You are on page 1of 6

EPIKO AT MGA ELEMENTO NITO

May 3, 2016

Ang epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsay ay sinasaliwan ito ng
instrumentong pang musika.  Mahaba ito, binubuo ng 1000 hanggang 5000 na linya.

Mga Epiko ng Pilipinas: Hudhud at Alim, Ibaloy, Ullalim, Ibalon, Maragtas, Hinilawod,


Agyu, Drangan, Biag ni Lam-ang
Mahahalagang Elemento ng Epiko:
 Sukat at Indayog
Indayog – diwa ng tula

Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa                                    


isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:
Epiko -> e-pi-ko – may tatlong panting 
Sukat -> su-kat  – may dalawang pantig
   Mga Uri ng Sukat:
   a.) Wawaluhin (8 pantig)

            Halimbawa:


              Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
    b.) Lalabindalawahin (12 pantig)
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
c.) Lalabing-animin (16 pantig)
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
    d.) Lalabingwaluhin (18 pantig)
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malaba
 Tugma – sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog.
 Taludturan – ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod nga isang tula. Tinatawag rin
itong saknong
 Matatalinghagang salita – ito ay tinatawag ring idyoma na may kahulugang taglay na
naiiba sa karaniwan. Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga ito.
Halimbawa:

pabalat bunga –  paimbabaw


likaw na bituka- kaliit-liitang lihim
mapaglubid ng buhangin-  sinungaling
kisap mata/ iglap – mabilis
isang tuka isang kahig- mahirap
 Banghay – ito ay pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari na maaring maging payak o
komplikado. Binubo ito ng simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.
 Tagpuan – ang tagpuan ay ang lugar at panahon ginanap ang mga pangyayari.
Nakakatulong ito sa pagbibigay-linaw sa paksa, banghay at mga tauhan.
 Tauhan – ang tauhan ang siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng mga
desisyon na nagpapatakbo ng epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng
supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan.

Ano ang Epiko?


Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang
naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng
mga tauhan. Tinatalakay din dito ang mga sinaunang paniniwala, kaugaliaan at mga huwaran ng
mamayan kung saan nagmula ang akda.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang “awit”. Ito ay hinango rin sa
salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”.

Dagdag pa, ito ay mahabang salaysay maaring bigkasin sa anyong patula o paawit. Maari din
itong sabayan ng ilang instrumento at maari din namang wala. Kalimitang binubuo ito ng 1,000
hanggang 55,000 linya.

Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at maaring umabot o
humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang macro-epic ay naglalaman ng
“micro-epic” o isang parte o bahagi kwento na maaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod
na kwento.

Mga Elemento ng Epiko


Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko:
 Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o
kompikado. Ang banghay ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na
kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.
 Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga salitang hindi nagbibigay
ng direktang kahulugan.
o Halimbawa:
 Balat sibuyas – mahiyain
 mapaglubid ng buhangin – sinungaling
 Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, may tiyak na
sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing pantig.
 Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari.
Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito
upang malinawan ang mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento.
 Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan
ay ang mga kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay
o angking kapangyarihan.
 Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod. Ito ay ang
pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng salita.
Mga Katangian ng Epiko
Ang epiko ay may mga katangian na gumagabay sa mambabasa upang mas madaling mabatid na
ang akdang kanilang binabasa ay nabibilang sa epiko. Narito sa ibaba ang ilan sa mahahalagang
katangian na dapat makikita sa isang akda o kwento:

1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng bayani. Tulad ng nabanggit sa


