You are on page 1of 10

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Francisco T. Pusa
Editor: Joy M. Amarante
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang matutuhan mo ang paksang “Ikalawang Digmaang
Pandaigdig”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong na aralin. Ito ay ang sumusunod:

Aralin 1 – Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Aralin 2 – Mahahalagang Pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 – Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na


pinakamahalagang kasanayan (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay na kasanayan sa pagkatuto:

1. Natutukoy ang mga dahilan na nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig;


2. Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
(MELC);
3. Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at
4. Napahahalagahan ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran.

Subukin

Maramihang Pagpili: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Ano-ano ang bansang kasapi ng Axis Alliance?


A. Italy, Germany, Japan C. Soviet Union, Italy, Japan
B. Italy, France, Germany D. Germany, Japan, United States
2. Ano-ano ang bansang bumuo ng Allied Powers?
A. France, Great Britain, United States, Soviet Union
B. Japan, Great Britain, Soviet Union, France
C. France, Italy, Germany, Soviet Union
D. Italy, Japan, Great Britain, Germany
3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa suliraning ekonomiko ng United States na kung saan
bumagsak ang kanilang stock market na nagresulta sa inflation?
A. Great Recession C. Great Depression
B. Global Recession D. Global Depression
4. Paano nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Nang sinalakay ng Germany ang Poland.
B. Nang sinalakay ng France ang Germany.
C. Nang sinalakay ng Soviet Union ang Japan.
D. Nang sinalakay ng United States ang Japan.
5. Alin sa sumusunod na pangyayari ang isa sa pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. Pagbuo ng Triple Entente at Tiple Alliance.
B. Pag-angat sa kapangyarihan ni Adolf Hitler sa Germany.
C. Pagkakaroon ng mga maunlad na samahan ng mga bansa sa daigdig.
D. Pagtatatag ng Liga ng mga Bansa na naging daan ng kapayapaan at kaayusan sa daigdig.

Modyul
Ikalawang Digmaang
2 Pandaigdig
Maraming buhay ang nasawi at malaki ang iniwan na pinsala sa mga ari-arian matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig. Kaya naman ninais ng mga pinuno na maiwasan na magkaroon ng panibagong
digmaan at binuo ang League of Nations na isang organisasyong nagtataguyod ng pandaigidigang
pagkakaisa at kapayapaan. Sa paglipas ng ilang taon, nabigo ang League of Nations na mapanatili ang
pangkapayapaang pandaigdig kung kaya’t sumiklab ang pinakamadugo at mapangwasak na Ikalawang
Digmaang Pandaigdig noong Setyembre 1939.

1
Balikan
Pagsunod-sunod sa mga Pangyayari: Pagsunod-sunodin ang mga mahahalagang pangyayari noong Unang
Digmaang Pandaigdig. Lagyan ng bilang 1 – 8. Ang pinakaunang pangyayari ang magiging bilang 1. Isulat
ng sagot sa patlang.

____ Pagbuo organisasyong pangkapayapaan na League of Nations

____ Pagpasok ng United States sa Unang Digmaang Pandaigdig

____ Labanan ng Verdun at Labanan ng Gallipoli

____ Deklarasyon ng Unang Digmaang Pandaigdig

____ Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand

____ Nabuo ang Triple Entente – Germany, Austria at Italy

____ Nabuo ang Triple Alliance – Great Britain, France at Russia

____ Nasyonalismo, Militarismo at Imperyalismo

Tukuyin kung sino ang nasa larawan

Tuklasin at alamin kung anong pangyayari sa


kasaysayan ng daigdig sila higit na
nakilala.

Gamiting gabay ang jumbled letters sa


pagtukoy sa kanila.

