You are on page 1of 68

UNANG

DIGMAANG
PANDAIGDIG
MGA DAHILANG
NAGBIGAY-RAAN SA
UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
NASYONALISMO
Maraming banta sa kapayapaan sa Europa
noong ika-20 na siglo. Ang nasyonalismo
ang nagbigay-raan sa paglaya ng mga
bansa katulad ng Belgium, Greece,
Serbia, Romania, at Bulgaria na nakita ng
ibang mga bansa bilang isang banta sa
kapayapaan sa kontinente.
Dahil sa nasyonalismo, nagkaroon
din ng mga bagong bansa gaya ng
Italy at Germany. Ang masidhing
damdamin para sa nasyonalismo ang
isa sa pangunahing dahilan kung
bakit sumiklab ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
Nagkaroon din ng ARMS RACE ang mga
makapangyarihang bansa sa Europa na
pinangunahan ng Germany, France, United
Kingdom, at Russia. Kailangang maipakita ng
mga bansang ito ang kanilang kakayahang
manakop at kumontrol ng mga lupain sa
pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang
hukbong sandatahan. Ang paglakas ng
hukbong sandatahan ang naging kadakilaan
ng mga bansang Europeo.
Ang sumunod na anyo ng
nasyonalismo naman ay ang
pagnanais ng mga bansang lumaya sa
kamay ng mga imperyong sumakop sa
kanila. Nais ng mga ito na magkaroon
ng sariling pamamahala sa kanilang
bansa o pagkaisahin ang kanilang lahi
upang makabuo ng isang nasyon.
“Powder Keg of Europe”

Sisidlan ng Pulbura ng
Europa
LEAGUE OF THE THREE EMPERORS

Ang pag-alyansa ng Germany sa Russia at


Austria-Hungary. Kapag ang isang
bansang kasapi nito ay nilusob ng ibang
bansa, ang alyansa ang tutulong dito.
Hindi rin nagtagal ang alyansa dahil sa
pagkakaroon ng usapin sa teritoryo sa
rehiyong Balkan.
DUAL ALLIANCE
Ang pagkampihan ng Germany
at Austria noong 1879.
Naging Triple Alliance naman ito
noong 1882 nang sumali ang Italy.
Nakipag-alyansa naman ang
France sa United Kingdom noong
1904 at sumali ang Russia noong
1907 na tinawag nilang Triple
Entente.
MGA MAHAHALAGANG
PANGYAYARING
NAGANAP SA UNANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
Nagdesisyon ang Germany na talunin muna
ang France sa pamamagitan ng pagdaan nito
sa Belgium, isang bansang hindi kasali sa
digmaan. Nagbanta ang United Kingdom na
magdedeklara ito sa digmaan kung
magpapatuloy ang Germany sa pagsakop nito
sa Belguim. Hindi nagtagal at ito ay nangyari,
sinakop ng Germany ang Belgium na naging
dahilan ng pagdedeklara ng United Kingdom
ng digmaan laban dito.
TRIPLE ENTENTE

- ang alyansa ng United


Kingdom, Russia, France, na
sinalihan din ng Italy, Japan,
at United States.
CENTRAL POWERS
- ang alyansa ng Germany,
Austria-Hungary, na naman ng
Bulgaria at sinalihan
Ottoman Empire.
Nilusob ng Germany ang France upang
mapabagsak ang kabisera nitong Paris.
Napigilan naman ang opensibang Aleman
ng mga puwersa ng Allied sa Unang
Labanan sa Marne. Libo-libong sundalo
ang namatay dahil sa mga makabagong
armas na ginamit sa labanan gaya ng
granada, mga tangke, machine guns,
artillery, warplanes, submarines, at
poison gas.
TRENCH WARFARE
- Ito ay ang paghukay ng mga
tunnel na nakaharap sa kalaban
upang magsilbing taguan o
kampo ng mga sundalo.
POISON GAS
- uri ng gas na may
nakasusulasok na amoy na
nakapagdudulot ng matinding
pinsala sa katawan ng tao.
GAS MASK
- Nagsilbing proteksyon nang
mga sundalo laban sa poison
gas
BIOLOGICAL WARFARE
- digmaan na hindi ginamitan
nang ano mang sandata.
ALEMAN
-gumamit ng U-BOAT at
EROPLANO sa digmaan.
U-BOAT
- isang uri ng submarino na may
kakayahang magpalubog ng mga
malalaking barko.
EROPLANO
- ginamit ito upang magmasid sa
mga galaw ng kalaban at
makakuha ng mga impormasyon
patungkol sa lokasyon ng mga
ito.
Ginamit naman ng United
Kingdom ang kanilang
mga tangke.
Sa silangan, nagsimulang manalo
ang Russia laban sa Central
Powers ngunit napaatras din sila
nito. Tuluyan namang tinalo ng
Austria-Hungary ang Serbia.
Naging kakampi ng Allies ang
Romania at Greece.
LABANAN SA GALLIPOLI
-isa sa pinakamadugong labanan
na nangyari sa mga lupain ng
Ottoman noong 1915.
Dahil sa sunod-sunod na
pagkatalo ng Russia sa mga
labanan sa digmaan,
sumiklab ang rebolusyon sa
loob ng bansa.
BOLSHEVIK REVOLUTION
-pinamunuan ni Vladimir Lenin na
nilahukan ng mga manggagawa ng
Russia.

