You are on page 1of 11

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Kolehiyo ng Artes at Literatura


Kagawaran ng Filipinolohiya
Sta. Mesa, Manila

Paggamit ng Wikang Filipino sa larangan ng Agham


Abstrak
• Tatalakayin ng pananaliksik na ito ang mga epekto ng paggamit ng
wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham. Sa tulong ng mga nakalap na
datos at pag aaral nalaman ng mga mananaliksik ang ibat ibang
limitasyon sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham.
Inilahad din ng mga pananaliksik ang panig ng Gobyerno at
Kagawaran sa usaping ito at kung ano ang mas malaking epekto nito
sa ating bayan.

• Mga Susing Salita


Wikang Filipino, Agham, Institusyon at Kagawaran, Siyentipikong
termino
Introduksyon

• Ang edukasyon ay mahalaga para sa bawat Pilipinong mag-aaral. Ang


bawat kaalaman at impormasyon na ibinibahagi sa kanila ay mahalaga
dahil ito ay kanilang magagamit sa pang araw-araw na takbo ng buhay
kung kaya dapat ito ay kanilang nauunawaan. Lubos kayang
naiintindihan ng mga Pilipinong mag-aaral ang kahalagahan ng
kanilang mga talakayan sa paaralan particular na sa asignaturang
Agham? Nahihirapan kaya ang mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang
Ingles sa pagkatuto sa asignaturang ito?
• Maraming artikulo ang pananaliksik na ito na naglalayon maging susi
upang mas maintindihan ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa
pagkatuto sa larangan ng Agham. Kasabay nito may mga artikulo at
komento na mula sa iba't - ibang dalubguro na may kasanayan at
kakayahan na magbigay ng komento sa nasabing usapin at kung dapat
ba na Wikang Ingles ang gamitin at hindi ang sariling wika bilang
midyum sa pagkatuto sa asignaturang Agham.

• Hanggang sa kasalukuyan, maraming hindi pabor sa pagkakaroon ng


Wikang Pambansa dahil nagdudulot daw ito ng panganib na tuluyan
nang burahin ang mga etnolingwistikong kaakuhan o identidad, kung
kaya’t mas pabor ang mga Aktibistang Rehiyonalista na gamitin ang
wikang Ingles para magkaintindihan.
Metodo
• Ang ginamit na disenyo ng pananaliksik para sa pag-aaral na ito ay
kwalitatibong pananaliksik. Ang kwalitatibong pananaliksik ay
kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay
maunawaan ang problema at ang mga paliwanag sa mga posibleng
kasagutan sa mga problema na nakikita.
Resulta
• Sa isinagawang obserbasyon sa pagtalakay ng akda ni (Demetrio,
2019) na "Ang Mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein :
Isang Pagsusuri sa kagandahan ng Wikang Filipino sa pagtalakay
sa mga Paksa ng makabagong Agham." na nagsagawa ng pag aaral
kung saan isinalin niya ang pagtuturo ng Agham sa Wikang Ingles
patungo sa Wikang Filipino na nagdulot ng mas magaan na
paguunawa para sa mag aaral.
• Sa kahandaan naman ng ating Gobyerno at mga Kagawaran na may
kaugnayan sa pananaliksik na ito, ayon sa nakalap na mga datos hindi
pa handa ang Gobyerno at mga Kagawaran, ngunit patuloy ang iilang
Guro at mga manunulat sa paggawa ng mga artikulo at pananaliksik.
may ilang mga Guro na nagsisimula nang gamitin bilang panturo ang
Wikang Filipino sa Agham at batay sa kanilang obserbasyon mas
nakakasabay ang mga mag aaral sa paggamit nito.

• Nalaman din na may mga limitasyon sa paggamit nito ngunit hindi ito
magiging balakid dahil sa pagkakaroon ng "pagsasalin" dahil ang
wikang Filipino ay tumatawid sa lahat ng disiplina at larangan.
• Sa kabuuan ng aming pananaliksik, matagal ng handa ang Wikang
Filipino na tugunan ang kanyang titulo bilang Wikang Pambansa
na tiyak na mas magbibigay ng pagkakakilanlan at pag uunawaan
nating mga Pilipino sa lahat ng larangan upang tumugon at maging
susi sa iba't ibang problema ng ating bayan.
Konklusyon
• Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa at pagtagos nito sa lahat ng
larangan at disipilina partikular na ang epekto nito sa paggamit
bilang pagtuturo sa Agham ang kahalagahan ng pananaliksik na ito.
Nagbigay daan lahat ng epektong nalaman at naibahagi sa
pananaliksik na ito kung gaano mas mapapaunlad ang Wikang
Pambansa.

• Napatunayan na magkakaroon ng mas pinabilis na pagkatuto ang


mga mag aaral na makakatulong upang mas mapa unlad ang Wikang
Pambansa.
• Nakalap din ng mga mananaliksik ang mga batayan at dahilan kung
bakit hindi pa handa ang kasalukuyang Gobyerno at mga Institusyon
partikular na ang Kagawaran ng Edukasyon patungkol sa paggamit
ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham.

• Nalaman ng mga mananaliksik na kapag wikang Filipino na ang


ginagamit natin sa lahat ng larangan at disipilina partikular na sa
pagtuturo ng Agham hindi lamang tatatag ang pang-agham na
kaalaman at kahusayan ng ating mga mag-aaral, sa tulong nito mas
uunlad at lalakas ang kakayahan at kapangayarihan ng ating Wikang
Pambansa.
Rekomendasyon
• Patuloy na mag - isip at gumawa ng mga teorya at pananaliksik na
tumatalakay sa bukal na problema ng masa at kung paano ito
matutugunan upang sila ay umunlad. Huwag magsawang magturo at
magmulat hanggang sa malaman ng lahat ang totoong kahalagahan at
kung anong adbokasiya mayroon ang paggamit at pag papaunlad ng
ating Wikang Pambansa. Maging kritikal sa pag aaral ng mga
pananaliksik partikular na ang may mga kaugnayan sa paglinang ng
ating Wikang Pambansa na magsisilbing susi sa pagtupad ng ating
mga hangarin na magkaroon ng mas nagkakaintindihang
komunikasyon para sa masa.

You might also like