You are on page 1of 17

Aralin 1

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Asya


Layunin:

Pagkatapos ng araling ito inaasahang


napapahalagahan mo ang ugnayan ng tao
at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano.
 Ang Asya ang ay isang malaking kontinente na
may mayamang kultura at masagang kapaligiran.
Sa lawak at laki nito, sakop nito ang mga lugar na
may iba’t ibang uri ng klima, anyong lupa,
halamanan, at iba pang pisikal na anyo.
 Sa Asya rin umusbong ang mga
pangunahing relihiyon sa mundo tulad
ng Hudaismo, Islam, Kristiyanismo,
Hinduismo, at Budismo.
Pag-aralan Natin

 Ang Asya ay itinuturing na pinakamalaking kontinente o


rehiyon sa mundo. Binubuo ito ng maraming bansa na
may kani-kaniyang katangian
Ang Kontinente ng Asya

 Ang pinakamalaking dibisyon ng lupa sa


buong mundo. Ang mga kontinenteng ito ay
ang Asya, Europa, Aprika, Australya,
Hilagang Amerika, Timog Amerika, at
Antarktika.
 Ang Asya ay may malawak at mayamang heograpiya.
Sinasabing heterogenous ang heograpiya nito.
 Ang Asya ay isang natatanging rehiyon dahil sa
masaganang kalikasan at mayamang kultura nito. Dahil sa
maraming ambag ng Asya sa mundo, ito ay itinuturing
bilang isang napakahalagang kontinente
 Maraming mananaliksik mula sa iba’t ibang bahagi ng
mundo ang tumutungo sa iba’t ibang bahagi ng Asya
upang pag-aralan ang kultura, kalikasan, at kasanayan sa
rehiyon.
Ang Kapaligiran at ang Paghubog sa
Kabihasnang Asyano
 Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga
kapaligiran sa pagbubuo at pagpapanatili ng mga
sinaunang kabihasnang Asyano. Tandaan na ang
sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia (ngayon ay
nasa bahagi ng Iraq, Syria, at Turkey) ay nakapuwesto
sa kanlurang bahagi ng Asya. Halos kasabay nito sa
silangan ang pagkabuo ng kabihasnan ng Tsina.
 Napanatili at napalago ang mga kabihasnang ito dahil na
rin sa paggamit ng mga likas na yaman sa kapaligiran. Sa
tulong ng iba’t ibang kagamitang inimbento ng mga
sinaunang tao, nagkaroon ng pagkakataon ang mga
kabihasnan na gamitin nang lubusan ang mga likas na
yaman sa kanilang kapaligiran.
 Halimbawa na lamang nito ang pagkakaroon ng
terracing o hagdan-hagdang taniman sa gilid ng
bundok. Ang Longsheng Rice Terraces na
matatagpuan sa Tsina at ang Banawe Rice Terraces
ng Pilipinas ang ilan sa halimbawa nito.
 Nahuhubog din ng kapaligiran ang uri ng pamumuhay at
gawi nga mga tao sa Asya. Ang pamumuhay ng mga tao
ay nakabatay sa yaman o limitasyon na mayroon ang isang
lugar, kaya nahahanapan ng paraan ng mga tao upang
maangkop at magamit ang anumang yaman na puwedeng
kunin sa isang lugar.
 Isang halimbawa ay ang mga Bedouins na nakatira sa disyertong
bahagi ng kanlurang Asya katulad ng Iraq, Saudi Arabia, Syria, at
Jordan.
 Sila ay grupo ng mga tao na mayroong nomadikong pamumuhay,
ibig sabihin, wala silang permanenteng lugar. Ang mga Bedouins ay
palipat-lipat ng tirahan depende sa mapagkukuhanan ng tubig at
halamang pagkain para sa kanilang mga alagang hayop.
 Ang kanilang mga tolda ay nagsisilbing tahanan at ito ay kanilang itinatayo kung
saang lugar man sila makarating.
 Dito, kasama nila ang kanilang pamilya at mga alagang hayop katulad ng mga
kamelyo, tupa, at kambing. Nakikita ang impluwensiya ng kapaligiran sa uri ng
pamumuhay ng mga tao.

You might also like