Nais niyang maging bahagi lagi ng anumang gawain sa paaralan. Ngunit, sa pagsisikap niyang gawin ang kanyang makakaya sa lahat ng pagka- kataon, at upang makaiwas sa kahihi- yan, nagagawa niyang mandaya at magsinungaling. Isang araw, hindi siya nakapaghanda para sa pagsusulit na ibinigay ng kanyang guro. Dali- dali siyang kumuha ng kapirasong papel at gumawa ng kodigo. Nang lumabas ang resulta ng pagsusulit, natuwa siya sa nakuha ni- yang marka. Naisip ni Bherta na nakabuti ang kaniyang ginawa. Naging gawi na ni Bherta ang man- daya at magsinungaling. Naisip niya na maaari pala niyang gawin ang lahat sa mas madaling paraan at magbunga ito ng magandang resulta. Isang araw, pinahiram siya ng kaniyang kamg-aral ng krayola. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabali ni Bherta ang ilan sa mga ito. Sinigawan niya ang kaniyang kamag-aral, “Hindi talaga ako ang gumawa niyan!” May pagkakataon ding tinanong siya ng kaniyang nanay, “Bherta, Nakita mo ba ang paso ng bulaklak na nilagay ko malapit sa pinto?” “hindi po, Nanay”. Ngunit ang totoo, nabasag niya ang paso noong nakaraang araw. Isang gabi, nakakita siya ng isang Diwata na nakikipag-usap sa mga ba- tang nagtitipon- tipon sa isang puno. Habang siya ay nagmamasid, nasaksihan niya na sa bawat kumpas ng kamay ng Diwata, ay nakalilikha ito ng mga regalo na ibinibigay sa bawat bata. Lumapit si Bherta sa kanila dahil nais rin niyang makatanggap ng regalo. Nang makalapit siya, naririnig na niya ang pag-uusap ng mga ito. Isang bata ang nagsabi, “Mahal na Diwata, ako si Alma. Noong Sabado, naka- kita ako ng pitaka sa pasilyo ng aming paaralan. Sa halip na itago ko ito, dinala ko ito sa ‘lost and found’. “Mabuti ang ginawa mo Alma”, sani ng Diwata, “Dahil sa iyong ginawa, ito ang para sa iyo.” ibinigay ng Diwata sa batang babae ang isang malaking regalo. Nakita ni Bherta kung gaano kasaya ang bata. Pagkatapos, isang batang lalaki mula sa likod ang nagsallita. “Mahal na diwata, ako si Gideon. Kahapon, inamin ko sa nanay ko na hindi ko sinasadyang mabasag ang kaniyang mamahaling plorera. Ikinatuwa niya ang agad kong pagsasabi ng katotohanan sa kanya”. “Mabuti ang ginawa mo Gideon! Narito ang iyong regalo. Nagpatuloy ang diwata, “Nakakataba ng puso ang inyong mga kuwento ng katapa- tan! Nakatutuwang malaman na habang bata pa kayo, nasasanay na kayong maging tapat. Karapat-dapat kayong purihin at tularan. Marammi pa sanang bata ang maging tulad ninyo. Mayroon pa ba sa inyo ang nais magbahagi?” Napansin ng diwata sa gilid si Bherta at sinabi “ Ikaw, batang babae?” Na- paurong si Bherta. “Mayroon ka bang maibabahaging kuwento ng iyong katapatan?” tanong ng diwata. Hindi handa si Bherta sa sandalling ito. Nagpatuloy sa pagsasalita ang diwata, “Ano ang pangalan mo?” Lumapit si Bherta at sumagot, “Mahal na diwata, ako si Bherta.” Nahihiya si Bherta ngunit nagpatuloy “Ako ay… ako …” ang tangi niyang nasabi. Nasanay kasi siya sa pagsasabi ng kasinungalingan. Iiyak na sana si Bherta ngunit nilapitan siya ng diwata upang aliwin. Pagkatapos, tumalikod si Bherta at tumakbo pabalik sa kanilang bahay. Tinawag siya ng diwata at ng mga bata “Bherta!” Nagising si Bherta sa kaniyang pagkakahimbing. Napaisip siya kung may mga nagawa na nga ba siyang nagpapakita ng katapatan. Mayroon nga kaya kahit isa?