You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Quarter 4 – Module 2
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Alamin

Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:

♠ Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig
♠ Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
♠ Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
♠ Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang
pandaigdig at kaunlaran

Subukin
Panimulang Pagtataya:
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Alin ang HINDI kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
a. Naitatag ang United Nations
b. Nagkaroon ng World War III
c. Nawala ang Fascism at Nazism
d. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya
2. Alin sa sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN?
a. Mga bansang nanalo sa digmaan
b. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw
c. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa Kalayaan
d. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Ang kasunduan sa Versailles
ang nagsilbing binhi o dahilan ng World War II”.
a. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles
b. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na
nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
c. Ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang
maghimagsik sa mga arkitekto nito
d. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasunduan
upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa.

1
4. Ang mga sumusunod ay puwersang Allies,maliban sa;
a. US
b. Russia
c. Germany
d. Great Britain
5. Ilan ang tinatayang bilang ng mga namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. 1-2 milyon
b. 8.5-10.5 milyon
c. 18-21 milyon
d. 50-60 milyon
6. Kailan ang pormal na pagsuko ng Japan na nagwakas sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
a. Abril 8, 1939
b. Agosoto 2, 1941
c. Setyembre 2, 1945
d. Setyembre 5, 1945
7. Ano ang gamot na naimbento noong World War 2 kung kaya't napababa
ang bilang ng mga namatay sa sakit.
a. Alaxan
b. Biogesic
c. Penicilin
d. Paracetamol
8. Ano ang tawag sa hukbong panghimpapawid ng Great Britain?
a. Luftwaffe
b. Air Force
c. Royal Air Force
d. Great Britain Air Force
9. Ito ang organisasyon na nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
a. United States
b. United Naions
c. League of Nations
d. Treaty of Versailles
10. Ang mga sumusunod ay ang mga tuon ng United Nations, maliban sa;
a. Pangangalaga sa kapaligiran
b. Pagpapalaganap ng demokrasya
c. Pagtataguyod ng pag-unlad na panlipunan at karapatang pantao
d. Pag-alis ng karapatan sa bawat mamamayan na magkaroon ng boses
sa pamahalaan

2
Aralin
Mga Dahilan ng Ikalawang
1 Digmaang Pandaigdig

Tuklasin

Gawain 1: STOP, LOOK & LISTEN


Handa ka na bang simulan ang aralin? Kung handa ka na tingnan natin kung kaya
mong sagutin ang unang Gawain. Isulat mo sa iyong papel ang letra ng iyong tamang sagot na
makikita mula sa kahon.

A. LEAGUE OF NATIONS
B. UNITED NATIONS
C. HIROSHIMA
D. BERLIN
E. NAZISM o NATIONAL SOCIALISM
F. FASCISM

1. Isa sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng


United States sa pamamagitan ng atomic
bomb.
2. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Ito ang tawag sa samahan ng mga bansa na
itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

3
Suriin
Mga Sanhi ng Digmaan

Hindi pa man lubusang nakakabangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig,
muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ng nasimulang
ambisyonng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak
ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayarig naganap at nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay angmga sumusunod:

1. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria


Noong 1931, inagaw ng Hapon ang lungsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansaang
Hapon at sinabing ang ginawang ito ay paglusob. Kasunod ng pagkundena, ang Hapon ay
itiniwalag sa Liga ng mga Bansa.

2. Pag-alis ng Alemanya (Germany) sa Liga ng mga Bansa


Ang Alemanya naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933, sapagkat ayon sa mga Aleman, ang
pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Alemanya ay isang paraan ng pag-aalis
ng karapatan nito na itatag na muli ang pag-aarmas. Matapos tumiwalag ang Alemanya sa Liga,
pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng
bansa. Nagmithi si Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Alemanya sa
kahiya-hiyang kondisyon sa daigdig. Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang
Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang pananakop na muli.

