You are on page 1of 41

8

Modyul sa
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Mga Kontribusyon ng Kabihasnang
Klasiko
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Malou V. Pira
Editor: Lorna June S. Vallano
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang


matutuhan mo ang paksa tungkol sa “Mga Kontribusyon ng
Kabihasnang Klasiko”. Pinagkunan: commons iconscout.com

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay


ang sumusunod:
Aralin 1 – Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal sa Europe
Aralin 2 – Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal sa America
Aralin 3 – Mga Kotribusyon ng Kabihasnang Klasikal sa Africa at mga Pulo sa
Pacific

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan (most essential learning competency
-MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naiisa-isa ang mga natatanging kontribusyon ng mga kabihasnang klasiko;
2. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan;
3. Napatunayan ang epekto ng mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa
kasalukuyang panahon; at
4. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan (MELC).

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay pangkat ng mga tao na magkakasamang naglalakbay sa Sahara mula
Hilagang Africa patungong Kanlurang Sudan na may dala-dalang produkto at
gamit lamang ang kani-kanilang kamelyo.
A. chinampas B. caravan C. quipu D. mana
2. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa mga maliliit na Pulo sa
Pacific na nagpapakita ng mataas na kaalaman nila sa paggawa ng mga bagay-
bagay at nagbigay sa kanila ng pagkakakilanlan?
A. pagmimina at pagsasaka C. pakikipagkalakalan at
pagsasaka
B. pagsasaka at pangingisda D. pagpapanday at pagmimina
3. Ito ang tawag sa lungsod ng mga Inca sa ibabaw ng bundok kung saan dito
makikita ang galing at husay nila sa pagtatanim gamit ang hagdan-hagdang
palayan.
A. Andes Mountains C. Tenochtitlan
B. Macchu Pichu D. Yucatan Peninsula
4. Ito ang isang paraan ng mga tao ng pagbibigay ng pagpapahalaga sa
demokrasyang namana sa mga Greeks.
A. Pakikilahok sa halalan tuwing magkakaroon ng eleksiyon
B. Pagtatangkilik ng sariling produkto
C. Pagbibigay karapatan sa pangulo na ipasailalim ang bansa sa martial law
D. Pagkikilahok sa mga rally laban sa pamahalaan

1
5. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng mga tao sa tuwing ipinagdiriwang ang
Olympics?
A. Paghihikayat ng pandaigdigang pakikipagkaibigan
B. Pagpapalawak ng mga impluwensiya sa pamamagitan ng iba’t ibang larong
pampalakasan
C. Pagtatangkilik ng mga larong Europeo sa bawat kalahok na mga bansa
D. Pagkakaroon ng malayang pakikipag-ugnayan ng mga bansang kalahok sa
mga larong palakasan

Modyul
Mga Kontribusyon ng
5 Kabihasnang Klasiko
Sa kasalukuyang panahon, tunay nang malayo ang narating ng tao. Karaniwang
naririnig ang mga katagang “walang nang impossible sa ngayon”, “ kayang-kaya yan...”
Kung paano napapadali at napapabilis ang mga gawain ng tao ay marahil dahil sa mga
natatanging gawa at pamana sa atin ng mga taong nabuhay sa panahong klasikal.

Matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga naging pamana at naiwang ambag


sa atin ng iba’t ibang kabihasnang klasikal sa Europe, America, Africa at mga maliliit
na Pulo sa Pacific.

Balikan
Inaasahang lubos mong naunawaan at natapos ang mga gawain sa nagdaang
aralin. Ngayon, subukan mong sagutan ang sumusunod na katanungan na maaaring
makapagpaalala sa iyo ng mga kaalaman at konsepto na dapat mong natutuhan. Sa
iyong kuwaderno ay isulat ang mga salitang nakikita sa loob ng kahon, maaaring
pahalang o pababa. Bigyang kahulugan ang bawat salita na nakikita.

K-ataga; K-ahulugan, K-aisipan!

P E R I C L E S B E A S Kataga – Kahulugan
L
A R S
T N D A T H E N S O
1 . ________ - _____________
S A T C B I L S R N O M
2 . _________ - _____________
M A Y A M A N S B I S E
3 . _________ - _____________
A K Y S I U X Y E B A N
4 . _________ - _____________
N I R U K P E O R Z H X
5 . _________ - _____________
A U S T R O N E S I A N
6 . _________ - _____________
R I T W I L D E R B R U
7 . _________ - _____________
W A N I M I S M Q U A L
8 . _________ - _____________
T O L K M S P A R T A K 9 . _________ - _____________
10 . ________ - _____________

2
Magandang araw sa iyo! Maraming
bagay at kilos ang binago ng

Tuklasin pandemya sa ating buhay. Sa


darating na panahon, babalikan
mo ang mga naging aral, bagay, at
tamang pagkilos sa pangyayaring
ito sa iyong buhay.

Tulad ng mga naging ambag ng


kasaysayan na may
kapakinabangan sa kasalukuyan.
Magtala ng mga bagay na
ginagamit noon na hanggang sa
ngayon ay napakikinabangan pa
rin.

Suriin

Mga Natatanging Kontribusyon ng Klasikal na Lipunan sa Europe


• Bago pa nakilala ang Europe ay matagal nang nagkaroon ng palitan ng kaalaman at ideya
ang sinaunang Kabihasnang Asya at Africa. Maraming mga bagay ang nagawa na naging
pasimula sa sangkatauhan. Bagamat huli man, nakapagsimula ang Europe ng mga bagay na
ibinigay at naiwan bilang mga pamana ay nagkaroon din ng impluwensiya sa buhay ng mga
tao noon at sa kasalukuyan. Alamin at kilalanin ang ilan sa mga ambag na ito na ipinakilala
ng dalawang dakilang lungsod sa panahong klasikal, ang Greece at Rome.
• Colosseum – tinawag din itong Flavian Ampitheater dahil ito ay itinayo sa panahon ng
pamumuno ng mga Flavian sa ilalim ng Imperyong Rome. Binuksan ito noong 80 C.E. na
sinabayan ng pagdiriwang sa loob ng 100 na araw. Sa lugar na ito nagaganap hindi lamang
mga palaro at mga drama, minsan, dito rin isinasagawa ang pampublikong pagbibitay ng tao.
Napakalaki at magara ang gusaling ito na kayang makapasok ang 50,000 katao.
• Ang tatlong estilo o disenyo sa arkitekturang Greek, ang Doric, Ionic at Corinthian na ginaya
at ginamit din ng mga Roman. Ang mga estilong ito ang may malaking impluwensiya sa
arkitektura ng mga Kanluranin hanggang sa kasalukuyan.
• Ang Parthenon – itinayo at dinisenyo ni Ictinus noong 447 BCE para sa pinakapatron ng mga
Greek na si Athena. Matatagpuan sa mataas na bahagi ng polis, ang acropolis. Ito ay simbolo
ng pagkapanalo ng Athens sa Persia sa panahon ni Pericles. Ito ay bantayog din ng
kapangyarihang kultural, politikal, at ekonomikal ng taga-Athens.
• Ang Basilica – nagpapakita ng kagalingan ng mga Roman sa larangan ng arkitektura dahil
sa disenyo nitong pabilog na pa-arko at dome. Karaniwang nakikita ang mga disenyong ito sa
Pantheon na nagsisilbing templo ng kanilang kaharian ng mga Roman. Ngayon makikita natin
ang mga disenyong ito sa mga simbahang Katolika sa Rome at ibang simbahan sa Europe.
• Ang Appian Way. Ito ang pinakaunang mahabang kalsada sa Europe na nag-uugnay sa Rome
at Brindisi, ang timog silangang bahagi ng Italy. Sa kasalukuyan, buo at matatag pa ang
kalsadang ito na dinadayo ng mga turista. Kabilang rin dito ang paggamit ng mga aqueduct
na nagdadala ng tubig sa iba’t ibang bayan, at ang pagdugtong-dugtong ng mga tubo na
nagbibigay ng mainit at malamig na tubig sa mga pamayanan.
• Sa eskultura, ang bawat gawa ay balanse at proporsiyon, may karangalan at kahinahunan.
Detalyado ang paggawa para maipakita ang tunay na kagandahan ng isang ganap na nilalang.
Magandang halimbawa nito ay ang Discuss Thrower na gawa ni Myron, isang eskulturang
marmol na halos perpektong gawang klasikal.
• Sa larangan ng politika, natatangi ang demokrasya, isang uri ng pamahalaan na nagbibigay
pagkakataon sa mga tao na makilahok sa pamamahala ng kanilang pamahalaan sa
pamamagitan ng pagpili ng kanilang magiging pinuno. Nagbibigay din ito ng pagkilala sa
karapatan at kalayaan ng tao. Bagamat ibang uri ng demokrasya ang ipinakilala ng mga
Greek sa kung anong mayroon tayo ngayon, pinasimulan nito ang paghikayat sa mga taong

