You are on page 1of 4

Ang Edukasyong Bilinggwal sa Sta.

Teresa (QC), La Salle (TAFT), Ateneo de Manila at


Assumption (Antipolo)

Edukasyong Bilinggwal epektibo nga ba? Kung ikaw ay tatanungin nararapat bang ito ay
ipatupad ditto sa ating bansa? O di kaya’y mahalaga ba ito tungo sa pagtuturo sa kurikulum ng
Filipino sa batayang edukasyon? Itinuturo satin ang kurikulum sa Filipino sa batayang
edukasyon bilang isang sabjek o aralin na bahagi ng kurikulum sa elementarya at sekundarya.
Ayon kay Aprilyn Fabian, gagamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o
aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal noong 1974 at 1986. Kung susumain kinakailangang
matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling kakayahan upang magamit ito sa
pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito sa pagkatuto ng
Ingles na pangalawang wika ng mga mag-aaral. Sa sinabi naman Sibayan (1987) na ang isang tao
ay kailangang may sapat na kaalaman sa wikang ginagamit sa pamahalaan, administrasyon,
hukumanm agham at teknolohiya, negosyo at industriya, media at iba pang larangan. Sa
sitwasyon ng Pilipinas, kailangan maging mahusay sa Filipino at Ingles ang mga mag-aaral.
Ngunit lingid sa kaalaman ng iba kabaliktaran ang sinasabing kakayahang magamit ang wikang
Filipino sa pagkatuto ng mga sabjek at mahusay na paggamit ng wikang pambansa.