FLODA ERLTIH LINKNARF TLEVESROO OTIHORIH

Suriin

Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Ang League of Nations na itinatag ng Treaty of Versailles ay nanatili na mahina dahil sa
kawalan ng kapangyarihan na maisakatuparan ang mga desisyon nito para sa pandaigdigang
kapayapaan. Idagdag pa ang mga pinsalang naidulot noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Maraming suliraning kinaharap ang mga bansa sa Europe partikular sa ekonomiya nito na kung
saan ang mga bansa ay may kailangang bayarang mga pagkakautang dahil sa nakaraang
digmaan at mga lungsod na kailangan muling ipatayo at itatag. Sa kabilang dako, ang United
States naman ay tumulong sa Germany na makaahon mula sa mabigat nitong reparasyon at
iba’t ibang obligasyon sa naunang digmaan. Ngunit sa mga taong 1930s ay nakaranas ang
United States ng malaking dagok sa kanilang ekonomiya, ang Great Depression. Isang suliraning
ekonomiko na kung saan bumagsak ang stock market na nagdulot ng inflation at mababang

2
produksyon. Dahil dito, hindi nagawa ng United States na matulungan ang Germany sapagkat
binigyang tuon na lamang nito ang ekonomikong krisis ng kanilang bansa.
Sa pagpapatuloy ng Great Depression, tuluyang bumagsak ang ekonomiya ng Europe.
Naging desperado ang mga mamamayan ng Europe na muling makabangon ang kanilang bansa,
sinamantala ng Germany na palakasin ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pagtatag ng
sandatahang lakas bilang tugon sa kawalang trabaho at makamit muli ang kapangyarihan na
makontrol ang Europe. Dahil sa hindi patas na probisyon ng Treaty of Versailles batay sa
pananaw ng mga Germany, naging agresibo ito sa pamumuno ni Adolf Hitler. Umiral ang
fascism, pinamumunuan ng pamahalaang diktatoryal, sentralisadong makabansa at pagiging
imperyalista. Ang pamahalaang fascism ay umiral sa bansang Italy at Germany. Sa Italy, itinatag
ni Benito Mussolini ang Fascist Party, sa kaniyang pamumuno ay gumamit siya ng pananakot
at intimidasyon upang paslangin at ipakulong ang kanilang mga kaaway. Sa Germany naman
ay itinatag ni Adolf Hitler ang Nazi Party, sinulong niya na ang lahing German ay muling bubuo
ng isang malakas na imperyo, sa kaniyang pamumuno, winakasan niya karapatang sibil at
pinatahimik ang kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng puwersa. Sa kabilang dako, ang
bansang Japan ay nakaranas ng hindi pantay na pagtrato dahil hindi nasunod ang nilalaman
ng Treaty of Versailles. Ito ay nakaranas din ng Great Depression, Malaki ang naging epekto sa
kanila nito dahil sa kaunti lamang ang kanilang likas na yaman. Humina ang kanilang kalakalan
na nagbunga sa pagkakaluklok ng mga pinunong tinatawag na militarist na pinangunahan ni
Hideki Tojo bilang Prime Minister ng bansa.
Ang tatlong bansa ay nagpasimulang magpalawak ng kanilang nasasakupang teritoryo
upang maibalik ang kanilang yaman at kapangyarihan. Ang League of Nations ay lubhang
mahina ang kapangyarihan na hadlangan ang pagpapalawak ng tatlong bansang ito. Hindi rin
sila matulungan ng iba pang bansang kasapi ng League of Nations dahil unti-unti pa lamang
itong bumabangon dahil sa naganap na Great Depression. Nagresulta ito ng sunod-sunod na
pananalakay at pagsakop ng iba’t ibang bansa.
Timeline ng mga Pangyayari bago Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Setyembre 1931 Sinakop ng Japan ang Manchuria ng bansang China.

Oktubre 1935 Sinakop ng Italy ang bansang Ethiopia

Nagkaroon ng kasunduan ang Italy at Germany at tinawag itong


Oktubre 1936 Rome-Berlin Axis.

Nobyembre 1936 Pinirmahan ang Anti-Comintern Pact ng bansang Italy at Japan.

Nilagdaan ang Pact of Steel para sa probisyong pangmilitar sa


Mayo 1939 pagitan ng Germany, Italy at Japan.