3
makilahok sa pamahalaan at pagkakaroon ng demokratikong lipunan. Tampok ang mga
ideyang ito sa mga panulat nina Cicero at Seneca ng Rome.
• Sa larangan ng pilosopiya, tatlong dakilang pilosopo sa mundo ang nagmula sa Greece: Si
Socrates ay nakilala bilang “Ama ng Western Philosophy”, naniniwalang ang katotohanan ay
maaabot ng tao sa pamamagitan ng pagtatanong, pangangatuwiran, at integridad. Ipinakilala
niya ang “Socratic Method” na karaniwang ginagamit ng mga guro sa paaralan para maibigay
ang mga kaalaman na dapat matutuhan ng kaniyang mag-aaral. Samantala, si Plato naman
ang pinakamagaling na mag-aaral ni Socrates. Ang mga ideya at pilosopiya ni Socrates ay lalo
pa niyang ipinakilala. Itinatag niya ang kauna-unahang paaralang pampilosopiya sa Europe
ang “Academy”. Sinulat ang aklat na The Republic kung saan dito inilalahad ang mga diyalogo
ng mga tao at ng namumuno para maipakita ang isang huwarang pamahalaan. Si Plato ay
naniniwala na ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng tao. Ang pangatlong
pilosopo ay si Aristotle. Ang pinakamatalinong Greek sa kaniyang panahon. Malawak ang
interes ni Aristotle sa iba’t ibang larangan gaya ng biyolohiya, astronomiya, pisika, pilosopiya
at lohika. Itinatag niya ang The Lyceum bilang isang paaralan pampilosopiya.
• Dagdag pa sa panahong ito ang paglaganap ng pilosopiya o paniniwalang Stoicism ni Zeno at
Epicureanism ni Epicurus. Ang Stoicism ay naniniwala na kung ang tao ay maipagpatuloy
ang anomang magandang balakin sa buhay ay dapat taglay niya ang disiplina at tamang
kaisipan at pilosopiya. Ang Epicureanism naman ay nagtuturo na ang tao ay kailangang
maghanap ng kasiyahan upang magkaroon ng katahimikan. Ang pag-iwas sa sakit,
kalungkutan, at masidhing damdamin ay ang pakahulugan nila ng kasiyahan.
• Nakilala si Hippocrates bilang “Father of Medicine”. Ang kaniyang pamamaraan at pagtrato
sa bawat sakit ng pasyente ay maingat at masusing pinag-aaralan. Dahil sa pagsunod sa
etika ng panggagamot na malayo sa mga paraan na ginagawa noong sinaunang panahon ay
kinikilala ang kaniyang kaalaman hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang mga bagong
manggagamot ay sumusumpa sa kilalang “Panunumpa ni Hippocrates” na maglilingkod ng
buong husay at katapatan sa tao.
• Ibinigay naman ni Ptolemy ang teoryang geocentric. Pinaniniwalaan nito na ang mundo ang
nasa gitna ng universe. Kalaunan ang teoryang ito ay sasalungatin ng teoryang Heliocentric
ni Nicolaus Copernicus, na ang araw at hindi ang mundo ang nasa gitna ng universe.
• Sa larangan ng literatura, higit na mas mataas at maunlad ang gawa ng Greece. Ang
literaturang Roman ay may impluwensiya ng mga Greek. Ngunit gayon pa man, parehong ang
mga akdang ipinakilala ng dalawang lungsod ng Europe ay may malaking impluwensiya sa
mga panulat at gawa ng mga makabago at sikat na manunulat sa makabagong panahon.
Naging inspirasyon at hinangaan sila sa pagpasimula ng mga nakasulat na literatura.
Karaniwan sa mga ito ay sinulat at isinadula na mga drama, komedya, mga kuwento ng
trahedya, pilosopiya at kahit sa pasimula ng pagsulat ng maayos at sistematikong
pagsalaysay ng mga pangyayari sa kasaysayan. Karaniwang tinatalakay sa kanilang mga
akda at panulat ang mga mito at alamat tungkol sa pinagmulan ng mundo at ng kanilang
mga diyos, ang naging karanasan at buhay ng tao sa ilalim ng pamumuno ng mga naging
lider ng Greece at Rome. May mga ilan ding hayagang sumulat ng pagtuligsa sa mga maling
gawain at pamamalakad ng kanilang pinuno o emperor kaya naging dahilan ng pagpapaalis
sa kanilang lugar o kaya ay naging dahilan ng kanilang kamatayan.
• Sa larangang ito, ang sumusunod ay ilan lamang sa mga kilalang tao at ang kanilang tanyag
at maimpluwensiyang akda.
Greeks
- Illiad - epikong tulang naglalarawan ng mga kaganapan
1. Homer tungkol sa Trojan War
- epikong tula tungkol sa pakikipagsapalaran at
- Odyssey mitikong nilikha
2. Herodutus - The Histories - mga pangyayari sa kasaysayan na sinulat at inayos
- “On the Origins sa sistematikong pamamaraan ng pagsasalaysay.
of the Greek – - tinaguriang “The Father of History”
Persian Wars”

3. Thucydides - The History of - nagpaunlad ng pang-unawa sa katangian ng tao at


the Peloponessian asal sa panahon ng krisis, trahedya at digmaang
War sibil
- Pericles’s Funeral - nakilala bilang “The Father of Scientific History”
Oration (naitala ang kasaysayan habang nagaganap ang
pangyayari)
4. Xenophon - Hellenica - karugtong ng gawa ni Thucydides

Romans
1.Virgil - Aeneid - epiko tungkol sa paglalakbay ni Aeneus pagkatapos
na bumagsak ang Troy, pagkatatag ng Rome nina
Remus at Romulus hanggang sa panahon ni
Augustus

4
2. Horace - Satires - lirikong tulang naglalarawan ng mga laganap na
bisyo sa Rome
- Epodes - inilalarawan ang pagdiriwang ng buhay sa Rome sa
panahon ni Augustus
3. Ovid - Metamorphoses - koleksiyon ng mga tulang epiko na naglalayong
ipakita ang mga pagbabagong nagaganap sa
lipunan, pinagmulan ng mundo at ang pakikipag –
ugnayan ng mga tao at diyos.
- hinangaan at naging inspirasyon sa panulat nina
Chaucer, Dante at Shakespeare
- isinulat sa wikang Latin na nagpakita ng galing at
kahusayan sa pagsulat na halos kapantay ng mga
Greeks
4. Cicero - De republica (On - tanyag na mananalita, orador at may akda
the State) - koleksiyon ng mga sulat tungkol sa sining,
edukasyon at mga korupsiyon ng dating governor ng
- De legibus (On Sicily
the Laws)
5. Seneca - Oedipus - essayist, mag –aaral ng pilospiyang Stoicism at
- Heracles naging tutor ni Nero
- Medea

• Marami pang pamana ang naiwan sa atin ng Europe na dapat nating bigyan ng
pagpapahalaga sa kasalukuyan. Ang palarong Olympics halimbawa na sinimulan ng mga
Greek. Sinimulan ito noong 776 BCE at nagaganap sa tuwing ikaapat na taon sa lungsod ng
Olympia. Nagkakaroon ng paligsahan sa laro at panitikan. Mahigpit na ipinatutupad ang mga
alituntunin ng palaro sa bawat kalahok at matiyak ang pagkakaroon ng disiplina at mabuting
pakikipaglaro. Ang palaro ay nagaganap bilang parangal sa kanilang diyos ngunit sa
kasalukuyan, ang Olympics ay ginaganap upang makahikayat ng pandaigdigang pakikipag-
ibigan sa bawat bansang kalahok. Ilan sa mga pinaglalabanan dito ay ang boksing
pagbubuno, pagtakbo, palundag at ang discuss at javelin throw.
• Ang misyon at hangarin ng edukasyon sa ngayon ay may pagkakatulad din sa paniniwala ng
Europe sa panahong iyon. Ang paglinang hindi lamang ng kaisipan kundi pati na rin katawan
para maging buo ang isang tao. Ang paggamit ng Roman numeral na I, V, X, L ay nagmula
rin sa kanila. At ang panghuli, sa kanila rin nagmula ang Julian calendar na ginagamit sa
kasalukuyan.

Mga Natatanging Kontribusyon ng Klasikal na Lipunan ng America


• Ang mayamang kultura ng taga-America ay nag-ugat sa mga ipinakita ng mga sinaunang
kabihasnang itinatag ng mga Olmec, Teotihuacan, at ng Maya. Sa paglipas ng mga ito ay may
mga pamayanang ipinagpatuloy ang kanilang sinimulan hanggang sa umunlad at lumawak
ang nasasakupan ng mga ito. Kagaya na lamang ng kabihasnang sinikap at napaunlad ng
Maya sa Gitnang America, ng kabihasnang Aztec na matatagpuan sa tinatawag na Valley ng
Mexico at ang kabihasnang itinatag ng mga Inca mula sa Timog America kung saan sa
kasalukuyan, matatagpuan ang Peru, Argentina, Bolivia, Ecuador at Argentina.
• Ang mga Maya ay nakabuo ng isang kalendaryo na mayroong 365 na araw. Ito ay naging
bunga ng kanilang pag-aaral ng mga galaw ng araw, buwan, bituin, at mga planeta. Dahil sa
napakahalaga sa kanila ang mga araw at oras ay naimbento ang Mayan Calendar. Dito
nakasalalay ang kanilang buhay dahil sa bawat pagkakamali nila ng oras ng kanilang
seremonya sa diyos ay maaaring ikagalit nito at sirain ang mundo nila. Ang kanilang
pagtatanim, pag-aani, pagsimula ng kalakalan, at kahit ang pakikipagdigma at paggawa ng
bagong templo ay kailangan nasa tamang oras.
• Kilala sa kabihasnan sa America, ang mga malalapad na kalsada, daan, at tulay na gawa nila.
Ipinag-uugnay nito ang isla ng Tenochtitlan sa mga punong-lunsod, may mga aqueduct na
nagsisilbing tagasuplay ng sariwang tubig sa iba’t ibang lugar, ang maayos na sewerage
system na nagdadala ng mga dumi palayo sa lungsod, mga dam na nagsisilbing proteksiyon
sa tuwing may baha at ang mga irigasyon na nagsisilbing patubig sa mga taniman sa panahon
ng tagtuyot. Nakalikha din sila ng tinatawag na floating garden o chinampas. Dahil sa
kakulangan ng lupang mapagtaniman, sa mga ilog, pinagsama-sama nila ang mga hinabing
damo at ginawang parang banig na nilagyan ng lupa at ipinalutang sa ilog. Kahanga-hanga
ang nagawang ito ng mga Aztec dahil sa kasalukuyan kahit wala na ang mga ilog, ang mga
floating garden ay nakakapagsuplay pa rin ng pagkain sa lungsod ng Mexico.
• Ang mga Inca na nagmula sa Timog America partikular sa kahabaan ng Andes Mountains ay
nakatuklas at nakabuo rin ng mga kaparaanan bunga ng kanilang pangunahing gawain sa
pagsasaka. Sa mga paanan ng bundok naisip ng mga Inca na gumawa ng mga hagda-
hagdang taniman para sa kanilang mga produkto at pangunahing pagkain na mais, patatas,
kalabasa, beans, at bulak. Sa dinadayong lugar ng Machu Picchu, ang lungsod sa ibabaw ng
bundok makikita ang maayos na mga hagda-hagdang ito. Sa panahon ng tagtuyot nakabuo
at nakagawa rin sila ng mga irigasyon. May mga nahukay at gumawa ng tunnels ang mga

5
Inca, maayos na mga daan, at kalsada na hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang
ilan sa mga ito. Walang maayos na sistema ng pagsusulat ang mga Inca pero nakaimbento
sila ng sistema ng pagbilang at pagkuwenta. Gamit ang mga pinagbuhol-buhol na may kulay
na mga tali. Tinawag nilang quipu ang mga taling ito na ginamit sa pagbilang ng kanilang
populasyon at suplay ng pagkain. Maliban sa pagsasaka, nagkaroon din ng pagkakataon ang
mga Inca na gumawa ng mga kasangkapan at mga bagay na yari sa metal at nakilala din sila
sa paghahabi ng magagandang uri ng tela. Naging dahilan upang dayuhin at kilalanin ang
mga telang habi sa Peru ngayon dahil sa kakaibang disenyo nito.