itaas, ang epiko ay tumatalakay sa pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga
makapangyarihang nilalang.
2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan. Karaniwang dinadagdagan ng “epithet”
ang mga pangalan ng tauhan upang mas matandaan ito ng mambabasa. Ang epithet ay pang-uri na
naglalarawan sa tao o bagay. Halimbawa: Mighty Achilles mula sa akda ni Homer.
3. May malawak na tagpuan. Hindi lamang sa iisang tagpuan at oras naganap ang kwento.
Maaring maganap ang istorya nito sa iba’t ibang parte ng mundo o maging sa buong kalawakan at
ibang mundo.
4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga tauhan.
5. Pagkakaroon ng supernatural na mga pangyayari. Hindi mawawala sa epiko ang mga
kabulabulalas na mga pangyayari tulad ng pakikisalamuha ng diyos sa mga tao. Naglalaman din ito ng
mga hindi kapanipaniwalang mga pangyayari.
6. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga mortal na tao. Sa pakikisalamuha ng
mga diyos sa mga tao, laging pinapakita ang kalamangan ng mga ito sa mga kayang gawin ng mga
tao.
7. May mga bayahing nagsisilbing modelo at huwaran sa mga mamayan. Ang epiko ay ginawa
upang maging inspirasyon ng mga katutubo para ipaglaban ang tama. Ang mga bayani sa uri ng
panitikang ito ay nagpapakita ng mga katangian tulad ng pagiging matapang at pagkakaroon ng
paninindigan na nagiging dahilan upang tularan sila ng mga tao.
8. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita. Isa rin sa mga katangian ng epiko ang
pagkakaroon ng matatalinhagamg salita kung saan napapagana ang isip ng mga mambabasa sa kung
ano ba talaga ang ibig ng mga salitang nakapaloob sa akda.
Mga Halimbawa ng Epiko
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng epiko ng Pilipinas at sa mundo. Ang mga kwentong ito ay
nagpapakita ng mga kabulabulalas na pangyayari at nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan.
Halimbawa ng Epiko sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan lalo na pagdating sa Epiko. Ang bawat rehiyon sa ating
bansa ay mayroong maipagmamalaking sarili nilang kwento ng kabayanihan at ilan dito ay
mababasa mo sa ibaba (pamagat lamang):
Epiko ng Luzon
 Biag ni Lam-ang – Nagmula sa lalawigan ng Ilocos.
 Hudhud: Kwento ni Aliguyon – Nagmula sa probinsya ng Ifugao.
 Ibalon (Bicol)
 Kudaman (Palawan)
 Manimimbin (Palawan)
 Ullalim (Kalinga)
 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon ( Epic from Panay)
Epiko ng Visayas
 Labaw Donggon
 Maragtas
Epiko ng Mindanao
 Bantugan
 Darangan (Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
 Agyu
 Bidasari
 Olaging (Bukidnon)
 Sandayo (Zamboanga)
 Tudbulul
 Tuwaang
 Ulahingan
 Ulod
Halimbawa ng Epiko ng Mundo
Marami ding kwento ang tumatalakay sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan ang
nailimbag sa iba’t-ibang parte ng mundo. Narito sa ibaba ang ilan sa mga halimbawa ng epiko na
nakilala ng husto sa buong mundo.

 EPIKO  
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga
kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking
epiko.

Mahahalagang Elemento ng Epiko


Ang epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsan ay sinasaliwan ito ng
instrumentong pangmusika. Binubuo ang epiko ng 1,000 hanggang 55,000 na linya kaya maaring
abutin ng ilang oras o araw ang pagtatanghal nito.
Ang epiko na tulang pasalaysay ay may mga elemento kagaya ng sumusunod:
 Sukat at Indayog
 Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa                                
bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa                           bawat
taludtod ay maaaring maging wawaluhing pantig(8),                            
lalabindalawahing pantig(12), lalabing-animing pantig(16),                    
lalabingwaluhing pantig(18). Isinasaayos ang epiko sa paraang maindayog o maaliw-
iw.
 Tugma
 Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dulompantig ng              
mga taludtod. Tinatawag itong tugma.
 Taludturan
 Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng isang tula ay tinatawag                
na taludturan. Karaniwang apat na taludtod ang bumubuo sa isang                            
taludturan o saknong.
 Matatalinghagang Salita
 Ang epiko ay ginagamitan ng matalinghangang salita o idyoma. Ang mga ito ay
may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan
ang mga idyoma.
 Banghay
 Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng pagkakaugnay-              
ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari itong payak o                                    
komplikado. Makikita rin na maraming mga pangyayari sa epiko ang                      
hindi kapani-paniwala o hindi makatotohanan.
 Tagpuan
 Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw                
sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
 Tauhan
 Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di                    
pangkaraniwang kapangyarihan.

Elemento ng isang Epiko

Sukat at Indayog - ito ang tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod

Tugma- ang epiko ay sinasabing may tugma kung ang mga huling pantig ng bawat taludtod nito ay
magkakasintunog o magkakahawig ang tunog nito.

Taludturan- ito ay pagpapangkat ng mga talutod ng isang tula. Saknong ang isa pang tawag dito.

Matatalinhagang salita- na tinatawag ding idyoma.


Baghay- ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Na binubuo ng panimula, saglit na kasiglahan,
kasukdulan, kakalasan at wakas.

Tagpuan- ito ay ang lugar kung saan nagaganap o ginanap ang pangyayari.

Tauhan- ang mga tauhan ang siyang kumikilos sa isang epiko. Na maaring ang mga tauhan dito ay may
taglay kakaibang o di pangkaraniwang kapangyarihan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/382825#readmore

You might also like