You are on page 1of 2

DAILY Markahan 3 Grade Level 2

LESSON
Learning Area MAPEH (HEALTH)
PLAN

I. Layunin
- explains the benefits of healthy expressions of feelings H2FH - IIIef -13;
- expresses positive feelings in appropriate ways H2FH - IIIgh -;
- demonstrates positive ways of expressing negative feelings, such as anger, fear, or disappointment
H2FH -IIIij – 15;
- displays respect for the feelings of others H2FH -IIIj – 16.

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksang Aralin: Pagpapahayag ng Damdamin
B. Sanggunian: MELCS MAPEH (HEALTH) p.47, Grade 2 ADM Third quarter module 1
C. Integrasyon: Science
Pagpapahalaga: Pag-iingat sa Kalikasan

III. Kagamitan
- PPT presentation
- Video presentation

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagwawastos sa takdang aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Tignan ang larawan sa ibaba. Ano ang ipinakikita sa larawan?

2. Paglalahad
Ang larawan ay nagpapakita ng iba’t ibang damdamin o emosyon. Ikaw ay nakararamdam ng iba’t
ibang damdamin na tulad ng nasa larawan. Ang damdamin na ating nararamdaman ay nakabatay sa mga
pangyayari na nararanasan natin sa araw araw.

3. Pagtalakay
Ang emosyon o damdamin na ating nararamdaman ay nakadepende sa pangyayari na ating
nararanasan. Pansinin ang larawan. Pangalanan ang iba’t ibang damdamin na iyong nakikita.

Tayo ay nakakaramdam ng ibat ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, galit, pagkatakot o
pagkagulat . Ang mga nabanggit na damdamin ay maaring makita o ating maipapahayag sa pamamagitan
ng ekspresyon ng ating mukha, kilos ng katawan at lakas ng boses. Napakahalaga na alam natin at
nasasabi kung ano ang damdamin o emosyon ang ating nararamdaman.
4. .Pagsasanay

a. Pinatnubayang Pagsasanay
Iguhit ang tamang emosyon sa bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa papel.

____1.Nakakuha ka ng mataas na marka sa inyong pagsusulit.


____2. Napagalitan ka ng iyong mga magulang.
____3. Nasira ang iyong paboritong laruan.
____4. Binigyan ka ng regalo ng iyong kaibigan sa iyong kaarawan.
____5. Dinalhan ka ni tatay at nanay ng pasalubong.

b. Malayang Pagsasanay
Sa isang malinis na papel, sagutin ang mga tanong na nakalista sa baba.
1. Ano-ano ang mga bagay nanakapagpapasaya sa iyo?
____________________________________________________________________
2. Ano ang mga bagay ang nakapagpapagalit sa iyo?
____________________________________________________________________
3. Ano ang mga bagay na nakapagpalungkot sa iyo?
____________________________________________________________________
4. Ano ang mga bagay ang nagbibigay ng takot sa iyo?
____________________________________________________________________
5. Paano mo naipapakita ang iyong nararamdaman?
____________________________________________________________________

5. Paglalahat
Tayo ay may iba’t ibang emosyon sa bawat pagkakataon. May iba’t ibang paraan rin tayo kung
paano ito naipapakita.

6. Paglalapat
Ano ang iyong emosyon sa araw na ito? Paano mo ito ipinapakita?

V. Pagtataya
Iguhit sa isang malinis na papel ang mga ekspresyon na makikita sa pangungusap.

Naipapahayag natin ang ating damdamin sa pama- magitan ng ekspresyon ng ating mukha
tulad ng :

VI. Takdang-Aralin

Masayang masaya ka dahil matataas ang grado mo sa eskwelahan. Kung magpipinta ka, susulat ng tula o
susulat sa diary, ano ang ipipinta o isusulat mo? Gawin ang isa sa mga ito.

VII. Index of Mastery

VIII. Repleksyon

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

You might also like