may mga pinakamalalakas na boses sa buong bansa. Dahil “Kung mahina ang boses mo, siguro hindi kailangang marinig ng ibang tao ang sasabihin mo” ang bukambibig ng mga tao kung mayroon mang may mahinang boses sa kanilang bayan. Kaya naman kilala ang bayan ng Daldalina bilang pinakamaingay na bayan sa buong Pilipinas Pero si Nina ay walang boses at labis na ikinabahala ito ng kanyang mga magulang. “Paano na siya magkakaroon ng mga kaibigan kung hindi niya kayang makipagsabayan sa lakas ng kanilang mga boses?” wika ng kanyang nanay. “Paano na siya mag-aaral kung hindi maririnig ng kanyang mga guro ang sagot niya?” dagdag pa ng kanyang tatay. Kaya nilapitan nila ang mga doktor, siyentipiko, at espirituwalista para malaman kung nasaan ang boses ni Nina. Pero ni isa sa kanila ay hindi alam kung nasaan ang boses ni Nina. “Kung hindi pa rin niya nahanap ang boses niya sa ganitong edad, malamang na hindi na niya mahahanap pa ito,” wika ng mga doktor. “Siguro wala naman talaga siyang kailangang sabihin,” dagdag pa ng mga siyentipiko. “Tanggapin n’yo na lang na hindi talaga para sa kanya ang pagkakaroon ng boses,” pagwawakas ng mga espirituwalista. Hinanap ni Nina, kasama ng kanyang mga magulang, ang boses sa lahat ng sulok ng bayan ng Daldalina. Pinuntahan nila ang mga gusali sa bayan, kinatok ang bawat bahay, nilakad ang lahat ng daanan pero wala pa rin ang boses ni Nina. Pinakinggan na rin nila ang bawat talumpati, kantahan at sermon sa bayan pero wala pa rin ang boses ni Nina. Kaya naisipan ni Nina na umalis at hanapin sa ibang lugar ang kanyang boses. Baka mahanap niya ang boses niya sa mas malawak na lugar kaysa sa bayan ng Daldalina. Kaya kinabukasan, nagpaalam siya sa kanyang mga magulang. “Mag-ingat ka, anak! Tingnan mong mabuti ang daraanan mo at baka madapa ka,” bilin sa kanya ng kanyang nanay. “`Wag mong kalimutang magbaon ng tinapay, baka magutom ka sa daan,” dagdag ng kanyang tatay Naglakbay si Nina kung saan-saan. Napuntahan na niya ang mga gubat at nakakita ng kung ano-anong hayop at halaman pero wala pa rin doon ang kanyang boses. Sumunod naman ang pag-akyat niya sa bundok kung saan nakita niya ang pinakamagagandang tanawin pero wala pa rin doon ang kanyang boses. Pinuntahan niya ang dagat at nakita ang iba’t ibang kulay ng mga isda at korales pero wala pa rin doon ang kanyang boses. Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang bangketa sa isang parke ng isang siyudad. Bakit hindi niya makita ang kanyang boses kahit saan? Baka nga tama ang sinabi ng mga siyentipiko, hindi na niya talaga makikita pa ang kanyang boses. Habang nakaupo, napansin ni Nina ang naggagandahang mga larawan. Mga larawan ng mga dagat, bundok, kagubatan, siyudad, mga tao at kung ano-ano pa. Namangha siya sa ganda ng mga ito at napansin niya ang isang lalaki sa isang tabi na nagpipinta. Walang imik ito sa ginagawa nito na para bang hindi nito kailangang magsalita para ipakita ang naggagandahang mga larawan na naiguhit nito Doon marahil nakita ni Nina ang kanyang boses. Tumayo siya at naglakbay uli pero ngayon, iginuhit niya ang lahat ng kanyang nakita. Ang mga bundok na kanyang naakyat, dagat na kanyang nalangoy, gubat na kanyang napuntahan ay itinala niya gamit ang pinsel at lapis. At nang makuntento na siya sa lahat ng kanyang nagawa, naglakbay uli siya patungo sa bayan ng Daldalina. Doon marahil nakita ni Nina ang kanyang boses. Tumayo siya at naglakbay uli pero ngayon, iginuhit niya ang lahat ng kanyang nakita. Ang mga bundok na kanyang naakyat, dagat na kanyang nalangoy, gubat na kanyang napuntahan ay itinala niya gamit ang pinsel at lapis. At nang makuntento na siya sa lahat ng kanyang nagawa, naglakbay uli siya patungo sa bayan ng Daldalina. Habang lahat ng tao sa bayan ng Daldalina ay nagkakagulo, isa-isang inilabas ni Nina ang kanyang mga guhit ng malalaki at matataas na bundok, ang may iba’t ibang kulay na mga isda at koral sa dagat, ang iba’t ibang hayop sa gubat, ang naggagandahang ilaw at matataas na gusali sa siyudad at kahit ang iba’t ibang taong nakilala niya. Nang sandaling iyon, habang nawalan lahat ng boses ang mga tagabayan ng Daldalina, pinakinggan nila ang naggagandahang boses ni Nina. Dahil doon, natutuhan ng mga tagabayan ng Daldalina na hindi naman talaga kailangan ni Nina ng boses para ipakita kung sino siya. Sapat na ang mga iginuhit niya para masabi kung ano ang nasa puso niya. At pinagkaguluhan ng lahat ng tao si Nina. Lahat ay gustong makakuha at magpagawa ng isang larawan mula sa kanya! Tunay nga namang hinangaan siya ng mga ito sa bagong boses na kanyang nakita. Labis ang tuwa ni Nina na nahanap na niya ang boses niya sa kanyang mga ipinipinta. Mas labis ang kanyang tuwa nang magbago ang bayan ng Daldalina. Oo, pinakamaingay pa rin silang bayan sa buong Pilipinas, pero pinakikinggan na rin nila ang mga mahihina ang boses at ang mga walang boses tulad ni Nina