You are on page 1of 9

KOLEHIYO NG SUBIC

SUBIC, ZAMABALES
DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN
(IKALAWANG BAITANG)

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay inaasahang makamit ang
80 bahagdan ng pagkatuto sa mga sumusunod;

1. natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad;


2. maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo; at
3. mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

Content Standard:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko bilang
pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad.

Performance standard:
Ang mag-aaral ay nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad sa sariling pag- unlad
at nakakagawa ng makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad.

Most Essential Learning Competencies:


Natatalakay ang mga paglilingkod/ serbisyo ng mga kasapi ng komunidad. (AP2PKK- IVg-j-6)

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mga Hanapbuhay na Nagbibigay Serbisyo.

B. Sanggunian: Antonio E. D et.al (2015) Kayamanan 2 (p.306). REX Book Store


Reyes B. M. (2015) Lunday ng Kalinangang Pilipino 2 (p.185-306). Sibs
Publishing House, Inc.

C. Kagamitan: Tarpapel, Pentel Pen, Mga Larawan ng iba’t- ibang Hanapbuhay, powerpoint

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

Pagbati at pagdarasal:

Magandang umaga/hapon mga bata! Magandang Umaga/Hapon rin po aming guro!


Tumayo muna tayo upang magdasal. (ang mga bata ay magdarasal)

Pamahala ng silid aralan at pagtsetsek ng mga


lumiban at hindi lumiban.
(ang mga bata ay magpupulot ng kalat at aayusin
Bago umupo pulutin muna ang mga kalat sa inyong ang kanilang upuan.)
paligid at ayusin ang inyong upuan.

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Balitaan

2. Balik-Aral

Bago tayo tumungo sa ating panibagong aralin


tayo muna ay magbabalik aral, ano nga ba ang ating
napag-aralan sa ating nakalipas na aralin? Halika at
balikan natin sa pamamagitan ng pagsagot sa aktibiti (sasagutan ng mga mag-aaral ang ipinakitang
na ito. aktibiti)
(magpapakita ang guro ng isang aktibiti na
sasagutan mag-aaral)

Mahusay!!!!

Mahusay! May tanong pa ba kayo patungkol sa mga


hanapbuhay na nagbibigay ng produkto?

3.Pagganyak

(Tatanungin ng guro ang klase kung anong gusto nila


paglaki at ipapaliwanag ito kung bakit iyon ang
kanilang napili) (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
iba.)
Ano ba ang gusto ninyo paglaki?

Bakit iyon ang inyong napili?

B. PAGLALAHAD

Mayroon akong mga larawan dito, at tutukuyin


ninyo ito kung ano ang ginagawa ng nasa larawan.

Ang ginagawa ng nasa larawan ay nagpapatay ng


apoy.

Ano ang ginagawa ng nasa larawan?

Tama! Ang ginagawa niya ay nagpapatay ng apoy.


Ang ginagawa ng lalaki sa larawan ay nagtuturo sa
mga bata.

Ano ang ginagawa ng nasa larawan?

Tama! Ang nasa larawan ay nagtuturo ang lalaki sa


mga bata.

Ang nasa larawan ay tinitingnan ng lalaki ang


ngipin ng kanyang pasyente.

Ano ang ginagawa ng nasa larawan?

Mahusay! Ang ginagawa ng ay tinitignan o tsinetsek-


up ang ngipin ng kanyang pasyente.

Ang ginagawa ng babae sa larawan ay tsinetsek up


niya ang kanyang pasyente.

Ano naman ang ginagawa ng nasa larawan na ito?

Mahusay! Ang ginagawa ng nasa babae sa larawan


ay tsinetsek-up niya ang puso ng kanyang pasyente.

Ang lalaki ay maglilinis.

Ano naman ang ginagawa ng nasa larawan na ito?

