You are on page 1of 35

1

aklslk Kabanata I

INTRODUKSIYON

Sanligan ng Pag-aaral

Ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng

lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at

nagbabago sa bawat henerasyon. (Carroll, 1964)

May mga salitang naibaon na sa limot, may’di mauunawaan ng

karamihan, may umuusbong, may bumalik ngunit may iba nang pakahulugan.

Gaya ng mga gamit sa katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino.

At kahit nagkaroon ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-

uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano man ang kanilang katayuan.

(Jimenez, 2014)

Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng

komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi maiiwasan na may

mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon.

(Jimenez, 2014).

Sa pag-unlad ng ating bansa at pagbabago ng panahon nagbabago na

din ang ating sariling wika, ito ay marahil sa iba’t-ibang uring pakikipagtalastasan

gamit ang makabagong teknolohiya. Talamak din ang paggamit ng akronim sa

social media kung saan nagrerepresenta ang isang letra ng isang salita. Isa pa

sa nauuso sa panahon ngayon ay ang makabagong salita o slang word tulad ng


2

selfie. Laganap din ngayon ang paggamit ng salitang balbal kung saan ito ay

tinatawag din na salitang kanto o kalye. (Lumbres, 2017)

Ang Rebolusyong Industriyal sa isang banda ay isang aspeto ng

modernisasyon na nagsimula noong ika-labingwalong siglo kung saan ang

sambayanan ng Briton ay nagsimulang paunlarin ang idustriya. Ito ay nagdulot

ng malaking epekto sa wika. Sinasabi na ang Rebolusyong Industriyal ay isa sa

mga pinangggalingan ng makabagong bokabyularyo na mayroon tayo ngayon.

(Bragg, 2004)

Marami ang naging epekto ng modernisasyon sa Wikang Filipino at

nilalayon ng pananaliksik na ito na alamin ang mga epektong idinudulot ng iba’t

ibang aspeto ng modernisasyon sa wikang Filipino.

Layunin ng Pag aaral

Isasagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ng mga tao kung ano

ang naidudulot o nagiging epekto ng modernisasyon sa wikang Filipino.

May layunin itong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga mag aaral sa ika-12

baitang ng Holy Infant College?

1.1 Kasarian

1.2 Edad

2. Ano ang epekto ng modernisasyon sa paggamit ng wikang

Filipino ng mga mag-aaral?


3

Hipotesis

Sinubukan ng mga mananaliksik kung ang nagawang haypotesis ay

tatanggapin.

1. Walang epekto ang modernisasyon sa paggamit ng wikang Filipino ng

mga mag-aaral.

Balangkas Teoretikal

Ang gagamitin na teorya sa pag-aaral na ito ay ang Functional Theory ni

Michael Alexander Kirkwood Halliday na magsisilbing gabay sa kabuuan ng

gagawing pag-aaral.

Ang Functional Theory ni M.A.K. Halliday (1994) ay nagsasabi na ang

wika ay nagbabago ayon sa pangangailangan ng gumagamit nito. Ito ay

pangunahing tumutukoy sa mga leksikal na pagbabago ng wika. Ito ay maaring

nasa anyong balbal, mga bagong imbensiyon, at mga salitang teknolohikal.

Dito sa teoryang ito, masasalamin na ang ibang salita ay pinapalitan ng

mas makabagong salita at dito hindi na masyadong nagagamit ang mga

makalumang salita. Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya na isang aspeto ng

modernisasyon, patuloy nitong binabago at dinadagdagan ang Wikang Filipino.

Ang teoryang ito ay angkop sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik

dahil sa teoryang ito makikita ang epekto ng modernisasyon sa wika. Maiuugnay

ito kung tunay bang may nadudulot ang modernisasyon sa Wikang Filipino.
4

Balangkas Konseptuwal

Nakasaad sa balangkas konseptuwal ang mga baryabol ng pag-aaral at

kung anu-ano ang mga epekto ng modernisasyon sa pagbabagong naganap sa

Wikang Filipino sa pagdaan ng panahon.

Ito ay naglalayong mas malinaw na mailahad ang bawat salik at layunin

ng mga mananaliksik pagkatapos maisagawa ang pag-aaral.

Tutukuyin ng pag-aaral na ito kung may kaugnayan ba ang

demograpikong profayl ng mga mag-aaral ayon sa edad at kasarian na

nakasaad sa unang kahon sa itaas at sa kanilang saloobin hinggil sa nadudulot

ng modernisasyon sa Wikang Filipino na nakasaad naman sa kahon sa kaliwang

bahagi.

