You are on page 1of 5

FILIPINO 6 - UNANG MARKAHAN

ARALIN 1
Ang Kabayo at ang Pulang Tandang
May isang matangkad na kabayo.
Lagi niyang sinasabing, "Isang
Kasiyahan ang maging mataas.
Oh, talagang maganda na maging
matangkad." "Ah, hindi. Mas
magandang maging maliit lamang.
Sa totoo lang, mas mainamang maging
maliit," ang sambit ni Pulang Tandang.
"Sige nga, tayo'y
maglakad at malalaman natin," agad
naming tugon ni Kabayo.
Sa kanlang paglalakad, nakakita sila ng isang pader. Maraming puno sa may gilid nito. Talagang alaga
sa pataba ang mga puno dahil sa malalabay nitong dahon. Kaya nga, gustong gusto itong dapuan hindi lang ng

Bakit kaya ito ginawa ni Kabayo? Ano ang binabalak niyang gawin?

iisang ibon kundi ng kawan ng mga ito. Agad na tumakbo si Kabayo palapit dito.
Kinain nang kinain ni Kabayo ang mga dahon nito habang titinga-tingala lamang sa kaniya si Pulang
Tandang. "Tingnan mo, sabi ko na sa 'yo, mas magandang maging matangkad," ang sabi ni Kabayo nang
lumapit siyang muli kay Pulang Tandang. "Lumakad pa tayo sa banda roon, malalaman pa natin," ang sabi ni
Pulang Tandang.
Napatigil ang dalawa sa kanilang paglalakad. Sa bandang unahan nila'y may isang napakataas na pader.
Bagaman matangkad si Kabayo, hindi ito sapat para masilip ang nasa likod niyon. Nilibot ni Pulang Tandang

Sa palagay mo, ano kaya ang nakita ni Pulang Tandang?

ang bahagi ng napakataas na pader. Napatilaok siya sa tuwa nang may makita siya sa ibabang bahagi nito.
Pilit na isiniksik ni Pulang Tandang ang sarili sa butas na nasa ilalim. Tumambad sa kaniya ang isang
malawak na gulayan. Nanlaki ang mata niya dahil isang malaking greenhouse pala ang pinalilibutan ng pader na
iyon. Taniman ito ng iba't ibang klase ng gulay. Isang hanay ang tinataniman ng broccoli, sa tabi naman nito'y
naglalaparang cauliflower. Lumalabas na rin sa lupa ang mga bahagi ng mga carrot at mga labanos.
Nagpupulahan din at mabintog na mabintog
ang mga bell pepper. Malapit dito ang berde at mahahabang sili. Tuwang-tuwa siyang kumain at kumahig nang
kumahig sa hardin habang si Kabayo ay matiyagang naghihintay sa kabilang panig ng pader.
“Ano masasabi mo? Hindi ba’t maganda ring maging maliit?” ang masayang tanong niya kay Kabayo
nang makalabas muli sa butas. Inilarawan niya sa kaibigan ang mga nakita sa likod ng mataas na pader.
Humalinghing si Kabayo at saka nagwika. “Alam mo ba’ng naiisip ko? Sa palagay ko, dapat tayong
maging masaya kung anong buhay ang hinaharap natin ngayon. Kung sino at anong kakayahan mayroon tayo.
Dito natin makikita ang maaari nating magawa na hindi nakikipaglamangan sa iba.
“Tama ka, aking kaibigan.” Ang masiglang sang-ayon ni Pulang Tandang. Mula noon, naging matalik
silang magkaibigan. Naging langit para sa kanila ang kanilang samahan.