Mga Natatanging Kontribusyon ng Klasikal na Lipunan sa Africa at mga Maliliit na


Pulo sa Pacific
• Ang pinakamatandang kabihasnan ng Africa ay sumibol at umunlad sa lambak ng ilog Nile.
Nagbigay at nag-iwan ito ng mga kaalamang halos kasabay ng ilang kabihasnan sa Asya,
ngunit pagdating ng ika-3 hanggang ika –16 na siglo, may mga kaharian at lungsod estado
na sumibol at umunlad bunga ng pakikipagkalakalan sa kanlurang bahagi ng Africa. Ang
lungsod estado ng Axum, at ang tatlong kahariang Sudanic na Ghana, Mali, at Songhai.
• Nagsimulang maitatag ng Axum ang kaharian nito ng sakupin ang kaharian ng Kush.
Nagkaroon ng mga kasunduan ng pakikipagkalakalan sa Greece ang may hawak at kontrol
ng kalakalang nagaganap sa Mediterranean at Red Sea. Mga elepante, ivory, sungay ng
rhinoceros, pabango at mga pampalasa ay ipinagpapalit nila sa mga damit, salamin, copper,
bakal, at mga yaring produkto pabalik sa Axum.
• Pinakamahalagang produkto sa panahong iyon ay ang asin at ginto. Mula sa timog ng Sahara
ang mga asin ay dinadala sa kanluran ng Sudan at mga magugubat na lugar ng Africa. Ang
mga ginto ay nagmumula sa kagubatan at dinadala sa hilagang Africa at Europe.
Magkasinghalaga ang dalawang produkto sa panahong iyon, ginagamit ang ginto upang
makabili ng asin at ang asin naman ay ginagamit para tumagal ang kanilang pagkain.
• Sa ganitong pangyayari ay nagkaroon ng pagkakataon ang Ghana, Mali, at Songhai na
mamagitan sa mga lugar sa Africa na nangangailangan ng asin at ginto. Umunlad ang
sistemang barter at pinalawak ang kalakalang Trans-Sahara. May mga namuno sa bawat
kahariang nakarating na sa Karagatang Atlantiko mula sa ilog ng Senegal. Natustusan ng
mga imperyo ang kanilang pangangailangan mula sa mga buwis na ipinapataw sa bawat
produkto. Nagkaroon ng katatagan at kaunlaran ang mga imperyo. Nakilala ang lungsod na
Timbuktu na pinakamaunlad sa panahon ng Mali. May malalaking mosque at magagarang
palasyo. Naging sentro rin ito ng pag-aaral ng Islam.
• Ang mga kahariang umunlad at nakilala sa Africa sa panahong ito ay walang sapat na
pamana sa kabihasnan ngunit ang ipinakilalang paraan ng pamumuhay at
pakikipagkalakalan ay nagdulot ng pakinabang upang makilala at magkaroon ng kaalaman
sa nakilalang Dark Continent.

Mga Maliliit na Pulo sa Pacific

• May paniniwala ang mga siyentipiko na ang mga taong unang nanirahan sa rehiyon ng Pacific
ay nagmula sa Timog Silangang Asya. Sila ang tinatawag na mga Austronesian. Unang
narating ang lupain ng New Guinea, ang pinakamalaking pulo ng Micronesia. Naglakbay at
tinawid ang Pacific gamit ang canoe hanggang marating ang Micronesia at Polynesia.
• Unti-unti ang pagdating ng mga tao sa mga maliliit na Pulo na ito ng Pacific at dahil na rin
sa mga distansiya ng mga pulo ay nagkaroon sila ng iba’t ibang kultura, wika, tradisyon at
paniniwala. Subalit ang mga taong namuhay sa mga pulong ito ay namuhay din ng may
pagkakatulad, ang uri ng kanilang ikinabubuhay na dulot ng kanilang kapaligiran.
Samantala ang iba naman ay umasa sa pagsasaka ng taro at yams. Naging tanyag din ang
paniniwalang animism sa mga pulo dito. Ang paniniwala sa banal na kapangyarihan o mana
ay likas sa mga sinaunang Polynesian at ilang pulo sa Melanesia gaya ng Solomon Island at
Vanuatu.
• Bagamat hindi kasing unlad gaya ng Europe at America ang kaalaman ng mga tao sa maliliit
na pulo sa rehiyong ito ay nagkaroon pa rin ng impluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga
tao sa karatig rehiyon at iba pang mga pulo sa Pacific.
• Dumating ang mga European noong 1800s sa mga pulo sa Pacific at ginawa nila ang mga ito
na kanilang sakop na lupain o kolonya.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Mga kontribusyon ng


kabihasnang Klasiko sa daigdig noon at ngayon”, masasagot mo ba ang mga gawain?
Simulan mo na.

6
Gawain 5.1
Trip Ko to! Isipin mong isa ka sa mga drayber na pinayagang pumasada ngayong panahon ng
pandemya. Kailangang sumunod sa ipinapatupad na pangkalusugang protocol. Iilan lang ang
maaaring isakay sa jeep mo. Kung ikaw ang papipiliin, sino sa mga kilalang tao sa Europe noong
panahong klasikal ang isasakay mo. Isulat ang pagkakakilanlan ng bawat isa tulad ng nasa
isang manifesto. Punan ng wastong impormasyon na hinihingi sa tsart sa hiwalay na papel.

Gawain 5.2
Sintesis. Balikan ang mga datos sa bahagi ng Suriin at punan ng mga hinihinging impormasyon
ang tsart.

Kahalagahan
Lipunang Epekto sa
Ambag/Pamana Larangan sa panahong
Klasikal kasalukuyan
klasikal

Isaisip
Gawain 5.3
Tanong-Sagot. Unawain ang mga tanong at sagutin ito.
Kumusta ka? Sagutin ang
mga tanong sa pisara.

1. Ano-ano ang naging ambag ng mga


Kabihasnang Klasikal sa daigdig?
2. Ano-ano ang nagbigay-daan sa
pagkakabuo o pagkakaimbento ng mga
ambag na ito?
3. Bakit naging mahalaga ang mga ito
noong panahong klasikal?
4. Paano nakatulong ang mga ambag na
ito sa pagkakaroon ng pagkakakilanlan
ng bawat kabihasnan?
5. Paano mo mapahahalagahan ang mga
kontribusyong ito?

7
Isagawa
Gawain 5.4
Inspirational Message: Ikaw ay itinalagang komisyoner ng Supreme Student Government ng inyong
paaralan na nanguna sa pagbuo ng isang Historical Museum para sa mga mag-aaral ng Ikawalong Baitang.
Sa unang araw ng pagbubukas nito, ikaw ay inatasang magbigay ng isang Inspirational Message tungkol
sa mga pamanang naiwan ng mga Lipunang Klasikal sa Daigdig. Naglalayon itong mahikayat at maipadama
sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa natatanging ambag ng mga Lipunang Klasikal sa kabihasnan.

Mga panuntunan sa paggawa ng mensahe:


1. Isusulat sa hiwalay na papel.
2. Maaaring gawin sa wikang English o Filipino.
3. Ito ay binubuo ng mga talata na hindi lalagpas sa 300 salita.
4. Sundin ang tamang pamantayan sa pagsulat ng mga talata.
5. Basahin sa harap ng mga kaanak sa bahay bago ipasa.
6. May internet ka ba? Maaaring ipasa sa Messenger. Kung wala, maaaring ipasa nang sabay sa mga
gawain sa modyul na ito.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Nailahad ng maayos at organisado ang pagtalakay ng mga pangunahing kaalaman. 15
Mahusay at malikhain sa paggamit ng mga salita. 10
Wasto at tama ang paggamit ng mga bantas sa paggawa ng talata. 5
Kabuuan 30

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Ano ang tawag sa kinulayang tali at pinagbuhol-buhol ayon sa iba’t ibang haba na ginagamit ng
mga Inca sa pagkukuwenta?
A. Appian Way B. Aqueduct C. Chinampas D. Quipu
2. Ano ang tawag sa uri ng pamahalaan ng mga taga-Europe na tinuturing na kanilang natatanging
ambag sa larangan ng politika?
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D. Parliamentarya
3. Sino ang tanyag na pilosopo mula sa Europe ang kinikilalang pinakamatalinong tao sa kanilang
panahon?
A. Aristotle B. Plato C. Socrates D. Thucydides
4. Ano ang dalawang pinakamahalagang produkto mula sa Africa na ikinakalakal sa Trans-Sahara
Caravan Trade Route?
A. Asin at Ginto B. Ginto at Pilak C. Perlas at Mineral D. Yam at Taro
5. Ano ang itinuturing na pinakamahabang kalsada sa Europe noong Panahong Klasikal na nag-
uugnay sa Rome at Brindisi?
A. Appian way B. Aqueducts C. Carthage D. Timbuktu

Karagdagang Gawain
Gawain 5.5
Pagsasaliksik. Matapos ang mga aralin at mga
gawaing nasagutan sa modyul na ito, subukan mo
naman na magkaroon ng karagdagang kaalaman
kaugnay nito. Magsagawa ng pagsasaliksik sa
mga napapanahong isyu sa lipunan. Maaaring
kumuha ng mga datos sa diyaryo o kaya mga
balita online kung mayroong koneksiyon sa
internet. Pumili lamang ng isang isyu at isulat ang
kasagutan sa hiwalay na papel ayon sa mga datos
na hinihingi sa bawat isyu.
8
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Ang Europe sa Gitnang Panahon:
Pagbabagong Politikal at
Ekonomikal
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Ang Europe sa Gitnang Panahon: Pagbabagong Politikal
at Ekonomikal Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Erna A. Ocampo
Editor: Rizal P. Cantiller
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat


ng may-akda upang matutuhan mo
ang paksang “Ang Europe sa Gitnang
Panahon”. Sa bahaging ito ay aaralin
mo ang mga pangyayari pagkatapos
ng pagbagsak ng Roman Empire na
nagbukas sa panibagong paraan ng
pamumuhay ng mga tao na
nakasentro sa Europe. Tinatawag
itong Panahon ng Transisyon sa
pamumuhay ng tao sa pagitan ng
Sinaunang Panahon patungong
Gitnang Panahon na humubog sa
pandaigdigang kamalayang politikal
at ekonomikal.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Ang Europe sa Gitnang panahon sa Larangan ng Politika
(Piyudalismo, Holy Roman Empire)
Aralin 2 – Ang Europe sa Gitnang panahon sa Larangan ng Ekonomiya
(Manoryalismo)
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang
sumusunod na pinakamahalagang kasanayansa pagkatuto (most essential learning
competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naipaliliwanag ang transisyon ng kasaysayan ng daigdig mula sa Sinaunang
Panahon patungong Gitnang panahon o Medieval Period;
2. Nailalarawan ang mga pangyayari sa politika at kalagayan ng ekonomiya sa
Europe sa Gitnang Panahon (MELC);
3. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa Gitnang Panahon sa
larangan ng politika at ekonomiya; at
4. Naipahahayag ang saloobin sa naging pagbabago sa buhay ng mga Europeo at
mga natutuhang aral.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa papel.
1. Ito ay tumutukoy sa sistemang sosyo-politiko at militar na sagot sa
pangangailangan ng Europe sa Gitnang Panahon.
A. fief B. hari C. piyudalismo D. sultanato
2. Ito ay ang pinakamahalagang yaman at sukatan ng kapangyarihan noong
Medieval Period.
A. kabayo B. korona C. lupa D. salapi
3. Sino ang nakilalang pinakamahusay na pinuno sa Panahong Medieval?
A. Alexander the Great C. Hannibal
B. Charlemagne D. Julius Caesar
4. Ano ang tawag sa pangkat ng kalalakihang maginoo na nagsilbing mandirigma
at tagapagtanggol ng kaharian, kababaihan, at mahihina noong Medieval Period?
A. king B. knight C. slave D. vassal

