You are on page 1of 9

AP 10 Reviewer

. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa
sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya tulad ng COVID-19?

A. Isyung panlipunan B. Isyung pangkapaligiran C. Isyung pangkalusugan D. Isyung pangkalakalan

. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon. II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian. IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III


. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng
pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya.

A. Isyung Pangkalusugan B. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran

. Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng mamamayan.

A. Isyung Pangkalusugan B. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran

. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo.


A. Isyung Pangkapaligiran B. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran

. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa sumusunod ang kabilang
dito? I. uri II. Sanggunian III. Kahalagahan IV. epekto

A. I, II, III B. I, III C. I, IV D. I, II, III, IV

. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan. Alin sa sumusunod na pahayag
ang sakop nito? I. Aktibong pagganap sa mga gawain. II. Damdaming makabayan. III. Koneksiyon
ng lipunan sa sarili. IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri

A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV

15. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?

A. tahanan B. paaralan C. palengke D. pabrika


16. Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kweba at mga yaman nito.

A. The Chainsaw Act C. Wildlife Resources Conservation and Protection Act

B. Indigenous People’s Rights Act D. National Cave and Resources Management and Protection Act
. Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa ______.
A. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao C. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno

B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura D. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa
kasalukuyan?

A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad

B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon D. Lahat ng nabanggit

. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig?

I. Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan. II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan.
III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.
A. I,II,III B. I C. I,II,III,IV D. I,II

. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?

A. Pagtaas sa insidente ng dengue C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides

B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain D. lahat ng nabanggit

. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o
sentrong komersyo?

A. Paglipat ng pook tirahan B. Ilegal na pagtotroso C. Pagdami ng populasyon D. Ilegal na pagmimina


. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________

A. Fuel wood harvesting B. Illegal mining C. Illegal logging D. Global warming

. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod
ang bunga nito?

A. pagbaha B. pagguho ng lupa C. pagkawala ng tirahan ng mga hayop D. lahat ng nabanggit


. Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’tibang desisyon at proseso ng pamamahala ng
solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang

A. Ecological Garbage Management Act of 2010 C. Ecological Garbage Management Act of 2000

B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000 D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010

. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura. Isang napakalaking hamon sa
pagpapatupad ng batas ay ang

A. kawalan ng suporta ng mga namamahala C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino

B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura

. Ang Non-Government Organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura at may adbokasiyang zero waste.

A. Greenpeace B. Mother Earth Foundation C. Bantay Kalikasan D. Clean and Green Foundation

. Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on Climate Change upang tugunan ang mga
banta ng climate change sa Pilipinas?

A. Republic Act 7586 B. Republict Act No. 9729 C. Executive Order No. 23 D. Republic Act No. 8749 .
Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa _____________.

A. solid waste B. ilegal na droga C. climate change D. pagkasira ng mga likas na yaman

. Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 8371, sino sa sumusunod ang kaagapay ng pamahalaan sa pangangalaga sa
kagubatan? A. mga NGO B. mga pulis C. mga katutubong Pilipino D. mga forest rangers
30. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM)Plan?

A. Lahat ngdesisyon ay nagmumulasanakatataasna kinauukulan.

B. Nag-aantay ng tulong ang mga lider ng barangay galling sa nakatataas na kinauukulan


C.Pinangunahan ng mga mamamayan ang pagtukoy, pag-aanalisa sa mga maaaring magingepektongbagyong paparating.
D.Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayananay nabibigyang pansin.

. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.


A. Disaster B. Vulnerability C. Resilience D. Hazard

. Isa itong uring hazard o pangani na dulot ng kalikasan

A. Natural Hazard B. Social Hazard C. Anthropogenic Hazard D. Physical Hazard

. Isang uri ng hazard na bunga ng mga gawain ng tao. A.


Natural Hazard B. Social Hazard C. Anthropogenic Hazard D. PhysicalHazard

. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
A. Hazard B. Risk C. Disaster D. Resilience

. Kapag matatag ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring maiwasan?
A. Pinsala sa buhay at ari-arian B. Pagbagsak ng ekonomiya C. Pagtaasngbilihin D. Pagdamingbasura

. Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ngsakuna, kalamidad, at panganib.

A. Hazard Assessment B. Disaster management C. Capacity management D. Disaster

. Ang dapat gawin kung may lindol ay: hold, drop, cover.
A. Mali B. Tama C. Hindi sigurado D. Wala sa nabanggit

. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa pagbaha?
A. karton B. malaking bag C. malaking gallon D. payong

D. Bawat mamamayan at institusyon sa lipunan ay ginagampanan nang maayos angkani-kaniyang responsibilidad.


. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay halimbawa ng
A. Natural Hazard B. Anthropogenic Hazard C. Structural Risk D. Disaster

. Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna kung may lindol?