- nagpatalsik sa monarkiya at nagtatag


ng pamahalaang komunismo sa bansa.
•Pinalitan din nito ang pangalan
ng Russia at ginawang Soviet
Union.

•Nakipagkasundo sila sa Central


Powers upang umalis sa
digmaan.
Malaking bahagi ng Soviet Union
ang naging kabayaran sa pagsuko
nito at nabigyan ng pagkakataon
ang Germany na ilipat ang mga
sundalo nito sa silangan patungo sa
kanluran kung nasaan ang France at
United Kingdom.
Humalili naman ang United
States sa pag-alis ng Russia sa
alyansang Triple Entente. Sa
simula ng digmaan ay pinilit
ng United States na manatiling
walang kinikilingan.
2 PANGYAYARI NA
NAG UDYOK SA
ESTADOS UNIDOS
UPANG MAG DEKLARA
NG DIGMAAN
BARKONG RMS LUSITANIA

-pampasaherong barko ng estados


unidos na lumubog. Maraming
mga Amerikano ang sakay ng
barkong ito ang namatay dahil sa
trahedya.
ZIMMERMANN TELEGRAM (1917)
Nakalagay sa mensaheng ito ang paghikayat
sa Mexico na makipag-alyansa sa Germany at
pagbibgay tulong-pinansyal kapag nagdeklara
ito ng digmaan laban sa United States.
Kapalit nito ay mababawi ng Mexico ang
Texas at iba pang lupain na nawala sa kanila
noong US-Mexican War.
ABRIL NG 1917
pumasok ang United States sa digmaan
sa hanay ng Allies. Dahil na rin sa ilang
pagkatalo at tagal ng digmaan na
umabot sa apat na taon, hindi na
kinaya ng Central Powers ang
karagdagang lakas ng United States.
•Unang sumuko ang Bulgaria noong
Setyembre 1918. Sumunod naman ang
Imperyong Ottoman noong Oktubre at
Austria-Hungary noong Nobyembre.

•Tuluyang nagwakas ang digmaan noong


sumuko ang Germany noong ika-11 ng
Nobyembre taong 1918.
Matapos sumuko ng Central
Powers sa digmaan ay
tumungo ang mga nagwaging
bansa sa Paris upang pag-
usapan kung paano tuluyang
wawakasan ang Unang
Digmaang Pandaigdig.
Naging mahalaga ang ginampanan ng
mga pinuno ng bansang kasapi ng
Allies. Ang United States ay
pinamunuan ni Pangulong Woodrow
Wilson. Ang United Kingdom ay
pinangunahan ni David Lloyd George
at Georges Clemenceau naman sa
France.
Fourteen Points
sinulong ni Pangulong Wilson,
ninanais na magkaroon ng self-
determination o pagdedesisyon
ng mga tao at bansa sa kanilang
kalayaan.
DISARMAMENT
- pagbabawas ng mga bansa ng
armas pandigma, kabilang na
ang paglimita sa paggawa ng
mga makabagong armas at mga
barkong pandigma.
ANG
PAGKAKABUO
NG LEAGUE OF
NATIONS
League of Nations
- isa sa mga probisyong pinagkasunduan
ng mga bansa matapos ang Kasunduan sa
Versailles. Binuo ito ng mga bansang
kabilang noon sa Unang Digmaang
Pandaigdig, partikular na ang mga Allies.
AXIS POWER
ALLIES POWER
AXIS POWER

