You are on page 1of 8

INTRODUKSYON

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pakikibilang ng isang bansa sa mundo na ang

pangunahing gampanin ng bawat bansa ay ang makaimpluwensiya o maimpluwensiyahan ng iba.

Maaaring ito ay magdulot ng positibo o negatibong epekto depende sa kontekstong pagtutuonan

ng pansin. Ang Pilipinas ay kilala sa mayaman nitong kultura at kasaysayang nasagap sa ilang

taong lumipas. Kabilang na rito ang pagiging kolonya ng bansa sa mga dayuhan na nagpatibay sa

kasalukuyang hinaharap ng bansa na globalisasyon sa ilang larangan nito, isang halimbawa na

ang wika. Sa wika sumasalamin ang kultura at kasaysayan ng isang bansa; maoobserbahan ito sa

paraan kung paano ito ginagamit o inalalahad sa iba.

Nagsilbing panimula ang pagsakop ng mga Kastila sa globalisasyon o pagkaugnay ng

Pilipinas sa mundo. Isang larangan na naaapektuhan ng globalisasyon sa bansa ay ang wikang

Filipino. Liban sa prosesong puno ng pabago-bagong napagdaanan nito hanggang sa maitalaga

bilang Wikang Pambansa, mapapansin pa rin na mayroong mga pagbabago sa wikang Filipino na

nagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika sa tulong ng mga dulot ng globalisasyon.


BALANGKAS KONSEPTUWAL

Pananaw sa
pagkakaroon Mga positibo
ng at negatibong Katibayan sa
Globalisasyon epekto sa kinauukulan
sa wikang mga Pilipino
Filipino

RASYUNAL

Sa panahon ng modernisasyon, kung saan maraming pagbabago ang mapapansin sa

anumang bagay. Wika, bilang isa sa mga naapektuhan ng globalisasyon at modernisasyon ay isa

sa pinaka mainam na suliran. Kapansin-pansin sa paraan ng pakikipagugnayan ng kabataan sa

kasalukuyang panahon ang mga pagbabagong nagaganap sa wika, tiyak ang wikang Filipino. Sa

mga kadahilanang nailahad nais ng mga mananaliksik pag tuonan ng pansin ang paksa na ito

upang mapagtanto ang kinalaman ng pagiging konektado ng bansa sa mundo.

LAYUNIN

- Matukoy ang positibo at negatibong epekto ng globalisasyon sa wikang Filipino.


- Maipapakita ang epekto ng globalisasyon sa wikang Filipino.

-Maisa-isa ang mga benepisyo sa pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa globalisasyon

sa wikang pambansa.

-Kumalap ng mga opinyon o pananaw tungkol sa paksa.

TANONG

Pangkalahatan

1. Ano ang madudulot ng globalisasyon sa wikang Filipino?

2. Ano-ano ang mga apektado sa pagusbong ng globalisasyon na mayroong kaugnayan

sa wikang Pambansa?

3. Sa paanong paraan makatitipon ng datos o impormasyon tungkol sa kaugnayan ng

wikang Filipino sa Globalisasyon?

Tiyak

1. Ano ang mga positibo at negatibong dulot ng mga kaisipang global sa wikang

Filipino?

2. Paano nakaaapekto ang Globalisasyon sa kulturang Pilipino?

3. Paano makakatulong ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa epekto ng

globalisasyon sa wikang Filipino?


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa panahon ngayon karamihan sa kabataan ay namulat sa wikang hindi natin kinagisnan. Na

kung saan, halos wala nang pagpapahalaga at pagsasabuhay sa ating wika. Naaapektuhan na rin

ang pakikisalamuha nang karamihan maging sa matatanda. Dahil dito marami ang nahihirapan sa

paggamit at pagunawa sa sariling wikang Filipino, halimbawa na lamang rito ang mga

estudyanteng nahihirapan sa asignatura at kung minsa’y nababagot sa pakikinig ng pag-aaral na

may kinalaman rito.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at

mapapakinabangan ng mga sumusunod:

Sa Kabataan. Magsisilbi itong kapaki-pakinabang sa kabataan dahil ang kabataan ang

pangunahing apektado sa mga epekto ng Globalisasyon hindi lamang sa wika pati na rin sa iba

pang larangan. Sa tulong ng pananaliksik na ito mauunawaan ng kabataan kung bakit

nagkakaroon ng mga pagbabago sa wika. Ang pakinabang na nais ipalahad ng pananaliksik na

ito ay hindi lamang nalilimita sa loob ng paaralan kung hindi para na rin sa pangaraw-araw

nilang pakikisalamuha.
Sa mga Mananaliksik. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring

makatulong sa iba pang nais gumawa ng pananaliksik patungkol din sa wika. Magsisilbi itong

kaugnay na pag-aaral para sa mga pananaliksik na saklaw ang mga epekto ng globalisasyon sa

wika.Magsisilbi ito bilang karagdagang datos para sa mga nais magsaliksik sa kaugnay na paksa.

Sa mga Dalubwika. Ito ay makatutulong sa mga taong nakatuon sa pag-aaral sa wika sa

paraang makakalap nila kung ano ang pananaw ng ibang mananaliksik patungkol sa wikang

Filipino bilang bahagi ng Globalisasyon.

