You are on page 1of 15

1

Health I
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Epekto ng Malinis na Tubig sa
Kalusugan ng Isang Tao
Health I – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Epekto ng Malinis na Tubig sa Kalusugan ng Isang Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Arvee S. Salalila
Co-Awtor - Content Editor : Divina D. Susi
Co-Awtor - Language Reviewer : Mildred L. Dicang
Co-Awtor - Illustrator : Alpine R. Quitain / Joanne T. Paule
Co-Awtor - Layout Artist : Maria Vanessa B. Vanzuela

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD.
Principal District LRMDS Coordinator : Florence S. Nicolas
Teacher District LRMDS Coordinator : Jackson G. Forelo
District SLM Content Editor : Imelda C. Sacramento
District SLM Language Reviewer : Nancy S. Escobido

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MAPEH : Maria Theresa C. Perez
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
1

Health
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Epekto ng Malinis na Tubig sa
Kalusugan ng Isang Tao
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa modyul na ito ay matututunan mo ang mga epekto ng malinis
na tubig sa kalusagan ng isang tao.
Narito ang mga inaasahang layunin na dapat mong makamit
pagkatapos ng araling ito.
1. naiisa isa ang mga epekto ng malinis na tubig sa kalusugan
ng isang tao. H1FH-IIIb-2
2. nasasabi ang kahalagahan ng malinis na tubig sa kalusugan
ng isang tao. H1FH-IIIb-2
3. naihahambing ang epekto sa kalusugan ng paggamit at
pag inom ng malinis at maruming tubig . H1FH-IIIb-2

Subukin

Bago mo simulan ang pag- aaral, sagutin ang pagsasanay na


inihanda para sa iyo. Piliin ang mga larawan na nagpapakita ng
mabuting epekto ng paggamit ng malinis na tubig sa ating
kalusugan.

Panuto: Piliin ang titik ng larawan ng iyong sagot at isulat ito sa


iyong sagutang papel.
Aralin Mga Epekto ng Malinis na

1 Tubig sa Kalusugan ng
Isang Tao
Maraming benepisyo ang pag inom ng tubig. Alam mo ba na
kailangan mo ng walo hanggang sampung baso ng tubig upang
ikaw ay manatiling masigla sa buong araw? Handa ka na bang
pag-aralan ang mga epekto ng malinis na tubig sa ating
kalusugan? Tayo na at simulan na nating tuklasin ang hiwaga ng
malinis na tubig.

Balikan
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Piliin ang mga larawan
na maaari mong gawin upang makatulong kay nanay o tatay
upang mapanatiling malinis at kaayaaya ang inyong tahanan.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

B C
A

D E
Tuklasin
Ang tubig ay isa sa pinakaimportanteng bagay sa mundo. Hindi
lamang para sa tao kundi maging sa mga hayop, puno at
halaman.
Ang batang katulad mo ay kailangang uminom ng 8-10 baso ng
tubig araw araw upang hindi madehydrate o matuyuan. Ngunit
ano kaya ang mangyayari kung ikaw ay nakainom ng hindi
malinis na tubig? Ang kwentong inihinada para sa iyo ay tungkol
sa isang bata na nakainom ng hindi malinis na tubig. Handa ka na
bang magbasa, makinig at matuto?

Nauuhaw Ako
Isang hapon, pagod na pagod na umuwi si Aryana galing sa
eskuwela.
Hay!
Uhaw na
uhaw na
ako.

Sa sobrang pagod at uhaw, dali- dali niyang ininom ang isang


basong tubig na una niyang nakita sa kanilang mesa kahit hindi
niya alam kung gaano na ito katagal na naroon o kung para
saan o kanino ito.

Ang sarap talaga


ng tubig!
Maya -maya pa ay nakaramdam siya ng matinding pananakit ng
tiyan.

Aray ko po!
Nanay, ang
sakit po ng
aking tiyan.

Agad siyang pinuntahan ng ina upang alamin kung bakit siya


nakakaramdam ng pananakit ng tiyan.
Ininom ko po
Ano ba ang ang basong
nakain o nainom tubig na nasa
mo at bakit mesa.
sumasakit ang

Hala! Ang tubig Huwag ka na


na iyon ay muling iinom ng
matagal na at tubig kung hindi ka
marahil ay sigurado kung ito
marumi na. ba ay malinis,
Aryana.
Dinala siya ng kaniyang ina sa
ospital. Nang makausap ng
doktor si Aryana, napag
alaman nito na marumi pala
ang tubig na kaniyang
nainom na naging sanhi ng
pagsakit ng kaniyang tiyan.
Opo dok. Hinding-
hindi ko na po
uulitin. Salamat po.
Simula noon, lagi nang sinisigurado ni Aryana na malinis ang
kaniyang tubig na iniinom dahil takot na siyang sumakit muli ang
kaniyang tiyan.
Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Sino ang bata sa kwento?
a. Ana b. Aryana c. Iya
2. Saan galing si Aryana?
a. paaralan b. parke c. simbahan
3. Sino ang tinawag ni Aryana nang sumakit ang kaniyang
tiyan?
a. tatay b. ate c. nanay
4. Saan dinala ni Nanay si Aryana?
a. ospital b. paaralan c. simbahan
5. Bakit sumakit ang tiyan ni Aryana?
a. dahil pagod siya
b. dahil nauuhaw siya
c. dahil nakainom siya ng maruming tubig

Suriin

Naunawaan mo ba ang kwentong iyong binasa? Tulad ni


Aryana, umiinom ka ba ng tubig na hindi sigurado kung ito ay
malinis o marumi? Halika at ating pag- aralan ang ilang epekto ng
malinis na tubig sa kalusugan ng isang tao.

