You are on page 1of 6

MODYUL 2

KURIKULUM:
Pagbuo/Paglinang, Pagdesinyo

LAYUNIN: Matapos ang talakayan, inaasahang ang mag-aaral ay:

a. natutukoy ang mga disenyo sa pagbuo ng kurikulum

b. natatalakay ang pagproseso sa pagdidisenyo sa kurikulum

ARALIN 2: Disenyo ng Kurikulum

TALAKAYAN

Sinumang namamahala sa pagbubuo ng kurikulum ay marapat na mayroong kabatiran sa


kurikulum at mga bahagi nito.

Tinalakay ni David Orr ang apat na mito sa edukasyon na hinagkan ng mga edukador,
pangkalahatang publiko, at ang tunguhin ng kurikulum.

Ang unang mito ay ang edukasyon– ang wastong kurikulum at disenyo ng kurikulum–
may kakayahang puksain ang kawalang-muwang.

Ang ikalawang mito ay ang edukasyon at ang mahusay na disenyo ng kurikulum ay may
kakayahan na punan ang lahat ng kaalaman na kailangan para pangasiwaan ang lipunan at
mundo.

Ang ikatlong mito ay ang edukasyunal na kurikulum ay nakadadagdag sa kabutihan ng


tao: nagkikintal ng karunungan ang mahusay na disenyo ng kurikulum.

Ang ikaapat na mito ay may pangunahing layunin sa edukasyon na paganahin ang mga
mag-aaral para sa mataas ang mobilidad at makamit ang mga pangangailangan ng mga mag-
aaral.

Bilang tugon sa pagtalakay ni Orr tungkol sa mga mito, maaaring pagtalunan ng mga tao
na ang edukasyon ay sagot upang bawasan ang kamangmangan, tulungan ang tao sa
pangangasiwa ng lipunan at mundo, pataasin ang karunungan, at mapaunlad ang mobilidad.

Ang Bumubuo ng Disenyo


Sa pagdidisenyo ng kurikulum, kailangan nating isaalang-alang ang:
- pilisopikal at mga teoryang pampagkatuto upang malaman kung makatutugon ang
disenyong kurikulum,
- sa pagpapahalaga ng tao, kung ano at paano sila dapat matuto, at paano nila dapat
gamitin ang natamong kaalaman.

Ang disenyong pangkurikulum ay nakatuon sa kalikasan at kaayusan ng apat na batayang


mga bahagi:
1. layunin
2. nilalaman
3. karanasan at
4. pagtataya.
Ang mga bahaging ito ay nakaugat sa aklat ni Harry Giles na “The Eight-Year Study.” Ginamit
ni Giles ang terminong “komponent” para ipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
batayang bahagi, ngunit inilagay ang karanasang papagkatuto sa ilalim ng “metodo at
organisasyon.”

Ang apat na component ng disenyong pangkurikulum ay nagpapanukala ng katanungan:


1. ano ang dapat gawin?
2. Anong paksang-aralin ang marapat na ibilang?
3. Ang mga estratehiyang pampagtuturo, pagkukunan o batis, at mga gawain ang dapat na
italaga?
4. Anong mga metodo at mga kagamitan ang gagamitin mabigyang-katuturan ang mga
resulta ng kurikulum?

Ang Batayan ng Disenyong Pangkurikulum

Salig sa tala ni David Ferrero, ang edukasyonal na pagkilos ay nagsisimula sa pagkilala


sa paniniwala at pagpapahalaga ng isang indibidwal, aling impluwensya ang ikinokonsidera
ng isang indibidwal na mahalagang maunawaan at ituro. Kapag isinawalang-bahala ang
pilosopikal, sosyal, politikal na katanungan, magiging limitado at nakalilito ang pagdidisenyo ng
kurikulum.

Inilarawan naman ni Doll ang apat na pundasyon ng disenyong pangkurikulum;


agham, lipunan, walang hanggang katotohanan, at banal na layunin.

I. Agham Bilang Batayan

May mga ilustrador ng kurikulum ang umaasa sa sioyentipikong pamamaraan


habang nagdidisenyo ng kurikulum. Ang kanilang disenyo ay naglalaman lang ng mga
elementong nakikita at nasusukat. Inuuna ang paglutas ng suliranin. Binibigyang-diin ang
pag-aaral kung paano matuto.
Ang proseso ng pagkatuto ay nakabatay sa kamalayang sikolohikal. Itinataguyod ang
proseso ng paglutas ng suliranin na naglalarawan sa pagkaunawa sa agham at organisasyon
ng kaalaman. May ibang edukador naniniwalang marapat na unahin ang pagtututuro ng
estratehiyang pangkaisipan. Kasabay ng patuloy na pag-unlad ng kaalaman, ang tanging
nananatili ay ang paraan ng pagpoprose3so ng kaalaman.