Sa mga Mamamayang Pilipino. Ito ay makatutulong sa taumbayan sapagkat

naipapakita ng pananaliksik na ito ang kaganapan sa wikang Filipino na pagiging konektado sa

mundo. Sa mga ilalahad na impormasyon magsisilbi itong karagdagang kaalaman sa mg Pilipino

patungkol sa wikang kanilang ginagamit sa pang araw-araw. Mababago ang pananaw natin sa

sariling wika na hindi nalang nalilimita sa sariling bansa natin naiuugnay na rin natin sa mundo.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nais malaman ang mga epekto ng Globalisasyon sa Wikang

Filipino maging ito’y positibo man o negatibo. Nais din matukoy rito ang opinion o pananaw ng

ilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey patungkol sa nasabing paksa.

Layuning matukoy ang epekto ng globalisasyon sa mga Pilipino sa kanilang pang araw-araw na

komunikasyon. Hindi tatahakin ng pananaliksik na ito ang solusyon sa kung bakit nagkakaroon

ng pagkalimot sa sariling wika bagkus magsisilbi lamang itong gabay o paalala sa mga kapwa

nating Pilipino.
MAAASAHANG RESULTA

Sa pagpapatunay ng mga epektong dulot ng Globalisasyon sa wikang Filipino,

inaasahang magsisilbi itong paalala na hindi dahilan ang modernisasyon at globalisasyon sa

pagkalimot ng mismong sariling atin. Mapapatibay ng pananaliksik na ito ang mga katangian ng

wika na pagiging: (a)Dinamiko dahil sa mga pagbabagong naganap at nagaganap; (b) Malikhain

dahil sa mga nabubuong bagong salita kasabay ng mga pagbabago; at (c) Kaugnay ng kultura

dahil habang nagkakaroon ng epekto sa komunikasyon ng mga Pilipino ay kasabay nitong

naiimpluwensiyahan ang kultura.

KATUTURAN NG MGA TERMINO

Globalisasyon. Kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o

kaya pambansang mga gawi o paraan.

Dalubwika. Katawagan sa dalubhasa sa wika.

Wika. isang sistema ng komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar.

Wikang Pambansa. Isang wika na may ilang koneksyon kasama ang mga tao at ang teritoryo na

sakop nila.

METODOLOHIYA

Sa bahagi na ito ng pananaliksik ipapakita ang paraan ng pangangalap ng datos,

instrumenting ginamit, pagsusuri ng datos at ang presentasyon ng datos sa paraan ng

talahanayan.
PAGSUSURI NG DATOS

Sa pagsusuri na ito ilalahad ang mga naging resulta ng sinagawang sarbey ng mga

mananaliksik sa populasyon na sampung Senior Highschool sa St. Peter’s Academy-Polangui. Sa

unang katanungan

KAUGNAY NA LITERATURA

Banyaga

Ayon kay Appudarai (1990), ang globalisasyon ay nilarawan niya bilang kumplikado at

nagsasalungatan na binubuo ng limang tinatawag niyang “scapes” na ang: Ethnoscapes,

Technoscapes, Financescapes, Mediascapes, at Ideoscapes. Iniugnay ang limang “scapes” na ito

sa Communicative Language Teaching o Task-based Language Teaching (CLT/TBLT) na isang

global na pagdaloy ng mga ideya tungkol sa pag-aaral at pagtuturo ng wika kaya ito’y nasabing

isang ideoscape sapagkat ito ay nakapokus sa pagdaloy ng mga ideya.

https://www.researchgate.net/publication/31309691_The_Handbook_of_Language_and_Globali

zation

Inilahad ni Skutnabb-Kangas (1984) na isa sa epekto ng pag salakay ng wikang Ingles sa

mga mayayamang bansa ay ang pagkabuo ng diskriminasyon sa wika na mayroong kaugnayan sa

pagdedeklara ng pagaantas ng mga wika na ginagamit na pamantayan ang kahalagahang

ekonomiko ng bawat wika. Dito nabuo ang terminong “Linguicism” na nagdidikta ng pagkiling

laban sa ibang wika at ipakalat sa iba’t ibang estado na obligadong diskriminahin ang mga

wikang hindi kayang makipagsabayan sa karamihan.

https://www.academia.edu/26312944/_PDF_The_Role_of_Language_in_Globalization
Tatlo sa anim na isinaad ni Steger (2005) tungkol sa globalisasyon na (1) hindi ito

maiiwasan at malamang na mangyayari ito sa kahit sino o ano at wala nang balikan pa. (2)

Walang pasimuno sa pagkakaroon at pagkalat ng globalisasyon at mga epekto nito. Naging likas

na ang pagkakaroon ng globalisasyon dahil sa pagunlad ng komunikasyon sa mga nakalipas na

panahon. (3) Lahat ng tao ay maaaring makakuha ng benepisyo sa pagkakaroon ng globalisasyon

sa kahit ano mang parte ng buhay niya.

https://www.researchgate.net/publication/272558986_Language_and_Globalization

Lokal

Ayon kay Lumbera (2003), ang globalisasyon kung saan nabuo ang ideya na “borderless

world” ay nagsisilbi lamang panakip sa tunay na hangarin ng mga banyaga sa atin na ang

kapitalismo. Ipinangako sa atin ang Utopia kung tawagin na “mundong wala nang hangganan”

nang sa gayon isuko sa kanila ang mga yaman ng bansa. Nagsilbing tulay ang globalisasyon

upang makabuo ng makabagong paraan ng pagkaalipin sa mga Pilipino.

Sa isinagawang Summit for Social Development sa Denmark noong 1996, nagsilbi iyong

espasyong maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang magamit ang mga

negatibong bisa nito sa lipunang Pilipino.

https://www.bulatlat.com/news/3-7/3-7-wika.html

You might also like