You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity Sheets


Araling Panlipunan 8
Quarter 4 – Week 6
MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR AT
NEOKOLONYALISMO

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545
Araling Panlipunan 8
Learners’ Activity Sheets
Quarter 4 – Week 6: Mga Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for the exploitation of
such work for a profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this activity sheets are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The authors do not represent nor claim
ownership over them.

Development Team of the Learners’ Activity Sheets


Writer/s: Michael J. Pablo / Airyn M. Arbuliente
Reviewer/Editor/s: Lalaine S. Gomera, Luzviminda M. Bojos
Illustrator:
Layout Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Suroysuroy
Management Team:
Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Lalaine S. Gomera
Leoncio S. MalupaJr.
Luzminda M. Pagulong
GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN
8
Ikaapat na Markahan – Ika-anim na
Linggo
Pangalan: Baitang:
Seksiyon: Petsa:

I. Pamagat: Mga Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo

II. Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa


hamon ng estabilisadong institusyon ng lipunan.
(AP8AKD-IVi-9)
III. Panuto: Ang mga gawain sa ibaba ay naglalaman tungkol sa iba’t ibang
ideolohiyang umiiral sa daigdig. Binibigyang-diin dito ang mga
impluwensiya nito sa mga bansang hindi pa maunlad at papaunlad pa
lamang. Basahin at unawain nang mabuti ang mga ideya na inilalahad
upang masagot ang mga nakatakdang gawain.

IV. Mga Gawain


Gawain 1: Suriin Mo!

Panuto: Basahin at suriin ang mga mahahalagang impormasyon sa ibaba at sagutin


ang mga gawain kaugnay rito.

ANG IDEOLOHIYA AT MGA URI NITO


• Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
magpaliwanag tungkol sa daigdig. Ito ay ipinakilala ni Desttutt de Tracy.
• May iba’t ibang kategorya ang ideolohiya. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pangkabuhayan- Nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at at
paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan.
2. Pampolitika- Nakasentro sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga
mamamayan sa pamamahala.
3. Panlipunan- Tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas
at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
IBA’T IBANG URI NG IDEOLOHIYA NA UMIIRAL SA DAIGDIG
• Kapitalismo- Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon at
kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong magangalakal.
• Demokrasya- Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Maaaring
makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di- tuwiran.
• Awtoritaryanismo- Isang uri ng pamahalaan na kung saan ang mga namumuno ay may lubos
na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran kung saan ang namumuno ay siya
ring pinuno ng relihiyon ng estado, ang Islam. Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na
awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang
Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas
Militar noong 1972 hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986.
• Totalitaryanismo- Ang pamahalaang totalitarian ay karaniwang pibamumunuan ng
isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan,
may ideolohiyang pinaniniwalaan at may mga partidong nagpapatupad nito. Limitado
ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa
pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-ayunan,
ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon tungkol sa
pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o ng diktador. Nasa
kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga
industriya. Halimbawa nito ang pamahalaan ni Hitler sa Germany at ni Mussolini sa
Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang uri ng
pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal. Unang ginamit ang sistemang ito
noong sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o labanan at may
pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may kapangyarihang
diktatoryal.
• Sosyalismo - Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung
saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang
grupong ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at
mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa
pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan.
Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Binibigyang-diin nito ang
pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan.
Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa Tsina at ang dating Unyong
Sobyet, kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan.