ARALIN 2
Ang Naguguluhang Galunggong
Lumalangoy-langoy si Gigi sa dagat habang naghahanap ng mga sagot sa katanungan na ibinigay ng
kaniyang guro sa klase. Marami-rami na rin ang mga tanong ng guro kahit na halos wala pang isang buwan
nang magsimula ang klase sa Paaralan ng Pulang Basura.
"Magandang araw, Aling Maya-maya!" wika ng batang galunggong kay Aling Maya-maya, ang kilalang
manininda ng arosep sa kanilang pamayanan. bang "Napadaan ka, Gigi. Ano'ng atin?" tanong ng tindera. "Ah,
kasi may takdang-aralin po kami sa eskuwelahan," wika ng bata. Binanggit ni Gigi ang takdang-aralin tungkol
sa lawak ng karagatan sa mundo. "Gigi, paumanhin. Kaunti pa lang ang nalalangoy ko sa ating pamayanan.
Takot akong pumunta sa madilim na bahagi ng ating lugar. Hindi ko alam ang kasagutan sa iyong tanong.
Maaari kang pumunta sa lugar ni Mang Sapsap," wika ni Aling Maya-maya. Agad na tumungo sa pagupitan ng
kaliskis ni Mang Sapsap si Gigi. "Magandang araw, Mang Sapsap! Puwede bang magtanong sa inyo?" wika ni
Gigi.
Ibinaba ni Mang Sapsap ang hasaan sa tukador at
tumingin kay Gigi. Tinanong niya ang tanong ni Gigi at
magiliw naman itong sinabi ni Gigi. Umiling lang si Mang
Sapsap sa tanong ni Gigi. "Sa iba ka na lang magtanong Gigi,
hindi ko alam ang sagot. Simula pa nang ipinanganak ako ng
aking ina, dito na ako namuhay, hindi ko hinangad na lumayo
pa. Mabuti siguro kung pumunta ka sa mga kapulisan at
maaari mong itanong ito," wika ni Mang Sapsap.
Agad naming pumunta si Gigi sa presinto. Naabutan niya
sina Tinyente {usit, Kapitan Hiwas, at ilan pang kababayan sa
karagatan.
"Magandang umaga sa inyo, Tenyente Pusit at Kapitan
Hiwas! Sa inyo rin, Ate Imelda at Kuya Lapulapu. Sino po ba rito ang ang nakalangoy na sa pinakamalayong
bahura sa ating karagatan?"
"Ako! Nakapagpatrol na ako sa pinakamalayong kabihasnan sa katubigan!" pagmamayabang ni Tenyente
Pusit. tanong ni Gigi.
"Gaano naman po kalayo ang napuntahan ninyong bahura?" tanong ni Gigi. Hindi nakasagot si Tenyente
Pusit. Nag-isip siya nang malalim, nagtataka, at hindi lubos masukat ang lawak ng napuntahang bahura. "Hindi
ko na masukat, Gigi. Basta sobrang layo nito," wika ni Tenyente Pusit.
"Para saan ba ang iyong itinatanong mo, Gigi?" nagtatakang tanong ni Kapitan Hiwas. "May takdang-aralin
po kami sa Paaralan ng Pulang Bahura," wika ng batang galunggong. "Kailangan naming malaman ang lawak
ng karagatan, at kung saan ang pinakamalalim. Kailangan naming kapanayamin ang mga may edad na para
malaman ang sagot," nagtatakang sambit ni Gigi.
Nag-usap-usap ang naroon sa piitan. Naghuntahan sila kung sino ba ang maaaring mapagtanungan ni Gigi.
Kailangan naming malaman ang lawak ng karagatan, at kuns naming kapanayamin ang mga may edad na para
malaman ang sagot," Gigi. Nag-usap-usap ang naroon sa piitan. Naghuntahan sila kung sino ba ang maaaring
mapagtanungan ni Gigi.
"Pumunta ka sa aklatan sa Bahurang Bughaw. Naroon ang sagot. Malaki ang maitutulong ni Ginoong
Alimango sa 'yo," wika ni Kuya Lapulapu na sinang-ayunan naman agad ni Ate Imelda. "Subalit tanghaling-
tapat na! Baka hanapin ka ng iyong ina," pahabol pa ni Ate Imelda.
"Nagpaalam po ako kay Ina. Maraming salamat sa inyo! Agad na akong pupunta!" masayang sambit ni
Gigi.
Naglalangoy na siya tungo sa aklatan. Hindi niya maubos-maisip kung gaano kalaki ang karagatan. Hindi
niya namalayang nasa pinto na siya ng aklatan. "Magandang araw, Ginoong Alimango!" bati ni Gigi.
"Magandang araw rin, Gigi. Ano'ng atin?" wika ni Ginoong Alimango. "Nais ko po sanang malaman ang
lawak ng karagatan at ang pinakamalalim na bahagi nito," wika ni Gigi. "lyon lang ba? Halika, samahan mo ako
sa loob at kunin natin ang Libro ng Karagatan," wika ni
Ginoong Alimango.
Lawak ng Pinakamalalim
Nang makuha na ang libro, nakita na ni Gigi ang karagatan=
sagot. Nakuha na niya ang sagot sa kaniyang tanong. na bahagi=
3.6 X 108KM2
10,994METRO
"Maraming maraming salamat po, Ginoong
Alimango! Ibabahagi ko ang kaalaman sa aking mga
kasamahan at kakilala sa aming lugar," wika ng isda.
Pauwi sa bahay-bahura ni Gigi, nasalubong niya ang
matatandang napagtanungan at sinabi ang kasagutan sa
kaniyang tanong.