Mahusay! Ang gagawin ng nasa larawan ay


maglilinis.
Ang nasa larawan ay inaalagaan ng nars ang
pasyenteng may sakit.

Ano naman ang ginagawa ng nasa larawan na ito?

Mahusay! ang ginagawa ng nars sa larawan ay


inaalagaan niya ang kanyang pasyente.

Hinuhuli ng pulis ang lalaki.

(Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-


iba.)

Ano naman ang ginagawa ng nasa larawan na ito?

Tama! Ang nasa larawan ay hinuhuli ng pulis ang


lalaki. Sa tingin niyo bakit kaya hinuhuli ng pulis ang
lalaki?
Ang lalaki ay nagmamaneho ng sasakyan.

Ano naman ang ginagawa ng nasa larawan na ito?

Magaling! Siya ay nag mamaneho ng sasakyan. (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
iba.)

C.PAGTATALAKAY (Ipapabasa sa mga bata ang kahulugan ng


hanapbuhay)
Ngayon ay balikan natin ang mga larawan na
ipinakita kanina, masasabi ba natin na ang mga nasa
larawan ay isang hanapbuhay o trabaho?

Sa tingin ninyo ano ang kahulugan ng hanapbuhay?


Opo.

Mahusay! Ang hanapbuhay o trabaho ay gampanin


na isinasagawa ng tao upang matustusan ang
kanyang pangangailangan at kanyang pamilya,

Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang Bumbero


mangggawa o trabahador.

Naintidihan na ba kung ano ang hanapbuhay?


(Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
iba.)
Kanina may mga larawan akong ipinakita sa inyo,
iyon ay halimbawa ng mga hanapbuhay na
nagbibigay serbisyo sa komunidad. Opo.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga


hanapbuhay na nakita ninyo sa mga larawan. Dentista

Ano ba sa tingin ninyo ang ginagawa ng bumbero? (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
iba.)

Mahusay! Ang ginagawa ng bumbero ay nagpapatay


ng mga apoy sa gusali. May nakakita na ba sa inyo
ng bumbero? Doctor

Anong hanapbuhay pa ang inyong nakita kanina sa (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
larawan? iba.)

Ano ang ginagawa ng dentista?

Mahusay! Ang ginagawa ng dentista ay


nanggagamot at nangangalaga sa kalusugan ng Guro
ngipin.
(Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
Bukod sa Dentista mayroon pa ba?
iba.)
Ano ba ang ginagawa ng Doctor?

Dyanitor
Magaling! Ang ginagawa ng doctor ay ginagagamot
ang taong may sakit.
(Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
Ano pang hanpbuhay ang nakita ninyo sa larawan iba.)
kanina?

Ano nga ba ang ginagawa ng mga guro?


Nars
Tama! Ang ginagawa ng guro ay nagtuturo sa atin
kung paano bumasa, sumulat at magbilang. (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
iba.)
Ano pang hanapbuhay ang nakita ninyo sa larawan
kanina?

Ano ang ginagawa ng Dyanitor?


Pulis
Magaling! Ang Dyanitor ang nag-aalaga ng kalinisan
sa ating paligid o gusali para mapanatili nating
malinis ito. (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
Bukod sa Dyanitor, meron pa ba? iba.)

Ano ang ginagawa ng nars sa ating komunidad?

Tama! Ang nars ang katuwang ng doctok sa pag-


aalaga sa pasyente o sa taong may sakit. Drayber o tsuper

Ano panghanapbuhay ang nakita ninyo sa larawan (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
ang hindi pa nasasabi? iba.)
Ano ang ginagawa ng pulis sa ating komunidad?

Tama! Ang pulis ang nagpapatupad ng batas para Bumbero, Dentista, Guro, Doktor, Dyanitor, Nars,
mapanatili ang kaayusan sa komunidad, sila rin ang Pulis, At Tsuper
nanghuhuli ng masasamang tao.
Opo.
Ano na lamang ang hanapbuhay na hindi pa nasasabi
sa nakikita nyong mga larawan?
(Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-
Ano naman ang ginagawa ng drayber o tsuper? iba.)

