You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central
Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN
UNANG MARKAHAN 10
Quarter : 1 Week : 3 Day : 1 Activity No. : 7
Competency: : Natatalakay ang kasalukuyang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran sa Pilipinas. ( No Code Indicated )
Objective : Nasusuri ang mga epekto ng Climate Change
Naiuugnay ang mga dahilan at epekto ng Climate Change sa mga suliranin at
hamong pangkapaligiran sa Pilipinas.
Topic : Climate Change
Materials :
Reference : LM AP 10, pp 71-74
Copyrights : For Classroom Use Only
Concept Notes:

Climate Change- maaring isang natural na pangyayari o kaya ay maari ding napabilis o napapalala dulot
ng gawain ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming
dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito
sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya at pagsusunog ng mga kagubatan.

 Nagkaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa


mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat at nagdudulot din ito ng
pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala ( extinction ) ng ilang mga species.
 Pinangambahan din na malubog sa tubig ang ilang mababang lugar sa Plipinas dahil sa patuloy na
pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa Antartic.
 Panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sector
ng agrikultura.
 Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue,
malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init.
 Mayroon ring mga mamamayan ang napipilitang lumikas, sinira ng malakas na bagyo ang
kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman
ay kinain ng dagat ang dating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.

Sa mga nabanggit na sitwasyon, isa lamang ang malinaw, mayroong ginawa ang tao na lalong nagpabilis
at nagpasidhi sa climate change. Ang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng suliranin sa solid waste,
deforestation, water pollution at air pollution ay maituturing na mga sanhi ng climate change. Kung hindi
ito mahihinto, patuloy na daranas an gating bansa ng mas matitinding kalamidad sa hinaharap.

Epekto ng Climate Change

 El Niňo at La Niňa
 Pagkakaroon ng malalakas na bagyo
 Malawakang pagbaha
 Pagguho ng lupa
 Tagtuyot
 Forest fires
Division of Bohol

Pagsasanay

1.) Ano ang Climate Change?


2.) Ano ano ang mga epekto ng climate change sa sangkatauhan?
3.) Bilang isang mamamayan, ano ang inyong maimungkahing solusyon ukol sa suliranin sa climate change?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central
Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 10
UNANG MARKAHAN
Quarter : 1 Week : 3 Day : 2 Activity No. : 8
Competency: : Natatalakay ang kasalukuyang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran sa Pilipinas. ( No Code Indicated )
Objective : Nakagagawa ng isang environmental issue map na may kinalaman sa
suliraning pangkapaligiran na napili.
Topic : Environmental Issue Map
Materials :
Reference : LM AP 10, pp 75
Copyrights : For Classroom Use Only
Concept Notes:

Konsepto
Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawa ng environmental issue map sa pamamagitan ng
paggawa sa sumusunod:

a. sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayari


b. epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay
c. kaugnayan – suriin ang kaugnayan nito sa mga suliraning nararanasan sa iba pang likas na yaman
d. tunguhin – suriin ang maaaring maging epekto kung magpapatuloy ang nararanasang
suliraning pangkapaligiran
Gawain:

ENVIRONMENTAL ISSUE MAP

Epekto
Tunguhin
Sanhi

Kaugnayan

Paliwanag:
Quarter : 1 Week : 3 Day : 3 Activity No. : 9
Competency: : Natatalakay ang kasalukuyang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran sa Pilipinas. ( No Code Indicated )
Objective : Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng iba’t ibang sektor sa
pagtugon sa suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas.
Topic : Mga Programa at Pagkilos ng iba’t ibang sector bilang tugon sa suliraning
pangkapaligiran
Materials :
Reference : LM AP 10, pp 71-74
https://www.wemakescholars.com/other/philippine-tropical-forest-conservation-
foundation
https://climate.gov.ph/our-story
https://www.napocor.gov.ph/npcwatershed/index.php/partnerships/national-
greening-program
https://businessmirror.com.ph/2015/01/11/denr-to-launch-p500-m-national-
forest-protection-program/
https://en.wikipedia.org/wiki/Forest_management

Copyrights : For Classroom Use Only


Concept Notes:

Konsepto:

SULIRANIN PROGRAMA AT PAGKILOS


1.Solid Waste (Government) National Solid Waste Management- pangunahing ahensiya na
Management nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga batas ukol sa solid waste.
MRF- Material Recovery Facility- lugar kung saan isasagawa ang waste
segregation.
(NGO) Mother Earth Foundation- tumulong sa pagtatayo ng ng MRF sa mga
barangay.
Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium
and Butterfly Pavilion, Gift of Tress, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig
at Trees for Life Philippines.
Bantay Kalikasan-paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa
suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation sa La Mesa at Pasig River
Rehabilitation.
Green Peace- naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangangalaga sa kalikasan at pagsulong ng kapayapaan.
2. Pagkasira ng (NGO) Philippine Tropical Forest Conservation Foundation- Improve the status
mga Likas na of Philippine forests by working with communities, catalyzing local and national
Yaman actions for their sustainable management.
(Hal.Illegal (GOVERNMENT) Philippine Climate Change Commission- is the lead policy-
logging) making body of the government tasked to coordinate, monitor and evaluate
government programs and ensure mainstreaming of climate change in national,
local, and sectoral development plans towards a climate-resilient and climate-smart
Philippines.
National Greening Program- forest rehabilitation program that aims to grow 1.5
billion trees in 1.5 million hectares nationwide in six years.
National Forest Protection Program- aims to strengthen protection mechanism of
the country’s remaining natural forests.
Forest Management Project- concerned with overall administrative, legal,
economic, and social aspects, as well as scientific and technical aspects, such
as silviculture, protection, and forest regulation.
Integrated Natural Resources and Environmental Management Project- aims to
manage the upper river basins and component watersheds to support poverty
reduction, watershed management, biodiversity conservation and climate change
policy objectives with emphasis on developing the capacities of the local
governments, institutions and upland communities as development partners.
3. Climate Climate Change Forum – National Government and LGU’s
Change

Pagsasanay

1.) Sapat naba ang mga pagkilos at aksyon ng mga naturang ahensiya upang matugunan ang mga
nabanggit na suliraning pangkapaligiran na hinaharap sa kasalukuyan?

2.) Paano mabisang masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin at hamong pangkapaligiran?

3.) Ikaw bilang isang mamamayan, sa paanong paraan mo maipapakita ang malasakit sa kalikasan?

You might also like