You are on page 1of 3

ANG FILIPINO SA AKADEMYA, LITERASIYA ARALIN

AT EDUKASYON 2

Sa araling ito nasasagot ang mga gabay na tanong


1. Ano ang kalagayan ng wikang Filipino sa larangan ng akademya?
2.Gaano na nga ba kasaklaw ang gamit ng Filipino sa pilipinas?
3.Ilahad ang kaugnayan ng wika sa litersiya at edukasyon.
4. Sino sina shakekepear, dante at pushkin? anu- ano ang kanilang nagging kontribusyon sa larangan ng
wika.?
5. patunayan ang pahayag na “Filipino will serve as the language of unity of diverse, multilingual and
multicultural Filipino people,”

Duration: WEEK 6

Mga inaasahang layunin; Pagkatapos ng aralin na ito sa pamamagitan ng (new normal class) nalalaman
ng mga mag-aaral ang mga sumusunod.
ARALIN
 Natutukoy ang mga pinag daanang pangyayari /kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng
wikang pambansa
1
 Nasusuri ang mga pananaw ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng
wika

Paunang Salita

Sa araling ito mlalaman ng mga mag-aaralan ang mga sumusunod, Filipino sa akademya, literasiysa at
edukasyon, sa kaso ng Pilipinas isa sa mga dahilan kong bakit naging mabagan ang pag-usbong ng
siyensa at teknolohiya dahilan narin sa mahirap itong maintindihan sa teksto ayon kay Emerita Quinto.
Saganitong pagkakataon ay makikitanatin ang kahalagahan ng wika sa usapin ng siyensya at teknolohiya
o (ST).
ANG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG AKADEMYA

Sa Larangan ng akademya, marami nang pag-aaral ang nagpapatotoo sa mga limitasyon at problema ng
pagtuturo ng siyensya at teknolohiya
(ST) sa wikang Ingles. Ayon kay Elemita Quinto, unang-una nang dahilan ay mahirap diumanong
maintindihan agad sa wikang ito ang teksto ng mga Libro at aralin at nagiging mabagal tuloy ang
Pagpapakadalubhasa ng mga Pilipino sa mga aspetong Teoretikal at Praktikal ng siyensya at teknolohiya.
Ikalawa, nalilimita rin sa maliit na sector na marunong ng wikang ingles ang pagtatamo at pagpapa-unlad
ng aspekto ng siyensya at teknolohiya. At ikatlo, ang kahusayan ng mga dalubhasa sa st (nakakulong)
lamang sa sa silid aralan, mga laboratoryo at mga eksklusibong dyornal at ito ang dahilan kung kayat
hindin na bibigyan ng pansin ang kahalagahan ng paglalakip ng kaalalaman sa ST sa ating kultura at
pamumuhay.
Dagdag pa ni Quinton na maaaring wala pang katumbas sa Filipino ang iba’t ibang kataga sa agham at
matematika, ngunit ang pagpapaliwanag at pagpapaunawa nito ay nararapat na bigkasin sa wikang higit
na mauunawaan ng mga mag-aaral.

Kaugnayan ng wika sa Literasiya at edukasyon

Ang wika ay mahalagang iugnay sa Literasiya lalo na kung susuriin ito bilang mahalagang aspekto ng
Edukasyon. Ang Literasiya ay hindi lamang pagkatuto kundi pagkatuto sa wika upang maging kapaki-
pakinabang ang mamamayan sa Lipunan. Mahalagang bigyang-tuon ang esensiyal ng wika sa layunin ng
edukasyon para sa lahat ng (Education for all o EFA) at ng millennium development Goals (MDGS) na
pinag kasunduan ng United Nations noong 2000.

Kaalaman at pagkatuto sa pamamagitan ng sariling Wika


Isang esensiyal na kasanayan ang pagbasa at pagsulat. Nakakaalpas ang tao sa kawalang-pakialam kung
matututuhan nang maigi ang mga kasanayang ito. Ang buhay aymasasabing walang walang sustansiya
kung ang umaangkin sa buhay na ito ay hindi nakapag-aral kung paano ang wasto at epektibong pagbasa
at pagsulat. Ayon nga sa pananaw ni Philip Bartle (salin ni myla Burke 2008) sa pusisyunal o basikong
kaalaman sa pagbasa at pagsulat, sinabi niya: ang kahulugan ng pag-aaral ng pagbasa at pagsulat ay ang
pag-aaral kung paano kilalanin ang nakatiktik, paano partisan ito, at paano iugnay ito sa mga salita at
pahayag na ating binibigkas at narinig.

Ang wika upang matamo ang karunungan


Sa bisa ng wika, patuloy na bumubukal ang karunungang panlipunan. Sa kaso ng Pilipinas, iba’t-iba ang
pananaw ng mga tao tungkol sa karunungang panlipunan. Sinasabi na nakabatay raw ito sa wikang
ginagamit at ang uring kanyang kinabibilangan.

Sabi nga ni J.V. Stalin (Salin ni Mario Miclat 1995): Hindi maaaring magkaroon ng wikang magka-uri. ang
wika ay panlahat at sa buong komunidad.
Napakalaki ang ugnayan nito sa sinabi ng alagad ng sining na si Virgillo Almario (2004) na: walng
imperyor o superior na wika sapagkat bawat wika ay may sistema upang tupdin ang pangangailangan ng
gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin ang buhayat interes ng gumagamit nito.

Sina Shakerspear, dante, pushkin at Malherbe ay mga tao ng kinilala dahil sa kanilang ambag upang
mapalakas ang kanilang wikang sinasalita. Naniniwala ako na noong una’y ordinaryong maga tao lamang
sila at kundi dahil sa kanilang gnanampanan ay hindi sila kikilalanin.

You might also like