Tama! Ang tsuper ang nagmamaneho ng mga


sasakyan para ihatid tayo sa ating pupuntahan.

Mahusay! Anu-ano na nga ulit ang mga hanapbuhay


na nagbibigay serbisyo? Wala na po.

Sa tingin ninyo mahalaga ba ang mga hanapbuhay na


nagbibigay serbisyo?

Bakit?

Tama! Mahalaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay


serbisyo dahil kung wala sila walang magbibigay ng
sapat na edukasyon, kalusugan, kaligtasan at
kaayusan sa ating komunidad.

May tanong pa ba kayo tungkol sa ating tinatalakay?

D.PAGLILINANG

Ngayon, mayroon akong inihandang pangkatang


gawain para sa inyo. Ang klase ay hahatiin ko sa
tatlong grupo para magsagawa ng iba’t-ibang gawain
upang maipakita ang kahalagahan ng bawat
hanapbuhay na nagbibigay serbisyo. Bubunot kayo
ng isang kendi sa isang lalagyan at kung anong kulay
ang iyong nabunot ay iyon ang iyong magiging
bilang. Kulay pula na kendi para sa pangkat-isa,
kulay dilaw na kendi para sa pangkat-ikalawa, at
kulay berde na kendi para sa pangkat-ikatlo.
Tatapusin niyo ang inyong gawain sa loob lamang ng
10 minuto.

Unang pangkat:

Gagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng


kahalagahan ng hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

Pangalawang pangkat:

Bubuo ng isang poster o guguhit ng nagpapakita ng


kahalagahan ng hanapbuhay na nagbibigay serbisyo
ngayong pandemya.

Pangatlong pangkat:
Gagawa ng isang tula na nagpapakita ng kahalagahan
ng hanapbuhay na nagbibigay serbisyo. Ang hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo ay
bumbero, dentista, doctor, guro, dyanitor, nars,
Ngayon narito ang mga pamantayan upang lagyan ng pulis, at tsuper.
puntos ang inyong mga gawa.
Mahalaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay
Pamatayan Puntos serbisyo dahil kung wala sila walang magbibigay ng
Kooperasyon sapat na edukasyon, kalusugan, kaligtasan at
(25pts.) kaayusan sa ating komunidad.
Tama sa Oras
(25pts)
Kaayusan (25pts.)
Nilalaman (25pts.)
Kabuuan (100)

D. PAGLALAHAT

Ano-ano ang hanapbuhay na nagbibigay serbisyo?

Ano ang kahalagahan ng hanapbuhay na nagbibigay


serbisyo para sa ating komunidad?

E. PAGLALAPAT

Mayroon akong hinandang laro para sa atin, ang


gagawin ninyo ay tutulungan ninyo ang mga tao sa
komunidad ninyo kung sino ang kanilang tatawagin
sa iba’t ibang sitwasyon.Ang larong ito ay tatawagin
na “TULUNGAN MO AKO.” Pipindutin lang
ninyo ang inyong sagot sa screen.
IV. PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin ang taong nagbibigay ng produkto at serbisyo. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.

_____1. Pulis A. Katulong ng Doktor sa pag-aalaga ng taong may sakit .


_____2. Guro B. Tungkulin nito na patayin ang apoy sa nasusunog na gusali.
_____3. Nars C. Manggamotna nangangalaga ng kalusugan ng ngipin
_____4. Bumbero D. Nagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan at
katahimikan sa komunidad
_____5. Dentista E. Nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa, sumulat, bumilang
at iba pang kasanayan.

V. TAKDANG-ARALIN
Gumuhit ng trabaho o hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo na makikita sa inyong
komunidad.

VI- REMARKS AT REPLEKSYON


Ihinanda ni: Rhea C. Atanacio

You might also like