You are on page 1of 18

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

Region VII – Central Visayas


Schools Division of Mandaue City
Plaridel St., Mandaue City

MGA HAKBANG NG
Sudlon, Lahug, Cebu City, Cebu

CBDRRM PLAN
Araling Panlipunan 10
Unang Markahan – Modyul 8

1
PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Kit na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang


maipamalas ang kanilang kakayahan sa pagbuo ng angkop na plano sa pagtugon sa
kapaligiran tungo sa pag papabuti ng pamumuhay ng tao.

Ang mga gawain ay makapagpapatibay ng kanilang kaalaman sa mga iba’t


ibang kasanayan sa nasabing learning competency na pwedeng gamitin at
makapagpapaunlad ng mga pang-araw-araw na pamumuhay at ng sariling
karanasan.

Nahahati sa tatlong bahagi ang Self-Learning Kit na ito:

A. Ano ang Nangyari? ay bahagi na kung saan ay sasagutin nila ang mga
iba’t ibang Gawain na hindi pa nila lubusang nalalaman ang learning
competency.

B. Ano ang Dapat Malaman? ay bahagi na kung saan ay ipaliliwanag ang


learning competency na nakapaloob dito.
C. Ano ang Natutunan? ay bahagi na kung saan ay malalaman kung nahasa
ang kanilang kaalaman sa learning competency na naisasagawa ang mga angkop
na hakbang ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan o
CBDRRM.

Inaasahan ang mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan at magamit


ang mga natutunan nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

2
LEARNING COMPETENCY:

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

LAYUNIN:
1. Naiisa-isa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan
2. Nauunawaan ang mga hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan
3. Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng CBDRRM Plan
4. Nakakagawa ng Household-Based Disaster Risk Reduction Plan

I. ANO ANG NANGYARI:

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang ibig sabihin ng CBDRRM?
A. Community-Based Disaster Risk Reduction Mandate
B. Community-Based Disaster Risk Reduction Management
C. Community-Based Development Risk Reduce Management
D. Community-Based Development Rescue Reduction Management
2. Nakararanas ang inyong lugar ng lindol ano ang nararapat mong gawin?
A. hihingi ng tulong sa gobyerno
B. tumunganga at maghintay ng ayuda mula sa pamahalaan
C. alamin ang lawak ng pinsala sa inyong tahanan at gawan ng paraan
D. pumunta sa inyong punong barangay at manisi sa hirap na nararanasan
3. Ibinabalita ng PAG-ASA na sa susunod na araw ay may bagyong paparating.
Ang mga sumusunod ay mga bagay na maari mong gawin, maliban sa:
A. Susuriin kung ang inyong lugar ay posibleng tatamaan.
B. Maghanda ng mga pagkain at mga bagay na pang-emerhensiya
C. Maghintay ng anunsyo sa barangay kung ano ang iyong gagawin.
D. Gagawa ng mga hakbang para malimitahan ang pinsalang maaaring
idulot.

3
4. Inanunsyo ng inyong kapitan na magkakaroon ng pagpupulong sa inyong
barangay bilang paghahanda sa nababalitang bagyo. Ano ang gagawin mo?
A. pupunta sa pagpupulong ng saglit at uuwi agad
B. makibalita na lang sa mga kapitbahay sa plano ng barangay
C. dadalo sa pagpupulong at makinig nang mabuti para makatulong
D. matutulog lang sa bahay hindi naman importante ang pag-uusapan
5. Anong layunin ang magkaloob ng mga impormasyon sa mga banta, risk,
kakayahan at ng pisikal na katangian ng pamayanan.
A. To advise B. To give C. To instruct D. To inform
6. Anong layunin ang magkaloob ng mga paraan kung ano ang mga susundin,
saan at kanino lalapit kung hihingi ng tulong sa panahon ng kalamidad,
sakuna at hazard.
A. To advise B. To give C. To instruct D. To inform
7. Tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala ng produksyon.
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Wants Assessment
8. Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot
ng kalamidad.
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Wants Assessment
9. Tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng
kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Wants Assessment
10. Tinitingnan dito ang lawak, sakop at antas ng pinsala na maaaring maidulot
ng isang sakuna o kalamidad na pwedeng maranasan ng isang lugar.
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assesment
11. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assesment
12. Sinusukat ang kahinaan ng isang pamayanan na harapin at umahon mula sa
mga kasiraang dulot ng mga hazard.
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assesment
13. Sinusukat ang kakayahan ng isang pamayanan na harapin at umahon mula
sa mga kasiraang dulot ng mga hazard.
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assesment

4
14. Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng isang
komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard.
Halimbawa, pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha
A. Structural mitigation C. Stuctural operation
B. Non-structural mitigation D. Non-structural operation
15. Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang
maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Halimbawa,
pagbuo ng disaster management plan.
A. Structural mitigation C. Stuctural operation
B. Non-structural mitigation D. Non-structural operation

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN:

ANG MGA ANGKOP NA HAKBANG NG CBDRRM PLAN

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation


Tinataya sa yugtong ito ang kahandaan ng mga mamamayan kung paano
haharapin ang mga suliraning pangkapaligiran.

