You are on page 1of 3

MAHABANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 7
MODYUL 1

Pangalan _____________________________________ Section __________________

I. Panuto: Basahin at tukoyin ang sagot sa bawat aytem sa tulong ng mga salita na nasa loob ng kahon.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

KABIHASNAN IRIGASYON SIBILISASYON


SUMER PANGINGISDA INDUS
SHANG PARI EKSPERTO
AGRIKULTURA POLITEISMO CIVITAS
HARI AT PARI ALIPIN KAPALIGIRAN O KATANGIANG PISIKAL

____________1. Ito ay mula sa salitang civitas, na salitang Latin na ang ibig sabihin ay lungsod.
____________2. Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit bilang kasingkahulugan ng sibilisasyon at ito ay katutubo
na salita sa Pilipinas.
____________3. Bukod sa pamumuhay ng Sumer at Shang, ang pamumuhay dito ay itinuturing ding sibilisasyon.
____________4. Bukod sa magaling at bihasa, ito pa ang tawag natin sa isang tao na nagkaroon ng kasanayan sa
isang bagay.
____________5. Sinasabing dito sumibol at umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon, kapag ang tao ay natutong
humarap sa hamon nito.
____________6. Ito ang ginawa ng mga tao sa sinaunang mga lungsod upang makontrol ang pag-apaw ng ilog. Ito
ang pangunahing gawaing pang- ekonomiya sa sinaunang panahon, malapit sa matabang lambak
ilog.
____________7. Ito ang ginawa ng mga tao sa sinaunang mga lungsod upang makontrol ang pag-apaw ng ilog.
____________8. Ito ang paniniwala sa maraming diyos. Ito ang pumalit sa mga pari bilang pinuno ng mga lungsod.
____________9. Sila ang mga pinunong panrelihiyon sa mga sinaunang lungsod.
____________10. Sila ang nasa mataas na bahagi ng bahagdan ng uring panlipunan sa sinaunang kabihasnan.

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilogan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran

2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?


A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at sistema ng
pagsulat
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

3. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong
kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng politikal
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
4. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung
hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang
mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa
D. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.

5. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?


A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porselana
D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system

III. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay wasto at M kung ito ay mali.
_________1. Ang pamumuhay at panirahan sa lungsod at di-lungsod ay itinuturing na sibilisasyon.
_________2. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng
tao.
_________3. Ang mga sinaunang kabihasnan ng Sumer, Shang at Indus sa Asya ay maituturing din na sibilisasyon.
_________4. Maituturing na nasa mas mataas na antas ang pamumuhay sa lungsod kumpara sa pamumuhay na
Nomadiko- pastoral.
_________5. Ang sibilisasyon ay galing sa salitang Latin na “graphe” na nangangahulugang bihasa.
_________6. Ang katangiang pisikal ang humubog sa mga Sinaunang Kabihasnang Asyano.
_________7. Kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na
baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino saka umiiral ang kabihasnan at
sibilisasyon.
_________8. Ang uri ng gawain o trabaho ang batayan sa pagbubuo ng uring pangkultura.
_________9. Mangangalakal ang pinakamababang uring panlipunan
_________10. Mayroong mataas na antas ng teknolohiya ang mga sinaunang kabihasnan.

IV. Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat aytem.

_______________1. Ang sibilisasyon ay hango sa salitang ito.


_______________2. Ito ay katutubong salita sa Pilipinas kung saan hango ang salitang kabihasnan.
_______________3. Bukod sa eksperto at bihasa, ito pa ang tawag natin sa isang tao na nagkaroon ng kasanayan
sa isang bagay.
_______________4. Ito ang humubog sa mga Sinaunang Kabihasnang Asyano.
_______________5. Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit bilang kasingkahulugan ng sibilisasyon at ito ay
katutubo na salita sa Pilipinas.

STUDENT’S COMMENTS AND PARENTS FEEDBACK ON MODULE CONTENT AND ACTIVITIES:

NAME AND SIGNATURE OF STUDENT: NAME AND SIGNATURE OF PARENT:

____________________________ _______________________________
KEY TO CORRECTION:

I.

1. SIBILISASYON
2. KABIHASNAN
3. INDUS
4. EKSPERTO
5. KAPALIGIRAN O KATANGIANG PISIKAL
6. AGRIKULTURA
7. IRIGASYON
8. POLITEISMO
9. PARI
10. HARI AT PARI

II.

1. A
2. A
3. A
4. B
5. A

III.

1. T
2. T
3. T
4. M
5. M
6. T
7. T
8. M
9. M
10. T

IV.

1. CIVITAS
2. BIHASA
3. MAGALING
4. KATANGIANG-PISIKAL
5. KABIHASNAN

You might also like