You are on page 1of 9

ANG BIBE NI BEBE

May alagang bibe si Bebe. Mataba at malusog ang alagang bibe ni

Bebe. Lagi niya itong binibigyan ng butil ng mais at palay.Lagi itong

busog kaya naman masipag magitlog.Kumuha si Bebe ng itlog at binigay

ito sa kanyang Lolo Baldo. Mahal na mahal ni Bebe ang kaniyang

alagang bibe.

Reference: https://www.liveworksheets.com/ix2354956kx

LANGGAM

Galing sa kaldero ang isang langgam.May pasan-pasan itong isang

butil na kanin. May nakasalubong itong isa pang langgam. Nagkiskisan

sila ng sungot. Nagpatuloy na sila sa kani-kanilang lakad.

Mayamaya, may kanin na ring pasan-pasan ang pangalawang

langgam.

Reference: https://drive.google.com/file/d/1EfrzQR3ffhj0UAnlAJDyz6oWjKBGOVAD/view
GAGAMBA

Pabalik-balik ang gagamba sa isang sulok.Mayamaya, may nayari

na itong bahay. Anog gandang bahay!Tila sutla ito.

Nakita ng nanay ang bahay ng gagamba.Dali-dali niya itong

winalis. Kaawa-awang gagamba. Muli na naman itong gagawa ng bahay.

Reference: https://drive.google.com/file/d/1EfrzQR3ffhj0UAnlAJDyz6oWjKBGOVAD/view

SI TULA

Ako si Tula, isang batang Muslim. Tulad mo, ako ay isa ring

Pilipino.Magkatulad tayo sa maraming bagay. Sa relihiyon lamang tayo

nagkaiba.

Ang aming Diyos ay si Allah.Limang ulit isang araw kung kami ay

nagdarasal. Hindi kami kumakain ng baboy. Para sa amin ay marumi ito.

Reference: https://drive.google.com/file/d/1EfrzQR3ffhj0UAnlAJDyz6oWjKBGOVAD/view
SI YUKIDO

Hello!Ako si Yukido, isang batang Hapones. Hindi kami nagsusuot

ng sapatos sa loob ng bahay. Inaalis namin ang sapatos sa may pinto

bago pumasok sa bahay.

Ang kainan namin ay mababang mesa na kung tawagin ninyo ay

dulang. Sa lapag kami nakaupo kung kumakain. Hindi kami gumagamit

ng tinidor at kutsara.Chopsticks ang karaniwan naming gamit.Ang

inumin naman namin ay tsaa.

Reference: https://drive.google.com/file/d/1EfrzQR3ffhj0UAnlAJDyz6oWjKBGOVAD/view

MAALAGANG INA

Sabado ng umaga, handing-handa na sina nanay Carmen at Tatay

Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at Lola. Anibersaryo ng kasal

nila.Dapat ay naroon ang buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang

mga anak.

“Fe, Rey , nasaan na ba kayo?Bihis na kami ng nanay ninyo.”

“Nanay, may sinat po si Rey.Isasama pa po ba ninyo kami?”tanong ni

Fe.
Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo ang ulo ni

Rey.Nalaman niyang may sinat ito.Lumabas siya ng kuwarto at nang

ito’y

bumalik, nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang

palangganang may tubig, botelya ng gamot, at yelo.

Reference: https://www.theteacherscraft.com/2020/11/pagsasanay-bumasa-sa-filipino-na-
may.html

ANG PATATAS NA MASUSTANSIYA

Ang patatas ay isang gulay na hindi pa lubos kilala sa Pilipinas.

Para sa Pilipino, ito ay isa lamang pansahog sa ulam ulad ng nilaga,

mitsado, at putsero. Mayaman ito sa bitamina C,B at iron. Halos walang

taba ito at mababa lamang ang taglay nitong calorie, kaya mahusay ang

pagkaing ito sa mag nagdidiyeta.Higit pa ang protina ng patatas kaysa

soybean. Ang minasang patatas na nilagyan ng gatas ay

nakapagpapalusog ng mga sanggol na isa o mahigit pang taong gulang.

Reference: Hiyas sa Wika 5, pahina 21


MGA HALAMANG GAMOT SA KANSER

Marami ang namamatay sa sakit na kanser. Ngunit malulunasan

ang sakit na ito.Bungangkahoy at gulay ang susi sa kalusugan. Panlaban

sa kanser ang mga ito.Mayaman sa betacarotene ang kalabasa, karot at

kamote. Nilalabanan ng betacarotene ang cancer cells. Ang sibuyas at

bawang ay mahusay ding panlaban sa cancer cells. Ang Bitamina C ay

proteksiyon sa cancer cells at matatagpuan ito sa suha, sinturis,sili at

kamatis. Gamot ang mga ito sa mga kanser sa baga, tiyan, at

lalamunan. Matuto tayo o maging biktima tayo ng sakit na kanser.

Reference: Hiyas sa Wika 5, pahina 24

ANG DAGA NI DODI

Si Dodi ay mayroong alagang daga.Ang pangalan nito ay Didi.

Maputi ang balahibo ni Didi at mahaba ang buntot. Mahilig kumain ng

damo at keso si Didi. Natutuwa si Dodi dahil malakas kumain ang alaga

niya. Mahal ni Dodi ang alaga niya.