Sa proseso ng pag-aaral na ito, aalamin din kung may masama o

mabuting epekto ang nagawa ng modernisasyon sa wika sa pagdaan ng

maraming taon na makikita naman sa ikatlong kahon sa kanang bahagi ng

balangkas konseptuwal na ito.

Ipapakita rin kung ano ang puwedeng irekomenda, mga suhestiyon,

panukala at mungkahi, na makikita sa ika-apat at panghuling kahon sa ibaba, sa

ginawang pag-aaral.
5

Balangkas ng Pag-aaral

Demograpikong profayl ayon sa


edad at kasarian ng ika-12 baitang
ng Holy Infant College

Mga Epekto ng
Saloobin Modernisasyon sa
Wikang Filipino

Rekomendasyon

Pigura 1. Balangkas ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Dahil sa ang wika ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao

at sa paglipas ng panahon ay binabago ito ng modernisasyon, ninanais ng pag-

aaral na ito na malaman ang epekto ng modernisasyon sa wikang Filipino at

nang maging kapakipakinabang sa mga sumusunod:


6

Sa mga mag aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila

upang kanilang malaman kung paano umunlad o nagbago ang wika at ang mga

tamang paraan o salita na kanilang kailangang gamitin na makakatulong din sa

pagtatagumpay sa kanilang pag-aaral.

Sa mga magulang. ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila na

malaman ang mga epekto na idinudulot ng modernisasyon na naka-aapekto sa

pagbago ng wika at ng maisaayos ang wika ng kanilang mga anak

Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila na ibahagi

nila ang kanilang kaalaman sa mga epekto ng modernisasyon sa wikang Filipino.

Sa administrasyon ng paaralan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa kanila nang sa gayon ay mas maimplementa pa ang paggamit ng wikang

Filipino at masanay ang mga mag-aaral sa tamang paggamit nito.

Sa mga susunod pang Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maari ring

balikan at magsilbing batayan ng kanilang pag-aaral tungkol sa epekto ng

modernisasyon sa wikang Filipino.

Komisyon sa Wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

kanila nang sa gayon ay malaman nila ang epekto sa pagabago ng wikang

Filipino at mabigyan solusyon na hindi tuluyang magbago at makalimutan ang

ating wika.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw kung ano ang mga nagiging

epekto ng modernisasyon sa wikang Filipino ng mag aaral ng ika-12 baitang ng


7

Holy Infant College. Ang pag aaral na ito ay mag-tatampok ng mga katanungan

ukol sa mga mga tanong na nagawa ng mga mananaliksik.

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Para sa layunin ng kumbensyon at ganap na pag-unawa ang mga

sumusunod na terminolohiya ay binigyan ng kaukulang operasyunal na

depinisyon, kung gayon, batay sa kung paano ginamit ang isang pag aaral.

Modernisasyon. Ang kahulugan ng modernisasyon ay pag-unlad isang

bansa o lugar na kung saan ang mga pangangailangan ng mga tao ay

natutugunan. Kapag sinabing modernisasyon ibig sabihin ay mga makabagong

teknolohiya.

Wika. Ito’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan ito ay isang lengguwahe na may sistema, binubuo ng arbitraryong

simbolo ng mga tunog, at ginagamit para sa komunikasyon ng mga tao.

Leksikal. Ang katutunan ng salita ay maaring mag bago ng kahulugan sa

pamamagitan ng pag sama-sama o pagdaragdag ng mga morpema na maaring

na sa anyong malaya at di-malayang morpema.

Saloobin. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng pag-iisip at pag kilos bunga

ng madamdaming naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahaon. Ito

ay damdaming hindi mailabas o kinikimkim.


8

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa literatura at pag-aaral na may

kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na

binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng

maraming dantaon at nagbago sa bawat henerasyon.