Mahahalagang Pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Napalawak ng Italy, Germany at Japan kanilang teritoryo na walang anomang
kumakalaban sa kanila. Ang appeasement ay isang patakaran na binuo ng Kanlurang Europe
upang maiwasan ang anomang alitan at labanan. Ito ang ipinatupad na patakaran ng Great
Britain at France dahil ninais ng mga bansang ito ng kapayapaan at upang makabangon sa
dagok ng kanilang suliraning ekonomiko.
Sa kabilang dako, ang Japan ay may hangaring makilala bilang makapangyarihang
bansa sa Silangan at Pasipiko. Ipinatupad ng Japan ang programang Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere na may layuning pag-isahin ang mga bansa sa Asya laban sa panghihimasok
ng mga Kanluraning bansa. Ginamit lamang ng Japan ang programang ito upang
mapakinabangan nila ang mga likas na yaman na mayroon ang Asya dahil kung susuriing
mabuti, gusto lamang ng Japan na tugunan ang kanilang kakulangan sa mga pangangailangan
dahil limitado ang kanilang likas na yaman gaya ng langis, bakal, uling at iba pa upang maging
isang industriyalisadong bansa. Ito ang naisip na solusyon ng Japan kung kaya’t naghahangad
sila na manakop ng mga teritoryo.
Halos masakop na ng Germany ang buong Europe, gayundin ang Italy sa Mediterranean
at ang Japan naman ay halos sakop din ang Silangang Asta at Pasipiko. Ang Germany, Italy at
Japan na sa kalaunan ay tinawag na Axis Powers ay mapalawak ang kanilang kapangyarihan.
Ang Nazi-Soviet Non-Aggression Pact ay kasunduan ng Germany at Soviet Union na kung saan

3
hindi nila susuportahan ang kanilang mga kakamping bansa sa anumang labanan o digmaan
ay hindi sinunod ng Germany. Nagresulta ito sa pagsali ng Soviet Union na pinamumunuan ni
Joseph Stalin sa France na pinamumunuan naman ni Charles de Gaulle at Great Britain upang
labanan ang Germany. Ang United States na pinamumunuan ni Franklin Roosevelt ay sumali
rin noong binomba ng Japan ang US Navy sa Pearl Harbor. Sa kalaunan ang bansang France,
Great Britain, United States at Soviet Union ay nagkampihan at sa kalaunan ay tinawag silang
Allied Powers.

Timeline ng Mahahalagang Pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig. Sinalakay ng Germany
Setyembre 1, 1939 ang Poland.

Setyembre 3, 1939 Nagdeklara ang France at Great Britain ng digmaan laban sa Germany.

Abril – Hunyo, 1940 Sinakop ng Germany ang Denmark at Norway.

Sa pamamagitan ng blitzkrieg (lightning war) ay mabilis ang naging pag-


Mayo – Hunyo 1940 atake ng Germany sa Kanlurang Europe; Netherlands, Belgium at
hilagang France.

Mayo 30, 1940 Hinirang si Winston Churchill bilang Prime Minister of Great Britain.

Naganap ang Battle of Britain, isang digmaang panghimpapawid na


Hulyo – Oktubre ginawa ng Germany sa bansang Great Britain, sa labanang ito ay hindi
1940 nagtagumpay ang Germany.

Setyembre 13, 1940 Sinakop ng Italy ang Egypt.

Nabuo ang Tripartite Pact ng Japan, Italy, at Germany na kinikilala sa


Setyembre 27, 1940 kasaysayan bilang Axis Powers.

Oktubre 28, 1940 Nilusob ng Italy ang ang Greece upang masakop ang Albania.

Natalo ng Great Britain ang Axis Powers na nagresulta upang


Marso – Abril, 1941 mapasakamay nila ang Hilagang bahagi ng Africa.

Binuo ang Paris Protocol, sa pamamagitan ng Germany, napilitan ang


Mayo 1941 France na dalhin ang mga gamit pandigma mula Syria patungong Iraq.

Hunyo 22, 1941 Operation Barbarossa: Sinakop ng Germany ang Soviet Union.

Inatake ng Japan ang US Navy sa Pearl Harbor sa kautusan ni Emperor


Disyembre 7, 1941 Hirohito.