PALALIMIN.
Magbigay ng hinuha o reaksyon sa kwento. Gamitin at salungguhitan ang mga natutunang kayarian ng
pangngalan.
"Limang Piso" ni Maria Cupida
(Fall in Arts Community)
"Tatay!"
Madungis at patpatin, lumapit ang gusgusing bata sa isang matandang naka-upo sa
pinagtagpi-tagping karton, sa tapat ng isang saradong tindahan na nagsilbi naring silungan nila.
"O anak, nakarami ka ba ngayon?" ani ng isang matandang halos hindi na makatayo sa
dinadaing nitong sakit ng tiyan.
"Tatay, ito lamang po ang aking nakuha." inilahad ng bata ang kanyang madungis na
kamay sa kaniyang ama. "Isa... dalawa... tatlo... apat... ano nga po ang kasunod?" tanong ng
bata sa pagitan nang kaniyang pagbibilang.
"Ah, lima! Mayroon akong limang pisong nakuha ngayon!" natutuwang banggit ng bata.
Mapait na napangiti ang matanda sabay haplos sa buhok ng maruming bata "Salamat,
anak."
"Tatay, bakit po iilan lang ang naglalakad ngayon?" nagtatakang banggit ng bata. "Tapos
nakatago pa yung mga mukha nila. May mga pulis din na nakakalat sa bawat kalsada kaya
medyo nahirapan akong manlimos ngayon."
"Hindi ko rin alam, 'nak." pilit na tumayo ang matanda mula sa pagkaka-upo at naglakad sa
tahimik na kalsada patungo sa isang tindahang madalas nilang pagbilhan ng biskwit.
"Pano iyan 'tay? sarado po ang tindahan." tanong ng bata sa kanyang ama na ngayon ay
nakatingin sa isang pahina ng dyaryo na nasa kanilang paanan.
Pinulot ito ng matanda at pinagmasdan ang mga titik na nasa papel. Tahimik at marahan
nitong binasa ang mga ulat na naroon.
"Social Distancing, adbiso ng gobyerno upang maka-iwas sa Covid-19"
"Metro Manila, sumailalim na sa enhanced community quarantine dahil sa patuloy na
pagkalat ng sakit na Covid-19"
"Mga nagpositibo sa sakit, umabot na sa 210 katao."
"Tatay, ano pong sinasabi diyan?" tanong niya sa kanyang ama.
"Wala anak, halika maghanap nalang tayo ng ibang tindahan." payak na ngumiti ang
kanyang ama ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay ang nagbabadyang luha bunga ng takot
at mga katanungang hindi alam kung kailan mabibigyang kasagutan.