3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia


Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag
ng Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League)

4. Digmaang Sibil sa Espanya


Nagsimula ang digmaan sibil sa Espanya noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang
fascistang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Nanalo ang Nasyonalista. Marami
ang nadamay sa digmaang sibil ng Espanya dahil sa pakikialam ng ibang bansa.
5. Pagsasanib ng Austria at Alemanya
Nagnasa ang mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa
Alemanya. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied
Powers (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italya
at Alemanya na kinalabasan ng Rome – Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa
nasabing unyon ng Austria at Alemanya ay nawalan ng bisa noong 1938.

4
6. Paglusob sa Czechoslovakia
Noong 1938, matapos makuha ni Hitler ang Austria, isinunod naman ng mga Aleman
ang misyon sa Czechoslovakia. Ang diplomat ni Hitler ay nanghingi sa pamahalaan ng Prague
na bigyan ng kumpletong awtonomiya ang Sudeten, isang rehiyon sa Czechoslovakia na
maraming Aleman. Dahil dito, humingi ng tulong ang Czechoslovakia sa Pransya at Inglatera
na tinanggihan naman ng dalawa.

7. Paglusob ng Alemanya sa Poland


Ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang digmaang Pandaigdig Digmaan
ay ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad
ng Alemanya sa Rusya na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang
kasunduan ng hindi pakikidigma. Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng mga sumusunod na
pangyayari:
a. Ang hindi pagsali ng Rusya sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.
b. Ang pagkainis ng Rusya sa Inglatera nang ang ipinadalang negosyador ng Inglatera
sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao

Pagyamanin

Gawain 2: Pamprosesong Tanong:


1. Bakit madaling nasakop ng Japan ang Manchuria?
2. Bakit tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga bansa?
3. Ano ang layunin ni Hitler sa muling pagtatag ng sandatahang lakas ng bansa?
4. Bakit nagkaroon ng digmaang sibil sa Spain?

Isaisip

Gawain 3: Connect the map!


PANUTO:
Gamit ang CONNECTION DIAGRAM, Ibigay ang PITONG DAHILAN ng pagsiklab at
pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa iba’t ibang panig ng mundo.

5
Aralin
Mahahalagang Pangyayari sa
2 Ikalawang Digmaan

Balikan

Gawain 1: Matching Type

Panuto: Ikonekta ang tamang sagot na matatagpuan sa Hanay B, sa mga tanong na nasa
Hanay A.

6
A B
1. Anong bansa ang umagaw ng Manchuria? a. Czechoslovakia
2. Anong bansa ang tumiwalag sa Liga noong b. Spain
1933?
c. Aleman
3. Sino ang lider ng Nazi?
4. Sino ang namuno sa pagsakop ng Italy sa d. Ribbentrop-Molotov
Ethiopia?
e. Japan
5. Anong bansa ang nagkaroon ng Digmaang
sibil noong 1936? f. Adolf Hitler
6. Anong bansa ang nagnais na mapabilang sa g. Germany
bansang Germany?
h. Benito Mussolini
7. Sino ang hinikayat ni Hitler na magtamo ng
kanilang awtonomiya? i. Austria
8. Saang bansa matatagpuan ang Sudeten?
j. Russia
9. Anong bansa bumaliktad Polandnoong
1939?
10. Ano ang tawag sa kasunduan ng Germany
at Russia?

Alamin

Dahil alam mo na ang mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, alamin


dinang mahahalagang pangyayaring naganap sa digmaang ito.

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nasusuri ang mahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Naipapaliwanag ang pangyayari sa United States at ang Digmaan sa Pasipiko.
 Nabibigyang halaga ang pagkakaisa ng bawat mamamayan sa mundo.

7
Suriin
Ang Takbo ng Digmaan
Matapos masakop ni Hitler ang Poland, ipinahayag niya na hindi siya hihingi ng pabor
sa mga ibang bansa ngunit dahil sa ilang ulit na siyang di tumupad sa pangako, lalong
naghanda ang mga Allies para sa anumang mangyayari. Ang mga Pranses ay nagtatag ng
isang depensa sa pamamagitan ng pader na konkreto na tinawag na Maginot Line. Nagtatag
din ng mga depensa ang mga bansa at nagpalakas ng kanilang hukbo.

Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Noong unang araw ng Setyembre 1939, ang puwersa ng Nazismo sa lupa at
himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng mga magigiting na taga-Poland ang
kanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britanya at Pransya, sila ay nagpahayag ng
pakikidigma sa Alemanya. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Rusya na may lihim na
kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal, ang
Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Alemanya at Unyong Sobyet nang walang
labanan.
Ang Digmaan sa Europa
Sa kanlurang Europa, ang mga hukbong Pranses at Ingles ay nag-abang sa likod ng
Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang
Poland.
Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang
kanyang blitzkrieg biglaang (paglusob na walang babala). Ang mga taga33 Norway ay
lumaban subalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban.
Samantala ang Pransya na umasa sa Maginot Line bilang kanilang tanggulan ay
nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-10 ng
Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.
Mga Pagkabigo ni Hitler
Ang daigdig ay nangilabot sa karahasan ni Hitler at ng puwersang Aleman. Bumagsak
ang Pransya. Nilusob ng Inglatera na naiwanan nang nag-iisa sa pakikipaglaban sa
Alemanya.
Ang Estados Unidos at ang Digmaan
Ang pananalo ng Nazi sa Europa ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano.
Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ang layuning demokrasya. Nagpatibay ang
Kongreso ng batas na Lend Lease na nagsasabi na ang Estados Unidos ay magbibigay ng
kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro
ng puwersang Alyado ang Estados Unidos noong 1941.

8
Ang Digmaan sa Pasipiko
Samantalang ang mga Hukbong Nazi ay namiminsala sa Europa, ang Hukbong
Hapones ay naghahanda sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng Estados Unidos ang
pagpapadala ng langis sa Hapon at kinumpiska ang lahat ng ari-arian ng Hapones sa Estados
Unidos. Ang Punong Ministro na Hapon na si Hideki Tojo ay nagpunta kay Embahador Saburu
Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa gayon
ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Hapon. Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang
mga Hapones ay naghahanda sa digmaan.
Unti-unti namang nakabangon ang Estados Unidos mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor
at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang
kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon ang mga puwersang alyado at pinamumunuan ni
Heneral Douglas MacArthur, na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng
“I Shall Return.”

Isaisip

Gawain 4: EVENT DIAGRAM

PANUTO: Punan ang EVENT DIAGRAM ng ng mga impormasyon


patungkol sa mga mahahalagang pangyayari na naganap na
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Si Hitler at ang Ang Digmaan sa Ang Amerika at Digmaan sa


Nazi Europa ang Digmaan Asya Pasipiko

(https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/16783)

9
Isagawa

Gawain 5: Reflection

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at magbigay ng 3-5 pangungusap ukol sa
pinsalang naidulot ng digmaan sa mga buhay at ari-arian ng mga tao sa mundo. Ipaliwanag
mo rin kung ano ang damdamin mo sakaling ikaw ang nakaranas ng mga pangyayaring nasa
larawan.

(Halaw sa EASE Modyul 17, pahina 40)


Pamprosesong tanong:
1. Bilang mag-aaral, gaano kahalaga ang pagkakaisa sa kahit saang lugar?

10
Aralin
Bunga ng Ikalawang
3 Digmaang Pandaigdigan

Balikan

Gawain 1: Fish-Bone Diagram


Panuto: Punan ang Fish Bone Diagram ng mga mahahalagang pangyayari sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

Alamin

Sa araling ito, malalaman natin kung paano natapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at ang mga naging bunga nito.
Inaasahan na sa araling ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng
pamumuhay, ekonomiya, politikal at internasyunal sa mga bansang naging bahagi
nito
2. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng kapayapaan
3. Nakabubuo ng repleksyon tungkol sa mga epekto ng digmaan sa pamumuhay ng
mga tao.
Siguraduhing maitatala ninyo ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
kase ito ang maging susi upang malampasan natin ang mga pagsubok sa ating paglalakbay.