MGA PUWERSANG PANGKABUHAYAN SA POLITIKA NG BANSA


Ang Paglaganap ng Komunismo
Mula 1917 hanggang 1920, nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng mga Red Army
ng mga Bolshevik at ng mga White Army ng mga konserbatibo na dating tagasunod ng
Tsar. Dala ng galit sa dating pamahalaan, nasupil ng mga Red Army ang mga White Army.
Noong
1920, napasailalim ng Komunista ang buong Rusya. Ipinalalagay ni Lenin na kailangan
ang
dahas at pananakop para maitatag ang "Diktadurya ng mga Manggagawa." Ang estadong
naitatag nila ay tinawag na Union Soviet Socialist Republic o USSR. Mga prinsipyong
pinaniniwalaan ng Komunismo ang mga sumusunod:
1. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa: Ang manggagawa ang supremo ng
pamahalaan.
2. Pangangasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksiyon at distribusyon ng pag-
aari
3. Pagwawaksi sa kapitalismo.
4. Pagtatwa sa kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado at ng
simbahan.
5. Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa buong
daigdig.
Pagsilang ng Fascismo sa Italy
Sa Italy, ibang ideolohiya naman ang namayani. Tinawag itong fascismo. Mga kondisyong
nagbibigay-daan sa fascismo sa Italy ang sumusunod:
1. Nasyonalismo - Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang
Pandaigdig gayong nabigyan naman ito ng bahagi sa mga pabuya ng digmaan.
2. Paghihirap sa Kabuhayan - Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagkulang sa pagkain at
maraming pangangailangan sa Italy. Tumaas ang halaga ng mga bilihin.
3. Kahinaan ng Pamahalaan - Hindi nakayanan ng pamahalaang lutasin ang mga suliranin ng
bansa. Pinalala pa ng pagkakaroon ng mahinang opisyal sa pamahalaan. Bunga nito, nawalan
ng saysay ang mga tradisyong demokratiko pati na ang mga tao sa kanilang demokratikong
institusyon
Nazing Germany
Bilang isang ideolohiya, ang Nazismo ay nangyari sa Germany simula noong 1930. Isa sa
pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan sa makabagong panahon. Nakakahawig ito ng
fascismo sa Italy at ng komunismo sa Russia.
Adolf Hitler
Ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan ng pagkatalo sa World War I at ang paniniwala na
ang Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang sa pangunahing layunin ng
diktaturyang Nazismo. Basahin ang sumusunod na pangyayaring kaugnay nito:
1. Ang kahinaan ng Weimar Republic - Ang Republikang itinatag sa Germany pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga pinakademokratikong pamahalaan sa buong
mundo. Ngunit hindi ito pinatiwalaan ng mga tao.
2. Kasunduan ng Versailles - Nasaktan ang makanasyonalismong damdamin ng mga Aleman
dahil sa mapagpahirap na mga probisyon ng Kasunduang Versailles. Ang mga masugid na
makabayan ay nakahandang tumulong sa pamahalaan upang maiwasto ang sa palagay nila ay
mga pagkakamali upang mabawi ang pagkapahiya ng Germany.
3. Ang paghihirap sa kabuhayan - Pagkatapos ng digmaan, ito ang talagang nagbigay-daan sa
pagbagsak ng Republikang Weimar. Dahil sa mga pinsalang dulot ng digmaan at sa malaking
pagkakautang, at mga reparasyong pagbabayaran ng Germany nagkaroon ng inflation.
Gawain 2: I- Tama ang Mali!
Panuto: Isulat ang Tama kung ang/mga salitang nakasalungguhit ay nagsasaad ng
katotohanan. Kung mali naman, i-Tama ang salita/mga salita upang maging
wasto ang ideya ng pahayag.

1. Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan


na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.

2. Nakasentro sa ideolohiyang pangkabuhayan ang paraan ng pamumuno


at pakikilahok ng mga mamamayan sa opamamahala.

3. Ang ideolohiyang pinatutupad ng pinunong may lubos na kapangyarihan


ay awtoritaryanismo.

4. Kapag ang isang pamahalaan o bansa ay pinamamahalaan ng isang diktador,


ito ay may ideolohiyang totalitaryanismo.

5. Ang ideolohiyang sosyalismo ay nakabatay sa doktrinang pang-ekonomiya


na naglalayon ng perpektong lipunan.

6. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa produksiyon, distribusyon at kalakalan


ay nakabatay sa ideolohiyang kapitalismo.

7. Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihang pinunong Nazi.

8. Ang ideolohiyang Pasismo/Facism ay lumaganap sa Germany.

9. Ayong kay Vladimir Lenin, kailangan ng dahas at pananakop upang maitatag ang
“Diktadurya ng mga Manggagawa.”

10. Si Benito Mussolini ay nagtatag ng diktaduryang totalitarian dahil ayon sa


kanya, bigo ang Sistema ng demokrasya, kapitalismo at awtoritaryanismo.

Gawain 3: Ideo-Katangian!
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba tungkol sa kategorya ng mga
ideolohiyang natalakay at isulat ang katangian ng bawat isa.

Kategorya ng Ideolohiya Katangian

1.

2.

3.
Gawain 4: Comp-trast!
Panuto: Batay sa tekstong nasuri sa Gawain 1, paghambingin ang idolohiyang Fascism
ng Italy at Nazism ng Germany gamit ang venn diagram sa ibaba.

Fascism Nazism

Pagkakatulad

Gawain 5: Ideology: Power up – Power down


Panuto: Suriin ang mga ideolohiya na natalakay sa ibabaw at magbigay ng kanilang
mga kalakasan at kahinaan na maaaring gamitin ng isang bansa. Isulat sa huling
bahagi ang power up kung epekto ito sa ating bansa at power down naman kung hindi.
Ideolohiya Kalakasan Kahinaan Power up or power down
1.

2.

3.

4.

5.

V. Panapos na Gawain: 3-2-1 Exit Ticket!


Panuto: Punan ang mga detalyeng hinihingi ng sumusunod na exit ticket.

Mga bagay na natutunan ko…

3
1.
2.
3.

2
Mga bagay na nagagalak akong malaman…
1.
2.

Bagay na gusto ko pang malaman..

1 1.
Mga Sanggunian

Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.


Espiritu,Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Araling Panlipunan: Kasaysayan ng
Daigdig . Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc.

Project Ease Araling Panlipunan VIII


Gawain 2
1. Tama
2. ideolohiyang pampolitika
3. Tama
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Italy
9. Tama
10. Fascism/Pasismo
Gawain 3

Kategorya ng Ideolohiya Katangian


1. Ideolohiyan Nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiya
Pangkabuhayan ng bansa at at paghahati ng mga kayamanan para sa
mga mamamayan.
2. Ideolohiyang Nakasentro sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng
Pampolitika pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.
3. Ideolohiyang Tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga
Panlipunan mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga
mamamayan.

Gawain 4
Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkaiba.(Answers may vary)

Gawain 5
Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkaiba.(Answers may vary)
V. Panapos na Gawain
Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkaiba.(Answers may vary)

You might also like