Professional Documents
Culture Documents
SANGGUNIAN:
TALAKAYAN
Ang wika at teknolohiya ay lubhang konektado sa isa’t-isa. Sa ating pang araw-araw na gawain, hindi
maiiwasan ang madalas nating pag-depende sa teknolohiya. Nariyan ang cellphone, kompyuter o
laptop, ipad at iba pa.
Ito ang mga nagsisilbing tulay ng komunikasyon para sa bawat tao. Kung susuriin, napakalaki ng
naitutulong ng teknolohiya sa ating lahat na gumagamit nito.
Ngunit hindi rin maikakaila ang mga pangyayari at pagbabago dahil sa maling paggamit at ang
malaking epekto nito sa wika at pamumuhay.
Ayon sa ulat ni Fidel R. Jimenez, GMA News, sinasabing “may mga salitang naibaon na sa limot, may
‘di na mauunawaan ng karamihan, may umuusbong, may bumabalik ngunit may iba ng pakahulugan.
Gaya ng mga gamit sa katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit nagkakaroon ng
mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano
man ang kanilang katayuan.”
Ilan sa mga nasaliksik batay sa paksang ito ay upang maging patunay na totoong malaki ang nagiging
epekto ng teknolohiya sa ating mga mag-aaral at sa lahat ng gumagamit nito.
Ang pagteteks ay inimbento upang padaliin ang komunikasyon ng mga tao sa isa’t-isa kahit pa nasa
dalawang magkalayong lugar sila. Ngunit sa halip na makatulong ay mukhang maraming masamang
naidudulot ito lalo na sa larangan ng pagsulat. Madalas ay nakakalimutan na nila ang tunay na
pagbaybay sa ibang mga salita, ingles man o filipino, dahil nasanay na sila sa paggamit nito sa paraan
ng pagteteks. Nangangamba na ang mga guro na dahil sa pagteteks ay lalo pang humina ang mga
estudyante pagdating sa larangan ng pagsulat at lalong lumiit ang kanilang kaalaman ukol dito.
Ngunit kung gagamitin lamang daw natin ng may disiplina ang pagteteks ay magagawa pa din nating
irespeto ang ating wika.
Ang isa pang halimbawa ay ang paggamit ng “blog.” Hindi natin maikakaila na ang Internet
ay isang penomena na naging kaakibat ng isang makabagong kultura.
Mula sa pinaiksing web log, ang blog ay isang online journal kung saan ang isang
manggagamit(tinatawag din na blogger) ay malayang magsulat ng kahit anong ninanais niya tungkol
sa mga bagay-bagay na nasa kanyang mga alapaap ng karanasan.
Nasasalamin ng mga iba’t-ibang uri ng blog ang mga katangian ng mga kabataang Pilipino. Hindi lang
ito nagiging isang uri ng komunikasyon kung hindi pag-a-arkibo ng iba’t-ibang uri ng mga pangyayari
at iba pang kultural na kaganapan. Nagiging mas mahalaga ang papel ng mga kabataan kahit sa labas
ng akademiya at ng kanilang paaralan.
Malaki ang papel na ating ginagampanan sa pag-unlad ng wika. Ang pagnanais na maging iba o
makatuklas ng mga bagong salita ay hindi magiging hadlang sa pagpapa-unlad ng wikang pambansa
kung ito ay gagamitin ng may respeto at disiplina upang hindi makasira o masira ang ating wika.
Gamitin natin ang teknolohiya sa pagpapayabong ng wika dahil sa huli, tayo rin naman ang
makikinabang. Sa pagsulat ng adbokasiyang ito, mithiin namin na maging instrumento sa pagkamulat
ng lahat na iisa lang ang ating wika, at iisa lang ang nais nito, ang tayo ay magkabuklod-buklod bilang
mga Pilipino.
Sa huli ang tanging layunin ng paksang ito ay ang imulat tayo na hindi pa huli para isalba ang ating
wika sa unti-unting pagkawala nito. Dapat nating patuloy na paunlarin ang ating wika upang sa gayon
ay makamit natin ang layunin nito sa ating mga Filipino. Sinasabi na kung tutuusin, hindi naman daw
dapat ikabahala ang mga pagbabagong teknolohikal na ito sapagkat maaari rin itong magamit sa
pagpapayabong ng wika. Magbago man ang bokabolaryo ng mga Pinoy sa paglipas ng panahon,
maluma man ang salita dahil may bagong umusbong, patunay lamang ito na buhay na buhay at
masigla ang ating wika.