1
5. Ang kabuktutan, paghahangad ng kapangyarihan, at kayamanan ang nagbigay-
daan sa pagbagsak ng dakilang imperyo ng mga Roman. Ano ang tawag panahon
sa kasaysayan ng Europe mula 500-1500 C.E. na nag-uugnay sa Sinaunang
Panahon patungong Modernong Panahon?
A. Panahong Bato C. Panahon ng Metal
B. Panahong Medieval D. Panahon ng Tanso

Modyul Ang Europe sa Gitnang

6 Panahon: Pagbabagong
Politikal at Ekonomikal
Ang Gitnang Panahon ay yugto sa kasaysayan ng Europe mula 500 hanggang
1500 C.E. Ito ay nagsimula sa pagbagsak ng Roman Empire noong 476 CE. Ang
panahong ito ang nagsilbing transisyon ng kasaysayan ng daigdig mula sa Sinaunang
Panahon patungong Modernong Panahon. Ang piyudalismo, manoryalismo at ang Holy
Roman Empire ay mahahalagang pangyayari sa panahong ito ang nagbigay-daan sa
paglaganap ng kaalaman, karunungan, at kalinangang Europeo na nagbunga ng
paghubog ng pandaigdigang kamalayan sa aspektong politikal, ekonomikal, at sosyo-
kultural.

Balikan
Buoin ang maikling kuwento na nagsasalaysay sa pagbagsak ng Roman Empire.
Punan ng tamang salita ang mga patlang mula sa kahon upang mabuo ang kuwento.
Gawin ito sa kuwaderno.
Odoacer Nero 476 C.E. Germanic Tribe Bubonic Plague

Pagbagsak ng Imperyong Roman sa Kanluran

Ang kaningningan ng Rome ay tiningala ng daigdig sa loob ng mahabang panahon


ngunit ang katanyagan nito ay unti-unting naglaho hanggang sa tuluyan itong
bumagsak noong _______. Ilan sa mga salik ng pagbagsak ng imperyong ito ay ang
pamumuno ng mahihinang emperador tulad ni ___________ at maluhong pamumuhay
ng mga sumunod na pinuno ng imperyo. Ang kahirapang naranasan ng imperyo ay
dahil sa pagliit ng populasyon dulot ng _______________. Hindi rin nakaligtas ang
imperyo sa pananalakay ng mga barbaro na sa matagal ng panahon ay nananahan sa
loob ng teritoryo, sila ay ang mga ___________. Sa pagkatalo ni Romulus Augustulus sa
kamay ni ________________ na itinanghal na kauna-unahang pinunong German sa Rome
na naging hudyat nang tuluyang pagwawakas ng imperyo sa Europe at ng Sinaunang
Panahon.

Tuklasin
Gamit ang imahinasyon at kuwaderno,
guguhit ka ng sariling kaharian. Tukuyin
ang iba’t ibang tauhang naninirahan dito
at ang kanilang papel na ginagampanan
sa kaharian.

2
Suriin

Ang Holy Roman Empire

• Ang mga Frank ang tribong namayani sa Gaul (France sa kasalukuyan) at sa ilang
bahagi ng Belgium. Ang kaharian ng mga Frank ay itinatag ni Clovis matapos
pamunuan ang maliit na grupo ay unti-unti itong pinalawak hanggang sa tuluyan
ng tinapos ang paghahari ng mga Roman sa Gaul noong 486 CE at ng mga Visigoth
sa Timog ng Gaul noong 507 CE.
• Sa pagkakatatag ng kaharian at pamumuno ni Clovis, nagsimula ang dinastiyang
Merovingian. Sa pagkamatay ni Clovis noong 511 CE, pinabayaan ng mga haring
Merovingian ang kanilang tungkulin kung kaya’t naging makapangyarihan ang
Mayor ng Palasyo o Mayor of the Palace.
• Si Pepin II ang isa sa humawak ng posisyon at nagkamit ng kapangyarihan sa lahat
ng lupaing Frank. Ang kaniyang posisyon ay minana ng kaniyang anak na si Charles
noong 714 CE na higit na kinilala sa pangalang Charles Martel o Charles the Hammer
dahil sa kaniyang tagumpay sa labanan sa Tours noong 732 CE upang pigilan ang
mga Muslim sa pagsulong ng pananampalatayang Islam sa Europe. Sa
kapahintulutan ng Pope, si Pepin the Short na anak ni Charles ay iniluklok na hari
ng mga Frank na naging daan sa pag-akyat sa kapangyarihan ng mga haring
Carolingian (mula sa pangalang Carolus).
• Noong 771 CE naghari si Charles na nakilala bilang Charlemagne (768-814 CE).
Tinawag si Charles na Charlemagne sa katawagang French, na nangangahulugang
Carolus (Charles) at Magnus (Great) mula sa katawagang Latin. Sa wikang English
ay “Charles the Great”
• Si Charlemagne (Charles the Great) ay nagtungo sa Italy at ipinagtanggol niya ito sa
mga Lombard sa pamumuno ni Haring Desiderius.
• Ang titulong Patricius Romanus na nangangahulugang “pangunahing
tagapagtanggol ng Pope at Simbahan” ay minana din ni Charles sa kaniyang ama
kung kaya’t naging obligasyon niya ang ipagtanggol ang Simbahan laban sa Lombard
at iba pang grupo na nagbabanta dito. Ang mga Saxon sa Germany at Avar ng
Hungary ay kaniyang tinalo na nagbunsod upang mapamunuan niya ang isang
napakalawak na imperyong sumasakop sa mga lupain ng France, Switzerland,
Belgium, Netherlands, Austria, mga bahagi ng Italy, at Germany.
• Ang husay sa pamamahala ni Charlemagne ay ipinamalas sa pamamagitan ng
paghahati-hati ng imperyo sa mga “county”. Ito ay paghahating politikal ng binubuo
ng maraming pamayanan na pinamumunuan ng count o konde. Ang mga batas at
kaayusan ay nakasalalay sa kamay ng mga ahente na tinatawag na “missi dominici”
na nangangahulugang “messenger of the lord” na may tungkuling magtungo sa bawat
county at mangalap ng mga sumbong ng mamamayan na siyang ipararating sa hari.
Ang distritong pangtanggulan na tinatawag na “mark” o “march” ang nangangasiwa
sa pagtatanggol sa gilid ng mga imperyo.
• Ang Aachen na tinawag ding “Aix-la-Chapelle” ang kabisera ng kaniyang imperyo na
huwaran ng Roman Empire kung saan binuhay niya ang karunungan. Ang
pagtangkilik ni Charlemagne sa pag-aaral ng mga pari, pagbibigay ng salapi sa
pagpapaunlad ng paaralan ng Simbahan kung saan itinuturo ang doktrina ng

3
Kristiyanismo, pagbibilang, grammar, at pagkanta ay nakatulong upang napanatili
ang Kabihasnang Roman sa kanlurang Europe.
• Si Charlemagne ay kinoronahan ni Pope Leo III noong kapaskuhan ng 800 CE habang
nagsisimba sa Rome at sinasambit ang mga katagang: “Para kay Charles Augustus,
Kinoronahan ng Diyos, Dakila at Mapayapang Emperador ng mga Roman, Mahabang
Buhay at Tagumpay”.
• Ang seremonya ay sumisimbolo sa
pagsasama-sama ng tatlong tradisyong
Roman, Christian at Germanic. Binuhay din
ang ideya ng isang mahalagang tradisyon sa
Europe na nagpapanatili ng pagkakaisang
politikal na noon ay pinalaganap na ng
Roman Empire. Ang pangyayaring ito ay
nagpamalas ng pagluluklok ng Simbahang
Kristiyano sa haring Germanic upang
maging emperador ng mga Roman.
Piyudalismo

• Ang pagtatapos ng pamumuno ni Charlemagne ang nagbigay-daan sa kawalan ng


mahuhusay na pinuno na kailangan upang mapanatili ang batas at kaayusan sa
kanlurang Europe. Sa kawalan ng malakas at sentralisadong pamahalaan upang
ipagtanggol ang lupain at mamamayan, nabuo ang isang sistemang
pinamamayanihan ng “feudal lord” o “panginoong may-lupa” na tinatawag na
piyudalismo o feudalism.
• Sa panahong ito, ang lupa ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe na
kailangang pangalagaan. Ang Piyudalismo ay sistemang umiral sa Europe mula ika-
9 hanggang ika-14 na siglo. Ito ay sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar
na sagot sa pangangailangan sa mamumuno sa Europe. Ito rin ay isang kontrata sa
pagitan ng lord at basalyo. Ang hari ang pangunahing nagmamay-ari ng lupain na
hindi na kayang ipagtanggol kung kaya’t ibinahagi sa mga nobility na nagiging vassal
ng hari. Tulad ng hari, ang feudal lord o panginoong may-lupa o panginong pyudal
ay tinatawag ding liege o suzerain. Ang dugong bughaw ay vassal, samantala ang
lupaing ipinagkakaloob ng lord sa vassal ay fief.
• Magiging ganap ang kontrata kung naisagawa na ang homage. Ito ay isang
seremonya ng aktuwal na pagkakaloob ng lupain ng lord sa vassal sa pamamagitan
ng paglalagay ng kamay ng vassal sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangakong
magiging tapat na tauhan nito na tinawag na “oath of fealty”, susundan ito ng
pagsasagawa ng “investiture” o seremonya ng pagbibigay ng lord ng fief sa vassal.
Ang lord ay may tungkuling suportahan ang pangangailangan ng vassal sa
pamamagitan ng fief, ipagtanggol ang mga ito sa mga mananalakay o masasamang-
loob at maglapat ng katarungan sa lahat ng alitan. Samantala, tungkulin ng vassal
ang pagkakaloob ng serbisyo-militar, pagbabayad ng ransom kapag nabihag ang lord
sa digmaan, tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi sa dowry ng panganay na
dalaga ng lord at gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng anak ng lord.
• Ang Knight ay tawag sa mga mandirigma na nakasakay sa kabayo noong Gitnang
Panahon, tinawag din silang “Kabalyero. Ang mga kabalyero ay ang unang uri ng
maharlika na tulad ng mga panginoong pyudal, sila ay maaaring magpamana ng
kanilang lupain. Ang pagiging knight o kabalyero ay dumadaan sa mahabang proseso
ng pagsasanay. Ang isang batang lord o vassal ay tumatanggap ng pagsasanay upang
maging magaling at ganap na knight. Mula pagkapanganak hanggang pitong taong
gulang, ang bata ay nasa pangangalaga ng ina, susundan ito ng pagiging “page” kung
saan ipadadala sa isang lord upang maging tagapaglingkod habang sumasailaim sa
pagsasanay sa loob ng pitong taon sa paggamit ng kabayo at sandata. Ang
pagsasanay ay magpapatuloy bilang “squire” kung saan siya ay sumasama sa
kaniyang “master” sa mga paligsahan, pangangaso, at labanang kinasangkutan ng
kaniyang master. Sa gulang na dalawampu’t isa, siya ay magiging ganap na knight
pagkatapos ng marangyang seremonya o investiture.
• Ang mga Serf naman ay ang bumubuo sa pangkaraniwang tao sa lipunan nong
panahong Medieval. Sila ay nakatali sa kanilang sinasakang lupain at nagtatrabaho
sa bukid ng kanilang panginoon na walang bayad. Wala silang pagkakataong
umangat sa buhay at maaaring makapag-asawa sa pahintulot ng kanilang