ARALIN 3
Si Goy Unggoy at Si Aling Pat Paruparo
Si Goy ay isang lalaking unggoy na naninirahan sa
kabundukan ng Masinag. Tuwang-tuwa siya dahil siya lamang
ang unggoy na naninirahan sa kabundukang iyon. Wala siyang
pamilya kaya kung saan-saang bahagi ng kabundukan siya
napapadpad. Maraming prutas at gulay sa paligid kaya naman
sagana sa pagkain si Goy. Walang ginawa si Goy kundi ang
kumaiin nang kumain habang nagpapalipat-lipat sa mga puno.
Wala siyang pakialam kung saan man niya itapon ang
kaniyang mga pinagbalatang prutas.
Isang araw, kinausap siya ni Aling Pat na isang paruparo.
"Goy, maaari bang itapon mo naman sa tamang tapunan ang
mga pinagkainan mo?" mahinahong wika ni Aling Pat. "Tingnan mo, puro langaw na sa paligid dahil sa mga
balat ng mga prutas na nakakalat," paliwanag pa nito.
"Ako? Ako ang pupulot ng mga kalat na iyan?" paasik na sagot ni Goy.
"Kung gusto mo, ikaw ang pumulot sa mga kalat na iyan at huwag mo akong pakialaman kung saan ko
gustong itapon ang mga ito!" pabulyaw na sagot ni Goy at nagpalipat-lipat sa mga baging upang makarating sa
puno ng manggang hitik na hitik sa bunga.
Napailing na lamang si Aling Pat sa inasal ni Goy. "Ang lahat ng basurang iyong itinapon ay babalik din
sa iyo balang araw," sabi ni Aling Pat sa sarili habang pinagmamasdan ang aroganteng unggoy na nanginginain
ng mga bunga ng mangga.
Lumipas ang mga araw, patuloy sa ganoong pamumuhay si Goy. Ang dating malinis na kabundukan ay
napuno na ng mga basura-puro nabubulok na balat ng mga prutas at gulay ang makikita sa paligid. Nagkalat na
rin ang napakaraming langaw at nawala ang sariwang hangin sa kabundukan.
Isang araw, dinapuan ng malubhang karamdaman si Goy. Hindi siya makaakyat sa itaas ng puno dahil
hindi kaya ng kaniyang katawan. Nanatili na lamang siya sa ilalim ng puno na pinamumugaran ng mga langaw.
"Bakit ba ang daming langaw dito?" tanona ni Gov sa sarili "Ang baho!" sabay ang takip sa ilong dahil
sa nakasusulasok na ámoy sa paligid. “Bakit ka nagtataka?" sagot ni Aling Pat. "Kagagawan mo ang lahat ng
iyan, Goy!"
“Tulungan mo ako, Aling Pat," pagmamakaawa ni Goy sa paruparo. "Hinding- hindi na ako magkakalat,
ganito pala ang kalalabasan ng pagiging pabaya sa kapaligiran," sising-sising wika ni Goy.
"Anihin mo, Goy, ang lahat ng iyong ginawa," mariing wika ni Aling Pat.
"Walang hayop na tutulong sa iyo. Lahat sila ay lumikas na upang hindi madapuan ng sakit na
nagmumula sa maruming kapaligirang ikaw mismo ang may gawa," pagkasabi nito ay lumipad na si Aling Pat
at iniwang nagsisisi si Goy.
"Kung nakinig lamang sana ako kay Aling Pat, hinding-hindi ito mangyayari sa akin," malungkot na
wika ni Goy sa sarili.
ARALIN 4
Unang Araw ng Klase
Dalawang araw bago magpasukan, abalang abala si Joshua sa paghahanda ng
kaniyang mga gamit. Kompleto na ang mga dapat na mayroon siya bago pa man
magsimula ang klase. Nakapamili na sila ng mga inilistang gamit ng nanay niya noon pa
mang ineenrol siya sa Mababang Paaralan ng Lalan. Nilagyan na niya ng pangalan ang
lahat, mula sa manila paper hanggang sa pinakamalit na pambura. Pati ang mga notebook
ay may kani-kaniyang kulay na laan para sa bawat asignatura. Nakasulat na ito sa
blackboard kaya alam na kung aling kulay ang para sa anong asignatura. Inilagay na niya
ito sa kaniyang bag. Bibitbitin na lamang niya ito kinabukasan. Nasasabik na rin siyang
makilala ang magiging guro at mga bagong kaklase sa Grade 6. Bago sa kaniya ang
paaralan. Transferee siya. Kailangan kasi nlang lumipat ng tirahan dahil sa trabaho ng
kaniyang ama. Dahil masyadong malayo ang nilipatan sa dati niang pinapasukan, kailangan din niyang lumipat
ng paaralan. pinangako niya sa sarling gagawin niyang masaya ang huling taon niya sa elementarya kahit bago
ang kaniyang kapairn. Mag-aaral siyang mabuti at makikisangkot sa mga Gawain ng paaralang papasukan gaya
ng dati.
Umaga noon. Unang araw ng pasukan. Nakabihis na si Joshua ng uniporme. Makintab ang itim na