A. Hazzard Assessment - Tinitingnan dito ang lawak , sakop at antas ng


pinsala na maaring maidulot ng isang sakuna o kalamidad na pwedeng
maranasan ng isang lugar kung sakaling ito ay tatama. Malalaman kung
ang kalamidad ay natural o gawa ng tao. Dapat bigyang pansin din ang
temporal at pisikal na katangian nito.

Talahanayan 1.5 – Pisikal na Katangian ng Hazard

Pagkakakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at


kung paano ito umusbong sa isang lugar.
Katangian Pag-alam sa uri ng hazard
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maaapektuhan ng
hazard
Predictability Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard
upang mabawasan ang malawakang pinsala
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
5
Talahanayan 1.6 – Temporal na Katangian ng Hazard

Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard


Duration Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard
Speed of Onset Bilis ng pagtama ng isang hazard
Forewarning panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng
pagtama nito sa isang komunidad
Force Maaaring natural na hazard o gawa ng tao
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)

Dalawa pa sa mahahalagang proseso ng Hazard Assessment ay ang:


1. Hazard Mapping – tinitingnan ang mapa ng isang lugar na maaaring
masira kung may kalamidad.
2. Historical Profiling/Timeline of Events – makikita dito kung anong mga
banta ang maaaring tumama sa isang lugar

Talahanayan 1.7 - Hazard Assessment (Historical Profile)


Hazard Type Frequency Duration Speed of Forewarning Force When
Onset
Flood
Drought
Earthquake
Landslide
Civil War
Pollution
Volcanic
Eruption
Sanggunian: Asian Disaster Preparedness Center (ADPC), 2001

B. Vulnerability at Capacity Assessment (VCA) – tinataya dito ang mga


kahinaan at kapasidad sa pagharap sa mga banta at kalamidad na
maaaring maranasan ng isang komunidad.

6
Talahanayan 1.8 – Mga katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment

Kategorya Deskripsyon Halimbawa


Pisikal o Tumutukoy sa mga materyal na -Di sapat na kita
Materyal yaman tulad ng suweldo mula sa -Pagkakaroon ng utang
trabaho, pera sa bangko at mga -Kakulangan ng sapat na kakayahan at
likas na yaman. edukasyon
Panlipunan Tumutukoy sa pagiging -Kawalan ng pagkakaisa ng mga
vulnerable o kawalan ng miyembro ng pamilya, ng mga
kakayahan ng grupo ng tao sa mamamayan
isang lipunan. Halimbawa ay mga -Hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng
kabataan, mga matatanda, mga mamamayan at pamahalaan
may kapansanan, maysakit at iba -Kawalan ng maaayos na sistema ng
pang pangkat na maaaring pamahalaan tungkol sa Disaster
maging biktima ng hazard. Management
Pag-uugali May mga paniniwala at gawi ang -Kawalan ng interes sa mga programa ng
tungkol sa mga mamamayan na pamahalaan
Hazard nakahahadlang sa pagiging ligtas -Pagiging negatibo sa mga pagbabago
ng isang komunidad.
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
B.1. Vulnerability Assessment:
Sinusukat ang kahinaan ng isang pamayanan na harapin at
umahon mula sa mga kasiraang dulot ng mga hazard. Ayon kina
Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability
Assessment, kailangang suriin ang sumusunod:

 Elements at risk – tumutukoy sa tao, hayop, mga pananim,


bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon, at pag-uugali
 People at risk – tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring
higit na maapektuhan ng kalamidad tulad ng mga buntis at may
mga kapansanan
 Location of people at risk – tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng
mga taong natukoy na vulnerable

B.2. Capacity Assessment:


Sinusukat ang kakayahan ng isang pamayanan na harapin at
umahon mula sa mga kasiraang dulot ng mga hazard.