Hindi maipagkaka-ilang kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siyang

pagbabago rin ng mga nakasanayan na ng mga mamamayan, kabilang na rito ay

ang wikang nakasanayan. Ayon kay Mario I. Miclat, Ph.D., (2015) nasabi niya sa

artikulong Ang Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon Ngayon, “Hindi ngayon

lamang dekadang ito sumulpot ang problema ng pambansang wika, o lingua

franca, o wikang panlahat. Hindi noon lamang panahon nina Quezon sa

pamahalaang Commonwealth kalahating siglo ang nakaraan. Pinag-uusapan na

iyan kahit noong mahigit apat na raang taon na.” Isa sa mga salik na siyang

nagiging dahilan ng mga samo’t saring suliranin patungkol sa wika ay ang

paglitaw ng mga makabagong salita na kung minsan ay nagbubunsod ng hindi


9

pagkakaintindihan ng bawat isa. Pinapaalala din niya na walang masama na

sumabay sa uso ngunit may limitasyon din ito. Mawawalan ng silbi ang

kakaibang spelling kung iilan lamang ang nakakaunawa at nakakalimutan na ang

tamang pananalita. Ngunit sa kabilang dako naman ay higit na akma na gamitin

ang mga salita na may kinalaman sa modernong panahon at mas nauunawaan

ng mas malaking bahagi ng populasyon. Sa kasalukuyan, malaki ang kinalaman

ng teknolohiya at modernisasyon sa paglaganap at paglaho ng ilang mga salita.

Ayon kay Jimenez (2014), may mga salitang naibaon na sa limot, may’di

mauunawaan ng karamihan, may umuusbong, may bumalik ngunit may iba nang

pakahulugan. Gaya ng mga gamit sa katawan, sumasabay din daw sa uso ang

wikang Filipino

Sa isang panayam naman ng GMA News na ginawa noong 2014 ay

inihalintulad naman ni National Artist for Literature Virgilio Almario, ang hindi

paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na nawawala sa sirkulasyon. “Hindi

naman namamatay ‘yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag

ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. “Parang

fashion lang ‘yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi

sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni Almario na buhay

ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon na isang

mabuting epekto ng modernisasyon sa Wikang Filipino.

Sa parehong panayam na ginawa ng GMA News, ipinaliwanag ni Prof.

April Perez ng University of the Philippines-Filipino Department, malaki rin ang

nagagawa ng teknolohiya at modernisasyon sa paggamit ng ilang salita. Aniya,


10

higit na akma na gamitin ang mga salitang may kinalaman sa modernong

panahon, ang wika na binago ng modernisasyon, upang mas nauunawaan ng

mas malaking bahagi ng populasyon. Masasalamin dito ang mabuting epekto ng

modernisasyon sa wika kung saan iniuugnay nito ang mga tao sa iba’t ibang

lugar.

Ayon naman kay Pratt (2009) sa artikulo niyang Computers Changing our

Values, Language, Culture, isinaad niya na dulot ng teknolohiya, mayroong

bagong wika na umuusbong subalit hindi naman daw nito pinapalitan ang

kasalukuyang wika.

Sinabi naman ni G. Eusebio Laporre (2018), isang guro sa Komunikasyon

at Pananaliksik ng Wika at Kulturang Filipino sa St. Paul’s School of Ormoc

Foundation Inc. sa ginawa naming panayam sa kaniya, malaki ang epekto ng

modernisasyon sa wika dahil nagkakaroon ng mga bagong wika ang mga

Pilipino partikular ang mga kabataan tulad ng mga banyagang wika at

nakakalimutan na ang wikang katutubo.

Sa panayam naman na ginawa ng BBC News sa taong 2015, sinabi ni

David Crystal, honorary professor ng lingwistiks sa Unibersidad ng Bangor, na

ang wika raw ay nagbabago subalit mas pinapabilis ng internet, isang produkto

ng modernisasyon, ang proseso ng mga pagbabagong iyon kaya mas kapansin-

pansin na ito ngayon.

Nakasaad naman sa blog ng How Social Media is Changing Language na

isinagawa ng Oxford, ang mga salita na nakapalibot saatin sa araw-araw ay

nakakaimpluwensiya sa mga salitang ginagamit natin ngayon. Simula noong ang


11

mga isinusulat na wika ay makikita na sa mga kompyuter, tablets, at

smartphones, ang wika ay bahagyang nagbabago dulot ng ating interaksyon sa

teknolohiya. Malaki ang naiambag ng social media, na isang aspeto din

modernisasyon, sa wika. Kabilang na dito ang pag-usbong ng bagong salita,

pagbabago ng kahulugan ng mga dating salita maging sa paraan ng ating

pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

Ayon naman kay McPherson (2010) walang pagdududa na ang

teknolohiya ay nagkaroon ng importanting epekto sa lengwahe sa nakaraang

sampung taon. Maraming mga bagong salita ngayon katulad ng katagang “I-

Google” ay kasing kahulugan ng salita na “Pagsasaliksik” o ang salitang “App” na

ang ibig sabihin ay isang programa para sa mga smartphone na naimbento o

naging kilala sa papyular na paggamit nito.

