You are on page 1of 9

• Ang kontemporaryong isyu ay maaaring tumukoy sa anumang

napapanahong pangyayari, ideya, opinyon, o paksa na tahasang


nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao.
• May iba’t ibang mahalagang alituntunin na dapat tandaan sa pagtatalakay
ng mga kontemporaryong isyu.
• Ang Pilipinas ay naaapektuhan ng mga pangyayari sa mundo, bunga ng
mga pagbabago sa mga aspektong pulitikal, ekonomikal, at sosyal.
• Ang kontemporaryong isyu ay mga usapin o paksa na direktang tumutukoy
o may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ang salitang kontemporaryo
ay nangangahulugang “makabago” o “napapanahon.”
• Ang mga kontemporaryong isyu ay maaaring sumaklaw sa mga usaping
panlipunan, pangkalusugan, pangkapaligiran, at panteknolohiya.
• Ang mahahalagang alituntunin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay:
pagkakaroon ng bukas na kaisipan, pagtatanong, at paggamit ng kaalaman
para sa kabutihan.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahang ;
 Natatalakay ang
kahalagahan ng pag-aaral ng
mga kontemporaryong isyu.
1. Ano o sino ang nasa larawan?
_____________________________________________
_____________________________________________
__
2. Bakit kaya siya naging ganito?
_____________________________________________
_____________________________________________
_
3. Paano maitutuwid ang kaniyang maling paniniwala o
tunguhin?
_____________________________________________
_____________________________________________
__
4. Anong kontemporaryong isyu ang sumasaklaw sa
larawan at mga tanong?
_____________________________________________
_______________________________________
Aralin 2:
Ang Kahalagahan ng
Pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu
Mahahalagang Tanong:

● Bakit mahalaga ang kaalaman at


kamalayan sa kontemporaryong isyu?
● Ano ang kahalagahan ng
kontemporaryong isyu sa mga guro?
● Ano ang maaaring mangyari kung
hindi pag-aaralan ang mga
kontemporaryong isyu?
Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at
Daigdig
Mahalagang magkaroon ng kamalayan at kaalaman sa mga kontemporaryong
isyu dahil:
• Ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa ating lipunan at daigdig ay
nakatutulong upang tayo ay maging mas higit na kritikal at analitikal.
• Sa pagkakaroon ng mga ideya sa mga ganitong usapin ay mas naiintindihan
natin
ang takbo ng ating bayan, gobyerno, at mundo. Tayo ay mas nakabubuo rin ng
ating
sariling pilosopiya at pananaw sa buhay.
• Mas mabibigyan ng halaga ang pagkatuto sa labas ng ating paaralan.
• Ating makikita ang koneksiyon ng bawat isa at ano ang maaari nating maitulong
upang tayo ay mabuhay nang masagana at mapayapa
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu para sa
mga Guro
Ang ating mga guro ang pangunahing mapagkukunan natin ng kaalaman patungkol
sa
mga kontemporaryong isyu. Ngunit ano nga ba ang importansya ng pag-aaral ng mga
ito
para sa ating mga guro?
• Nalalaman ng mga guro ang kuro-kuro at perspektibo ng kanilang mag-aaral
tungkol
sa mga mahahalagang paksa, partikular na sa mga kontemporaryong isyu.
Makatutulong ito sa kanilang pagtuturo dahil alam ng mga guro ang kanilang punto
at interes sa mga ganitong usapin.
• Dagdag kaalaman din ito para sa ating mga guro. Tulad nga ng lagi nilang sinasabi
na ang pagkatuto ay hindi para sa mga mag-aaral.
• Mahalaga rin ang tamang patnubay ng mga guro sa ating pagtuklas sa mga
kontemporaryong isyu.
Inaasahang Pang-unawa:
a. Mahalaga ang kaalaman at kamalayan sa mga
kontempraryong isyu dahil binibigyan nito ng kamalayan
o kamulatan ang mga tao sa mga pangyayari at pagbabago
ng kapaligiran.
b. Sa pamamagitan ng kontemporaryong isyu,
nadadagdagan ang kaalaman ng mga guro sa iba’t ibang
larangan. Nagagamit nila ang kaalamang ito upang
ipahayag nang tama sa kanilang mga mag-aaral ang mga
pangyayari sa kapaligiran.
c. Kung hindi pag-aaralan ang mga kontemporaryong
isyu, mawawalan ng kakayahan ang mga tao na malaman
ang mga pangyayari sa kanilang kapaligiran at masuri ang
epekto nito, hindi lamang sa kanila, kung hindi sa lipunan
na kanilang kinabibilangan.
Panuto:Tingnan ang larawan. Pag-
isipan kung ano ang ipinahahayag
nito tungkol sa mga
kontemporaryong isyu. Magsulat
ng isang sanaysay na
nagpapahayag ng pagpapahalaga
sa pag-aaral ng kontemporaryong
isyu. Gamitin ang larawan bilang
gabay at batayan ng iyong sagot.

You might also like