Reference:
https://drive.google.com/file/d/1wuYKwMHP5C1QWFpZFKOGPPxFkHv8mvk8/view

ANG YOYO NI YOHAN

Si Yohan ay may bagong yoyo. Binilil Ito ng kanlyang Lolo Biyo.

Ang yoyo ni Yohan ay kulay dilaw." Maraming salamat po Lolo Biyo,"

wika ni Yohan.lnaya ni Yohan si Yeye no maglaro ng yoyo. Masayang

naglaro ang dalawa..

Reference:
https://drive.google.com/file/d/1wuYKwMHP5C1QWFpZFKOGPPxFkHv8mvk8/view

MAGBASA TAYO

Si Tina ay mahilig gumuhit . Mahilig din siya magpinta.Masaya si

Tina habang nagpipinta.Iba't ibang kulay ang gamit niya.Dilaw ang

paboritong kulay ni Tina.Bulaklak ang larawan ni Tina.Kinulayan niya

ito.Ginamit niya ang mga pintura na dilaw at berde.Dilaw at berde ang

bulaklak.
Reference: http://themelower.com/

SI MIKROBYO-SIPON

Malakas ako, kaya kong pagkasakitin ang sinuman. Nagsisimula

ako sa ilong at lalamunan.Sa bandang huli, maaari rin akong bumaba sa

baga.Dala-dala ko ang impeksiyon na magpapasakit sa

lalamunan.Tonsilitis daw ang tawag dito.Maaaring mauwi ito sa

pulmonya kapag bumaba ang impeksiyon sa baga.Madali akong

pumasok sa katawan ng may mahinang resistensiya lalo na iyong kulang

sa tulog at pagkain.Manginginig ang katawan ng biktima, lalagnatin at

manghihina.Kaya kayong mga bata, mag-ingat kayo sa akin. Ako si

Mikrobyo-sipon.Hi! hi! hi! hi! Hi!

Reference: Hiyas sa Wika 5, pahina 32

ANG IDENTIFICATON CARD

Ang ID ay isang ahalagag gamit sa buhay ng isang tao lalo nan g


isang mag-aaral na katulad mo. Ito ay naglalaman ng iba’t-ibang
impormayon tungkol sa taong may-ari nito, Ginagamit ito sa ibat-ibang
transaksyong nangangailangan ng pagkakakilanlan. Ito ay isang
mabisang seguridad ng pagkakakilanlan. Ang ID ay maaaring gamitin sa
paaralan, kopanya, silid-aklatan, at sector na may membership.

Reference: Ikalawang Edisyon, Pluma 5, pahina 30

MASAYANG PAMUMUHAY

Ang pagkakaroon ng masayang pamumuhay ay inaasam ng

lahat.Ito ay sinasabing isa sa mga pangarap na pinakamahirap abutin

ditto sa mundo. Iba-iba kasi ang pamantayan ng tao para masabing siya

nga ay masaya. Nandiyan ang nagsasabing ang pagkakaroon ng

magandang buhay at maraming pera ang makapagpapasaya sa

kanya.Nandoon naman ang nagsasabing ang pagkakaroon ng sariling

pamilya ang talagang nagbibgay ng tunay na kasiyahan sa isang tao.

Ang tunay na kaligayahan ay nadarama sa kalooban.Ikaw lamang

ang maaaring makapagsabi kung ano ba talaga ang makapagpapasaya

sa iyo dahil ikaw ang makadadama niyan.

Reference: Ikalawang Edisyon, Pluma 5, pahina 161

SI MANUEL L. QUEZON

Si Manuel L. Quezon ay tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa .


Siya ay ngbuhos ng kanyang oras at panahon upang magkaroon ng
isang wikang mapagkakakilanlan ng ating bansa.Hindi naman siya
nabigo. Matapos ang masusing pag-aaral ng Surian ng Wikang
Pambansa ay napagkasunduan ang pagkakaroon ng isang wikang
gagamitin ng buong bansa. Napagkasunduang ang Wikang Tagalog ang
maging basehan ng Wikang Pambansa.
Reference: Ikalawang Edisyon, Pluma 5, pahina 276

MAKINIG AT MAG-INGAT

Kamakailan lamang ay hinagupit ng kalamidad ang ilang lugar sa

Visayas at Mindanao. May mga sinalanta ng bagyo, malalakas na ulan,

lindol, at mga pagguho ng lupa. Maraming nagbuwis ng buhay sa mga

naranasang kalamidad. Ikinalungkot sa buong bayan ang pagkasawi ng

maraming buhay. Kung sila sana ay masunurin at nakinig sa mga

paalala ng pamahalaan kaugnay ng paparating na daluyong ng tubig,

marahil sila at ang iba pa ay nakaligtas.

Kaya nga sadyang mahalaga ang maging handa at mkinig sa mga

paalala uang tayo ay makaiwas sa anumang sakuna.Lagi nating

tatandaan na ako, ikaw, tayo, ang buhay natin ay mahalaga. Ang

pakikiisa sa kaligtasan at kabutihan ng lahat ay makakamit kung tayo ay

lagging handa.

Reference: Alan Filipino 5, pahina 34

You might also like