Ayon kay Jimenez (2014), sa artikulo niyang Ang pagsabay sa uso ng

wikang Filipino, na kung saan sinubukan nilang alamin mula sa mga kabataan

ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan ng mga lumang salita kagaya

ng alimpuyok, papagayo at salakat, wala sa mga modernong kabataan ang

nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit may isang

matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon sa ulat na ito, masasabi

nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng

kaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan. Nakakalimutan na nila ang

salita ng sinaunang panahon dulot ng modernisasyon.

Kaugnay na Pag-aaral
12

Sa pag-aaral na ginawa ni Dettores et al, na Epekto ng modernisasyon ng

wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng

Pangasinan, (2015) ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay isa sa mga

dahilan kung bakit tayo ay may sariling pagkakakilanlan bilang isang bansa, ika

nga eh “tumayo tayo mag-isa na hindi kailangan ang kolonisasyon ng mga

banyaga”. Kaya tayo ngayon ay unti-unti nang umuunlad, sa pag-sibol ng ibat-

ibang aspeto ng isang lipunan. Sa pagbago ng panahon ang ating sariling wika

ay nababago na din sa aspeto ng modernisasyon at teknolohiya, dahil na rin sa

paraan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Isa

na rito ang ekonomiya ng bansa na hindi uunlad kung ang bawat isa ay hindi

nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon

ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang

paraan upang mas mapadali ang pag bigkas o paggamit nito sa pakikipag-

ugnayan. Halimbawa na lang ng pagpapalawak ng bokabularya o paggamit ng

akronim o isang paraan ng paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang

salita o tumatayo bilang kapalit ng buong salita. Sa paraang ito ang mga

makabagong salita na ginagamit noong unang panahon ay mas madali nang

maintindihan, bigkasin at gamitin.

Batay sa pag-aaral ni Añonuevo na Komunikasyon sa Makabagong

Teknolohiya (2015), sa ating panahon ngayon, marami na ang taong gumagamit

ng iba't ibang uri ng teknolohiya, gadgets, mobile cellphones, telepono, komputer

at iba pa. Ito rin ang naging daan sa ating panahon upang mapadali ang mga uri

ng komunikasyon sa isa't isa. Sa pag-susulat ng isang aklat, mensahe, talata,


13

liham, at iba pang mga sulatin ay inaasa narin natin sa teknolohiya. Nang dahil

sa teknolohiya ang mga Pilipino ay nakabubuo ng mga salita na naidadagdag

natin sa ating pang araw-araw na buhay. Ngunit ang karamihan dito ay mga

salita na walang kabuluhan at paggamit ng mga maling gramatika at pagbaybay.

Ang impluwensiya ng paghahalo-halo ng salitang ingles sa ating wika na

nagiging normal nalang sa ating buhay.

Ayon sa pag-aaral na nagawa ni Nocum na Ang Epekto ng Teknolohiya sa

Ating Wika at Kultura (2015) Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay

patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang

paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang

halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang

paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang

kapalit ng salita. Hinggil sa pag-gamit natin ng teknolohiya sa ating pang araw-

araw na komunikasyon at pakikipag-halubilo sa kapwa tao. Malaki ang nagiging

epekto ng teknolohiya sa ating wika at komunikasyon. Karamihan ay mga

salitang gawa ng tao na nagiging normal na sa wika ng Filipino at ito ay nagiging

batayan ng bawat indibidwal o grupo sa isang komunidad.

Ayon sa pag-aaral na nagawa ni Johanne Therese na Pagsilang ng mga

Makabagong Wika, Dulot ay Pagkalimot sa Kultura (2015), sa modernong

panahon, samu’t saring salita ang umiiral sa bansa, na nagdudulot ng kalituhan

sa mga tao ukol sa orihinal na ibig sabihin ng salita. Laganap sa iba’t ibang uri ng

medya gaya ng mass media, social networking sites at iba pa ang mga salitang

na kung tawagin ay “terminong kabataan” o “millennial terms” na tila palaisipan


14

ang kahulugan para sa mga matatanda. Ang mga salitang ito ay hindi pormal, at

nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng taong hindi gumagamit

ng modernong wika at sa makabagong henerasyon. Dahil dito ang kulturang

Pilipino ay tila natatabunan na. Lahat ng ito ay dahil sa modernong salita, na

kung hindi mabibigyang pansin ay magiging balakid upang ang kulturang

kinagisnan ay mapayabong pa. Kung kaya’t nararapat lamang na mapag usapan

ang epekto ng modernong salita sa kultura upang mabigyang solusyon ito.