4
panginoon. Ang lahat ng kanilang pag-aari, gamit, at maging ang kanilang anak ay
pag-aari ng kanilang panginoon.
Manoryalismo

• Ang manoryalismo ay sistemang pang-ekonomiyang kaagapay ng piyudalismo. Ito ay


isang sistemamg gumagabay sa pamumuhay ng tao sa loob ng manor at paraan ng
pagsasaka. Ang manor ay malaking lupang sinasaka at sentro ng gawain sa ilalim ng
manoryalismo. Ang lahat ng pangangailangan ng tao ay nililikha at tinutugunan sa
loob ng manor. Matatagpuan dito ang kastilyo kung saan nakatira ang “lord” at
“common” na ginagamit bilang pastulan ng mga alagang hayop. Ang paraan ng
pagsasaka ay tinatawag na “three-field system” kung saan hinahati ang bukirin sa
tatlong bahagi at halinhinang tinatamnan.

Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Three_Field_System.svg;
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Riches_Heures_Berry-Septembre.jpg;
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Plan_mediaeval_manor.jpg

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang paksa tungkol sa “Ang Europe sa Gitnang


Panahon: Pagbabagong Politikal at Ekonomikal”, masasagot mo ba ang mga gawain?
Simulan mo na.

Gawain 6.1
What’s in My Mind. Sagutin ang mga tanong sa hanay A mula sa mga pagpipilian sagot
sa hanay B. Gawin ito sa papel.

Hanay A Hanay B
1. Ang tawag sa lupaing ipinagkaloob ng lord sa vassal. A. fief
2. Tawag sa mga mandirigma noong Medieval Period. B. knight
3. Ito ang sentro ng gawain sa ilalim ng manoryalismo. C. manor
4. Tawag sa panunumpa ng katapatan ng vassal sa lord. D. oath of fealty
5. Tawag sa maharlikang tumanggap ng lupain E. vassal
sa lord.

Gawain 6.2
Kaalaman Ko, Ilalahad Ko. Buoin ang graphic organizer, punan ang kahon ng mga
kaalaman. Gawin ito sa papel.

5
Piyudalismo Manoryalismo

feudal Lord vassal knight king commoner serf

Isaisip

Gawain 6.3
Tanong-Sagot. Unawain ang mga tanong at sagutin ito.

Kumusta ka? Sagutin ang


mga tanong sa pisara.

1. Sino ang nanguna sa pagtatag ng Holy Roman


Empire at bakit ito tinawag na Holy Roman
Empire?
2. Ano-ano ang bumubuo sa lipunang piyudalismo
sa panahong Medieval?
3. Bakit mahalaga ang lupa sa sistemang
piyudalismo?
4. Sa paanong paraan nagkakaroon ng
ugnayan ang miyembro ng lipunan sa
sistemang manoryalismo?
5. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang
sistemang piyudalismo at manoryalismo?

6
Isagawa

Gawain 6.4
My Kingdom, My Rule. Kung ikaw magiging isang pinuno o lider ng isang bansa, paano ka
magiging epektibo sa pagpapatatag ng politika at ekonomiya ng iyong nasasakupan. Magtala sa
papel ng tig-limang programa o proyekto na iyong isasagawa sa iyong nasasakupan.

Politika Ekonomiya

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos

Nailahad nang maayos at organisado ang pagtalakay ng mga


15
programa o proyekto sa nasasakupan.

Mahusay at malikhain sa paggamit ng mga salita. 10

Wasto at tama ang paggamit ng mga bantas sa paggawa ng talata. 5

Kabuuan 30

7
Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.
1. Pinaniniwalaang ang imperyong ito ang bumuhay muli sa Imperyong Roman.
A. Byzantine Empire
B. Caroligian Empire
C. Holy Roman Empire
D. Merovingian Empire

2. Pinunong kinoronahan ni Pope Leo III sa Kapaskuhan ng 800 CE.


A. Augustus Caesar
B. Charlemagne
C. Clovis
D. Pepin II

3. Ang piyudalismo ay isa sa mahalagang pangyayari sa Europe na nakatulong sa


pagtugon sa pangangailangan sa mamumuno, alin sa sumusunod ang bumubuo
sa sistemang piyudalismo sa panahon ng Medieval?
A. father – mother – children
B. feudal lord – vassal – knight
C. pope – bishop – priest
D. President – Senate – Congress

4. Ang Feudal lord at vassal ay may mga tungkuling ginagampanan sa isa’t isa. Alin
sa sumusunod ang hindi kabilang sa tungkulin ng vassal?
A. Magkaloob ng serbisyo-militar.
B. Magiging tagapagmana ng lord.
C. Maghanap ng pambayad ng ransom kapag nahuli ang lord sa digmaan.
D. Tumulong sa paghahanap ng salapi para sa dowry ng panganay na anak
na dalaga ng lord.

5. Ano tawag sa lupaing ipinagkakaloob ng lord sa vassal?


A. fief
B. mana
C. manor
D. regalo

Karagdagang Gawain

Gawain 6.5
Historian in Action. Iayos ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat
ang sagot sa papel.

1. Pagiging emperor ni Charlemagne sa Holy Roman Empire.


2. Pamumuno ng Merovingian Dynasty sa Gaul o France.
3. Pagbagsak ng Roman Empire sa kanluran.
4. Pagkapanalo ni Charles Martel sa Labanan sa Tours.
5. Pag-iral ng piyudalismo sa Europe.

8
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Gitnang Panahon sa Europe:
Sosyo-Kultural
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Ang Europe sa Gitnang Panahon: Sosyo-kultural
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glyn Q. Casia
Editor: Ma. Victoria P. Alvaro
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo.
Sa modyul na ito ay pag-aaralan
mo ang kalagayang sosyo-
kultural ng Europe sa Gitnang
Panahon. Ang modyul na ito ay
tungkol sa paglakas ng
Simbahang Katoliko na isang
malaking aspekto ng pagbabago
sa sosyo-kultural na
pamumuhay ng mga tao sa
Europe. Ang Simbahan ang
naging makapangyarihang
institusyon sa Gitnang Panahon
sa Europe. Itinuturing na
tagapag-ingat at tagapagtaguyod
Pinagkunan: www.commons.wikimedia.org
din ang Simbahang Katoliko ng
kultura sa Europe.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Ang Sosyo-Kultural ng mga Europeo noong Gitnang Panahon
Aralin 2 – Ang mga Pagbabagong Sosyo-Kultural sa Europe sa Gitnang Panahon
Aralin 3 – Ang Simbahang katoliko at Krusada

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nailalarawan ang Europe noong Gitnang Panahon sa aspekto ng sosyo-kultural
ng tao;
2. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa Gitnang Panahon sa
kalagayang sosyo-kultural ng mga Europeo (MELC); at
3. Naibabahagi ang sariling opinyon sa paglakas ng Simbahang Katoliko at
pagsasagawa ng mga Krusada.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.
1. Ito ay itinuturing na panahong nag-uugnay sa Sinaunang Panahon at
Makabagong Panahon sa Europe.
A. Dark Ages C. Panahong Klasikal
B. Panahon ng Bato D. Panahong Medieva
2. Sila ay mga taong iniwan ang makamundong buhay at namuhay sa panata ng
karalitaan, kalinisan, at pagsunod.
A. alipin B. bourgeoisie C. kabalyero D. monghe o monk
3. Katawagan para sa mga hindi sumusunod o naniniwala sa mga doktrina at
katuruan ng Simbahang Katoliko.
A. deboto B. erehe C. misyonero D. propagandista

1
4. Isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Europeo upang bawiin ang
Jerusalem mula sa mga Seljuk Turk.
A. Inquisition B. Interdict C. Krusada D. Monatisismo

5. Isang samahan ng mga maestro o dalubhasa sa sining sa Gitnang Panahon.


A. basilica B. iskolastika C. teolohika D. unibersidad

Modyul
Ang Europe sa Gitnang
7 Panahon: Sosyo-Kultural

Sa pagbagsak ng Imperyong Roman ay umusbong ang panibagong yugto ng


panahon sa Europe, ito ay ang Gitnang Panahon o Panahong Medieval. Sinasabing ang
panahong ito ang nag-uugnay sa Sinaunang Panahon at Makabagong Panahon. Ang
Simbahang Katoliko ay naging kanlungan ng mga tao sa panahon ng kaguluhan ng
pananakop ng mga barbaro at ng kalaunan ay naging makapangyarihang institusyon
sa buong Europe sa Gitnang Panahon.

Balikan

Ayusin ang mga letra upang makabuo ng isang salita batay sa


paglalarawan. Ilagay ang iyong sagot sa kuwaderno.

K B L A E R Y O A 1. Isang mandirigmang nakasakay sa kabayo


na nanunumpa ng katapatan sa kaniyang
kinilalang panginoon.
O I S ML U P I Y D A 2. Pamamaraan ng pamumuhay na ang
kapangyarihan ng pamumuno ay nasa
kamay ng panginoong maylupa.
O MN A R Y A L I SOM 3. Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na
batayan sa paraan ng pagsasaka at
pagsasakatuparan ng ugnayan ng lord at
I L A K ST O Y magbubukid.
4. Ang tirahan ng panginoong maylupa na
isang matibay at malaking gusali.
N R O A M 5. Tumutukoy sa isang malawak na lupaing
sinasaka sa Gitnang Panahon sa Europe.