C. Risk Assessment - Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin


bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning
maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan
(Ondiz at Redito, 2009)
7
Dalawang Uri ng Mitigation

Structural Mitigation Non Structural Mitigation

Tumutukoy sa mga paghahandang Tumutukoy sa mga ginagawang


ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng plano at paghahanda ng pamahalaan
isang komunidad upang ito ay maging upang maging ligtas ang komunidad
matatag sa panahon ng pagtama ng sa panahon ng pagtama ng hazard.
hazard.
 Hal. pagbuo ng disaster
 Hal. pagpapagawa ng dike management plan,
upang mapigilan ang baha

Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment:

Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment:

1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at


pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa
kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk
assessment ay nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring
maging epekto ng hazard sa kanilang komunidad.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management
plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at
istratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang
hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at
magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga
hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga
hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o
higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.

8
Ang lahat ng mga nakapaloob na kaalaman at impormasyon sa yugtong ito ay
lubhang napakaimportante para magkaroon ng malinaw na basehan sa pagbuo ng
Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Plan.

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness


Matutunghayan sa yugtong ito ang mga paraan kung ano ang mga
alituntuning dapat sundin bago o sa pahanon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o
hazard. Layunin nito na hindi magkakaroon ng malubhang pinsala at hindi magiging
mahirap para sa mga mamamayan ang pagbangon sakaling tamaan ng nasabing
kalamidad, sakuna o hazard.

Ano-ano ang mga layunin na ito?


1. To inform – magkaloob ng mga impormasyon sa mga banta, risk, kakayahan
at ng pisikal na katangian ng pamayanan.
2. To advise – magkaloob ng mga kaalaman sa mga gawain para sa
proteksiyon, paghahanda, upang maiwasan ang mga kalamidad, sakuna at
hazard.
3. To instruct – magkaloob ng mga paraan kung ano ang mga susundin, saan at
kanino lalapit kung hihingi ng tulong sa panahon ng kalamidad, sakuna at
hazard.

Sa yugtong ito, ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at impormasyon at pag-


unawa sa mga tao kung ano ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng
mga banta at kalamidad para mapaghandaan ang mga posibleng epekto nito.

Ikatlong Yugto: Disaster Response


Sa puntong ito tinataya kung gaano kalaki ang saklaw ng kasiraang dulot ng
isang kalamidad o sakuna. Ang mga impormasyong matatamo dito ay ang magiging
pagbabasehan sa pagbibigay ng epektibong solusyon sa mga pangangailangan ng
mga nakaranas ng kalamidad.

Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya. Ayon kina


Abarquez, at Murshed (2004):

 Needs Assessment – tumutukoy sa mga pangunahing


pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain,
tahanan, damit, at gamot.

9
 Damage Assessment – tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang
pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.
 Loss Assessment – tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng
serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng
produksyon

Ang pagkakaroon ng mga katibayan na maaasahan sa naging lawak ng


pinsala ng kalamidad ang binigyang halaga sa yugtong ito dahil magsisilbi itong
basehan para sa huling bahagi ng DRRM plan.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery


Sa pagkakataong ito, ang panunumbalik ng dating maayos at normal na
pamumuhay ng mga nasirang pamayanan at ang pagsasaayos sa mga napinsalang
istruktura at pasilidad at sa mga nahintong serbisyo ang tinutotokan dito.

Halimbawa:

 ang pagbabalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon,


 pagbabalik ng suplay ng tubig at kuryente,
 pag-aayos ng mga nasirang bahay,
 pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot.
 pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan
 pagkakaloob ng libreng psychosocial services upang madaling
malampasan ang mga dinanas na trahedya ng mga biktima
Isa sa mga mahahalagang hakbang na ginawa ng gobyerno para maipaalam
sa mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga
paaralan. Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng taong 2008, binuo ang Disaster Risk
Reduction Resource Manual upang magamit sa ng mga konsepto na may
kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga pampublikong paaralan.

