You are on page 1of 5

Wednesday November 09, 2022

Araling Panlipunan IV
7:00-7:40 Bonifacio
9:30-10:10 Rizal
1:10- 1:50 Aguinaldo
I- Layunin
- Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa.
(MELC Based Q2 WK - 1)
II- Nilalaman
Lipunan, Kultura, at Ekonomiya ng Aking Bansa
Mga Sanggunian: MELC AP IV p.5, Bigkis ng Lahi 4(Prime Books)
Kagamitan: LM, pantulong na aklat, powerpoint presentation, youtube

III-Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalita ng isa sa mga mag-aaral.
2. Balik-aral
Ibigay ang kahulugan ng turismo

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Tanong:
1. Ano-ano .ang mga
gagamitin sa pagsukat ng layo
at distansiya
sa bawat bansa?
2. Paano mo mailalarawan
ang layo o distansiya ng
Pilipinas at ang
mga karatig bansa nito?
Tanong:
1. Ano-ano .ang mga
gagamitin sa pagsukat ng layo
at distansiya
sa bawat bansa?
2. Paano mo mailalarawan
ang layo o distansiya ng
Pilipinas at ang
mga karatig bansa nito?
Tanong:
1. Ano-ano .ang mga
gagamitin sa pagsukat ng layo
at distansiya
sa bawat bansa?
2. Paano mo mailalarawan
ang layo o distansiya ng
Pilipinas at ang
mga karatig bansa nito
2. Paglalahad
Sa nakaraang mga aralin ay nakilala mo ang bansang Pilipinas ayon sa kinalalagyan nito at nalaman mo
rin ang mga katangiang pisikal nito. Natutunan mo pa ang tungkol sa mga likas na yaman, magagandang
tanawin at ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal ng bansa. Upang mapalalim pa ang iyong pag-
uunawa tungkol sa bansang Pilipinas, mahalagang malaman mo ang mga impormasyon ukol sa mga
gawaing pangkabuhayan, produkto at kalakal sa iba’t-ibang lokasyon ng ating bansa.

3. Pagtalakay
Kapaligiran at Hanapbuhay
Ang kapaligiran ay ang lahat ng panlabas na mga puwersa, kaganapan at bagay na gumagalaw sa
ibabaw ng mundo. Ang kapaligiran ng isang tao ay binubuo ng lahat ng mga bagay na nakapaligid sa
kanya, tulad ng gusali, tao, lupa, temperatura, tubig, liwanag at iba pang buhay at walang buhay na mga
bagay. Ang mga bagay na may buhay ay madalas na may interaksiyon sa kanilang kapaligiran. Nagbabago
ang mga organismo bilang pagtugon sa mga kalagayan o kundisyon sa kanilang kapaligiran.
Ang kapaligiran ay may kinalaman sa gawain ng tao sa isang lugar, lalo’t higit sa hanapbuhay o
pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito. Halimbawa nito ay ang pag-aalaga ng hayop at pagsasaka na
hanapbuhay ng mga taong malapit sa kapatagan. Gayundin ang pangingisda na hanapbuhay naman ng
mga taong nakatira malapit sa dagat o katubigan. Pagmimina, pagkakaingin, pagtatanim at pangangaso
naman ang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa kabundukan at kagubatan. Ang mga lugar na maraming
bato at luwad ay may hanapbuhay na paglililok. Mauunawaan sa mga halimbawang ito na may kaugnayan
ang hanapbuhay ng tao sa kanyang kapaligiran.
Pagnenegosyo naman ay ang mga gawaing nakakalikha at nagbebenta ng kalakal o serbisyo na
tumutugon sa pangangailangan ng tao sa mga lungsod at kanayonan. Kaakibat nito ang anumang gawaing
pangekonomiya ng may layuning kumita at tumubo.
4. Pagsasanay
Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.

1. Anong uri ng hanapbuhay ang mainam sa mga naninirahan malapit sa dagat o katubigan? __________
2. Ito ang uri ng pamumuhay na mas nakabubuti sa mga naninirahan sa malalawak na kapatagan .Ano ito?
_________
3. Ito ay ang pangkabuhayan ng mga nakatira sa bulubundukin na potensyal na pagkukuhanan nga mga
minerals._________
4. Ang pangkabuhayan ng mga nakatira sa kapatagan na may malalago at matatabang damuhan.Ano ito?
_________
5. Ang pangkabuhayan ng mga nakatira sa lungsod kung saan naninirahan ang maraming mamimili ng
mga pangunahing pangangailangan. Anong pangkabuhayan ito?__________

IV. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
 Ang mga gawaing pangkabuhayan ng mga tao at nakaugnay o inaaangkop nila sa kanilang
kapaligiran
 Pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino ang pagsasaka, paghahayupan, pangingisda, pagmimina,
at industriyang pantahanan
 May mga pagkakatulad at pagkakaiba ang ga produkto at kalakal na matatagpuan sa ibat-ibang
lokasyon ng bansa.
 Ginagawa ng tao ang pag-aangkop sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan

Paglalapat
Paano napakikinabangan ng bansa ang ating likas na yaman sa pag-unlad ng ating ekonomiya?

2. Pagtataya
Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang tamang sagot na makikita sa loob ng kahon.
1. Isang mahalagang industriya na pinagkukunan ng gatas at karne. _____________
2. Ang mahalagang kabuhayan ng mga malalapit sa dagat at katubigan. ____________
3. Ang mahalaga at mamahaling uri ng bato at minerales na ginagawang alahas at palamuti ay
nanggagaling sa pangkabuhayang ito.____________
4. Ito ang mainam na hanapbuhay ng mga nakatira sa malalawak na
kapatagan. Ang mga industriyang ito ay tinaguriang “Farmer’s Cradle”. ____________
5. Ang hanapbuhay na ito ay nagbebenta ng kalakal at serbisyo sa mga lungsod at kanyonan na
tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao. ____________

Takdang-Aralin
Isulat ang mga nawalang letra upang mabuo ang mga salita na may kaugnayan sa uri ng hanapbuhay.

1. P A N_ I _ I _ A = ____________
2. P A G _ A _ _ _ A = ____________
3. P A G P _ _ A _ _ O _ = ____________
4. P A G _ _ _ E _ O S _ _ = ____________
5. P A _ G _ _ G _ S _ _ = ____________

I. Repleksyon

_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

You might also like