You are on page 1of 2

ARALIN

ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA 5

Sa kasaysayan ng Pilipinas ay pormal na nagkaroon ng banggit hinggil sa wikang Pambansa sa saligang


batas ng biak na bato noong 1897. Dito ay nakasaad na ang wikang tagalog ang magiging opisyal na wika
ng pamahalaang rebulosyonaryo. Dapat nating isalang-anlang na may pagkakaiba ang isang pambansang
wika at opisyal na wika.
Ang opisyal na wika ay ang wikang ginagamit sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. Samantala
ang wikang Pambansa ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
mamamayan. Ang wikang opisyal ay limitado lamang sa mga taong nakakaunawa nito katulad ng wikang
latin na siyang opisyal na wika ng simbahang katoliko. Subalit maari rin naman ang isang opisyal na wika
ay magng pambansang wika.

Ang buhay nang unang Republika ay hindi nagtagal dahil sa pagdating ng bagong mananakop-ang mga
amerikano. Dito ay sapilitan nilang ipinagamit ang isang wikang banyaga sa mga katutubo na
nakakanlong sa itinayo nilang public school system na pinangunahan ng mga Thomasites na siyang
unang nagging tagapagturo ng mga Pilipino. Sa ilalim ng pamumuno ng ng mga Ameikano ay ipinag-utos
nila sa bisa ng Batas Blg. 74 sa pamamagitan ng Philippine Commission nag awing opisyal na wikang
panturo ang wikang Ingles sa mag paaralan noong 1901. Subalit makalipas ang dalwampu’t limang taon
(25) ay napatunayan ng mga Amerkano mula sa kaning pag-aaral na tianatawag na Monroe Educational
Survey Commission na hindi nagging matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang
Ingles sa kanilang pag-aaral.
Noong 1931 ipinag utos ng kalihim ng Republic Instruction na wikang bernakular nalamang ang
gagamitin bilang wikang panturo sa elementarya simula sa taong-aralan 1939- 1933 sa bisa ng Batas Blg.
577. Ang pangyayaring ito ang nagging dahilan ng pagkakaroon ng hugis ng wikang Pambansa.

Sa artikulo 14 , Seksyon 3 ng saligang Batas ng 1935 ay pormal na intasan ang konggreso na


magsasagawa ng kauku;ang hakbang hinggil sa pagkakaroon ng wikang Pambansa na ibabatay sa umiiral
na wika sa Pilipinas. Ito ang nagbigay hugis sa pagkatatag ng Surian ng Wikang Pambansana ngayon ay
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 187. Nagging possible ito sa
pamamagitan ng pagsisikap nina Eulogio Amang Rodriquez at Norberto Romualdez, mga dating dating
miyembro ng Asembleya.
Kasunod ng naturing pangyayari ang pagkakahirang ni dating pangulang Manuel L. Quezon ng lupon ng
ng mga eksperto na nagsagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng wikang Pambansa noong Enero
12,1937. Bawat kasapi ng lupon ay kumakatawan sa walong pangunahing rehiyon ng bans ana
nagsasalita ng walong pangunahing wika, at ito ay matatagpuan sa ibaba.

1. Jaime C. De Veyra Waray Tagapangulo


2. Cecilio Lopez Tagalog Kalihim
3. Casimiro Perfecto Bikolano Kagawad
4. Santiago Fonacier Ilocano Kagawad
5. Felimon Sotto Cebuano Kagawad
6. Felix Salas Rodriquez Hiligaynon Kagawad
7. Hadji Buttu Muslim Kagawad
8. Zoilo Hilario Kapampangan Kagawad
9. Jose Zulueta Pangasinense Kagawad

MGA PAMANTAYAN SA GINAMIT NA PAGKAKAHIRANG


NG WIKANG PAMBANSA

1. Wika ng ginagamit sa sentro ng kalakalan.


2. Wika na may pinakamaunlad na balangkas
3. Wikang ginagamit sa pinakadakilang panitikan ng lahi.
4. Wikang madaling matutunan.
5. Maraming salita na may pinakamalapit na kahawig sa iba pang wika sa mundo.

You might also like