You are on page 1of 56

Kabanata I

Ang Suliranin at ang Sanlingan ng Pag-aaral

Panimula

Ang wikang Filipino ay isa sa mga sumasalamin sa ating bansa, ito ay isa sa

pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas. Ang wikang Filipino ay isa sa mga sangkap upang

ang bansang Pilipinas ay umunlad. Ayon kay Clemente Bautista (2016), Ang wikang

pambansa ay susi sa pagbubuklod ng mga miyembro ng lipunan dahil ang kultura,

kaugalian at tradisyon ng bansa ay higit na nakaugat sa mga salita at pagpapahayag kasama

ang ating wika. At ang diwa ng paksa ay naipapahayag sa wika. Ang wikang Filipino ay

isang instrumento upang maipabatid ang ating mga saloobin, ito ay ginagamit natin sa

pakikipag-ugnayan sa loob ng pamayanan at ng ating bansa. Maipapakita natin ang

pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika sa pamamagitan ng paggunita ng

buwan ng wika at higit sa lahat ay ang lalong pag-papaunlad nito. Tandaan natin na ang

pagkakaroon ng sariling wika ay isa sa pinakamatibay na buklod na bumibigkis sa mithiin,

pangarap at pagkakaisa ng mamayang pilipino.

Ayon kay Desiree Reyno (2018), "Makapangyarihan ang wasto at mabuting

paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag

na pagkakakilanlan." Ngunit sa kabila nito, nag labas ang CHED ng memorandum order

no. 20 series of 2013, na may titulong "General education curriculum: Holistic

understanding, Intellectual and civic competencies", na nagsasaad na alisin ang mga minor

subjects sa kurikulum ng kolehiyo sa taong 2016, upang magbigay daan sa pagpapaigting

ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga major o teknikal na kurso na may kaugnay sa agham

1
at teknolohiya, na siyang namang naging dahilan sa pagpapatanggal ng Filipino, English,

Math, General Psychology at Economics.

Dahil dito maraming tanong ang naglalaro sa isipan ng mga mananaliksik. Kabilang

na dito ang mga tanong na isinisigaw ng mga guro't mag-aaral. Sapat na ba ang mga

kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa asignaturang Filipino? Tama ba na tanggalin ng

pamahalaan ang asignaturang Filipino kahit na marami ang maaapektuhan at mawawalan

ng trabaho? Nakasisigurado ba ang pamahalaan na hindi mababaon sa limot ang ating

sariling wika? Ito ang naging dahilan ng mga mananaliksik na gawing paksa ang pagalam

sa pananaw ng mga guro at mag-aaral sa epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pag-alam ng pananaw ng mga

respondente patungkol epekto ng pagpapatangal sa nasabing asignatura.

Layunin ng mga mananaliksik na maisapubliko ang pananaw ng mga guro at mag-

aaral kung ano ba ang mga epektong sa tingin nila ay kanilang mararanasan kapag

ipinatupad ang nasabing batas. Nais din ipahayag ng mga mananaliksik ang saloobin ng

mga guro at respondente sa isyung ito. Malaki ang maitutulong ng pag-alam sa kung ano

ang tingin nilang magiging epekto sa mga guro at mag-aaral sa pagpapatanggal ng

asignaturang Filipino sapagkat sila ang unang maaapektuhan dito.

Naway maging matagumpay ang pag-aaral na ito at magbunga ng maganda ang

pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga mananaliksik na makamit ang kanilang minimithing

hangarin para sa mga guro, mag-aaral at para sa sariling wika.

2
Paglalahad ng Suliranin

May mangilang-ngilang mga problema ang natalakay ng mga mananaliksik mula

sa paksa ng kanilang pananaliksik. Ang pangunahing suliranin ay ang pag-alam ng

pananaw ng mga guro at mag-aaral patungkol sa epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo.

Ang mga suliraning nakikita ng mga mananaliksik na may kinalaman sa pag-aaral

na ito ay ang mga sumusunod:

1. Sang-ayon ba ang mga guro at mag-aaral ng Our Lady of Fatima University sa

pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo? Bakit?

2. Ano ang salik na sa tingin ng mga respondente ay ang dahilan kung bakit

ipapatanggal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?

3. Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa edukasyon?

4. Ano ang positibong epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa

edukasyon?

5. Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kultura at wika

ng Pilipinas?

6. Sapat na nga ba talaga ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang Filipino upang

tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?

7. Ano-ano ang iba't-ibang demograpikong propayl ng mga mag-aaral at guro sa

Our Lady of Fatima University na maaaring sumailalim sa pagbabago ng sistema kung

tatanggalin ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo?

3
1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Asignaturang tinuturo

1.4 Bilang ng taon ng pagtuturo

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na isinasagawa ng mga mananaliksik

ay matukoy at malaman ang maaaring maging epekto at pananaw ng mga guro at mag-

aaral sa nasabing pagpapatanggal ng asignaturang Filipino.

Ang ilan pang mga layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Mababatid ang pananaw ng mga guro ng iba't-ibang asignatura at mag-aaral

kung sang-ayon ba sila sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

2. Malaman ang salik na sa tingin ng mga guro at mag-aaral ay dahilan kung bakit

ipapatanggal ang asignaturang Filipino,

3. Matukoy kung ano ang mga magiging epekto ng pagpapatanggal ng

asignaturang Filipino sa edukasyon.