Nagdeklara ng digmaan ang Unites States sa Japan, ito na rin ang


Disyembre 8, 1941 simula ng pagpasok ng Unites States sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Disyembre 11-13, Nagdeklara ang Axis Alliance ng digmaan laban sa United States.
1941
Naganap ang Bombing of Cologne na pinamunuan ng Great Britain
Mayo 30, 1942 upang labanan ang Germany.

Sakop ng Japanese Occupation ang mga bansang Vietnam, Laos,


Abril 1942 Cambodia, Philippines at Singapore.

Mayo 4-8, 1942 Battle of Coral Sea: Nanalo ang Allied Powers laban sa hukbo ng Japan.

Hunyo 4-7, 1942 Battle of Midway: Natalo ng United States ang Japan.

Oktubre 23-24, 1942 Natalo ng Great Britain ang Germany at Italy sa labanan nila sa Egypt.

Pebrero 9, 1943 Pagkatalo ng Japan sa Battle of Guadalcanal sa Pasipiko.

Sumuko ang Italy sa Allied Powers ngunit tinutulungan pa ito ng


Setyembre 3, 1943 Germany at nagtatag ng kanilang hukbo sa Hilangang France.

4
D-DAY (Operation Overlord): Isang labanang panghimpapawid,
Hunyo 6 – Agosto pandagat at katihan na kung saan napalaya ang France mula sa
30, 1944 Germany.

Battle of Leyte Gulf: Labanang pandagat na kung saan natalo ng United


Oktubre 23-26, 1944 States ang Japan.

Disyembre 16, 1944 Battle of Bulge: Natalo ang Germany laban sa Allied Powers.

Sinalakay ng Soviet Union ang Germany sa kolonyang bansa na Poland


Enero 12, 1945 at tukuyan itong natalo.

Namatay ang pangulo ng United States na si Franklin Roosevelt at ang


Abril 12, 1945 pumalit sa kanya ay si Harry Truman.

Abril 16, 1945 Sinalakay ng Soviet Union ang Germany sa Berlin.

Pinatay si Benito Mussolini ng mga Italian radical na hindi pabor sa


Abril 28, 1945 kaniyang pamumunong fascist.

Abril 30, 1945 Nagpakamatay si Hitler at kaniyang asawa na si Eva Braun.

Mayo 7-9, 1945 Sumuko ang Germany sa Allied Powers.

Ipinag-utos ni Harry Truman ng United States na magpabagsak ng


Agosto 6, 1945 atomic bomb (Little Boy) sa Hiroshima, Japan.

Ang Soviet Union ang nagdeklara ng digmaan sa Japan at nasakop nito


Agosto 8, 1945 ang Manchuria.

Muling pinag-utos ni Harry Truman na magpabagsak muli ng atomic


Agosto 9, 1945 bomb (Fat Man) sa Nagasaki, Japan.

Binasa ni Emperor Hirohito ng Japan ang pagsuko nila sa United


Agosto 15, 1945 States.

Pormal na nilagdaan ang kasunduan na sumuko na ang Japan mula


Setyembre 2, 1945 kay General Douglas MacArthur at sa Allied Powers at ito rin ang
katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mapapansin sa timeline na naging agresibo rin ang Allied Powers laban sa Axis Powers.
Binigyang-pansin ng Allied Powers ang kanilang depensa bilang isang mahalagang estratehiya
upang matalo ang Axis Powers. Pinaghandaan ng Allied Powers ang pwersa ng Axis Powers sa
pamamagitan ng pagbuo ng alyansa ng magkakaalyadong bansa upang sila ay higit na lumakas.
Nagpautang din ang ng salapi ang United States sa kaalyadong bansa gaya ng France at Great
Britain upang makabili ng mga kagamitan sa pakikipaglaban nila sa Axis Powers.
Nagwakas ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe nang paslangin si
Benito Mussolini ng mga Italyano na hindi pabor sa pamumunong Fascist, samantalang nahuli
at nagpakamatay kasama ng kanyang asawa si Adolf Hitler na pinuno ng Germany. Natalo din
ang Japan sa pamumuno ni Emperor Hirohito nang ibinagsak ng air war plane ng United States
ang atomic bomb, isa sa Hiroshima at isa naman sa Nagasaki.