sapatos bagaman ito na rin ang ginamit niya noong nakaraang taon. Hindi masasabing luma. Palibhasa kasi,
alam niyang kailangan niyang ingatan ang kaniyang mga gamit. Karagdagang gastos kung magpapabili pa siya
ng bago. Batid niyang hindi kalakihan ang kita ng kaniyang mga magulang kaya sa sarili niyang paraan, nais
niyang makatulong sa kanila. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa kaniyang repleksiyon.
Handa na talaga siya!
Sa loob ng klase ng Grade 6-Kahusayan, nasa kani-kanila nang upuan ang mga mag-aaral. Naging
mapagmasid si Joshua sa paligid. Nais niyang maging pamilyar sa kaniyang bagong kapaligiran. Nasa unahan
ang gurong si Bb. Jimenez. Abala na sila sa pagsulat at pagsagot dahil mayroon na silang paunang gawain sa
klase. Magpapakilala sila nang isa-isa batay sa sarbey na ipinagawa sa kanila sa isang malinis na papel.
Nilalaman ng sarbey ang sumusunod: pag-alam sa kung ano ang kinahihiligan at mga ayaw nilang gawin sa
paaralan, mga ginagawa nila sa bakanteng oras, mga paboritong babasahin, mga gustong aktibidad,
kinahihiligang isports, paboritong asignatura, at ang mga nais pa nilang matutuhan sa kabuoan ng pagtigil nila
sa paaralan. Hinikayat din silang magbahagi ng dati na nilang ginawa noong nakaraang taon na nakatulong sa
pag-unlad nila bilang mag-aaral.
Pagkatapos ng inilaang oras para sa pagsago nag-umpisa nang magtawag si Bb. Jimenez ng mge
magsasalita sa unahan. Matamang nakikinig si Joshua sa kaniyang mga kaklase. Gusto niyang makilala ang
mga ito. Palibhasa'y bago siya sa lugar kaya nais niyang magkaroon
ng maraming kaibigan.
Tinawag na ni Bb. Jimenez ang pangalan ni
Joshua. Siya naman ang magbabahagi. Laman ng
kaniyang mga binanggit ang mga nakalagay at hinibingi
sa sarbey. Ibinahagi niya ang pagiging kasapi ng
Supreme Pupil Government (SPG) sa dati niyang
paaralan noong siya ay nasa Ikalimang Baitang-
Ibinahagi niyang napakaraming bagavang itinuro sa
kaniya ng SPG. Natuto siyang maging mabuting
tagasunod at mahusay na lider ng sPG, Siva ang nahalal
na mayor ng organisasyon ng mga mag-aaral.
Samantalang ang iba naman sa kaniyang kaklase ang
bise, kalihim, ingat-yaman, auditor, public information
officer, peace officer, at ang tigdalawang konsehal mula
sa Ikatlo hanggang Ikaanim na Baitang. Siya at ang
kaniyang mga kasamang mag-aaral ang tumatayong lider sa buong paaralan. Pinangangasiwaan nila ang mga
aktibidad na may layuning paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Ikaanim na
Baitang. Katuwang sila ng pamunuan at mga kawani sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga proyektong kapaki-
pakinabang sa mag-aaral at sa buong paaralan. Inilahad din niya ang mga naisagawa nilang mga proyekto tulad
ng pagtulong sa Brigada Eskwela kasama ng maraming magulang, mga Clean and Green Project gaya ng
pangongolekta ng mga papel tuwing araw ng Biyernes para ibenta sa junk shop. Ang perang naiipon nila rito ay
ibinili nila ng pintura bilang kampanya sa Anti-Vandalism nilang proyekto. Sa tulong din ng lokal na
pamahalaan, nakapagsagawa sila ng Anti-Bullying Campaign at Leadership Seminar sa kanilang paaralan pati
na rin ang makailang beses na feeding program tuwing Buwan ng Nutrisyon. Ang mga gawaing ito ay humulma
sa kaniyang karakter bilang isang responsableng indibidwal. Napakarami niyang natutuhang pagpapahalaga
hindi lamang sa kaniyang paaralan kundi maging sa komunidad na kinabibilangan niya. Masaya at buong
kababaang-loob niyang tinapos ang pagpapakilala at pagbabahagi. Ipinahayag niya na buong puso rin siyang
maglilingkod sa Mababang Paaralan ng Lalaan bilang pangalawa niyang tahanan at nangakong magiging
huwarang mag-aaral lalo na sa kanilang klase.
Natapos ang unang araw ng klase. Masayang-masaya ang pakiramdam niya dahil sa magandang
panimula ng klase. Nagkaroon siya ng pagkakataong makilala ang mga ugali, kakayahan, at ilan pang mga
katangian ng kaniyang mga kaklase. Batid niyang sa susunod pang mga araw, mas magiging makabuluhan ang
kaniyang pag-aaral.