Tuklasin
Makikita ang dalawang larawan ng
Simbahang Katoliko sa Gitnang
Panahon sa Europe. Suriin ang
estruktura nito at sagutin ang mga
tanong sa kuwaderno.

2
Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:All_Saints%27_ch
urch,_Harworth,_Notts._-_geograph.org.uk_-_104981.jpg Pinagkunan: https://en.wikipedia.org/wiki/Romanesque_art

Mga Tanong:
1. Paghambingin ang dalawang larawan ng simbahan, ano ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng estuktura nito?
2. Ano ang kahalagahan ng simbahan?

Suriin

Pamumuhay ng mga Europeo sa Pagsisimula ng Middle Ages

• Sa pagbagsak ng makapangyarihang Imperyong Roman, ay nagbunga ng panibagong


yugto ng panahon sa Europe, tinawag itong Gitnang Panahon o Middle Ages (500-
1500 CE) na nahahati sa Early Middle Ages (500-1050 CE), High Middle Ages (1050-
1270 CE) at Late o End of Middle Ages (1270-1500 CE). Nagbunsod ng isang bagong
uri ng lipunan ang pinaghalong pamanang klasikal mula sa Rome, ang paniniwala
ng Simbahang Katoliko at mga kaugalian ng mga tribong Germanic. Nang namayani
ang mga tribong Germanic sa Europe ay bumaba ang antas ng karunungan, nawalan
ng lingua franca o iisang wika ang Europe na tinatawag na Latin.
• Ang pananampalatayang Katolisismo ay ipinalaganap ng mga misyonero sa mga
paganong tribo ng hilaga at silangang Europe. Ang isa mga pangunahing
tagapaglaganap ng pananampalatayang Katolisismo ay ang mga monk o monghe na
iniwan ang makamundong buhay at namuhay sa panata ng karalitaan, kalinisan, at
pagsunod sa kautusan ng Simbahan. Kanilang itinaguyod ang pag-unlad ng
kabihasnan, nagbukas ng mga paaralan at naging pansamantalang tuluyan ng mga
manlalakbay at pagamutan ng mga may sakit ang kanilang mga monasteryo. Ang
mga monghe din ay gumawa ng kopya ng mahahalagang aklat.
• Si Haring Clovis, hari ng mga Frank, ay nabinyagan sa Katedral ng Reims noong 496
CE at lumaganap ang relihiyon sa kaniyang Mapa ng Banal na Imperyong Roman
nasasakupan. Ang pananampalatayang
Katolisismo ay lumaganap sa iba pang bahagi
ng Europe tulad ng England, Spain, Poland,
Denmark, Norway, Sweden, at Hungary. Ang
mga sumunod na pinuno ay kulang sa
kakayahan sa pamamahala kung kaya’t
naging makapangyarihan ang Mayor ng
Palasyo (Chief Officer). Si Pepin II na isa sa
mga Mayor ng Palasyo ay naging
makapangyarihan sa pakikipagtulungan sa
Papa ng Simbahang Katoliko at itinaguyod
ang mga misyonero. Ang kaniyang posisyon
ay minana ng kaniyang anak na si Charles
Martel na tanyag sa kaniyang mga tagumpay
laban sa mga Muslim. Humalili kay Charles
ay si Pepin the Short na kaniyang anak at
kinilala ito bilang hari ng mga Frank.
Sumunod sa kaniya ay si Charles na tinawag
na Charlemagne, siya ay pangunahing
tagapagtanggol sa Papa at Simbahang
Katoliko. Sa kaniyang kahusayan sa
pamumuno at pagtataguyod ng pag-aaral ng Pinagkunan:https://commons.wikimedia.org/wiki/File:
Holy_Roman_Empire_11th_century_map-en.svg
mga pari, pagbibigay ng salapi para sa
ikauunlad ng mga paaralan ay kinoronahan
siyang emperador ng Banal na Imperyong Roman.

3
Ang Paglakas ng Simbahang Katolisismo at Pag-usbong ng Kabihasnang
Europeo

• Ang katagang Katoliko ay nangangahulugang universal o pangkalahatan na may


opisyal na doktrina o theology na inayos ng mga tapat at dalubhasang pari na sina
Ambrose, Jerome, Augustine, at Gregory. Isinalin ni Jerome ang Bibliya sa Latin
mula sa orihinal na Greek at Hebrew, na tinawag ang salin na ito na Vulgate. Ang
Simbahang Katoliko ay may sinusunod na hierarchy o sistema ng pagkakasunod-
sunod ng awtoridad. Ang parokya ay pinamumunuan ng pari; ang diocese
(pinagsasama-samang parokya) ay pinamamahalaan naman ng obispo, ang obispo
ay may sariling simbahan o cathedral. Ang mga hindi sumunod o naniniwala sa
doktrina at katuruan ng Simbahan ay itinuturing na heretic o erehe. Inquisition ang
tawag sa hukuman na itinatag upang hanapin at parusahan ang mga erehe. Sa
pamamagitan ng excommunication o eskomulgasyon, interdict at deposition ay
lalong lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Naitatag ang samahang
Pransiskano at Dominikano, dalawang samahan ng mga pari, sila ay mga misyonero
at nagpalaganap ng pananampalatayang Katolisismo.
• Naging malaki ang ginampanang bahagi ng Simbahan sa pagpapanatili at
pagpapalaganap ng kabihasnang Kanluranin. Sakop ng malawak na organisasyon
ng Simbahan ang ospital at kolehiyo gayundin ay pinamahalaan ng Simbahan ang
pagpapagawa ng mga tulay, lansangan, at iba pang impraestruktura. Sa larangan ng
edukasyon ay itinaguyod din ng Simbahan sa kanayunan ang mga monasteryo at
katedral na naging sentro ng karunungan. Ito ay inilalaan lamang para sa mga
nagbabalak maging pari. Pinag-aralan ang grammar, rhetoric, at logic sa mababang
antas; at arithmetic, geometry, music at astronomy sa mataas na antas. Naitatag ang
mga unibersidad na isang samahan ng mga maestro o dalubhasa sa sining. Sa
teolohiya naman ay nakatuon ang malaking bahagdan ng karunungan, ang umiiral
na pilosopiya ay tinatawag scholasticism. Nakilala naman si Bernard Clairvaux, Peter
Abelard, Albertus Magnus, at Thomas Aquinas. Ang Vulgate na salin ng Bibliya ni
Jerome ay isa sa mga kinilalang likhang panitikan, gayundin ang The Divine Comedy
ni Dante Alighieri at ang The Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer. Mayroong
itinatampok na dula noong Middle Ages. Naging kapansin-pansin ang mga simbahan
sa mga disenyo na hango sa modelo ng silid-hukuman sa Rome. Ito ay tinatawag na
“basilica”. Mula sa payak na disenyo ay umunlad at naging detalyado at pinatibay pa
ang mga ito. Kalaunan ay naging estilong Gothic ang mga bubong na patulis,
samantalang ang mga bintana ay may mga salaming napapalamutian ng salaming
may iba’t ibang kulay. Pinapaganda ang loob ng mga basilica na puno ng ukit at
mosaic.

Pinagkunan:https://bibliophilly.library.upenn.edu at www.commons.wikimedia.org

Ang Paglulunsad ng Krusada


• Sa pagpapalawak ng teritoryo ng mga Muslim ay kanilang nakuha ang Jerusalem na
itinuring na banal na lupain ng mga Kristiyano. Kaya sa panawagan ni Papa Urban
II noong 1095 ay inilunsad ang Krusada, isang ekpedisyong militar upang bawiin ang
Jerusalem mula sa mga Turkong Muslim. Marami ang sumama dahil sa
ipinangakong pagpapatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan at utang. Ang ibang
mga sumama sa Krusada ay nagkaroon ng ibang hangarin na taliwas sa layunin nito.
Narito ang talaan ng mga Krusadang inilunsad ng mga Europeo:

4
Mga Lumahok at Mga Pangyayari at
Krusada Taon
Namuno Resulta
10,000 Napasok ang Jerusalem
magbubukid; noong Hulyo, 15, 1099 at
Unang Krusada 1096-1099
20,000 - 25,000 naitayo ang apat na
kabalyero Crusaders States.
Nagkaroon ng kasunduan
ang panig ng mga crusader
Frederick at Richard at Turkong Muslim sa
Ikalawang Krusada 1147-1149
the Lion-hearted pamumuno ni Saladin,
nakapaglakbay ang mga
Europeo sa Jerusalem.
Binigyan ng karapatan ang
mga deboto na makapunta
Mga Pranses at
Ikatlong Krusada 1189-1192 sa Jerusalem at manatili
venetian
sa ilang bayan sa baybay-
dagat.
Hindi tumuloy sa
Jerusalem ang mga
Ikaapat na Krusada 1202-1204 crusader sa halip ay
sinalakay ang
Constantinople.

• Ang sumunod na Krusada ay itinuturing na minor crusades: Ikalimang Krusada


(1217-1221); Ikaanim na Krusada (1228-1229); Ikapitong Krusada (1248-1250);
Ikawalong Krusada (1270-1291); mayroong Krusada ng mga Bata na naganap noong
1212. Ang lahat ng iyon ay bigo sa pagbawi ng Jerusalem. Naging daan naman ang
Krusada sa pag-unlad ng komersiyo at ang agham ng pakikidigma ng mga Europeo,
gayundin ang paghahanap ng bagong ruta ng kalakalan at nagsilbing salik ng pag-
ulad ng mga lungsod at malalaking daungan.

Ang mapa ng mga inilunsad na Krusada

Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Early_crusades_(2709974097).jpz

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Ang Europe sa Gitnang


Panahon: Sosyo-Kultural”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 7.1
Data Retrieval: Punan ang kahon ng mga karagdagang detalye ukol sa mga Pangyayari
sa Gitnang Panahon sa Europe. Gawin ito sa papel.

5
Pamumuhay sa Pasimula ng Middle
Ages

Paglakas ng Simbahan

Pag-usbong ng Kabihasnang Europeo

Gawain 7.2
Timeline. Gumawa ng timeline ukol sa krusadang inilunsad.

Isaisip

Gawain 7.3
Tanong-Sagot. Unawain ang mga tanong at sagutin ito.

Kumusta ka?
Sagutin ang mga
tanong sa pisara.
1. Ano ang kalagayan ng Europe sa Gitnang Panahon
matapos ang pamamayagpag ng tribong Germanic?
2. Ano ang naging pangunahing papel ng Simbahan sa
paglakas ng kultura ng Europe sa Gitnang Panahon?
3. Paano nabago ang kalagayang sosyo-kultural ng mga
Europeo sa Gitnang Panahon?
5. Bakit inilunsad ang Krusada?
6. Nakabuti ba ang paglakas ng
kapangyarihan ng Simbahan sa Gitnang
Panahon?
7. Mahalaga ba ang papel na ginagampanan
ng Simbahan hanggang sa kasalukuyan?