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Nag-iwan malaking pinsala at gastos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming
buhay ang nawakasan, milyong katao ang namatay kasama na rin ang hukbo ng Allied Powers
at Axis Powers. Maraming tahanan, ari-arian, at estruktura ang nasira. Nagdulot din ito ng takot
sa lahat ng mga tao na apektado ng digmaan. Bumagsak ang ekonomiya at kabuhayan at higit
sa lahat lumaganap ang kahirapan lalo na sa mga napinsalang bansa.

5
Pagyamanin

Gawain 2.1
Paghahanay. Hanapin sa hanay B ang hinihingi ng hanay A. Isulat sa patlang o sa
papel ang iyong sagot.
A B
_____1. Allied Powers A. Blitzkrieg
_____2. Axis Powers B. Fat man
_____3. Prime Minister ng Great Britain C. Little Boy
_____4. Pinuno ng Nazi Party ng D. United States, Great Britain, France,
Germany Soviet Union
_____5. Programa ng Japan sa buong E. Germany, Italy, Japan
Asya F. Adolf Hitler
_____6. Kasunduan ng Germany at G. Great Depression
Soviet Union H. Winston Churchill
_____7. Tawag sa atomic bomb na I. Greater East Asia Co-Prosperity
ibinagsak sa Hiroshima, Sphere
Japan J. Nazi-Soviet Nonaggression Pact
_____8. Suliraning ekonomiko ng K. Appeasement
United States na kung saan
bumagsak ang stock market
_____9. Patakaran na binuo ng
Kanlurang Europe upang
maiwasan ang anumang alitan
at labanan.
_____10. Estratehiyang ginamit ng
Germany upang mabilis
masakop ang Kanlurang
Europe.

Gawain 2.2
Ianalisa Mo! Isulat ang ✔ kung tama ang isinasaad ng pahayag at ang impormasyong
nakasalungguhit. Kung mali naman, palitan ang impormasyong nakasalungguhit
upang itama ang pahayag at isulat sa patlang o papel ang iyong sagot.
______________1. Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig. Sinalakay ng
Germany ang Poland noong Setyembre 1, 1939.

______________2. Walang kasiguruhan ang kakayahan ng League of Nations na


mapanatili ang pangkapayapaang pandaigdig.

______________3. Sa Italy, itinatag ni Benito Mussolini ang Fascist Party, sa kaniyang


pamumuno gumamit siya ng pananakot at intimidasyon upang
patayin at ipakulong ang kanilang mga kaaway.

______________4. Pagkatalo ng Japan sa Battle of Guadalcanal sa Pasipiko noong


Pebrero 9, 1943.

______________5. Sa Operation Barbarossa sinakop ng Germany ang Soviet Union


noong Hunyo 22, 1941.

______________6. Binigyang pansin ng Allied Powers ang kanilang depensa bilang


isang mahalagang estratehiya upang matalo ang Axis Powers.

______________7. Nilagdaan ang Pact of Steel para sa probisyong pangmilitar sa


pagitan ng Great Britain, Soviet Union at France.

______________8. Nagkaroon ng kasunduan ang Italy at Germany at tinawag itong


Rome-Berlin Axis.

6
______________9. Natalo ng Great Britain ang Germany at Italy sa labanan nila sa
Egypt noong Enero 1, 1942.

______________10. Pormal na nilagdaan ang kasunduan na sumuko na ang Japan


mula kay General Douglas MacArthur at sa Allied Powers at ito rin
ang katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong
September 2, 1945.

Isaisip

Gawain 2.3
Tanong-Sagot.

Kamusta ka. Sagutin ang mga tanong sa pisara.