Sa pag-aaral na ginawa ni Manibo et al, na Epekto ng makabagong

teknolohiya sa mga mag-aaral ng senior high school sa ika-labing isang antas

(2016), sa panahon ngayon marami nang bagong salita ang lumalabas at

nadadala ng mga mag-aaral sa paaralan tulad ng “pak ganern”, “boom panes” at

marami pang iba na maaring makaapekto. Isa rin sa nakakaapekto sa paggamit

ng wika ay ang pagtetext kung saan nagkakaroon ng pagdadaglat ng mga letra

ng salita dahil dito maaring makasanayan na ng mga kabataan ang ganitong

maling gawi.

Batay sa pag-aaral na ginawa ni Agbones na Modernisasyon sa

paggamit ng wika nagbabantang tinik sa lingua franca (2015), nang dahil sa

teknolohiya na naka paligid sa mga kabataan ngayon, nalipat na ang kanilang

atensyon sa mga bagay bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga.

Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit

ng mga salita at ang kahalagaan ng pag pagbibigay importansya at pagtangkilik

sa ating sariling wika ang wikang Filipino.


15

Kabanata III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito tinatalakay ang disenyo ng pag-aaral, mga

kalahok sa pag-aaral, prosidyur sa pangangalap ng datos, mga instrumentong

ginamit sa pananaliksik, at ang istadiskal na tritment ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng disenyong deskriptib-

kwantiteytib. Ito ay gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para

makalikom ng mga datos. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na

magiging epektibo sa pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap

ng datos mula sa maraming respondente.

Ang mga datos na nakalap sa pag-aaral na ito ay tutukoy sa mga

epekto ng modernisasyon sa paggamit ng wikang Filipino sa mga mag-aaral sa

ika-12 baitang ng Holy Infant College. Ang mga datos na makakalap ay itatala at
16

iaanalisa ng mga mananaliskik upang malaman at mabatid ang kanilang mga

saloobin at kaalaman sa mga epekto ng modernisasyon sa paggamit ng wikang

Filipino.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa sa paaralan ng Holy Infant

College. Partikular, ito ay makikita sa Benigno Aquino Ave, Brgy.110 Utap Hills,

Tacloban City.

Ito ay isang institusyon na pinamumunuan ng Religious Sisters of

Mercy na binubuo ng iba’t ibang kagarawan: ang Pangunahing Edukasyon ng

Departamento at ang Kagawaran ng Kolehiyo. Pinili ng mga mananaliksik ang

local na ito dahil dito nag-aaral ang mga respondante sa nasabing pag-aaral na

nabibilang sa Pangunahing Edukasyon ng Departamento, partikular ang Senior

High Shool, na siyang mas unang nakaranas ng pagbabagong nagaganap sa

Wikang Filipino sa pagdaan ng panahon.


17

Pigura 2. Lokal ng Pag-aaral

Kalahok ng Pag-aaral

Ang pinili ng mga mananaliksik na maging repondente ng pag-aaral

na ito ay ang mga estudyante sa ika-12 baitang ng Holy Infant College na siyang

unang nakaranas na sinasabing pagbabago ng panahon lalong lalo na sa

pagbabago sa wika.

Gagawin ito sa pamamagitan ng simple random sampling kung saan

pantay ang pagkakataon ng mga responadante na mapili. Ginamit din ng mga

mananaliksik ang Slovin’s formula (n= N/1+Ne2) upang makuha ang bilang ng

mga respondante sa ika-12 baitang.

Kung saan:
18

N = Populasyon

n = Sample

e = Margin of error

Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang ng Holy

Infant College ay 130 at ang gagawing repondente ay umaabot sa 98. Ang

seksyong Jubilate ay may 23 na kalahok, sa Benedicione ay may 22, sa Laudati

Si ay may 23 at sa Lumen ay may 30 na kalahok. Sila ang magsisilbing taga

sagot sa mga talatanunang ibibigay ng mga mananaliksik tungkol sa mabuting

epekto ng modernisasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Ang mga datos na

makakalap ay sisisguraduhing magiging konpedinsyal at gagamitin lamang sa

pag-aaral.