A. athletic meet B. earthquake drill C. fire drill D. fun run

. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa.

A. Isyung showbiz B. Kasaysayan C. Kontemporaryong Isyu D. Balita

. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?

I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang. II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.


III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan. IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.

A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. I, II, III, IV

. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung

A. kilalang tao ang mga kasangkot C. napag-uusapan at dahilan ng debate


B. nilagay sa Facebook D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang

. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay isang uri ng isyung?

A. Panlipunan B. Pangkalusugan C. Pangkapaligiran D. Pangkalakalan

. Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang?

A. magazine B. journal C. internet D. komiks

. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?

A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa kasalukuyan.

B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.


C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao.

D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan.

. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan?

I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan. II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa

III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang. IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa
pagpapaunlad ng bansa.

A. I, III, IV B. I, III C. II, IV D. I, II

ESP 10 reviwer

Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

A. Tama B. Mali C. Hindi sigurado D. Lahat na nabanggit


. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba sapagkat parepareho lamang ang mga ito
na nilalang ng Diyos.
A. Tama B. Mali C. Hindi sigurado D. Lahat na nabanggit
. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.

A. Tama B. Mali C. Hindi sigurado D. Lahat na nabanggit


. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.

A. Tama B. Mali C. Hindi sigurado D. Lahat na nabanggit

. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.


A. Tama B. Mali C. Hindi sigurado D. Lahat na nabanggit
6. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng
kasabihan?

A. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. C. Kapareho ng tao ang Diyos.

B. Kamukha ng tao ang Diyos. D. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.

B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.

C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.

D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.

. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin
. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili

A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin


. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay
inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.

A. isip B. kilos-loob C. emosyon D. karunungan

PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang titik ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat
ang sagot sa gilid ng numero.

HANAY A HANAY B

. pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakauunawa A. memorya


1. kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang dumaan sa katwiran B. panloob na pandama
13. kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito C. kamalayan
1. kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan D. imahinasyon
1. Ito ang paningin, pandinig, pang- amoy, at panlasa E. instinct
F. Panlabas na pandamdam

. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng
kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula
rito?

A. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo. C. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.

B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa. D. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.

. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:

A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay.

B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.

C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.

D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at
karanasan ng tao.

. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?

A. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan.
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kaniyang isip.
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.

D. Lahat ng nabanggit

. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?

A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.

B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.

C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.

D. Kung magsasanib ang tama at mabuti.

3. Itoy tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan tayong mamili kung ano ang dapat gawin.

A. Problema B. Krisis C. Pagsubok D. kahinaan

. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?

A. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao C. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian

B. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao D. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman
. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat mong gawin”, “Ito ay masama ang hindi
mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito?

A. Alamin at naisin ang mabuti C. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos

B. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon D. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay


. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?

A. Puso C. Ang mga maling nagawa ng tao


B. Pamumuhay ng isang tao D. Kung ang kilos ay tama o mali

. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?


A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya C. Dahil nakasanayan na nating manalangin

B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos

. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya? A.


Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan C. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin

B. Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha D. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan
. Bakit mahalaga ang tamang paghubog ng konsensiya?

A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama

B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan D. Nakatulong ito sa pagpapakatao ng tao.
. Ano ang ibinigay sa tao noong siya ay likhain?

A. Damit B. Pangalan C. Likas na Batas Moral D. Puso

May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang
nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang
dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya
ang magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya?

. Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling. Anong yugto ng
konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?

A. Unang yugto B. Ikalawang yugto C. Ikatlong yugto D. Ikaapat

. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?

A. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay. C. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.

B. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina. D. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.

“Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay
ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.

B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.

C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.

D. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.

. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at
agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na
pinakamataas na batayan ng kilos?

A. Ang Sampung Utos ng Diyos C. Batas ng Diyos

B. Likas na Batas Moral D. Batas Positibo


. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang
mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?

A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa Mabuti

C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura

D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya

. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?

A. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama

B. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby

C. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito

D. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid

. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:

A. Bahala ang tao sa kanyang kilos C. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos

B. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos D. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama

. Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?

A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay

B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga anak

C. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan

D. Wala sa nabanggit

. Saan nagmula ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting pagkilos?
A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang C. Nagmula sa ipinamana ng magulang

B. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay D. Nagmula sa mga natututunan sa paaralan

Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang
kinakain kahit gustong-gusto niya nito.

. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili. C. may kakayahan ang taong mangatwiran.

B. malaya ang taong pumili o hindi pumili. D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?

A. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
B.magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.

C. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.

D. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.

Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang
hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng
prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?

A. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin

B. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.

C. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.

D. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.

. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?

A. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.

B. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob.
C. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.

D. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan,
maglingkod, at magmahal.

You might also like