10
III. ANO ANG NATUTUNAN:

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik
ng tamang sagot

1. Ano ang tamang pagkasunod-sunod ng yugto ng Community-Based Disaster


Risk Management Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Response, Disaster
Rehabilitation and Recovery, Disaster Preparedness
B. Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster
Rehabilitation and Recovery, Disaster Response
C. Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster
Response, Disaster Rehabilitation and Recovery
D. Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Rehabilitation and Recovery,
Disaster Preparedness, Disaster Response
2. Bakit mahalagang malaman ang mga yugto ng Disaster Risk Reduction and
Management Plan?
A. Para mapaghandaan ang kalamidad.
B. Para maiwasan ang malawakang pinsala dulot ng kalamidad.
C. Para makapagbigay ng tamang impormasyon tungkol sa kalamidad.
D. Para magkaroon ng sistematiko at organisadong pagtugon bago at
pagkatapos ng kalamidad.
3. Bakit kailangan natin na maging handa sa mga kalamidad?
A. upang maiwasan ang mga sakit
B. upang mabawasan ang pinsala nito
C. upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong
D. upang maging mulat ang mga mamamayan
4. Bakit importanteng alam ng isang mamamayan kung paano haharapin ang
sakuna?
A. Upang maiwasan ang pagkaantala ng tulong.
B. Upang malaman ang mga panganib sa inyong lugar.
C. Upang hindi na lumaki ang pinsala at mga napapahamak.
D. Upang maihanda ang mga mamamayan sa pagbuo ng mga desisyon
5. Bakit mahalaga ang disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan sa
pagharap sa panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran?
A. Upang makabuo ng magandang plano ang komunidad.
B. Upang mapadali ang mga pagbibigay ng tulong sa biktima.
C. Upang mabilis na maihatid ang impormasyong kailangan ng komunidad na
nagangailangan ng tulong.

11
D. Upang maging handa sa pagtama ng hazard at mabilis makaahon ang
pamayanan pagkatapos ng sakuna o kalamidad.
6. Paano mo mapaghahandaan ang mga panganib na dulot ng Suliraning
Pangkapaligiran?
A. Alamin ang mga hakbang ng CBDRRM Plan
B. Hayaang dumating at lumipas ang kalamidad
C. Ipaubaya sa Panginoon ang nangyayaring sakuna
D. Makinig at manood ng mga balita sa radio at telebisyon
7. Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment, alin ang hindi?
A. Nagiging hindi sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri,
at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
B. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa
kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam.
C. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and
management plan.
D. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano
at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa
mga hazard.
8. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng disaster preparedness para
maiwasan ang pinsala ng kalamidad, alin ang hindi?
A. To advise B. To give C. To instruct D. To inform
9. Nakapaloob sa disaster response ang tatlong uri ng pagtataya ayon kina
Abarquez at Murshed (2004), alin dito ang hindi?
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Wants Assessment
10. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng Vulnerability at Capacity
Assessment, maliban sa
A. Pisikal o Materyal C. Pag-uugali tungkol sa hazard
B. Panlipunan D. wala sa nabanggit

Para sa bilang 11-15, Tukuyin ang Yugto ng Disaster Management Plan. Bilugan
ang titik ng iyong sagot.
11. Inaalam kung ano-ano ang mga hazard na nararanasan sa isang komunidad,
gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala
A. Disaster Response C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
12. Nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura.
A. Disaster Response C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

12
13. Gumagawa ng mga barangay assembly, pamamahagi ng flyers, pagdikit ng
poster o billboard, mga patalastas sa telbisyon, radyo, at pahayagan tungkol
sa kalamidad o sakuna
A. Disaster Response C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
14. Nakapaloob ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage
Assessment, at Loss Assessment
A. Disaster Response C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
15. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng
tubig at kuryente
A. Disaster Response C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

MGA KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN BILANG I.

Isaayos ang mga salita ayon sa tinutukoy na kahulugan ng pisikal at temporal na


katangian ng hazard.

1. Dalas ng pagdanas ng hazard.


 ERFQEUNYC - ________________
2. Maaaring natural na hazard o gawa ng tao.
 CERFO - __________________
3. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.
 TENINTYSI - __________________
4. Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard.
 REPCIDTYLIBITA - __________________
5. Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang
mabawasan ang malawakang pinsala.
 NAMATYBILIAGE - __________________
6. Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.
 RUTONIDA - __________________
7. Panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa
isang komunidad.
 ERFONGWANIR - _________________
8. Pag-alam sa uri ng hazard.
 TANANGIKA - __________________

13
9. Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard.
 KAWAL - ____________
10. Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maaapektuhan ng hazard.
 LASWAK - _____________

GAWAIN BILANG 2:

Hanapin sa kahon ang mga salitang binabanggit sa bawat pahayag sa ibaba

Elements at risk Pisikal o Mateyal Non-structural Mitigation


People at risk Risk assessment Needs Assessment
Location at risk Structural Mitigation Damage Assesment
Loss Assessment

1. Tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.


2. Tumutukoy sa mga material na yaman tulad ng sweldo mula trabaho, pera sa
bangko at mga likas na yaman.
3. Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng isang
komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard.
4. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
5. Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang
maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard.
6. Tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng
kalamidad tulad ng pagkain, tirahan, damit at gamot.
7. Tumutukoy sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan,
imprastraktura, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon at pag-
uugali.
8. Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot
ng kalamidad.
9. Tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na maaapektuhan ng
kalamidad tulad ng mga buntis at may kapansanan.
10. Tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala ng produksiyon.