6
Isagawa

Gawain 7.4
Simbahan Noon at Ngayon. Ihalintulad ang Simbahang Katoliko noon at ngayon sa
pamamagitan ng pag-uusap ng mag-kamag-aral gamit ang mga dialogue box tulad ng
ipinakikita sa ibaba. Gawin ito sa papel.

Tama ka. Gusto kong idagdag na


Alam mo bang ang Simbahang
ang Simbahang Katoliko noon ay
Katoliko noon ay __________? Sa
__________. Ngayon naman ay
ngayon, ang Simbahang Katoliko
__________.
ay ___________.

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos
Wasto ang mga paghahambing ng Simbahang Katoliko noon at
10
ngayon.
Nakapagbigay ng tatlo o higit pang paghahambing. 10
Madaling maunawaan ang ginawang pag-uusap. 5
Kabuuan 25

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Anong tribo ang sumalakay sa Imperyong Roman ang naging dahilan ng tuluyang
pagbagsak ng imperyo sa kanlurang Europe?
A. Germanic B. Nazi C. Nomad D. Pirata
2. Ano ang tawag sa iisang wika na ginagamit sa pang-araw-araw sa Europe bago
pa namayani ang mga tribong Germanic?
A. Greek B. Latin C. Frank D. Spanish
3. Ano ang pangunahing papel na ginampanan ng Simbahang Katoliko pagkatapos
ng pagbagsak ng Imperyong Roman?
A. Ang Simbahan ang nanguna sa pakikipaglaban sa mga barbaro.
B. Ang Simbahan ang tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga
barbaro.
C. Ang Simbahan ang naging sandata ng mga barbaro laban sa mga Europeo.
D. Ang Simbahan ang ginamit ng hari upang labanan ang mga barbaro.

7
4. Bakit inilunsad ang Krusada?
A. Upang mapalaya sa pagkakautang ang mga alipin.
B. Upang lumaganap ang teritoryo ng Europe.
C. Upang umunlad ang kalakalan.
D. Upang bawiin ang Banal na Lupain ng Jerusalem.
5. Ano ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
1. Inilunsad ang mga Krusada.
2. Naging makapangyarihan si Pepin II bilang mayor ng palasyo sa
pakikipagtulungan sa Papa ng Simbahang Katoliko.
3. Nabinyagan si Haring Clovis ng mga Frank bilang katoliko sa simbahan ng
Reims.
4. Kinoronahan ni Papa Leo III si Charlemagne bilang Emperador ng Banal na
Imperyong Roman.
A. 4-3-2-1 B. 2-4-1-3 C. 3-2-4-1 D. 1-2-3-4

Karagdagang Gawain

Gawain 7.5
Pagsasagawa ng Survey. Kung may internet connection ka sa bahay, magsurvey sa
iyong mga kamag-anak o mga kaibigan mula sa iba’t ibang dako sa Pilipinas man o
ibang bansa sa estilo at estruktura ng kanilang simbahan at ang mga disenyo na
kanilang makikita. Gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagsasagawa nito.
Pagkatapos ay magsagawa ng simpleng pag-uulat sa pamamgitan ng pagkompleto ng
mga impormasyon sa tsart sa ibaba. Kung sakali namang walang internet connection
sa bahay, ay itala mo sa tsart ang mga impormasyon na maaari mong makita sa inyong
simbahan.

8
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Mga Kaisipang Lumaganap sa
Gitnang Panahon
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Robert C. Oregas
Editor: Joy M. Amarante
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat ng


may-akda upang matutuhan mo ang
paksang “Mga Kaisipang Lumaganap
Noong Gitnang Panahon”. Makikita sa
mga larawan ang dalawa sa tanyag na
tauhan sa panahong ito.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Edukasyon at Pilosopiya
Aralin 2 – Agham at Matematika
Aralin 3 – Sining at Arkitektura

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natatalakay ang mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon;
2. Nasusuri ang impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon;
at
3. Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon
(MELC).

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
1. Ano ang layunin ng edukasyon noong Gitnang Panahon?
A. Ito ay paghahanda para sa kabilang buhay.
B. Paraan ito upang lumawak ang isip ng mga tao.
C. Upang maging mabuting mamamayan ang mga tao.
D. Upang maging tapat na tagasilbi ng hari.

2. Ano ang karaniwang tema ng mga likhang sining noong Gitnang Panahon?
A. Ito ay batay sa buhay ng mga hari o reyna.
B. Mga buhay ng mga pari at monghe.
C. Mga kuwento mula sa Bibliya.
D. Mga pagsubok na nararanasan ng mga tao.

3. Ayon sa kaniya, nagsisimula sa pagdududa at pagtatanong na susundan pa ng


mas maraming katanungan ang daan tungo sa katotohanan at karunungan.
A. Euclid B. Peter Abelard C. Roger Bacon D. Thomas Aquinas

4. Alin sa sumusunod ang nakatulong upang dumaloy ang mga kaisipang nagmula
sa ibang bahagi ng daigdig noong Gitnang Panahon?
A. Pagkuha ng mga guro mula sa ibang bahagi ng daigdig.
B. Pagpapadala ng mga mag-aaral sa mga malalayong lugar.
C. Pagsasalin ng mga pag-aaral na ginawa ng mga Arabo at Griyego sa
katutubong wika.
D. Pagsulat ng mga bagong libro upang pag-aralan ng mga mag-aaral.

1
5. Paano matatamo ang lubos na pagkatuto ayon kay Roger Bacon?
A. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming libro.
B. Sa pamamagitan ng obserbasyon at karanasan.
C. Sa pagkakaroon ng malakas na pananampalataya.
D. Sa pagsunod sa mga itinuturo ng Simbahan.

Modyul
Mga Kaisipang Lumaganap
8 sa Gitnang Panahon
Ang Gitnang Panahon ay panahong inihahanda ng mga tao ang kanilang sarili
para sa kabilang buhay. Malaki ang papel na ginampanan ng mga turo at kaisipan mula
sa Simbahan sa pamumuhay ng tao. Layunin nitong lalong mapagtibay ng mga tao ang
kanilang pananampalataya sa relihiyong Kristiyanismo.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay may mga kaganapan na lubos na


nakapagpabago sa buhay ng mga tao sa Europe noong Gitnang Panahon. Kasabay ng
mga pagbabagong naganap ay ang pag-usbong ng mga makabagong kaisipang
lalaganap sa iba’t ibang larangan. Gayunpaman, nananatili ang impluwensiya ng
relihiyong kristiyanismo sa kultura at pamumuhay ng mga tao sa Gitnang Panahon.

Balikan
Punan ang daialogue box batay sa mga kontribusyon ng sumusunod na pinuno noong
Gitnang Panahon.
Ako si Charlemagne… Ako si Richard the Lionheart… Ako si Pope Gregory I…

Pinagkunan: Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki https://commons.wikimedia.org/wiki Pinagkunan:
/File:Albrecht_D%C3%BCrer_- /File:Richard_coeur_de_lion.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/F
_Emperor_Charlemagne_(cropped).jpg ile:Matthias_Stom_-_St_Gregory_-
_WGA21806.jpg

Tuklasin
Tukuyin mo ang mga
larawan. Isulat ito sa
kuwaderno.

2
1. 2.
Pinagkunan: Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:San_Sebastian1.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:UST_mainjf22.JPG

3. 4.

Suriin

• Ang paghina ng piyudalismo ay nagdulot ng maraming pagbabago sa Europe noong


Gitnang Panahon. Marami sa mga panginoong piyudal na sumama sa Krusada ay
hindi na nakabalik. Bunsod nito, muling lumakas ang kapangyarihan ng mga hari
at isinailalim sa estado ang mga nabawing lupain. Nagsimulang lisanin ng mga tao
ang mga bukirin at nagtungo sa mga bayan upang maghanapbuhay. Malaking papel
ang ginampanan ng mga Krusada upang upang magbukas ang mga kalakalan sa
iba’t ibang bahagi ng Europe. Muling sumigla ang komersiyo at kaalinsabay nito ang
pagsilang ng mga bayan at lungsod.

• Ang mga bayan at lungsod ay naging sentro ng kalakalan at industriya. Kaalinsabay


nito ang pag-unlad ng kalakalan na siyang nagpaunlad sa kabuhayan ng mga tao.
Naging pangunahing sentro ng kalakalan ang Hilagang Italya at Flanders. Ang
pakikipagkalakalan sa silangan ay pinabilis ng mga daungan sa Venice at Genoa.
Ang Milan at Florence ay naging sentro rin ng kalakalan na nagbunsod sa pagdagsa
ng mga produkto mula silangan.

• Malaki ang papel na ginampanan ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod sa pag-


usbong nga mga makabagong kaisipan sa Europe noong Gitnang Panahon.
Umusbong ang kaunlarang intelektuwal bunsod na rin ng kalayaang kanilang
tinatamasa. Ang pagkakaroon ng kalayaan sa politika ay nakamit ng mga tao sa mga
bayan at lungsod na hindi nila natamasa noong Panahon ng Piyudalismo. Natutuhan
ng mga tao na gumawa ng mga batas at kanilang pinasimulan ang sistemang
parliamentarya. Ang pag-usbong ng mga bayan at lungsod na lalong nagpalinang sa
kultura at nagpasibol ng mga kaisipang lumaganap sa iba’t ibang larangan noong
Gitnang Panahon.

3
Edukasyon at Pilosopiya

• Sa simula ay ang pinakalayunin ng edukasyon sa Gitnang Panahon ay upang ihanda


ang mga tao para sa kaniyang paninilbihan sa Simbahan. Ang sistema ng edukasyon
ay nasa patnubay ng mga pari. Naging sentro ng mga aralin ang mga aral mula sa
Simbahan sa halip na pagtuturo upang mahanap ang katotohonan. Subalit pagsapit
ng ika-12 siglo ay nagsimulang maglabasan ang maraming tanong tungkol sa
katuruan ng Simbahan. Nagsimulang maitayo ang mga paaralang katedral na di
kalaunan ay naging mga unibersidad. Isa sa mga naging kilala ang guro at iskolar
na si Peter Abelard. Ayon kay Abelard, nagsisimula sa pagdududa at pagtatanong
na susundan pa ng mas maraming tanong ang daan tungo sa katotohanan at
karunungan. Malaki ang naging impluwensiya ng katuruan ni Abelard sa paggamit
ng katuwiran.
• Isa rin sa mga nakilala ay si Thomas Aquinas na kabilang sa order ng Dominikano.
Ayon kay Aquinas, ang katuwiran at pananampalataya ay pawang mga biyaya ng
Panginoon, kaya’t may ilang katotohanan na mauunawaan sa pamamagitan ng
pangangatuwiran, at may ilang katotohanan sa relihiyong Kristiyanismo na maaaring
maunawaan lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang kaniyang mga turo
at argumento ay nakasaad sa kaniyang aklat na may pamagat na “Summa
Theologica”.

