You are on page 1of 6

Ang Langgam at ang Kalapati

Napagod sa kahahanap ng pagkain ang Langgam kaya naipasya


niyang uminom sa batisan. Sa pangingilid sa batuhan ay
sinamang palad na madulas ang pobreng insekto na ikinalublob
niya sa tubig. Pinagsikapan ng Langgam na makaahon pero sa
lakas ng alon ay unti-unti siyang lumulubog. Sa sobrang takot ay
nagsisigaw siya at nagmakaawang tulungan sana ninuman.
Salamat at nakita siya ng isang lumilipad na Kalapati. Ibinukadkad
ng ibon ang bagwis at dumapo sa pinakatuktok ng punong
mangga. Tinuka-tuka nito ang sanga ng puno. Natuwa ito nang
makitang nalaglag ang isang dahon sa mismong tubig na
kinaroroonan ng insekto. Dali-daling sumampa sa berdeng dahon
ang takut na takot na Langgam. Malalim itong
napabuntonghininga nang mailigtas nito ang sarili. "Sa... salamat,
kaibigang Kalapati.
Tinatanaw kong malaking utang na loob ang tulong na
bigay mo. Kung hindi sa kabutihang loob mo ay tiyak na
patay na ako." Ngumiti lang si Kalapati. Para sa kaniya
tumulong lang siya sa Langgam na walang inaasahang
ganting anuman. Minsan ay napagod sa kahahakot ng
pagkain ang Langgam. Ibinaba muna niya sa burol ang
pasanpasang bulto ng asukal. Natuwa siya nang
matanawan sa di kalayuan ang isang talong inaagusan
ng malinaw na tubig na naiinuman. Lalong nangislap
ang mga mata niya nang makita mula sa mabilis na
paglipad ang paglapag ng Kalapating kaibigan.
"Makakasabay ko siya sa pag-inom. Itatanong ko sa kaniya kung
hindi ba siya nalulula sa paglipad sa kalangitan. At kung
umuulan, saan saan kaya siya sumisilong?" Marami pa sanang
bagay-bagay na iisa-isahing itanong si Langgam kay Kalapati
nang mapamulagat ito sa takot. Kitang-kita niya sa harap ng
puno ng mangga ang isang mangangasong nagbinit sa pana
nito at umasinta sa walang kamalay-malay na Kalapating noon
ay umiinom. Mabilis na mabilis ang pagkakataon. Sa isang
iglap ay matuling nagtatakbo ang Langgam sa kinaroroonan
ng manunudla. Nang pakakawalan na ang tudla ay mariing
kinagat ng Langgam ang paa ng mangangaso. Sa halip na
tamaan ang inaasinta ay napaigtad ang manunudla at
pumaitaas sa langit ang matulis na bala ng pana.
Mga Tanong

Paano naging magkaibigan ang


langgam at ang kalapati?
Ano ang posibleng mangyari kung
hindi nakita ni langgam ang
mangangaso?
Kung ikaw ang manunulat, ano pang
dyanra ang gusto mong maidagdag
sa kuwento?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Bakit mahalaga ang pagtulong sa


kapwa?
Anu ano ang dapat na katangian
mayroon ang isang bata?
Handa ka din bang gawin ang ginawa
ni kalapati kay langgam?
Tama ba ang binabalak na gawin ng
mangangaso sa kalapati?
Sumulat ng isang maikling
pabula na kinapapalooban
ng pagkakaibigan. Isulat
ito sa isang buong papel.

You might also like