Hungary
Japan
Finland
Yugoslavis
Croatis
ALLIES POWER

US GERMANY
FRANCE BRITAIN
RUSSIA CHINA
ITALY
SOVIET UNION
IKALAWANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
Sa halip na tuldukan ng
Kasunduan sa Versailles ang
hindi pagkakasunduan ng mga
bansa sa pagtatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig, nagdulot
lamang ito ng mga panibagong
alitan
GREAT DEPRESSION
Ang panahon kung saan bumagsak
ang ekonomiya at marami ang
nawalan ng trabaho. Tuluyan itong
nakaapekto sa United States at
naramdaman maging sa buong
Europa.
ANG PAGLAKAS
NG KOMUNISMO
SA RUSSIA
KOMUNISMO SA RUSSIA
Itinatag ito ni Vladimir Lenin noong 1917
nang mapatalsik nila sa pamamagitan ng
Bolshevik Revolution ang monarkiya sa
pamumuno ni Tsar Nicholas II. Napalitan
ang pangalan ng bansa at naging Union of
Soviet Socialist Republics (USSR) at hindi
kalaunan ay naging komunistang bansa.
PILOSOPIYA NG KOMUNISMO
 Lahat ng mayroon sa isang bansa ay
pagmamay-ari ng lahat ng mamamayan
nito.
 Ito ang naging tagapangasiwa ng mga
negosyo at nagtatakda ng mga planong
pang-ekonomiya.
 Ang pamahalaan din ang
nagtatakda kung ano ang dapat
itanim ng mga magsasaka at gaano
karami ang kanilang magiging ani na
kanilang ibebenta sa pamahalaan.
NEW ECONOMIC POLICY (NEP)
Ito ay isang polisiyang pang-
ekonomiya kung saan nagkaroon ng
malayang merkado ang bansa at
nabigyan ang ilang mamamayan ng
karapatan na magmay-ari ng
negosyo.
Natulungan din nito ang mga
magsasaka sa problemang
agrikultural nang tanggalin
nito ang sapilitang pagkuha ng
mga ani at palitan ito ng
buwis na maaaring bayaran ng
kanilang mga produkto.
Kasama rin sa NEP ni Lenin ang
pagpapatayo ng mga paaralang
magtuturo ng mga teknikal na
kakayahan ng mga mamamayan.
Pansamantalang naiayos ng
Soviet Union ang ekonomiya nito
hanggang sa mamatay si Lenin
noong 1924.
JOSEPH STALIN
• Nagpatatag ng First Five-Year Plan , nais
niyang baguhin ang agraryong lipunan upang
maging isang industriyalisadong bansa ang
USSR. Ipinatupad din ni Stalin ang sama-
samang pagsasaka. Kung may mga tumutol
dito, ipinatatapon nila ito sa Siberia upang
magtrabaho sa mga LABOR CAMP.
ANG
PAG-ANGAT NG
PASISMO AT
MILITARISMO
BENITO MUSSOLINI
nagtatag ng
kilusang pasismo sa
Italya.
PASISMO
•isang uri ng ideolohiya kung
saan nagsusulong ito ng
matinding nasyonalismo at
nagbibigay importansya sa
buong aspketo ng isang bansa.
Noong taong 1921 ay nakakuha
ng tatlumpu’t limang puwesto sa
parlamento ng Italya ang partido
ni Mussolini. Unti-unting dumami
ang naniwala sa pasismo ni
Mussolini. Gamit ang kaniyang
Blackshirts.
BLACKSHIRTS
armadong pangkat ng
kaniyang partido
(Mussolini), naghasik ng
kaguluhan sa Italya.
Noong 1922, nagmartsa ang
Blackshirts patungong Roma upang
agawin ang kapangyarihan ng
pamahalaan. Upang matigil ang
kaguluhan sa bansa, itinalaga ni
Haring Victor Emmanuel III si
Mussolini upang maging punong
ministro ng Italy.
Ito ang nagbigay-raan sa pagiging
diktador ni Mussolini na kinilala
ng buong Italya bilang Il Duce o
“Ang Pinuno.” Nangako siya sa
mga Italyano na ang ika-20 na
siglo ay panahon ng pasismo at
panahon ng imperyong Italya.
Sa Germany naman, lumaganap
ang pasismo sa pamamagitan ni
Adolf Hitler. Kabilang siya sa
partido na National Socialist
German Workers’ Party o mas
kilala bilang Nazi Party, dahil sa
kanyang pagkamuhi sa mga Hudyo
at komunista.

You might also like