Si Thomas Aquinas ay isang Italyanong


Si Peter Abelard ay isang guro, pilosopo at
Dominikanong pari. Kinikilala ng Simbahan
monghe. Ayon sa kaniya, matatamo ang
ang kaniyang mga ambag sa pag-aaral ng
katotohanan sa pamamagitan ng pagsisiyasat na relihiyon at pilosopiya. Siya ay naging ganap
bunga naman ng pagdududa. na santo noong Hunyo 18, 1323

Agham at Matematika
• Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon ay lumaganap ang kaalamang siyentipiko at
matematika. Naging aktibo ang Simbahan sa pagpapaunlad ng agham at matematika sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa mga iskolar nito. Ang pagsasaling wika ng mga aklat
tungo sa Latin ay pinangunahan din ng Simbahan na nagbigay-daan upang mas lalong
napaunlad ang kaalaman sa Algebra na nagmula sa mga Arabo at napaghusay ang kaalaman
sa Trigonometry mula sa mga Muslim. Ang Geometry ng Griyegong si Euclid ay nakatulong
sa sakop at pagiging eksakto ng matematika. Sa larangan ng Bayolohiya, naisalin din sa
wikang Latin ang mga isinulat ng mga Arabo at Griyego na siyang ginagamit ng mga
dalubhasang duktor.
• Isa sa mga unang nagpaunlad ng kaalamang siyentipiko ay ang mongheng si Roger Bacon.
Ipinakilala niya ang konsepto na ang pagkatuto ay dapat nakabatay sa obserbasyon at
karanasan. Subalit mayroong iilan na bumatikos sa kaniyang mga katuruan na naging
dahilan upang ipagbawal ang kaniyang mga isinulat. Hindi naglaon siya ay nakulong ng
labinlimang taon.
Pinagkunan: Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Ab https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Polittico_del
elard.jpg _1476,_s._tommaso_d%27aquino.jpg

4
Si Roger Bacon ay isang Pilosopong
Ingles at paring Pransiskano. Pinangunahan
niya ang kaisipan kung saan ang pagkatuto
ay matatamo sa pamamagitan ng karanasan
at eksperimentasyon. Ilan sa kaniyang mga
prediksyon na napatotohanan ng agham ay
kotse, barkong pinatatakbo ng lakas makina,
at mga sasakyang lumilipad.

Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Roger_Bacon_in_
his_observatory_at_Merton_College,_Oxford._Oi_Wellcome_
M0001840.jpg

Malaki ang naitulong ng pagsasaling wika upang mas lalong mapalaganap ang
mga kaalaman at kaisipan na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang mga
pag-aaral na ginawa ng mga Arabeng Muslim at Griyego ay naisalin sa wikang
Latin na siyang lalong nagpaunlad sa kaalaman sa siyensya, matematika at
medisina noong Gitnang panahon.

Sining at Arkitektura
• Malaki ang naging impluwensiya ng kaisipang Kristiyano sa larangan ng sining.
Lahat ng mga awiting nililikha ay para sa Simbahan. Isinasadula at ginaganap din
sa mga simbahan at karaniwan na ang mga kuwento ay mula sa Bibliya. Maging ang
pagpipinta at pag-ukit at ay isinasagawa rin sa simbahan kaya naman ang mga likha
ay hango sa kuwento at mga tauhan sa Bibliya.
• Ang pagtatayo at pagpapaganda ng simbahan ay isang pagpapakita ng matibay na
pananampalataya ng mga tao. Kalimitan na proyektong pangkomunidad ang
pagtatayo ng mga simbahan. Naging popular dito ang arkitekturang Romanesque.
Hango ito sa disenyo ng mga Roman na ginamitan ng mga arch at vault. Umunlad
din ang estilong Gothic tulad ng Notre Dame sa Paris at katedral ng Reims. Makikita
sa disenyong Gothic ang matataaas na dingding na may malalaking bintana at mga
patulis na arko.

Notre-Dame de Paris
Nangangahulugan ito na “Mahal na
Ina ng Paris” Sinimulang gawin
noong 1160 sa bansang France.

Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Facade_of_Notre-Dame_de_Paris_-_2018-06-23.jpg

Church of Saint Martin Sinimulang


itayo noong ika-12 na siglo ayon sa
estilong Romanesque.

5
Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Romanesque_walkway_San_Martin_Segovia.jpg
Si Jesus at ang babaeng taksil
iginuhit noong panahon ng Medieval.
Matatagpuan ito ngayon sa
Bonnefanten Museum sa
Netherlands.

Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:One_of_the_Medieval_paintings_i
n_the_Bonnefantenmuseum_Maastricht,_showing_Jesus_with_the_perfidiou
s_woman_and_the_Jewisch_teachers_left_-_panoramio.jpg

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Mga Kaisipang Lumaganap sa


Gitnang Panahon”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 8.1
Binagong Tama o Mali. Isulat ang titik T kung tama ang isinasaad ng mga pangungusap. Kung
mali, palitan ang mga may salitang may salungguhit upang itama ang mga pangungusap at
isulat ang tamang salita o kataga sa patlang.
____________1. Ang pagtatayo ng mga simbahan ay isang proyektong pangkomunidad noong
Gitnang panahon.
____________2. Ang Gitnang Panahon ay panahon ng pananampalataya upang ihanda ang sarili
para sa kabilang buhay.
____________3. Ang Notre dame sa Paris ay naitayo ayon sa disenyong Romanesque.
____________4. Ayon kay Peter Abelard, nagsisimula sa pagdududa at pagtatanong na susundan
pa ng mas maraming katanungan ang daan tungo sa katotohanan at
karunungan.
____________5. Ipinakilala ni Roger Bacon ang konsepto na ang pagkatuto ay dapat nakabatay
sa oberbasyon at karanasan.

Gawain 8.2
My Idea of the Past. Buoin ang tsart sa pamamagitan ng pagpunan ng wastong impormasyong
hinihingi sa bawat kolum. Itala sa ikalawa at ikatlong kolum ang mga larangan at nagawa ng
mga kilalang tao sa Gitnang Panahon sa unang kolum. Ibigay naman sa ikaapat na kolum ang
mga kaisipang ipinalaganap ng bawat isa. Gawin ito sa papel.

Mga Nagawa o Kaisipang


Kilalang Tao Larangan
Akda Ipinalaganap
Thomas Aquinas

Peter Abelard

Euclid

Roger Bacon

6
Isaisip

Gawain 8.3
Tanong-Sagot. Unawain ang mga tanong at sagutin ito.

Kumusta ka? Sagutin ang


mga tanong sa pisara.

1. Ano-ano ang layunin ng mga turo ng Simbahan


sa buhay ng tao noong Gitnang Panahon?
2. Bakit malaki ang papel ng Simbahan sa
paglaganap ng mga bagong kaalaman at kaisipan
noong Gitnang panahon?
3. Paano lumaganap sa Europe ang mga kaalaman
mula sa ibang bahagi ng daidig?
4. Mahalaga ba ang paglaganap ng
mga bagong kaalaman at kaisipan
noong Gitnang Panahon?
5. Maiuugnay mo ba ang mga
lumaganap na kaisipan noong
Gitnang Panahon sa kasalukuyan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isagawa

Gawain 8.4
Kaisipan-Impluwensiya Template (KIT). Ikaw ay miyembro ng History Club ng inyong
paaralan at inatasang kang magpaskil ng mga impormasyong may kinalaman sa
panahon ng Medieval. Buoin ang template batay sa iyong natutuhan sa araling “Mga
Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon”.

Mga Kaisipang Lumaganap sa Nagtaguyod ng Kaisipan:


Gitnang Panahon:
Pagkakakilanlan:

Paliwanag: Larawan (optional)

Impluwensiya ng kaisipang lumaganap mula noon hanggang sa kasalukuyan:

Bilang mag-aaral, dapat bang ipagpatuloy ang mga kaisipang ito o hindi?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

7
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Komprehensibo at wasto ang mga paksang napag-aralan. 15
Mahusay at makatotohanan ang mga paliwanag. 10
Mahusay at malikhain pagkakagawa ng template. 5
Kabuuan 30

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.
1. Naging popular ang arkitekturang Romanesque sa Gitnang Panahon. Sa anong kultura
hinango ang mga disenyong ginamitan ng mga arch at vault?
A. Greek B. Hebrew C. Hellenistic D. Roman
2. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa mga likhang sining
noong Gitnang Panahon?
A. Ang mga kuwento at likhang sining ng panahong ito ay batay sa buhay ng mga
hari o reyna.
B. Ang mga pag-uukit at pagpipinta ay nakasentro lamang sa mga pagsubok na
nararanasan ng mga tao.
C. Ang mga likhang sining ay nakabatay sa mga kuwento o salaysay sa Bibliya.
D. Ang mga masining na likha ay hango sa naging buhay ng mga pari at monghe.
3. Ayon sa kaniya, “May ilang katotohanan na mauunawaan sa pamamagitan ng
pangangatuwiran, at may ilang katotohanan sa relihiyong Kristiyanismo na maaaring
maunawaan lamang sa pamamagitan ng pananampalataya”.
A. Euclid B. Peter Abelard C. Roger Cacon D. Thomas Aquinas
4. Anong institusyon sa Europe ang nanguna sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng
kaalaman sa agham, sining, arkitektura, at pilosopiya?
A. Kastilyo B. Manor C. Pamahalaan D. Simbahan
5. Ang sumusunod ay may kaugnayan sa mga naging aral at obserbasyon ni Roger Bacon
maliban sa isa, ano ito?
A. Ang pagkakaroon ng malakas na pananampalataya ang susi upang matamo ang
mataas na antas ng pagkatuto.
B. Ang pagkatuto ay matatamo sa pamamagitan ng siyentipikong eksperimentasyon.
C. Ang pagkatuto ay dapat nakabatay sa obserbasyon at karanasan.
D. Ilan sa prediksyon ni Bacon ay na napatotohanan ng agham ay ang kotse,
barkong pinatatakbo ng lakas makina, at mga sasakyang lumilipad.

Karagdagang Gawain

Gawain 8.5
SanaySayan. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa bahaging ginampanan
ng mga kilalang tao sa Gitnang Panahon sa pagbabagong naganap sa Europe sa
larangan ng matematika, agham, sining, at arkitektura. Gamitin ang tsart sa ibaba sa
pagsasagawa ng gawaing ito.

Kilalang Tao Kontribusyon Pagpapahalaga

You might also like