14
GAWAIN BILANG 3:

Tukuyin kung anong yugto sa paggawa ng DRRM Plan napabilang ang mga
sumusunod
Isulat ang 1 kung ito ay unang yugto, 2 kung ito ay pangalawang yugto, 3
kung ikatlong yugto at 4 kung ikaapat na yugto.

_____1. Pagbabalik ng tubig at kuryente. _____ 6. Needs Assessment


_____2. Loss Assessment _____ 7. To Advise

_____3. To instruct _____ 8. Capacity Assessment


_____4. Vulnerabilty Assessment _____ 9. To inform
_____5. Pag-aayos ng mga nasirang bahay _____ 10. Damage Assessment

GAWAIN 4: Household-Based Disaster Risk Reduction Plan


Buuin ang tsart sa ibaba para makagawa ng isang Household-Based Disaster
Risk Reduction Plan. Gawin ito sa short bondpaper
Yugto ng Mga Inaasahang Time Mga taong Kakailanga- Mga
DRRM Gawain Bunga Frame Kasangkot ning Badyet Komento
Disaster
Prevention and
Mitigation
Disaster
Preparedness
Disaster
Response
Disaster
Rehabilitation
and Recovery

Rubrik sa pagmamarka ng awtput:


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Makatotohan ang mga impormasyon sa mga
gawain, inaasahang bunga, time frame, mga
taong kasangkot at kakailanganing budget na
10
inilahad sa bawat yugto. Nakakatulong upang
maging handa ang tahanan sa panahon ng
hazard, kalamidad at sakuna.
Kaangkopan Angkop ang mga gawain, inaasahang bunga,
time frame, mga taong kasangkot at
kakailanganing budget na inilahad sa bawat 10
yugto. Hindi mahirap gawin at pwedeng
maibahagi sa ibang nangangailangan.
KABUUANG PUNTOS 20

15
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NEVILLE E. DIANO
Writer/Layout Artist/Illustrator

ANCIE U. DOMPOR
MENCY B. RABANES
MARITERR P. JUMAO-AS
CRISBERT B.SUMAYANG
NESTOR A. KUIZON, JR.
JOSHUA ANDREW C. VEGA
Editors

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor – Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

ESTELA B. SUSVILLA PhD CESE


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD CESO V


Schools Division Superintendent

16
SINOPSIS
MGA SAGOT:
Ang Self-Learning Kit na ito ay
Paunang Gawain 1:
tumatalakay mga hakbang sa pagbuo Pagtataya:
ng Community-Based Disaster Risk 1. B 1. FREQUENCY
Reduction Management Plan 2. C 2. FORCE
3. C 3. INTENSITY
mababanggit sa learning competency 4. C 4. PREDICTABILITY
na naisasagawa ang mga angkop na 5. D 5. MANAGEABILITY
hakbang ng CBDRRM Plan 6. C 6. DURATION
7. B 7. FOREWARNING
8. A 8. KATANGIAN
9. C 9. LAWAK
Ang mga mag-aaral ay 10. B 10 SAKLAW
inaasahang maipamalas ang kanilang 11. C
pag-unawa sa aralin sa pamamagitan 12. D Gawain 2:
13. A 1. Location of people at risk
ng pagmamalasakit sa kapwa, 14. A 2. Pisikal o Materyal
kahandaan, pakikiisa, disiplina at 15. B 3. Structural Mitigation
pagpapahalaga sa kaligtasan ng 4. Risk Assessment
pamilya sa panahon ng sakuna 5. Non-structural Mitigation
Panghuling 6. Needs Assessment
Pagtataya: 7. Elements at risk
1. C 8. Damage Assessment
2. D 9. People at risk
3. B 10. Loss Assessment
4. C
5. D Gawain 3:
6. A 1. 4
7. A 2. 3
8. B 3. 2
9. D. 4. 1
10. D 5. 4
11. C 6. 3
12. D 7. 2
13. B 8. 1
14. A 9. 2
15. D 10. 3

17
May-Akda: NEVILLE E. DIANO. Nagtapos sa Cebu Normal
University sa kursong Bachelor of Science in Education Major
in Social Science noong 2001. Kasalukuyang nagtuturo sa
Paknaan National High School bilang guro sa ikasampung
baiting, Supreme Student Government Adviser, Performance
Monitoring Evaluation Adjustment at Araling Panlipunan
Subject Coordinator. Tinapos ang kanyang post graduate
studies na Master in Education major in Administration and
Supervision sa Cebu Technological University noong 2014.
Nakompleto ang Graduate Diploma in Cultural Education sa
Cebu Normal University noong 2018.

18

You might also like