Ayon sa kanya, “mas malaya ang pagtatanong and mas buhay ang talakayan sa ganoong paraan. Mas
madaling naiintindihan ng mga estudyante ang mga konseptong teknikal na pinapaliwanag niya.”
Para sa kanya, kailangang batay sa kakayahang intelektwal at di lamang sa wika ang pag-aaral sa
kemistri dahil di naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles.
“Kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan, Tsina,
Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi paunlarin ang
sariling wika para maging matatas din ang mga Pinoy sa agham?” ani ni Sevilla III.
Ayon sa Third International Matehmatics and Science Study na lumabas noong 1997, nahuhuli ang
Pilipinas sa larangang ito.
Sinisikap ni Dr. Sevilla III na hikayatin ang mga guro at mananaliksik na gumamit ng Filipino sa
talakayan, maging sa klase man o sa pag-uulat ng kanilang saliksik sa mga panayam.
Isang magandang halimbawa ay panayam sa Filipino tungkol sa mga teknikal na paksang agham at
teknolohiya na isinasagawa ng Sentrong Pananaliksik sa Agham Pangkalikasan (Research Center for
the Natural Sciences) tuwing Agosto, ang buwan ng Wika.
Hindi ang nilalaman ng kanilang panayam kundi ang paglahad nito sa sariling wika ang
pinaghahandaan ng mga tagapagsalita. Nakikipag-ugnayan sila sa isang guro mula sa Departamento
ng Wika upang masigurong wasto ang ginagamit na salitang Filipino.
Sa panayam na ito, mapapansin ang kakaibang tuwa ng mga estudyante na makarinig ng mga
terminong agham sa Filipino. Mahirap man para sa mga tagapagsalita, malaya at masigla ang
malayang talakayan kaya sulit naman ang pinaghirapan nila at nahihikayat silang gumamit ng Filipino
bilang panturo.
Ayon pa kay Dr. Sevilla III, mas malinaw ang paggamit ng Filipino dahil ito ang ginagamit sa pang-
araw-araw na buhay.
Halimbawa, sa pananaliksik niya, gumamit si Dr. Sevilla III ng salitang haba ng alon para sa
wavelength; at dalas para sa frequency; pagtunaw sa melting; at paglusaw sa dissolving.
Sa pisika naman, bilis ang speed at tulin kung saan may direksiyon ang paggalaw sa velocity.
May iba’t ibang paraan ang pagsalin ng mga salitang Ingles sa Filipino. Una rito ang paggamit ng
salitang Kastila. Kabilang dito ang siyensya, kimika, pisika, biyolohiya, matematika, metal, likido,
solido, produkto at iba pa.
Pangalawa, ang pag-uugnay ng mga katutubong salita para makabuo ng bagong salita. Halimbawa,
kapnayan (galing sa salitang sangkap at hanayan para sa chemistry); haynayan, (buhay + hanayan sa
biology) at liknayan (likas + hanayan sa physics); at mulapik ( mulaang + butil para sa molecule).
Ang paghahalo ng wikang Ingles at Filipino nang wlang pagbabago ang huling paraan. Halimbawa,
bumibilis ang takbo ng mga molecule kung tataasan ang temperature. Ayon kay Sevilla III, mas
mainam itong gamitin sa mga talakayan sa klase, dahil malapit itosa pangkaraniwang paraan ng pag-
uusap.
MGA GAWAIN:
Ilagay sa yellow pad o sa long coupon. Ilagay ang buong pangalan, at petsa ng pagsusumite.
A. Bumuo ng isang sanaysay batay sa katanungan na Paano nga ba masasabi na ika’y isang tunay na
Pilipino?
Orihinalidad 30%
Nilalaman 25%
Ibigay ang kahulugan ng bawat salita at lagyan ng salitang pumalit sa salitang namatay o salitang di
na nagagamit pa.
hal.