1. Ano-anong pangyayari ang naging daan


sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
2. Paano nagsimula at nagwakas ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
3. Ano-ano ang naging epekto ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
4. Paano binago ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ang kabuhayan, politika at
kultura ng mga bansang nasangkot sa
digmaang ito?
5. Sa iyong palagay, maiiwasan ba ang
pagsiklab ng mga digmaan sa daigdig?
Bakit mo nasabi?

Isagawa
Gawain 2.4
Video Advocacy. Bumuo ng isang video advocacy na kung paano mapananatili ang kapayapaan
at kaaayusan sa bansa. Bigyang-diin kung paano ito mabibigyan ng realisasyon sa kasalukuyan.
Limitahan lamang ang monologue sa tatlong (3) minuto. Kung limitado ang kagamitan sa pagbuo
ng video advocacy, maaaring bumuo ka ng iskript para sa isasagawang monologue na
naglalaman ng iyong adbokasiya o kampanya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan
sa bansa sa kasalukuyan. Isulat ang iyong nabuong iskript sa bond paper.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Wasto ang mga impormasyon at paliwanag na ginamit sa
Nilalaman monologue para tagapakinig at tagapanuod sa iyong video; 20
o sa magbabasa ng iyong iskript.
Angkop ang mga salita at pangungusap na ginamit sa video
Paglalahad o sa iskript. 10

Kabuuan 30

7
Tayahin

Maramihang Pagpili: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na
papel.
1. Paano nagwagi ang Allied Powers laban sa Axis Powers sa naganap na Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Binigyang pansin ng Allied Powers ang kanilang depensa bilang isang mahalagang
estratehiya upang matalo ang Axis Powers.
B. Binigyang pansin ng Allied Powers ang kanilang opensa bilang isang mahalagang
estratehiya upang matalo ang Axis Powers.
C. Binayaran nila ang mga bansang gusting sumali sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
upang mapalakas pa nito ang kanilang pwersa.
D. Nagpautang din ang ng salapi ang Soviet Union sa kaalyadong bansa gaya ng France at
Great Britain upang makabili ng mga kagamitan sa pakikipaglaban nila sa Axis Powers.
2. Bakit nagdeklara ang United States ng digmaan laban sa bansang Japan?
A. Dahil nais kumuha ng Japan sa mga likas na yaman mayroon ang United States.
B. Dahil nais ng United States na maging makapangyarihang bansa tulad ng Japan.
C. Dahil inatake ng Japan ang US Navy sa Pearl Harbor sa kautusan ni Emperor Hirohito.
D. Dahil maraming mga kagamitang pandigma ang Japan kung kaya’t ninais nito na
magdeklara ng digmaan.
3. Ano ang pamahalaang fascism?
A. Ito ay pinamumunuan ng pamahalaang diktatoryal, sentralisadong makabansa at
pagiging imperyalista.
B. Ito ay pinamumunuan ng pamahalaang demokratiko, sentralisadong makabansa at
pagiging imperyalista.
C. Ito ay pinamumunuan ng pamahalaang diktatoryal, sentralisadong makabansa at
pagiging kumunista.
D. Ito ay pinamumunuan ng pamahalaang diktatoryal, sentralisadong makakanluran at
pagiging imperyalista.
4. Bakit sumali ang Soviet Union sa Allied Powers?
A. Dahil hindi binayaran ng Germany ang utang nito sa Soviet Union.
B. Dahil hindi sinunod ng Germany ang Nazi-Soviet Nonaggression Pact.
C. Dahil nagkaroon ng alyansa ang Soviet Union sa France na upang pabagsakin ang
Germany.
D. Dahil binago ng Germany ang nilalaman ng Nazi-Soviet Nonaggression Pact ng walang
paalam.
5. Alin sa sumusunod ang naging epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Bumagsak ang ekonomiya at kabuhayan.
B. Inatake ng Japan sa Pearl Harbor.
C. Inangkin ang Poland ng Germany.
D. Naging agresibo ang ibang bansa.

Karagdagang Gawain
Gawain 2.5
I-Timeline Mo! Punan ang chain of events diagram na kung saan isusulat ang pagkakasunod-
sunod ng mahahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

You might also like