You are on page 1of 2

Department of Education

Private Education Assisstance Committee


Diocesan Association of Parochial Schools
Diocese of Bacolod
ST. MICHAEL ACADEMY OF PONTEVEDRA, INC.
“Virtus et Prudencia”
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan at piliin tamang sagot. MAHIGPIT NA PINAGBABAWAL
ANG PAGBUBURA!
TEST I.
1.Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng kontemporaryung isyu?
A. paggamit sa pribadong impormasyon ng mga mamamayan sa internet
B. paghahanap ng bagong kolonya para sa pangangalakal
C. pagpapakulong sa mga taong pinaniniwalaang taksil sa simbahan
D. pag-uusap tungkol sa kahalagahan ng gamot para sa kalusuguan
2. Bakit mahalaga na magkaroon ng bukas na isipan sa pagsuri ng mga kontemporaryong isyu?
A. dahil ikaw ay maaaring maloko ng ibang tao
B. dahil ang mga nalalaman ng tao ay maaaring totoo o maaaring mali
C. dahil maraming isyu sa mundo ay hindi kailangan pag-usapan
D. dahil mayroong mga isyu na walang kinalaman sa iyong buhay
3. Ano ang tawag sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at
komunidad na tinatamaan nito?
A. kalamidad B. delubyo C. aksidente D. kapahamakan
4. Anong uri ng kalamidad ang nararanasan sa isang tiyak na lugar kung ito ay marahas na binabayo at hinahampas ng
malalakas na hangin at ulan?
A. paglindol B. pagdaluyong-bagyo C. pagbagyo D. pagbaha
. 5. Ano ang isang resulta ng pagbagyo na nakadaragdag ng kapinsalaan sa mga tao?
A. pagbaha B. pag-ulan C. pag-iral ng habagat D. paglaki ng alon
6. Ano ang maaaring epekto ng pagyanig ng lupa sa ilalim ng dagat?
A. Storm Surge B. Tsunami C. Baha D. Bagyo
7. Anong kalamidad ang tinutukoy?
Biglaan at mabilis na pagyanig ng lupa dulot ng paggalaw ng mga bato sa ilalim.
A. Tsunami B. Bagyo C. lindol D. baha
8. Biglang lumindol habang ikaw ay nasa paaralan. Ano ang mga dapat gawin?
A. Sundin ang “duck, cover, hold” at ang sinasabi ng mga guro o marshall. Humanap ng lugar
na maluwag at malayo sa mga estrukturang maaaring gumuho.
B. Magtago sa ilalim ng lamesa habang hinihintay ang pagbagsak ng mga bagay. Kung walang saklolo, sundin
ang “duck, cover, hold”.
C. Makipag-unahan sa mga kaklase sa paglabas sa silid-aralan. Dahil mahalaga ang buhay,
makipagtulakan para hindi maipit sa loob bago pa gumuho ang gusali.
D. Magmadaling tumakbo palabas ng silid-aralan. Subukang makauwi ng bahay para maging
ligtas at makasama ang pamilya.
9. Anong ahensiya/departamento ng pamahalaan ang nagbibigay ng ulat-panahon, nagmo-monitor ng paparating na
bagyo, at nagbibigay ng mga signal at paala-ala sa mga tao?
A. PAGASA B. PHIVOLCS C. DOTC D. NDRRMC
10. Karaniwang kinapapalooban ng mga pangyayaring likas o gawa ng tao na nagdulot ng pinsala sa buhay, ari – arian at
gawaing pang – ekonomiya ng mga mamamayan.
A. isyung panglungsod C. isyung pangkapaligiran
B. isyung pampolitika D. isyung pangekonomiya
11. tumutukoy sa mga pangyayari o sitwasyon sa isang particular na lugar na maaaring magdulot ng kapamahamakan sa
tao, ari-arian, at maging sa kapaligiran sa pangkalahatang.
A. kalamidad B.hazzard C.risk D.delubyo
12. Bilang isang estudyante, paano ka makatutulong bago, sa oras, at pagkatapos ng kalamidad?
A. Tumulong sa mga relief operation kagaya ng pagbabalot at pamimigay ng relief goods.
B. Manatili sa bahay para hindi na makadagdag sa maaaring maging biktima.
C. Mag-ulat sa baranggay o sa mga ahensiya kung may mga biktima at nangangailangan.
D. Maglinis ng kalsada kahit malakas ang hangin upang ligtas na makadaan ang mga sasakyan.
13. Kung gusto mong makibalita sa mga kamag-anak na nasa lugar na sinasalanta ng bagyo ngunit putol na ang linya ng
komunikasyon, sa anong ahensiya pinakamanam na lumapit?
A. Philippine Information Agency
B. National Disaster Risk Reduction Management Council
C. Department of Transportation and Communications
D. Metro Manila Development Authority
14. . Paano napahahalagahan ang buhay mula sa mga tumitinding kalamidad?
A. Manirahan sa ligtas na lugar, magarang bahay, at maraming kasambahay.
B. Maging disiplinado, handa, at matulungin.
A. Tama ang A; mali ang B. C. Parehong mali ang A at B.
B. Parehong tama ang A at B. D. Tama ang B; mali ang A.
15. Ano ang kailangan sa pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu?
A. bukas at kritikal na pag-iisip C. pagsang-ayon ng maraming tao
B. mataas na pinag-aralan D. paglaban sa mga pinaniniwalaan
Test II. A. Unawin ang bawat tanong at isulat ang tamang sagot. Mahigpit na pinagbabawal ang PAGBURA!
16 – 20. Magbigay ng Limang (5)halimbawa ng Natural Hazzard
21 – 25. Magbigay ng Limang (5) halimbawa ng Human induced hazard
26-28 – uri ng polusyon
29-30. uri ng environmental hazard
B. Punan ang talahanayan sa ibaba. Tumutukoy ng Lima (5) sa maituturing na pangunahing isyung kontemporaryo na
kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. Bigyan ng paliwanag ang iyong kasagutan.

Isyu Paliwanag
31.
32.
33.
34.
35.
C. Ibigay ang mga dapat gawin bago dumating, sa panahon ng kalamidad, at pagkatapos ng kalamidad.

Panahon Gawain
Mga Gawain bago dumating ang kalamidad

Mga Gawain sa panahon ng kalamidad

Mga Gawain pagkatapos ng kalamidad

An investment in knowledge pays the best interest.


- B. F.
Prepared:
Salve Mae A. Suelo, LPT

You might also like