11
Suriin

Tagumpay ng mga Alyado sa Europa at Hilagang Aprika


Ang taong 1943 ay naging tanda ng pagbabago ng ihip ng digmaan para sa Alyadong
Bansa. Ito ay nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Aprika noong ika-
13 ng Mayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-11 ng Hunyo, at ang
pagsuko ng Italya noong ika-3 ng Setyembre. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong
Alyado ay lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europa ay nilumpo
ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at sinakop ang Berlin. Sa Hilagang Aprika at Sicily, ang
pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya ni
Pietro Badoglio. Si Mussolini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo ng hilagang Italya.
Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao. Doon
nahuli siya't pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na si Clara Peracci noong ika-
2 ng Abril, 1945.
Ang Pagbagsak ng Alemanya
Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Alemanya dahil sa pag-atake ng mga
Alyado sa kanluran at ng mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa pinagtataguan
ang kanyang pagkampi. Sa umaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz
bilang kanyang kahalili at sa hapon ding iyon, siya at ang kanyang kinakasamang babae na
si Eva Brawn, ay nagpakamatay.
Ang Tagumpay sa Pasipiko
Noong ika-20 ng Oktubre, 1944, bumalik si Heneral Douglas MacArthur sa Leyte sa
gitna ng pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit na ilang buwang pakikipaglaban
sa Hapones ng mga Pilipino, idineklara ni Heneral McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula
sa mga Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa
Hiroshima. g ultimatum ng mga Alyado noong ika-15 ng Agosto ang walang pasubaling
pagsuko. Noong huling araw ng Agosto lumapag sa bansang Hapon si Heneral MacArthur
bilang SCAP o Supreme Commander of the Allied Powers. At noong ika- 2 ng Setyembre,
1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang US Missouri
sa Tokyo Bay
Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ito ng malaking pagbabago sa
kasaysayan ng daigdig.
1. Malaking bilang g mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang
naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang
Pandaigdig.
2. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga
opisyal ng bayan at mga pinunong militar.

12
3. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura,
industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
4. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolino, at
Imperyong Hapon ni Hirohito.
5. Ito ang daan tungo sa pagkasilang ng malalayang bansa – ang Silangan Alemanya,
Kanlurang Alemanya, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia,
Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)
Hindi pa natatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napag-isip ni Pangulong
Roosevelt ng Estados Unidos na muling magtatag ng isang samahang pandaigdig na papalit
sa Liga ng mga Bansa o may nawawala ba?. Apat ng buwan bago sumalakay ang mga
Hapones sa Pearl Harbor, sina Pangulong Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill
ng Inglatera ay bumalangkas nang deklarasyon, ang Atlantic Charter, na siyang saligan ng 26
na bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations). Sa isang
komperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang Estados Unidos, Gran Britanya at Soviet
Union ay nagkasundo ng pagpapairal at pagpapanatili ng kapayapaan sa sandaling matalo
ang Axis.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay. Ang
Pangkalahatang Asemblea (Assembly) ang sangay na tagapagbatas ng samahan. Binubuo
ng mga kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, dito isinasagawa ang mga
pangkalahatang pagpupulong.
Ang Sanguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay tagapagpaganap.
Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay permanenteng miyembro, samantalang ang anim
ay inihalal sa taning na pununungkulang dalawang taon.
Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ang
siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa.
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay binubuo ng 54 na
kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa mga bagay na pangkabuhayan,
panlipunan, edukasyonnal, siyentipiko at pangkalusugan ng daigdig.
Ang Sanggunian ng mga Katiwala ay nangangasiwa sa mga teritoryong ipinagkatiwala
na kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) mga teritoryong pinigil sa ilalim ng batas ng
Samahan ng mga Bansa; (2) mga teritoryong kinuha mula sa Kapangyarihang Aksis (Axis
power) inilagay sa sistema ng katiwala ng U. N.
Sa Pilipinas ay nakilala ang Death March bilang pagpapahirap ng mga Hapon sa mga
Pilipino at Amerikanong sundalo sa Bataan. Matapos ang digmaan ay nagkaroon ng
makasaysayang paglilitis sa Nuremberg sa Alemanya upang mabigyang hustisya ang halos
11 milyong nasawi dulot ng digmaan.