II. Lipunan bilang Batayan

Ang tagadisenyo ng kurikulum na nagsasaad na ang lipunan bilang batayang


oangkurikulum ay naniniwala na ang paaralan ay sangkap ng lipunan at nararapat na
naglalaman ng kaisipang kurikulum sa pagsusuri ng sitwasyong panlipunan. Ang tagadisenyo
ng kurikulum ay dapat isinasaalang-alang ang kasalukuyang lipuna. Sa Estados Unidos, ang
demokrasiya ay isang mithiin.
Ang paaralan ay dapat na maisip na sila ay bahagi at dinisenyo upang makapagsilbi sa
lokal na komunidad at lumalaking lipunan. Ang tagadisenyo ng kurikulum ay hindi dapat
isinasantabi ang sosyal na dibersidad, iba’t ibang kultura, etnikong grupo, at sosyal na
lipunan. Ang dibersidad na ito ay lumalaki, patunay sa Estados Unidos na tumatanggap ng
migranteng mga pangkat. Ang disenyong pangkurikulum ay nagsasagawa ng sosyal,
ekonomiko, at pulitikal na konteksto. Ang hamon ay matugunan ang pangangailangan ng
mga mag-aaral at ng pinagsamang pangkat ng lipunan kasabay ng pagkatuto sa karaniwang
kultura at ang pinagkasunduang kasanayan. Pinararating lamang nito na may tiyak na kultura
na maaaring pangkalahatan at unibersal para sa lahat.
Ang epektibong tagadisenyo ng kurikulum ay natatanto ang pangangailangan ng
kolaborasyon sa pagitan ng indibidwal at pangkat. Ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang
kultura’t pinagmulan ay nangangailangan ng tinig ukol sa kung paano inihahanda at
nararanasan ang edukasyon. Ang lipunan sa kasalukuyan ay isang makapangyarihang
impluwensya sa disenyong pangkurikulum.

III. Moral na Doktrina Bilang Batayan

Sumusulyap sa nakaraan ang ilan sa mga nagdidisenyo at gumagawa ng


kurikulum upang kumuha ng gabay ukol sa kung ano ba ang dapat lamanin ng isang
kurikulum. Binigyang pansin nila ang mga ginawa ng mga malikhaing isip ng nakaraan bilang
pangmatagalang katotohanan na siyang ipinalita sa kanilang disenyo na ang nilalaman at
ibang asignatura ay higit na mahalaga kaysa sa iba.

May mga taimg naniniwala na ang disenyo ng kurikulum ay naaayon sa


nilalaman ng bibliya at ibang tekstong panrelihiyon. Karaniwan ang ganitong pananaw sa
mga paaralan na kolonya ng amerika. May impluwensya pa rin ito sa mga paaralang mahigit
sa isang siglo na ang tanda, marahil ay dahilan na dito ang mandatong naghihiwalay sa
estado at iglesia. Gayunpaman, marami pa rin sa mga pribado at parokyal na paaralan ang
gumaganap nito kabilang na ang mga paaralang Islam.

Sa ngayon, patuloy na lumalaki ang pagsasaalang-alang ng mga


pampublikong paaralan sa relasyon sa pagitan mg kaalaman at ispiritwalidad ng mga tao.
Maraming tao ang kritiko ng lipunang kanluranin na tumutuon sa agham, rasyonalidad at
materyal na kayamanan.

Mayroong argumento si Dwayne Huebner na makakayang tugunan ang


ispiritwalidad ng isang edukasyon nang hindi pagbabatayan ang relihiyon. Para sa kanya ang
pagkakaroon ng kaluluwa ay ang pagiging malapit sa mga pwersa sa kapaligiran o iyong
tinatawag na enerhiya. Hinahayaang makita ng isang tao ang halaga ng reyalidad , at upang
mapalago ang iba pang paraan ng pagsipat sa kaalaman, bagong ugnayan sa pagitan ng mga
tao at ng mga bagong paraan ng pagkilala sa eksistensya mg bawat isa kungvsiya ay
mananatiling nasa kaluluwa.