Baitang Bilang ng mga Kalahok sa Pag-


aaral
Jubilate 23
Benedicione 22
Laudato Si 23

Lumen 30
Kabuuan 98

Talahanayan 1. Bilang ng mga Kalahok


19

Prosidyur sa Pangangalap ng mga Datos

Ang mga datos para sa pag-aaral na ito ay isasagawa gamit ang

survey questioner bilang instrumento. Ang talatanungan ay ginawa gamit ang

ilang mga pangunahing tanong.

Bago magsimula ang pangangalap ng mga datos na isasagawa, ang

mga mananaliksik ay hihingi muna ng pahintulot at aprubasyon mula sa

punongguro ng departamento ng Basic Education ng Holy Infant College upang

pahintulutan na maisagawa ang pag-aaral gamit ang mga mag-aaral na nasa

ika-12 baitang ng Senior High School. Pagkatapos na pahintulutan ay ibibigay na

sa mga napiling kalahok ng pag-aaral ang talatanungan. Ang mga datos na

nakalap ay ilalahad upang maanalisa at ma-interpreta.

Sa paghingi ng pahintulot ay gagawa ng liham ang mga

mananaliksik sa punongguro ng Departamento at hihingi din ng pagsang-ayon sa

mga respondante na magkaroon ng sarbey tungkol sa pag-aaral at sila ay

magiging kalahok sa nasabing pananaliksik. Ang sarbey ay gagawin sa kanilang

bakanteng oras at sinisigurado na mananatiling konpedensyal ang mga datos na

makakalap at gagamitin lang ito sa pag-aaral.

Mga Instrumentong Gagamitin sa Pananaliksik


20

Ang instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik sa pangangalap

ng mga datos ay talatanungan (survey questionnaire) na ipapamagahi at

ipapasagot sa mga respondante. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang kaalaman at

saloobin ng mga estudyante sa ika-12 baitang ng Holy Infant College tungkol sa

mabuting epekto ng modernisasyon sa paggmait ng wikang Filipino. Taglay din

nito ang mga tanong na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral na ito.

Istadistikal na Tritment ng mga Datos

Ang istadistikal na tritment na gagamitin upang ma-interpreta ang

mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa mga kalahok ay ang percent at

frequency o mean count. Ang mga tugon ng mga kalahok ay ikakategorya sa

pamamagitan ng pagtatala sa mga ito ayon sa likas na katangian ng mga tiyak

na mga katanungan na ipapakita sa pag-aaral na ito.

Ito ang ginagamit ng mga mananaliksik upang mas malaman at

magkaroon ng mas maayos na resulta ng mga datos sa mga kaalaman ng mga

mag-aaral sa mga epekto ng modernisasyon sa paggamit ng wikang Filipino ng

nasa ika-12 baitang ng Holy Infant College.

Percentage. Sa pagtukoy sa pamamahagi ng porsiyento ng profayl

ng mga kalahok, ginagamit ang sumusunod na formula (Downie & Health, 1994):

f
P= x 100
N

Kung saan:
21

P = percentage of frequency

f = frequency ng mga aytems na ibinigay

n = kabuuang bilang ng mga kalahok

Para sa antas ng kaalaman:

Porsyento Interpretasyong kwaliteytib

90%-100% May sapat na kaalaman

77%-87% May katamtamang kaalaman

50%-73% May mababang kaalaman

Upang pag-aralan ang mean score ng bawat item, ginamit ang

sumusunod na formula sa ibaba:

∑x
X=
n

Kung saan:

n = kabuuang bilang ng mga kalahok

f = frequency

x = mean na iskor ng bawat aytem

∑ = “sum of”
22

Sa gayon, ang tinutukoy na weighted mean ay binigyang kahulugan bilang:

Para sa Saloobin

Mean Range Intrepretasyong kwaliteytib

4.500-5.0 Lubos na sumasang-ayon

3.50-4.49 Sumasang-ayon

2.50-3.49 Sumasang-ayon ng kaunti

1.50-2.49 Sumasang-ayon na may pag-

aalinlanan

1.00-1.49 Hindi sumasang-ayon

References:

Jimenez. (2014, august 28). Ang Pagsabay sa uso ng wikang Filipino. Retrieved

from GMA News.com: www.gmanetwork.com/ang-pagsabay-sa-uso-ng-wikang-

filipino/story
23

Agbones. (2015, Semptember 12). Modernisasyon sa paggamit ng wika

nagbabantang tinik sa lingua franca. Retrieved from www.wordpress.com:

https://angteknolohiyaatwika.wordpress.com

Añonuevo na Komunikasyon sa Makabagong Teknolohiya August 20, 2. h.-2.-f.-

k.-s. (2015, August 20). Komunikasyon sa Makabagong Teknolohiya. Retrieved

fromhttp://filipino3bsit3-2.blogspot.com:www.filipino3bsit3-

2.blogspot.com/2015/08/wikang-filipino-komunikasyon-sa_20.html

Bathan Retrieved from www.academia.edu: Bathan November 14 (2015)

http://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipi

no_sa_pagaaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasina

n, B. N. (2015, November 14). Epekto modernisasyon ng wikang filipino sa pag-

aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan. Retrieved from

www.academia.edu/:http://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisa

syon_ng_wikang_filipino_sa_pagaaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Uniber

sidad_Ng_Pangasinan

Manibo. (2016, Semptember 23). EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA IKA-LABING ISANG

ANTAS. Retrieved from www.academia.edu:

http://www.academia.edu/31494651/EPEKTO_NG_MAKABAGONG_TEKNOLO
24

HIYA_SA_MGA_MAG-AARAL_NG_SENIOR_HIGH_SCHOOL_SA_IKA-

LABING_ISANG_ANTAS

Nocum na Ang Epekto ng Teknolohiya sa Ating Wika at Kultura Enero 13, 2. w.

(2015, Enero 13). Ang Epekto ng Teknolohiya sa Ating Wika at Kultura.

Retrieved from www.scribd.com https: https://www.scribd.com/doc/131933988

Therese, J. (2015, September 27). Makabagong Wika, Dulot ay Pagkalimot sa

Kultura. Retrieved from pagsilangngmakabagongwika.blogspot.com:

http://d1apagsilangngmakabagongwika.blogspot.com/2015/09/pagsilang-ng-

mga-makabagong-wika-dulot.html

APPENDIX A
Republika ng Pilipinas
HOLY INFANT COLLEGE
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Tacloban, City
Pebrero 2018
25

SR. LUCY MARIE 0. PARENA, RSM


Punong Guro
Holy Infant College
Lungsod, Tacloban

Mahal na Punong Guro:


Magandang araw po!
Kami po ay mga mag aral na nasa ika-11 baitang sa kursong Science Technology
Engineering and Mathematics (STEM) mula sa Holy Infant College. Kasalikuyan po kaming
gumagawanng isang pananaliksik sa pinamagatang “EPEKTO NG MODERNISASYON SA
PAGGAMIT NNG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG IKA-12 BAITANG NG HOLY
INFANT COLLEGE”.
Nais po sana naming humingi ng iyong pahintulot at pag-aproba na ang nasabing
mananaliksik ay makapagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral ng Holy Infant College na nasa
ika-12 baitang. Ang aming makakalap na impormasyon ay asahan niyo pong pananatilihin
naming konpedensiyal na gagamitin lamang naming sa pag-aaral.
Ang iyong pahintulot ay higit na makakatulong sa mga mananliksik.

MARY ROSE L. OMBROG Lubos na gumagalang:


Tagapayo Wenzie Joy A. Algo
Harold Balaga
Elaijah Y. Baya
Ira Mae S. Escorial
Federica R. Libunao
Jahzeel Marie B. Macawile
Patrick A. Po
SR. MARY GERTRUDE C. JUANCE, RSM
Senior High School Coordinator

SR. LUCY MARIE O. PARENA, RSM

Principal, Basic Education Department


APPENDIX B

Republika ng Pilipinas
26

Holy Infant College


Basic Education Department
Lungsod ng Tacloban

Mahal naming mga Respondente. Magandang Araw! Kami ay ang mga

mananaliksik mula sa ika-11 baitang nakasalukuyang nagsusulat ng isang

pamanahong papel hinggil sa “Epekto ng Modernisasyon sa Paggamit ng

Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Ika-12 Baitang ng Holy Infant College,

Tacloban City”. Kaugnay nito, gumawa kami ng mga kwestyun upang

makangalap ng mg datos na kinakailangan sa aming pananaliksik. Kung gayon,

kami po ay humihingi ng kaunting oras para sagutan ng buong tapang ang mga

sumusunod na tanong. Ang lahat ng impormasyon na ibinigay ay buong puso

naming tatanggapin. Muli, maraming salamat po!