1. Nagbibigay ng Nutrisyon – Ang katawan ng tao ay


binubuo ng 60% na tubig. Nakatutulong ito sa
pagpapanatili ng magandang daloy ng dugo tao
upang malayang makapaghatid ng nutrisyon sa
bawat bahagi ng katawan ng tao.
2. Pag-iwas sa mga Sakit- ang pag inom ng malinis na
tubig ay nakatutulong upang maiwasan ang mga
sakit tulad ng diarrhea o pagtatae, kolera, hepatitis
A at typhoid.

3. Nakatutulong sa Pag-alis ng dumi sa Katawan –


Tumutulong din ang malinis na tubig sa pag-alis ng
lahat ng uri ng lason sa ating katawan na maaaring
nagmumula sa maruming pagkain o inumin.

4. Paglilinis Ng Mga Pagkain Tulad Ng Prutas At Gulay-


Kinakailangang hugasan ng malinis na tubig ang
mga pagkain gaya ng prutas at gulay. Ang maling
paghahanda ng pagkain ay maaari ring magdulot
ng sakit sa isang tao na kakain nito.

5. Pagpapanatili ng Kalinisan ng Kapaligiran- Ang


malinis na tubig ay hindi lamang kinakailangan para
sa pag-inom ngunit para na rin sa kalinisan. Kung
ang mga damit na nilabhan o ang katawan ay
hinugasan ng kontaminadong tubig, ito rin ay
magreresulta sa pagtaas ng tsansyang magkasakit.
Ang malinis na tubig ay kinakailangan para sa
mabuting kalusugan.
Pagyamanin
Panuto : Lagyan ng tsek (✓) ang mga larawan na nagpapakita
ng mabuting epekto ng paggamit o pag- inom ng tubig sa ating
kalusugan at ekis (X) naman kung hindi.

1. 2.

3. 4. 5.

Isaisip
Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Pumili ng sagot sa
loob ng kahon na nasa ibaba at isulat ito sa iyong sagutang
papel.
Ang batang tulad mo ay dapat uminom ng 1.________ basong
tubig kada araw upang mapanatiling masigla maghapon. Kung
iinom o gagamit ng tubig, piliin ang 2.___________ na tubig upang
hindi magkasakit. Maaari kang magkaroon ng 3._______________ o
pagtatae kung marumi ang iyong maiinom na tubig. Hugasan din
ang mga 4.___________bago kainin gamit ang malinis na tubig.
Laging tatandaan na maraming 5.___________ maidudulot ang
pag inom ng tubig sa kalusugan ng isang tao.

diarrhea magandang 8-10 malinis


pagkain
Isagawa

Sa gawaing ito, nais kong isulat mo ang iyong pangalan sa patlang


na tanda na ikaw ay nangangako na gagamit lamang ng malinis
na tubig sa pag-inom, pagsesepilyo, paliligo at maging sa
paghuhugas ng pagkain.

Ang Aking Pangako

Ako si ____________(pangalan)_____________, ay nangangakong


gagamit lamang ng malinis na tubig sa tuwing ako’y iinom,
magsesepilyo, maghuhugas ng kamay, maliligo at pati na rin sa
paghuhugas ng aking mga pagkain bago ito kainin. Ito ang aking
paraan upang makaiwas sa sakit at maging malakas sa tuwi-
tuwina.
Tayahin
Basahin ang sumusunod na pangungusap at isulat sa sagutang
papel ang salitang Tama kung ito ay nagsasabi ng katotohanan
at Mali kung ito ay hindi.

_________1. Si Aika ay nauuhaw na, maaari na


siyang uminom ng kahit na anong tubig
na makikita niya.

_________2. Hinuhugasan ni Bryan ang mga prutas


bago niya ito kainin.

__________3. Gumagamit ng malinis na tubig si Ave


Renn sa tuwing siya ay naliligo.

__________4. Maaaring gamitin ni Ershel ang tubig -


ulan sa pagsesepilyo.
__________5. Maaaring magdiarrhea o magtae si
Ariza kung siya ay iinom ng
maruming tubig.

Karagdagang Gawain
Maaari mo bang tulungan si Jade na malaman kung ano ang
dapat niyang pillin sa mga salitang nasa kahon? Kulayan ang
mga kahon na nararapat niyang gawin upang makaiwas siya sa
mga sakit na dulot ng paggamit o pag- inom ng maruming tubig.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Uminom ng sapat Hugasan ang


na dami ng mansanas gamit
malinis na tubig ang tubig sa ilog.

Kung may
Tubig- ulan ang natirang tubig sa
gamitin kung baso, takpan ito
maliligo. upang hindi
dapuan ng
insekto.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like