Sa sanaysay na ‘Ang Edukasyong Bilinggwal sa Sta. Teresa (QC), La Salle (TAFT), Ateneo
de Manila at Assumption (Antipolo)’. Ipinapakita sa sanaysay na ito kung paano pilit na
winawaksi ang wikang Filipino at papalitan ng wikang Ingles sa pagtuturo. Sa mababang
paaralan ng Sta. Teresa, La Salle at Ateneo de Manila, gayundin ang Assumption (Antipolo), sila
ang mga paaralang sumubok na ipatupad ang paggamit ng dalawang wika (Filipino at Ingles)
bilang panturo at naglalayong luminang ang kamalayang panlipunan sa mag-aaral. Sa Sta.Teresa
ang edukasyong bilinggwal ay kaugnay ng kanilang Social Orientation Program na tumutungo sa
pagpapaunlad ng katayuang panlipunan ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
edukasyon. Sa kasanayan sa wikang Filipino at Ingles ay nagsisilbing daan ng
pakikipagtalastasan sa nakararaming mamamayan. Kaya ayon kay Atanacio (1975), sa ganitong
paraan sila ay magiging mabisang kasangkapan sa pagbabago ng lipunan. Kaya naman ang
paggamit ng Filipino sa antas ng prep hanggang sa ikalawang baitang ang lahat ng asignatura ay
gagamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo malibang sa asignaturang Ingles. Hanggang s
apagtaas ng baitiang ay unti-unti ring nadadagdagan ang mga piling asignatura na kailangan
ang dalawang wika. Subalit sa Unibersidad ng La Salle ay iba ang nangyari, hindi naging balansi
ang paggamit ng dalawang wika. Ito ay tinawag na dual medium ni Mackey, ang paggamit ng
dalawang wika sa mga piling asignatura. NAgpapakita ito ng kakulangan sa katatasan sa
pagsasalita ng wikang Filipino at kawalan ng kakayahang makapagbasa ng mga panitikang
Pilipino ang mga mag-aaral. Mas nangibabaw ang paggamit ng wikang Ingles sa pakikipag-usap
at ang wikang ginagamit sa pagtuturo. Anng suliraning hinaharap na sila’y edukado sa isang
dayuhang wika at mang-mang sa sariling wika. Diba’t makapalaking suliranin kung ito ay
mapapanatili sa hinarapan. Mabuti na lamang ay napag-isipan ng mabuti na bigyan pansin an
gating wikang pambansa. Iligay sa tamang lagayan ang banyaga at ang sariling atin na hindi
mawawalang bahala ang ating sariling wika. Iba naman ang nagaganap sa kolehiyo ng Ateneo,
ang layunin ng paaralan ay ang humubog ng mga mag-aaral na maging pinuno ng bayan.
Maganda ang layuning ginawa ng unibersidad upang may mga kabataan tayong mahusay sa
pamumuno n gating bansa. Subalit nabigo ang bilinggwalismo na ipinatupad, bakit? Nagging
kapansin-pansin ang kahinaan ng mga nagtapos ditto sa pakikipagkuminikasyon sa karamihan
sa kadahilanang iba ang nakasanayang wika na ginagamit. Halimbawa ang halalan na naganap
sa Ateneo, matalino, magaling, masarap pakinggan, nakakaakit ang mga wikang Ingles na
sinasabi noong nangongompanya pa ang mga kandidato. Ngunit sa kabilang dako ang
kandidatong wikang Filipino ang ginamit sa kaniyang pangongompanya ang nanalo. Diba mas
nanaig parin sa mga mag-aaral ang wikang Filipino kahit na napagsabayan ng wikang banyaga.
Mas naiintindihan ng makararami ang ating wikang pambansa kaysa sa nakakaakit na wikang
Ingles. Hindi ba’t iba-iba ang layunin ng tatlong Unibersidad na ito, ngunit pansinin na sa
kanilang mga layuning nabuo nahihirapan an gating wikang pambansa na lumugar sa tunay na
kalalagyan. Isa sa mga may magandang hangarin tungo sa mabuting paggamit ng bilinggwal na
edukasyon ay sa Assumption. Ang edukasyong bilinggwal ay naglalayong makapukaw sa mga
mag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng ating wikang pambansa mapasalita man o maging
opisyal na panturo sa nakalaang sabjek. Ang paggamit sa wikang Filipino ay makakatulong
upang mahasa ang ating pananalita at kaalaman sa wikang ito, pati narin ang pagkakaunawaan
sa kanilang kababayan. Samantalang ang wikang Ingles ay gagamitin lamang upang makipag-
usap sa mga dayuhan o di kaya’y sa mga asignaturang kinakailangan ng wikang ito. Katulad ditto
sa Pilipinas, sa mga batas na nakatulong upang paunlarin ang kurikulum ng Filipino sa Batayang
Edukasyon ay Executive order no. 134 kung saan iprinoklama ang “Tagalog” bilang national na
lenngwahe ng Pilipinas. Ayon kay Paz M. Belvez NCCA, “tatlong taon ang lumipas sa pag
proklama ng Tagalog bilang national na lenggwahe nang Pilipinas ay itinuro agad ito sa mga
mag-aaral na kumukuha nang mga kursong edukasyon sa elementarya at sekondarya sa buong
Pilipinas.” Lumipas din ang maraming taon ang Pilipino ay pinalitan ng Filipino at ito na ang
naging opisyal na pangalan ng wika. Ang filipino ay naging opisyal na medyum nang
kumunikasyon. Malaki ang ambag nang pagpapatupad nang batas na iyon sa kurikulum ng
Filipino sa Batayang Edukasyon dahil makaka pokus lamang ang kurikulum na ito sa pag
papalago ng wikang Filipino at pag-bibigay dito nang higit na kahalagahan sa pagtuturo kesa sa
ibang lenggwahe. Sa panukalang ito, nagpapahiwatig na mas nanaig ang ating wikang
pambansa kaysa sa wikang banyaga. At ito ay nagwagi hindi lang sa Metro Manila kundi pati
narin sa buong Pilipinas. Nagagamit natin ng mas madali ang wikang Filipino dahil naiintindihan
natin ito. Mabuti na lamang at may mga taong nanaig ang pagiging Pilipino ay napagdesisyonan
na wikang Filipino ang piliin bilang opisyal na lenggwahe ng Pilipinas. At hindi sila natalo, dahil
alam nilang ang wikang ito ay para sa atin mga Pilipino.
Ang Edukasyong Bilinggwal sa Sta. Teresa (QC), La Salle (TAFT), Ateneo de Manila at
Assumption (Antipolo) ay masasabi kong may kaugnayan sa kurikulum ng filipino sa batayang
edukasyon dahil naging daan ang pag-aaral na iyon sa kanilang paaralan upang malaman kung
nararapat bang ipagpatuloy ang paggamit ng dalawang lenggwahe sa kanilang pag-aaral.
Naipapakita ang epekto kung nagging maganda ba o hindi ang pagpapatupad ng bilinggwal na
edukasyon sa bawat paaralan. Nais ko lamang ipabatid na lahat nang pag-aaral na hinggil sa
pagtuturo ng Filipino ay may kaugnayan sa kurikulum dahil dito malalaman kung ano ang
tamang pagtuturo na gagawin sa mga kabataan at magiging guro. Sa paggamit ng dalawang
wika sa tamang asignatura upang mapanatili ang magandang epekto ng bilimggwalismo. Dahil
sa kasalukuyan, nakikita ko naman na ang paggamit ng dalawang wika ay napapatupad lalo na
sa unibersidad ng Urios. Ginagamit ang wikang Filipino sa mga asignaturang konektado sa wika
at wikang Ingles sa mga asignaturang agham, matematika o Ingles mismo. Meroon lang mga
panahong mas nangingibaw sa mga studyanteng mas sanay sa magkaibang wika. Ngunit para sa
akin ang pagiging bilinggwal natin ay nakakatulong sa atin upang maging matagumpay sa iba’t
ibang aspekto ng buhay. Kagaya ng pakikipagtalastasan sa ibang tao na iba ang lenggwahe.
NAwa’y sa talakayang ito natuto kayo na ang mabisang paggamit ng dalawang wika ay siyang
magpapaunlad di lamang sa atin mga mag-aaral o mga Pilipino ngunit patui narin sa ating
bansa.

Mga Sanggunian:

 Aprilyn F.n.d. Ang kurikulum sa filipino batayan ng pagtuturo sa sekondari 2 (1).


Academia

https://www.academia.edu/35849570/Ang_kurikulum_sa_filipino_batayan_ng_pagtuturo_sa_s
ekondari_2_1_
 Grasya H.2015. Baylingwalismo.Slideshare.net

https://www.slideshare.net/GrasyaHilario/baylingwalismo

 Paz B.nd. Development of Filipino, The National Language of the Philippines.NCCA

http://gwhs-stg02.i.gov.ph/~s2govnccaph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/development-of-filipino-the-national-language-of-
the-philippines/

You might also like