Pangalan (Opsyunal): Petsa:

Kasarian: Lalaki: Babaye: Edad:

Tanong 5 4 3 2 1
1 Malaki ang Epekto ng
modernisasyon sa
wikang Filipino
2 May mabuting epekto
27

ang modernisasyon sa
wikang Filipino
3.Binabago ng
modernisasyon ang
paggamit ng wikang
Filipino
4.Nadadagdagan ng
bagong bokabularyo ang
wikang Filipino dahil sa
makabagong imbesyon
ng modernisasyon
5.Nadadagdagan ng
kahulugan ang ulang
salita sa wikang Filipino
dahil sa makabagong
imbesyon ng
modernisasyon.
6.Nakakalimutan ang
ilang salita ng wikang
Filipino dahil sa
modernisasyon
7.Nagbabago ang
kahulugan ng ilang salita
ng wikang Filipino dulot
ng modernisasyon.
8. Nag-iiba ang gamit ng
ilang salita sa wikang
Filipino dahil sa
modernnnisasyon
9. Pinapaikli ng
modernisasyon ang mga
salita sa wikang Filipino
10. Binubuhay ng
modernisasyon ang
wikang Filipino
11. Mas mabibigyang
pansin ang makabagong
salita kumpara sa mga
nakasanayang salita ng
wikang Filipino.
12. Ang paglipas ng
panahon ay isa din sa
mga naging dahilan sa
pag-unlad ng wika
13. Ang paggamit ng
akronim ay isang
28

epektong paraan upang


matandaan ng tao ang
mga salita.
14. Naging isang
epektibo ang pag-unlad
ng wika sa pamumuhay.
15. Nakakaapekto ang
modernisasyon sap ag-
unlad ng wikang Filipino
sa kasalukuyan.
29

TALANG PERSONAL

Pangalan: Wenzie Joy A. Algo

Kurso/Taon/Seksyon: STEM 11- Fides

Kasarian: Babae

Edad: 16

Kapanganakan: December 14, 2001

Numero: 09957960500

Relihiyon: Katoliko

Kasalukuyang Tirahan: Brgy, 99 Diit, Tacloban city

Mga Magulang: Wilzon C. Algo at Loreta A. Algo


30

Pangalan: Harold Balaga

Kurso/Taon/Seksyon: STEM 11- Fides

Kasarian: Lalaki

Edad: 16

Kapanganakan: March 9, 2001

Numero: 09955033691

Relihiyon: Katoliko

Kasalukuyang Tirahan: Tanauan, Leyte

Mga Magulang: Henry V Balaga at Rebecca U. Balaga


31

Pangalan: Elaijah Y. Baya

Kurso/Taon/Seksyon: STEM 11- Fides

Kasarian: Babae

Edad: 17

Kapanganakan: June 10, 2000

Numero: 09552518144

Relihiyon: Katoliko

Kasalukuyang Tirahan: Phase 3, Area 7 V&G Subd. Tacloban City

Mga Magulang: Renante Ricafort Baya at Delia Yangao Baya


32

Pangalan: Ira Mae S. Escorial

Kurso/Taon/Seksyon: STEM 11- Fides

Kasarian: Babae

Edad: 17

Kapanganakan: February 21, 2000

Numero: 09556553893

Relihiyon: Katoliko

Kasalukuyang Tirahan: Santa Fe, Leyte

Mga Magulang: Ismael C. Escorial at Anette S. Escorial


33

Pangalan: Federica R. Libunao

Kurso/Taon/Seksyon: STEM 11- Fides

Kasarian: Babae

Edad: 17

Kapanganakan: September 1, 2000

Numero: 09173943017

Relihiyon: Iglesia Ni Cristo

Kasalukuyang Tirahan: Lolita Homes, Guindapunan, Palo, Leyte

Mga Magulang: Adolfo E. Libunao at Rosemarie R. Libunao


34

Pangalan: Jahzeel Marie B. Macawile

Kurso/Taon/Seksyon: STEM 11- Fides

Kasarian: Babae

Edad: 17

Kapanganakan: February 19, 2000

Numero: 09062734799

Relihiyon: Katoliko

Kasalukuyang Tirahan: Sampaguita, Tacloban City

Mga Magulang: Jonet B. Macawile


35

Pangalan: Patrick A. Po

Kurso/Taon/Seksyon: STEM 11- Fides

Kasarian: Lalaki

Edad: 17

Kapanganakan: September 3, 2000

Numero: 09272954140

Relihiyon: Katoliko

Kasalukuyang Tirahan: Tanauan Bislig, Leyte

Mga Magulang: Ebert Po at Edna Po

You might also like