Ayon kay James Moffett, ang ispiritwalidad ay nagtataglay ng katalinuhan,


pagiging atentibo, pagiging mulat sa panlabas na mundo at pagiging mulat maging sa sarili.
Ang idibidwal na may taglay na ispiritwalidad ay napapaunlad ang pakikibagay at pananaw.
Ang taga-disenyo o tagabuo ng kurikulum na ispiritwalidad ang siyang lunsaran ay naaabot
ang lubos na pagkaunawa sa mga tao na ang ginagawang lunsaran o batayan ay agham
lamang. Ang isang indibidwal na ang lunsaran naman ay ispiritwalidad ay nagagawang
mapaunlad ang pakikibagay at pagiging tapat. Isinaalang-alang at ipinahahayag ang
kapakanan ng iba. Bukas sa pagkakaiba ng mga pananaw.

Ang tagalikha o tagadisenyo ng kurikulim na nakabatay sa ispiritwalidad ay


nagtatanong ukol sa kalikasan ng daigdig, halaga ng buhay , kahulugan ng pagiging tao at
higit sa lahat maalam.

Nagbigay komento si William Pinar na ang pagtingin sa kurikulum bilang


relihiyosong teksto ay pagbubuklod ng katotohanan,pananampalataya, kaalam, etika, pag-
iisip at paggawa. Nangangailangan ng higit na tuon ang pananampalatay at paniniwala, etika
, at paggawa ayon pa kay Pinar.

IV. Ang Kaalaman bilang Batayan

Ayon sa iba, ang kaalaman ay ang pangunahing pinagmumulan ng kurikulum. Inilagay


ni Herbert Spencer ang kaalaman sa balangkas ng kurikulum nang sinabi niyang, “Anong
kaalaman ang pinakamahalaga?”

Para sa iba na inilalagay ang kaalaman sa gitna ng disenyo o balangkas ng kurikulum,


ay nauunawaan na ang kaalaman ay maaaring isang disiplina, mayroong partikular na
istruktura at partikular na paraan o mga paraan kung hanggang saan inaabot ng mga iskolar
ang hangganan nito. Ang kaalaman na walang disiplina ay wala ring naiibang nilalaman; sa
halip ang nilalaman nito ay hinubog ayon sa kung paano ito kinakailangang tignan o unawain.
Halimbawa, ang disiplinang Pisika na mayroong natatanging konseptuwal na istruktura at
may natatangi ring proseso. Sa iba naman, ang Environmental education ay hindi isang
disiplina at ang nilalaman nito ay nagmumula sa iba’t-ibang disiplina at iniaakma sa isang
ispesyal na tuon.

Ang hamon para sa mga tinatanggap na ang kaalaman ang pangunahing


pinagmumulan ng disenyo ng kurikulum, ay ang kaalaman ay mabilis na nadaragdagan.
Ngunit ang oras na inilalaan ng mga mag-aaral kasama ang kurikulum ay hindi naman
nadaragdagan. Karamihan sa mga paaralan ay nanatiling nangangailangan ng 180 sesyon.
Ang tanong ngayon ni Spencer ay higit na mahirap. Hindi lang natin dapat isipin na “anong
kaalaman ang pinakamahalaga?” kundi kailangan nating bigyan ng suhestyon ang mga
sumusunod na katanungan: “Para kanino itong kaalaman ng pagpapahalaga?”, “Mayroon
bang kaalaman ang kailangang mabatid ng nakararami?”, “Anong pang-intelektuwal na
kakayahan ang kailangang ituro upang ang pangkaraniwan at hindi pangkaraniwang
kaalaman ay magamit sa pansarili at panlipunang kabutihan?”

V. Ang Mag-aaral Bilang Batayan.

Naniniwala ang iba na ang kurikulum ay marapat na mula sa kaalaman ng mga mag-aaral
kung paano sila matuto, magpapahayag ng saloobin, magpasigla ng interes, at magpaunlad
ng pagpapahalaga. Nakabatay sa makabagong kaisipan ang mga progresibong dalubhasa sa
kurikulum, makataong tagapagturo, at iba pang dalubhasa rito na ang mga mag-aaral ang
pangunahing bukal ng disenyo ng kurikulum.
Nakatuon sa pundasyong sikolohikal ang mga gumagawa ng kurikulum partikular na
kung paano bumuo ng kahulugan. Maraming kognitibong pag-aaral ang nagbigay sa mga
bumubuo ng kurikulum ng mga paraan upang malinang ang gawaing pang-edukasyon para
mapagaan ang pagdama, pag-iisip at pagkatuto. Sa mga huling taon ng 1990, isang pag-aaral
sa utak ang nagiging mahalaga para sa mga tagapagturo. Natutuhan na maging ang
kapaligiran ay maaaaring makaimpluwensya sa anatomiya ng utak ng isang bata. Ang dami
at kalidad ng mga pisikal na karanasan ay nakaaaapekto a paglinang ng utak.

