You are on page 1of 4

Tuesday November 15, 2022

Araling Panlipunan IV
7:00-7:40 Bonifacio
9:30-10:10 Rizal
1:10- 1:50 Aguinaldo
I- Layunin
- nakapagbibigay ng mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa
- naiuugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unladng bansa
- napapangalagaan ang kapaligiran at mga likas na yaman sa bansa

II- Nilalaman
Wastong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa
Mga Sanggunian: MELC AP IV p.5, Bigkis ng Lahi 4(Prime Books)
Kagamitan: LM, pantulong na aklat, powerpoint presentation, youtube

III-Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalita ng isa sa mga mag-aaral.
2. Balik-aral
Ibigay ang kahulugan ng turismo

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Balikang aral ang larawan

1. Ano ang ibig sabihin nito?

Tanong:
1. Ano-ano .ang mga
gagamitin sa pagsukat ng layo
at distansiya
sa bawat bansa?
2. Paano mo mailalarawan
ang layo o distansiya ng
Pilipinas at ang
mga karatig bansa nito?
Tanong:
1. Ano-ano .ang mga
gagamitin sa pagsukat ng layo
at distansiya
sa bawat bansa?
2. Paano mo mailalarawan
ang layo o distansiya ng
Pilipinas at ang
mga karatig bansa nito?
Tanong:
1. Ano-ano .ang mga
gagamitin sa pagsukat ng layo
at distansiya
sa bawat bansa?
2. Paano mo mailalarawan
ang layo o distansiya ng
Pilipinas at ang
mga karatig bansa nito
2. Paglalahad
Ang matalinong pangangasiwa sa mga likas na yaman ay isang mahalagang salik sa pagkakaroon ng
kabuhayan ng mga mamamayan at higit sa lahat nakakaapekto ito sa pag-unlad ng isang bansa.

3. Pagtalakay

Ang pangangasiwa sa mga likas na yaman ng ating bansa ay nangangailangan ng matalinong


pamamaraan. Ang matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ay makakatulong upang higit na mapanatili
at mapakinabangan ang mga ito ng mga susunod pang henerasyon. Sa maayos na paggamit ng likas na
yaman nakasalalay ang kabuhayan ng mga mamamayan at ang pagangat ng ekonomiya ng bansa. Malaki
ang magiging epekto ng paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman ng isang bansa. Maaari itong
magdulot ng pag-angat ng kabuhayan o pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa.

4. Pagsasanay
Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan  ng ang puwang kung ang paggamit sa likas na yaman
ay may kaugnayan sa pag-unlad ng bansa at kung  hindi.

____1. Paggamit ng mga organikong pataba sa pananim


____ 2. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga imprastruktura at gusali
____ 3. Pagbawas sa paggamit ng plastik
____4. Pagkakaroon ng mga fish sanctuary at pangangalaga sa mga bahay-itlugan ng mga isda
____5. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista

IV. Pangwakas na Gawain

2. Paglalahat
 Ang pangangasiwa sa mga likas na yaman ng ating bansa ay nangangailangan ng matalinong
pamamaraan.
 Ang matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ay makatutulong upang higit na mapanatili at
mapakinabangan ang mga ito ng mga susunod pang henerasyon.

Paglalapat
Ano-ano ang mga kapakinabangang naibibigay ng mga likas na yaman ng bansa tungo sa pag-angat ng
ekonomiya?

3. Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kaisipan ukol sa matalinong
paggamit ng mga likas na yaman, at ekis (x) kung hindi.
__1. Hagdan-hagdang pagtatanim
__2. Pagsusunog ng mga basura
__3. Pagmumuling-gubat
__4. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangisna hayop at mga ligaw na halaman
__5. Bio Intensive gardening.

Takdang-Aralin

Dugtungan mo ng angkop na pangungusap ang pahayag upang makabuo ng isang panata na naglalaman
sa iyong pangangalaga sa iyong kapaligiran.

I. Repleksyon

_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

You might also like