You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10

I. PAGPIPILIAN (MULTIPLE CHOICE) (10pts)


1.Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating
pamayanan at sa bansa
A. Isyung showbiz
B. Kontemporaryong Isyu
C. Kasaysayan
D. Balita

2. Maraming mga bagay, pangyayari, suliranin, at isyu sa ating kapaligiran


ang nalalaman natin sa iba’t ibang paraan: Makakakalap tayo ng mga
kaalaman sa pamamagitan ng articles, encyclopedias at kuwento ng mga
hindi nakasaksi sa pangyayari. Anong sanggunian ang tinutukoy dito sa pag-
aaral ng kontemporaryong isyu?
answer choices
A. primaryang pinagkukunan
B. sekundaryong pinagkukunan
C. tersaryong pinagkukunan
D. wala sa nabanggit

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng


kontemporaryong isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi
nakaaapekto sa kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga
tao salipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto
sapamumuhay ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng
ating pamayanan.

4. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng


kontemporaryong isyu?
I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian.
IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III

5. Maraming kaganapan sa ating paligid araw-araw. Mga isyung kinahaharap


ng ating mga pamayanan o komunidad. Alin sa mga sumusunod ang
maituturing na kontemporaryong isyu?
A. pagkatuklas sa Taong Tabon
B. pagbabago ng klima sa buong mundo
C. pagiging isang arkipelago ng Pilipinas
D.pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
6. Malaking pinsala sa mga ari-arian ang idinulot ng mga bagyo at pagbaha.
Alin sa mga sumusunod ang kasanayang kailangan sa pag-aaral ng
kontemporaryong isyu?
answer choices
A. pagkiling
b.katotohanan
c. konklusyon
d.opinyon

7. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging


mabuting mamamayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?

I. Aktibong pagganap sa mga gawain.


II. Damdaming makabayan.
III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili.
IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri

A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV

8. Ito ay ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi
magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon.
A. Pagkiling
B. Hinuha
C. Palalahat
D. Opinyon

9. Anong uri ng pahayagan napabilang ang pahayag na ito, “ Ang


pamahalaang Duterte ay matapat na nagpapatupad ng mabisang programa
para mapigil ang problemang pangkalikasan.
A. Pagkiling
B. Hinuha
C. Palalahat
D. Opinyon

10. Ang aklat, komentaryo, at articles ay ilan lamang sa mga halimbawa ng


anong uri ng sangguniang pinagkunan?
A. primaryang pinagkukunan
B. sekundaryong pinagkukunan
C. tersaryong pinagkukunan
D. wala sa nabanggit

II. MODIFIED TRUE or FALSE (5pts)


PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at kapag mali ang
pahayag, isulat ang tamang sagot.

1. Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning


bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating
pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.
2. Ang guhit, sulat, at pahayagan ay ilang lamang sa mga sekundaryang
pinagkunan.
3. Ang katotohanan ay mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan
sa tulong ng mga aktuwal na datos.
4. Maraming Pilipino ang nagpupunta sa United States dahil sa mas
maginhawa ang pamumuhay roon kaysa sa ibang bansa. Ang pahayag na ito
ay halimbawa ng hinuha.
5. Ang pagkiling ay ang desisyon, kaalaman, o ideyang nabuo pagkatapos ng
pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng pagkakaugnayan ng mahahalagang
ebidensya o kaalaman.

III. IDENTIFICATION (5pts)


1. Ang ______ ay nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa
inilahad na katotohanan.
2. Ang ______ ay isang pinag-isipang hula tungkol sa isang bagay.
3. Ang _______ ay mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o
ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito.
4. Ang salitang ito ay nangangahulugang paksa, tema, o suliraning
nakaapekto sa lipunan.
5. Ang mga paglalahad ay dapat balanse.

IV. Enumeration (15pts)


1. Ibigay ang 2 uri ng pinagkunan ng impormasyon at magbigay ng 3
halimbawa nito bawat isa.
2. Ano-ano ang mga uri ng pahayag?

V. Bakit kailangan natin pag-aaralan o alamin ang mga kontemporaryong isyu?


(5pts)

You might also like