Ang kurikulum na nakapokus sa mga mag-aaral ay nagbibigay – diin sa kanilang


kaalaman. Ang mga mag-aaral ay bumubuo kaysa simpleng pagtamo ng kaalaman at ito ay
ginagawa nila sa kakaibang paraan na may tiyak na kakaiba ring konklusyon. Maaari silang
gumamit ng parehas na salita sa pagsagot sa tanong, ngunit ang kanilang malalim na pag-
unawa ang siyang naiiiba. Bilang isa sa mga batayan ng disenyo ng kurikulum, ang lapit na
nakasentro sa mga mag-aaral ay nakaugnay sa mga lapit na nakapokus sa kaalaman o
agham. Sa lapit na nakapokus sa agham, binibigyang – diin ang mga estratehiya sa
pagpoproseso ng kaalaman samantalang ang lapit na nakapokus sa kaalaman ay nakatuon
sa kung paano pinoproseso ng isang indibidwal ang impormasyong natanggap. Ang lahat ng
pinagmulang disenyo ng kurikulum ay nakaugnay sa iba pa. Ang kurikulum na nakasentro sa
mga mag-aaral ay naglalayon silang palakasin at ipakita ang kanilang pagkakaiba-iba.

Ang Konseptwal na Balangkas: Pagtatapat-tapat (Horizontal) at Pagkakasunod-sunod


(Vertical) na Pagsasaayos

Ang disenyo ng kurikulum ay isinasaayos sa dalawang batayang dimension:

- pagtatapat-tapat (horizontal)
- pagkakasunod-sunod (vertical).

1. Sa pagtatapat-tapat, pinagsasama-sama ang mga elemento ng kurikulum.

Halimbawa, ang pagsasama ng nilalaman ng Kasaysayan, Antropolohiya, at


Sosyolohiya upang makabuo ng kursong Kontemporaryong Aralin (Contemporary
Studies) o maaari rin namang pagsamahin ang nilalaman ng agham at matematika.

2. Nakatuon ang pagsasaayos sa pagkakasunod-sunod sa paghanay ng mga elemento ng


kurikulum.

Halimbawa, ang paksang “Pamilya” para sa unang taon sa Araling Panlipunan.


“Lipunan” naman ang sa ikalawang taon. Isinasaayos ang kurikulum sa ganitong paraan
upang maipakita ang magkakatulad na paksa sa iba’t ibang taon ngunit isinaalang-alang
ang pagkakaroon ng karangalang kaalaman at mataas na lebel ng pagsasanay. Sa
pagkakataon, ang konsepto ng set sa matematika sa unang taon ay pag-aralan pa rin sa
mga susunod na taon sa elementarya.

Mga Kinakailangang Isaalang-alang sa Pagsasakatuparan ng Disenyo ng Kurikulum


Sumasalamin ang disenyo ng kurikulum sa kabuuan nito. Narito ang ilan sa maaaring
isaalang-alang sa pagbuo ng isang epektibong disenyo ng kurikulum.

1. Nagpapakita ng iyong pilosopikal, edukasyonal, at pagpapalagay sa kurikulum tungo sa


layunin ng isang paaralan.

2. Naisasaalang-alang ang pangangailanagan at pagnanais ng iyong mag-aaral.

3. Naisasaalang-alang ang iba't-ibang bumubuo sa disenyo at mga organisasyon.

4. Naiguguhit ang iba't-ibang panlabas na disenyo na dapat ipatupad.

5. Napagkukumpara ang nilalaman ng napiling disenyo sa misyon ng paaralan.

6. Naibabahagi ang disenyo ng kurikulum sa iyong kasamahang guro.

Bagaman, mahalaga ang pagdidisenyo ng kurikulum sa halos lahat ng paaralan sa distrito,


ang disenyo ang kurikulum ay nakatatanggap lamang ng maliit na pagtugon. Madalas ang
gumagawa ng kurikulum ay nagtutuon lamang sa maliit na pagdidisenyo kaysa sa
pagrerekomenda sa nilalaman na sumasalamin sa pilosopikal at politikal na pagtanaw na
kadalasan ay hindi maayos na nabubuo. Kakaunti sa mga nangangalaga sa edukasyon ay
nauunawaan kung paanong nakaiimpluwensya ang sosyo-ekonomiko, politikal, at kultural na
salik sa pagpili ng pahalang at patayong organisasyon. Magkagayon man, ang lumalaking
bilang ng mga gumagawa ng kurikulum ay naniniwala na ang disenyo ay dapat na
sumasalamin sa iba't-ibang tinig, mga kahulugan, at pagtanaw ng ideya.

You might also like