ARALIN 5
Bakit ang Araw at ang Buwan ay Nasa Kalawakan?
Noong unang
panahon si
Araw at si
Buwan ay
naging mag-
asawa. Isang
araw, naisipan
nilang
imbitahan ang
kanilang kaibigan na si Dagat na maghapunan sa
kanilang tahanan.
“Ginoong Dagat, kami ay maghahanda ng masarap na pagkain sa aming
tahanan at nais ka naming imbitahan," sabi ni Araw.
“Kayo ba ay nakatitiyak na magkakasiya ako sa inyong
tahanan? Ako
ay lubhang
malapad at
malaki,
siguradong
kukulangin
ang espasyo
ng inyong
tahanan para
sa akin," sagot ni D agat.
"Huwag kayong mag-alala, Ginoong Dagat, sapat ang laki ng aming tahanan para sa iyo. Hindi ka
magkakaroon ng anumang problema," pagtitiyak ni Buwan.
Nang dumating na ang oras ng pagbisita ni Ginoong Dagat kasama ang
kaniyang pamilya ay dali-daling tumaas ang tubig sa tahanan nila Araw.
"Ito na nga ba ang sinasabiko sa mag-asawa. Nabigla sila sa kanilang desisyon. Hindi nila inaasahan na
maaaring malubog sa tubig ang kanilang tahanan kung sakaling hindi tayo magkasiya," wika ni Dagat sa
kaniyang pamilya. Walang nagawa sina Araw at Buwan kundi umakyat sa kanilang bubong. Ngunit, patuloy pa
rin ang pagtaas ng tubig.
"Hindi ko akalain na lalamunin ng tubig ang ating tahanan. Inaaasahan kong sapat ang espasyo ng ating
bahay upang magkasya ang ating mga bisita," pagsisising wika ni Buwan.
Walang nagawa si Araw at si Buwan kundi ang umakyat nang umakyat paitaas hanggang sa maabot nila
ang kalawakan. Magmula noon ay mapayapang namuhay sina Buwan at Araw sa kalawakan.

You might also like