You are on page 1of 12

Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid

May dalawang dagang magkaibigan, sina Dagang Bayan at Dagang Bukid.


Magkalayo ang kanilang mga tirahan subalit patuloy pa rin ang kanilang
pagkakaibigan.
Isang araw, dinalaw ni Dagang Bayan si Dagang Bukid.

“Napakalayo ng lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo,” ani


Dagang Bayan.

“Wala akong pagkain dito. Halika, maghanap tayo,” sagot ni Dagang Bukid.

“Ano? Maghahanap pa tayo?” di-makapaniwalang tanong ni Dagang Bayan.

“Oo, ganyan talaga rito sa bukid. Hahanapin mo muna ang iyong kakainin,”
malumanay na sagot ni Dagang Bukid.

Naglakad silang dalawa. Sa may daan, nakakita sila ng supot. Dali-dali nila
itong binuksan.

“Tinapay! Masarap na tinapay!” sabi ni Dagang Bayan.

“Teka, akin ‘yan. Ako ang unang nakakita r’yan,” sabi naman ni Dagang Bukid.

“Para walang away, hati na lang tayo,” mungkahi ni Dagang Bayan. Tango
lamang ang tugon ng kanyang kaibigan.

Hinati ni Dagang Bayan ang tinapay. Iniabot niya ang maliit na bahagi kay
Dagang Bukid.

“Naku, hindi pantay ang pagkakahati mo,” reklamo ni Dagang Bukid.

“Oo, nga ‘no? Bawasan natin,” sagot ni Dagang Bayan, at pagkatapos ay


kinagatan niya ang mas malaking bahagi.

“Naku, lumiit naman itong isa,” sabi ni Dagang Bukid.

Kinagatan naman ni Dagang Bayan ang kabilang bahagi ng tinapay.

“Naku, lumiit nang pareho,” himutok ni Dagang Bukid.


“Para walang problema, akin na lang lahat ito. Ang susunod nating makikita ay
sa iyo naman,” sabi ni Dagang Bayan sabay subo sa lahat ng tinapay.

Dito nakahalata si Dagang Bukid.

“Niloko mo ako! Paano kung wala tayong makitang pagkain?” pagalit niyang
wika kay Dagang Bayan.

Dahil dito, nag-away ang magkaibigang daga at ang kanilang pagkakaibigan ay


tuluyang naglaho.

Aral

 Huwag maging tuso sa kaibigan.


 Ang talino ay dapat gamitin sa tamang paraan at hindi para lamangan ang
iba.

https://pinoycollection.com/si-dagang-bayan-at-si-dagang-bukid/

Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa at Daga?

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at


nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at
animo’y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting
magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at
nagtutulungan sa kani-kanilang mga suliranin. Subalit ang lahat ng ito ay nasira
dahil lamang sa isang pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng
kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil
naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa
pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan
kung ligtas ang kaniyang amo.
Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang
nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan
ng bahay.

“Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at


pusa,” bulong ng daga sa sarili.

Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang wala na ang iniwang buto.
Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto.
Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang aso sa
paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa
kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha
ng daga ang buto para masolo niya ito.

Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang daga
ngunit hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya’t ang
buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling tumakbo hanggang sa likod ng
bahay.

“Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila dito. Siguro mamaya ay magkakasundo na


rin sila at masaya naming pagsasaluhan itong buto,” bulong ng asong
humihingal.

Dahil sa pagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng dalawang


kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng
daga at ng pusa.

Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sa galit nang ito ay dumating sa kinaroroonan
ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakain ng mag-isa. Bigla niyang inangilan
ang aso. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng
katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng aso
at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa na
kapwa may tanim na galit sa isa’t-isa. Iyon na ang simula ng kanilang pagiging
magkaaway.

Magmula noon, sa tuwing makikita ng aso ang pusa ay kinakahulan niya ito.
Ang pusa naman ay di padadaig. Lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At
sa tuwing makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa
takot ang daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang
doon kapag wala na ang pusa.

Aral
 Huwag makikipag-away.
 Kung may hindi pagkaka-unawaan, ayusin ito sa maayos na paraan.
 Makipag-usap ng mahinahon at huwag agad magsakitan.
https://pinoycollection.com/bakit-laging-nag-aaway-ang-aso-pusa-at-daga/

Ang Kabayo at ang Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon
niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw.
Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang
oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa
bigat ng kanyang pasang gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa
iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng
kalabaw.

“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,”
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.


Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag
ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,”
pakiusap pa rin ng kalabaw.

“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal
at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya’y pumanaw. Nang
makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan
ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging
napakabigat ng kanyang mga dalahin.

“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat


ang pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.
Aral

 Maging matulungin sa kapwa.


 Kung may kakayahan kang tumulong ay huwag mong ipagdamot ito sa
iba. Malaking pasanin ang gagaan kung tayo ay magtutulungan.
 Huwag maging makasarili.

https://pinoycollection.com/ang-kabayo-at-ang-kalabaw/
Ang Buwaya at Ang Pabo
Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang
ng Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang
ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan


niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan
sa kanyang harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang
kahilingan. Nakinig ng mabuti ang makiring pabo, at sinumulang suriin ang
anyo ng buwaya.

Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin


lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging
pinakamasayang asawa sa buong mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng
pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong pagpipitagan,
gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang


diyamante at ang magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap
niya ang alok nitong pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon


ay hindi daw madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod
naman ng mangmang na ibon ang kahilingan ng buwaya.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim


na buwaya ang kanyang bagong asawa.

Aral:

 Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay


parang lason sa katawan na nakamamatay.
 Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman na
huwad ang kalooban.
 Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim
ay siya mo ring aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw
ay babalik rin sa iyo ang pangit na itinanim mo.
 Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong
mabuti at ng makailang ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong
pagsisihan sa bandang huli.
 Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning
maigi ang taong nais pakasalan.

Ang kwentong pabula na “The Crocodile and the Peahen” ay isinalin sa


tagalog ni Damiana L. Eugenio ng Kapitbisig.com
https://pinoycollection.com/ang-buwaya-at-ang-pabo/

Si Alitaptap at si Paruparo
May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong
nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.

Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang


sigaw ni Paruparo)

Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat
ng araw at maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang
kaawaawang Paruparo)
Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si
Gagamba. Lumapit siya kay Paru-paro)

Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay.


Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)

Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na


ang kasama kong kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom
na si Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may
napansin siyang papalapit na pakislap-kislap na liwanag)

Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan? Napaano ka at kawag ka nang kawag?

Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng


isang batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad
dito. Hindi ko kayang tumindig na mag-isa upang lumipad. Maaari bang
tulungan mo ako?

Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan pang
sandali ay dumating ang maraming alitaptap).

Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking


dalangin. Kaybuti ng inyong kalooban…

Alitaptap : Walang anuman, kaibigang Paruparo. O sige, aalis na kami.

Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak.


Salamat na muli.

Aral:

 Makikilala mo kung sino ang iyong tunay na kaibigan sa oras ng


kagipitan.
 Huwag mag-atubiling tumulong kung may kakayahan. Mas maigi ang
nagbibigay ng tulong kaysa ikaw ang tinutulungan.

https://pinoycollection.com/si-alitaptap-at-si-paruparo/
Si Haring Tamaraw at si Daga
Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki,
mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan,
nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagod.
Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga.
Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga
ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring
Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan
ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang
paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang
parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw.
Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y makatulong kay
Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring
Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.
Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa
kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli
ng malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring
Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi
malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain.


Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw
sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga.
Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.ng
Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis
at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na


pagad. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga.
Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga
ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring
Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan
ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang
paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang
parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw.
Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y makatulong kay
Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring
Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa


kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli
ng malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring
Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi
malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain.


Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw
sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga.
Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

Aral:
 Huwag gumanti o humatol ng mabilis sa kapwa. Matutong magpatawad.
Hindi mo hawak ang panahon. Malay mo, ang taong itinuturing mong
kaaway ay siya palang magliligtas sa iyo sa kapahamakan balang araw.

https://pinoycollection.com/si-haring-tamaraw-at-si-daga/

Ang Madaldal na Pagong


Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang
magkakaibigan. Sila ay si Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa.
Nagkuwentuhan sila at di-nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa.

“Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog”, pakiusap ni


Pagong Daldal.

“E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka


makakalipad?” wika ni Abuhing Gansa.

“Oo nga ano”, wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.

“Teka, may naisip ako”, wika ni Puting Gansa. “Maisasama ka namin kung
susunod ka sa aking sasabihin.”

“Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo”, wika ni


Pagong Daldal.

“Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing Gansa


ang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan mo.
Huwag na huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalagpak sa
lupa.

O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong”, wika ni Puting
Gansa.

“Tandaan mo, huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag nakabitaw
ka, tiyak na lalagpak ka sa lupa.”

“Hindi ako magsasalita”, pangakong muli ni Pagong Daldal.


Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay
kinagat naman ni Puting Gansa. At sila ay lumipad na.

Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga punongkahoy!


Waring nakaakyat sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.

Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong.


Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat!

“Tingnan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad!

Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Nagalit si Pagong Daldal. “Mga batang_______”

Hindi natapos ang iba pang sasabihin ni Pagong Daldal. Tuluy-tuloy siyang
bumagsak sa lupa.

“Kaawa-awang Pagong!” nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing


Gansa.

Aral:

 Tuparin ang ipinangako sa kapwa. Mas mainam ang taong may isang
salita kaysa puro salita ngunit mahina naman sa gawa.
 Kung ikaw ay may minimithi o pangarap sa buhay, mag-pokus ka. Isa ito
sa mga sangkap upang magtagumpay ang isang tao.
 Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga taong handang tumulong sa
iyo kaya huwag sayangin ang tulong na binigay ng kaibigan.

https://pinoycollection.com/ang-madaldal-na-pagong/

You might also like