13
Pagyamanin

Gawain 2: Jumbled-letters
Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa bawat kahon upang malaman ang tamang sagot na
tinutukoy sa bawat bilang.
1.
Sa lugar na ito lumunsad ang hukbo ng mga Allied
MANNODRY Powers upang simulan ang paglaban kay Hitler

2.
Isa sa dalawang lugar sa Japan na pinasabugan ng
Bomba ng mga hukbong panghimpapawid ng
SHHIIMRAO Estados Unidos.

3.
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
AMG NSABNAG nabuo ang samahang ito upang pangalagaan ang
KANIASGAKA pandaigdigang kapayapaan.

4.
Malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang
CIGDEENO Digmaang Pandaigdig lalo na laban sa mga Hudyo.

5.
Lugar sa mga kampo na nagsisilbing lugar para sa
SAG MBCEHRA mabilisan at maramihang pagpatay ng mga Hudyo
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

6.
Isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Hapon
ATDHE ARMHC sa Pilipinas laban sa mga sumukong sundalong
Pilipino at Amerikano sa Bataan.

7.
Dito naganap ang paglilitis sa mga taong may
kinalaman sa maraming buhay at ari-ariang
RBEMNEURG
nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

(Hango sa EASE Modyul 17, pahina 41)

14
Isaisip

Gawain 4: Kanta tayo!


Panuto: Pakinggan ang awitin na “Imagine” by John Lennon. Sagutin ang mga pamprosesong
tanong na nasa ibaba.

Imagine there's no heaven Imagine no possessions


It's easy if you try
No hell below us I wonder if you can
Above us only sky
No need for greed or hunger
Imagine all the people
Living for today... Aha-ah... A brotherhood of man

Imagine there's no countries Imagine all the people


It isn't hard to do
Sharing all the world... You...
Nothing to kill or die for
And no religion, too
Imagine all the people
Living life in peace... You... You may say I'm a dreamer
But I'm not the only one
You may say I'm a dreamer
But I'm not the only one I hope someday you'll join us
I hope someday you'll join us
And the world will be as one And the world will live as one

Source:https://www.azlyrics.com/lyrics//johnlennon/imagine.html

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awit na Imagine?
2. Paano niyo maiuugnay ang nilalaman ng kanta sa kasulukuyang pangyayari sa
kalagayan ng mundo ngayon?
3. Paano makapagbibigay ng inspirasyon sa atin ang awiting ito?

Buod
 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay labanan sa pagitan ng Allied Powers (Estados
Unidos, Inglatera, Rusya at Pransya) at Axis Powers (Aleman, Hapon ai Italya).
 Ang mga sanhi ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay ang pag-agaw ng Hapon sa 52
Manchuria noong 1931, ang pag-alis ng Alemanya sa Liga noong 1933, pagsakop ng
Italya sa Ethiopia noong 1935, ang digmaang sibil noong 1936 sa Espanya, pagsakop ng
Alemanya sa Austria, pagsakop ni Hitler sa parte ng Czechoslovakia, at ang pagpasok ng
mga Aleman sa Poland noong 1939.
 Sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg at noong ika-10 ng Mayo 1940, sa biglaang
pagsalakay ng mga Nazi sa mga neutral na bansang Belhika, Holland at Luxembourg.

