, malulungkot ang mga
inilalapat na mga pananalita at damdaming ipinapahayag
ng mga tauhan at minsan namamatay ang pangunahing
tauhan sa dula.
 Mga Halimbawa:
 Sarin Manok ni Patrick c. Fernandez
 Maria Clara
 Parsa
 Ang parsa o saynete ay tumutukoy sa mga dulang
nagpapatawa sa pamamagitan ng mga salitang
nakakatawa. Pangkaraniwang ugali ang pinag-
uusapan dito at layunin ay ang magpapatawa
lamang.
 Halimbawa:
 Karaniwang Tao by: Joey Ayala
 Tragikomedya
 Ang tragikomedya ay tumutukoy sa mga dulang
pinaghalong katatawanan at kasawian o kalunos-lunos.
 The Merchant of Venice (ni William Shakespeare)
 The Cherry Orchard (ni Anton Chekhov)
 Waiting for Godot (ni Samuel Beckett)
 Ang Dulang Panradyo ito ay isang uri ng dula na
isinasagawa o isinasadula sa radyo. Dito ang
boses lamang ng mga tauhan sa isang dula ang ang
maririnig mo at at mga mga ibat-ibang tunog
katulad ng yabag ng mga tauhan, kalansing o
tunog ng mga kagamitan kanilang hinahawakan at
iba pa.
Ano ang mga elemento ng Dula?

 Aktor
 Ang aktor ay tumutukoy sa mga tauhan na gumanap sa dula at
nagsasabuhay ng iskrip. Sila ang mga taong bumibigkas at
nagsasalita ng mga linya sa ibat-ibang damdamin na napapanood sa
mga tanglahan.
 Sa maikling salita, sila ang mga taong nagbibigay buhay sa isang
dula.
 Dayalogo
 Ang dayalogo ay tumutukoy sa mga linyang binibitawan ng mga
tauhan sa dula. Ito ay mga indibidwal na pangungusap na
kailangang sabihin ng aktor kasama ang emosyon at kilos na
kailangan gampanan o angkop dito.
 Iskrip
 Ang iskrip ay tumutukoy sa mga nakasulat na dula, tinatawag itong
kaluluwa ng isang dula dahil walang dula kapag wala ito. Lahat ng
dula ay nakasalalay sa iskrip, dito makikita ang mga dayalogo ng
bawat aktor.
 Direktor o tagadirehe
 Ang direktor o tagadirehe ay ang taong nagpapakahulugan sa
iskrip ng dula. Siya ang taong nangangasiwa sa mga aktor, tagpuan,
kasuotan, hanggang sa paraan ng pagganap, at pagbigkas ng mga
tauhan, at iba pang kawani para sa isang dula.
 Tanghalan
 Ang tanghalan ay tumutukoy sa anumang pook na ginaganapan ng mga dula o
lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang dula. Maaring ito ay isang kalsada,
silid, o isang tahanan na napili sa kaganapan.
 Tema
 Ang tema ay ang paksa ng isang dula, dito maiintindihan ng mga manonood ang
istorya ng dula sa tulong ng mga pinagsama-samang mga pangyayari at
pagkasunod-sunod nito. Ipinahahayag ng mga aktor ang tunay na emosyon sa
tulong ng tema ng isang dula.
 Manonood
 Ang manonood ay ang mga taong dumadalo sa tanghalan upang makita o
mapanuod ang isang dula. Hindi magiging epektibo ang dula kapag walang mga
taga panood, sila rin ang nagbibigay halaga sa dula.

You might also like