You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN
10

Quarter : 1 Week : 1 Day : 1 Activity No. : 1


Competency: : Nasusuri ang kahalagahan ng pag aaral ng kontemporaryong isyu.
( No Code Indicated )
Objective : Naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu.
Topic : Konsepto ng Kontemporaryong Isyu.
Materials :
Reference : https://www.slideshare.net/mobile/alexesestenor/kahalahagahan-ng-
pag-aaral-ng-mga-kontemporaryong-isyu
https://www.slideshare.net/hanibal258/araling-panlipunan-grade-10-q1-
76627011
Copyrights : Classroom Use Only

Concept Notes:

Ang Kontemporaryong Isyu ay ang mga paksang kasalukuyang tinatalakay at binibigyang-


pansin ng publiko. Ito ay akma sa panahon at kadalasang laganap sa sa mga balita at usapan
sapagkat naapektuhan ang karamihan ng mamamayan ng isang bansa, relihiyon o ng buong
sanlibutan.

Dito sa Pilipinas, ang kadalasaang kontemporaryong isyu ay umiikot sa kaganapang pulitika,


mga panukala ng gobyerno at maging usaping showbiz.Sa pag usbong at paglawak ng
internet at social media, nag iiba na rin ang pamamaraan sa kalakaran ng mga isyu. Kung noon
ay sa pahayagan, radio at telebisyon lamang nababatid ang usapan, ngayon kahit sino ay maari
ng sumali sa talakayan.

Ang kontemporayong isyu ay nag-iiba rin ayon sa mga taong nagdidiskusyon dahil may kanya-
kanyang alalahanin ang ibat ibang sector ng lipunan. May mga paksa pa ring sumasaklaw sa
karamihan bagamat nakatutok lamang ito sa isang pangkat. Isang halimbawa ay ang isyu ng
libreng matrikula, hindi lamang ito makakaapekto sa mga studyante, kasali rin ang mga
magulang, guro, paaralan, gobyerno at buong bansa.

Halimbawa ng Kontemporayong Isyu

1.) Isyung Panlipunan


2.) Isyung Pangkalusugan
3.) Isyung Pangkapaligiran
4.) Isyung Pangkalakalan

Activity:

1.) Ano ang kontemporaryong isyu?


2.) Sa Pilipinas, saan kadalasang umiikot ang kontemporaryong isyu?
3.) Ano ano ang mga halimbawa ng kontempoararyong isyu?
Quarter : 1 Week : 1 Day : 2 Activity No. : 2
Competency: : Nasusuri ang kahalagahan ng pag aaral ng kontemporaryong isyu.
(No Code Indicated )
Objective : Natatalakay ang kahalagahan sa pagiging mulat sa mga kontemporaryong
isyu sa lipunan.
Topic : Kahalagahan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaryong Isyu
Materials :
Reference : https://www.slideshare.net/mobile/alexesestenor/kahalahagahan-ng-pag-
aaral-ng-mga-kontemporaryong-isyu
https://www.slideshare.net/hanibal258/araling-panlipunan-grade-10-q1-
76627011
Copyrights : Classroom Use Only

Concept Notes:

Kahalagahan Para sa mga Mag-aaral ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu

 Nalilinang ang kritikal na pag-iisip


 Naiuugnay ang isyu sa sarili
 Napahalagahan ang mga tauhan, pangyayari at isyu
 Nahahasa ang ibat ibang kasanayan at pagpapahalaga

Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig

 Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay


nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
 Bukod sa kaisipan, lalawak ang koneksiyon gamit ang kasalukuyang konsteksto.
 Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. Mapabilis at mapabuti
ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naangkop ang kaalaman sa kasalukuyan.
 Bukod dito, mas madaling nakaangkop sa kapaligiran sapagkat batid na ang mga kaganapan
sa lipunan.

Activity: 1 Pagsasanay:
1.) Sa inyong palagay bakit kaya mahalaga ang ating kamalayan sa mga kontemporaryong isyu?
2.) Paano ito makatutulong sa iyong sarili bilang isang mamamayan?
Thank you for using www.freepdfconvert.com service!

Only two pages are converted. Please Sign Up to convert all pages.

https://www.freepdfconvert.com/membership

You might also like