15
Napabagsak din ang Pransya at nilusob ang Inglatera.
 Ang hukbong Aleman ni Hitler at ang hukbong Italyano ni Mussolini ang nanguna ng
digmaan sa Europa, samantalang ang mga hapones ang nanalanta sa Pasipiko at Asya.
 Ang Estados Unidos ay tumulong sa paghahatid ng mga kagamitang pandigma sa mga
kaalyansa ng Allied Powers at sinumang bansang lumaban sa mga kasapi ng Axis
Powers.
 Ang pagdating ng Allied Powers sa Normandy at pagkatalo dito ng tropang Aleman ang
hudyat ng pagkapanalo ng hukbo laban sa Axis Powers at pagbagsak ni Hitler.
 Ang pagkatalo ng Italya sa Hilagang Aprika ay naging hudyat sa pagbagsak ni Mussolini.
 Ang pagbabalik ni Gen. Douglas MacArthur sa Pilipinas ay simula ng paglaya ng bansa at
pagwawakas ng Imperyong Hapon sa Asya matapos na bombahin ng hukbong Amerikano
ang Hapon sa Hiroshima at Nagasaki gamit ang atomik bomb.
 Ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations ay nabuo at nagkaroon ng pagpupulong
ang 50 bansang kasapi nito noong Oktubre 24, 1945 upang mapanatili ang kapayapaan
at kaligtasan ng daigdig. Ito ang pinakamahalagang naidulot ng pagtatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

Pagtatasa
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Anong taon sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. 1939 c. 1943
b. 1940 d. 1945
2. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring ito ang nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
a. Pag – alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
b. Paglusob ng Germany sa Poland
c. Pagbomba ng mga Hapon sa Pearl Harbor
d. Pag – agaw ng Manchuria sa Japan
3. Alin ang HINDI kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
a. Naitatag ang United Nations.
b. Nagkaroon ng World War III.
c. Nawala ang Fascism at Nazism.
d. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya.
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa tunay na interes ng Hapon sa pag-
atake sa Pearl Harbor?
a. Maging kaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan ng mga Nagkakaisang Bansa
b. Mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga Hapon, Aleman, at Italyano sa Pasipiko
c. Mapalawak ang imperyo ng Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya para sa mga
Asyano
d. Mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng mga Ingles, Pranses, Olandes, at
Amerikano

16
5. Ang D-Day sa Normandy noong Hunyo 6, 1944 ay inaalala bilang:
a. pagsuko ng mga Aleman sa Great Britain
b. malagim na pagpatay sa mga Hudyo na nasa Europa.
c. matagumpay na pagdaong dito ng Allied Powers
d. pag-urong ng Italya sa digmaan sa Europa.
6. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
1. Pagdating ng Allied Powers sa Pransiya bilang D-Day
2. Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon.
3. Paglusob ng Hapon sa Manchuria.
4. Pagsalakay ng Alemanya sa Poland.
Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay:
a. 2-4-3-1 b. 4-1-3-2
c. 1-2-4-3 d. 3-4-2-1
7. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naganap ang mga sumusunod,
maliban sa:
a. pagbagsak ng totalitaryang Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon
ni Hirohito
b. paghina ng pandaigdigang ekonomiya tulad ng mga industriya, transportasyon,
komunikasyon, at pananalapi
c. pagsilang ng malalayang bansa mula sa pagiging dating kolonya
d. pagtiwalag ng Germany sa Liga ng mga Bansa at pagbabawal na lumikha ng mga
armas pandigma
8. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa Pilipinas?
1. Nagdeklara ng “Open City” ang Maynila.
2. Naganap ang Death March.
3. Sinalakay ng mga Hapones ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagwasak ng hukbong
panghimpapawid ng mga Amerikano sa Clark Field sa Pampanga.
4. Naganap ang Fall of Bataan.
5. Pagbagsak ng huling tanggulan ng Pilipinas-ang, Corregidor.
Ang wastong pagkakasunoud-sunod ng mga pangyayari ay:
a. 3-1-4-2-5
b. 2-4-3-1-5
c. 4-5-3-2-1
d. 3-4-2-1-5
9. Ang mga taong ito ay pawang nakaranas ng pinakamatinding pinsala sa buhay na dulot ng
mga Aleman noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig:
a. Hudyo c. Hapon
b. Italyano d. Amerikano
10. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:

a. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War II


b. Isang tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa
c. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power
d. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal

17
Susi sa Pagwasto

You might also like