4. Matukoy kung ano ang mga magiging epekto ng pagpapatanggal ng

asignaturang Filipino sa kultura at wika ng Pilipinas.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na isinasagawa ay

makakapagbigay ng impormasyong makatutulong sa mga taong nasasaklaw ng pag-aaral

na ito. Hinahangad ng mga mananaliksik na mabatid ang mga maaaring epekto sa nasabing

isyu. Gayun pa man, maaari itong maging saligan ng mga kinauukulan upang maunawaan

ng husto ang maaaring epekto ng pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

4
Ang mga tiyak na kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Mabigyan ng tamang impormasyon ang mga mag-aaral at guro ng Our Lady of

Fatima University patungkol sa mga maaaring epekto ng pagtanggal ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo.

2. Makapagbigay ng istatiskong ulat tungkol sa kung ano ang pulso ng mga guro sa

Our Lady of Fatima University patungkol sa epekto ng pagtanggal ng asignaturang Filipino

sa kolehiyo.

Paradigma

Sa pag-aaral na ito, ipinapakita ng figura 1 ang kadahilanan ng pagkakaroon ng

magkakaibang epekto ng pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sa guro sa iba’t

ibang asignatura.

INPUT PROSESO AWTPUT

1. Sang-ayon ka ba
sa pagpapatanggal
ng asignaturang 1. Maaari rin itong
Filipino sa maging daan upang
kolehiyo? maipabatid ang mga
2. Ano ang mga hinaing ng mga guro
salik na sa tingin ng 1. Pagsasagawa ng ukol sa batas na ito.
mga guro at mag- surbey 2. Maaaring maka
aaral ay ang dahilan 2. Pag konsulta sa pag bigay linaw sa
kung bakit mga guro sa iba’t gobyerno na ang
tatanggalin ang ibang asignatura wikang Filipino ay
Filipino sa 3. Paggamit ng isa sa mga yaman ng
kolehiyo? Internet. bansang Pilipinas at
3. Ano ang epekto ito'y hindi nararapat
ng pagpapatanggal na tanggalin sa
ng asignaturang kolehiyo.
Saklaw at Delimitasyon
Filipino sa
edukasyon at kultura
ng Pilipinas?

5
Ang pag-aaral sa pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay sumasaklaw ng ilang

mga indibidwal na siyang magiging taga-tugon sa survey questionnaire sa pamamagitan

ng convenience sampling. Kumuha ang mga mananaliksik ng 20 repondenteng gurong

nagtuturo sa Senior High School at 30 respondenteng mga mag-aaral sa ika-labindalawang

baitang mula sa Our Lady of Fatima University.

Ang unang mga respondente ay mag mumula sa mga guro ng iba't-ibang asignatura

tulad ng English, Science, Math at iba pa. Ang susunod na lupon ay mag mang-gagaling sa

mga mag-aaral sa senior high school na nag aaral sa OLFU.

Depinisyon ng Terminolohiyang Ginamit

 Demograpikong porpayl - Personal na impormasyon ng mga respondente.

 Istatistikong ulat - Pagbibigay ng tamang impormasyon sa paraang istatistiko.

 Survey Questionnaire - Tala ng mga katanungan na pasasagutan sa mga

repondente.

 Interview - Isang prosesong pagkuha ng impormasyon sa isang tao sa

pamamagitan ng harapang pagtatanong.

 Respondente - Tao na siyang tutugon sa katanungan ng servey, at siyang sentro

ng pananaliksik.

6
Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura

Lokal na Literatura

Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng

elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon

noong 1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at

pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito

ngayon ang tinatawag nating asignaturang Filipino. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang

paggamit ng ating wika at mga literaturang itinuturing nating kayamanan. Ayon kay

Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig,

pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino. Sumasalamin ang asignaturang

Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa.

Ayon naman kay Tipones (2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip

ng mga kabataang Pilipino. Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang

edukasyon sa kultura, tradisyon, kasaysayan, at lalo na sa wika ng Pilipinas. Ang pag-aaral

ng Filipino ay pag-aaral rin ng pagiging Pilipino. Pilipino tayo kaya’t nararapat lamang na

mas maging maigi ang pag-aaral natin sa sarili natin at iyan ang wikang Filipino. Ang pag-

aaral ng Filipino ay simula upang mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. Ang

asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangan sa paaralan,

ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating wika.

Ayon kay Dabu (2014), bagama’t araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa

tahanan man o sa kalsada, maraming mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito. Marami pa

7
ring mga Pilipino ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit ng mga salita. Dahil sa

pamamagitan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat mag-aaral

tungkol sa tamang paggamit ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang wika.

Dahil ayon kay Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino ay di lamang isang

simbolo ng ating pagiging bansa." Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino,

ito na rin ang pagkilala natin na nabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang ating

pangangailangan upang mahubog ang bawat isa tungo sa iisang sistema ng edukasyon.

Ngunit dahil na rin sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa, dumarami ang mga

asignaturang kinakailangan ng mga mag-aaral upang makasabay tayo sa sistema ng

edukasyon sa iba’t ibang mga bansang mas maunlad sa atin. Lalo na sa kolehiyo, kung saan

nakadepende ang mga asignatura ng mag-aaral base sa kanilang nais na propesyong

kuhanin. Tunay ngang mahirap pagsabay-sabayin ang mga requirements sa iba’t ibang

asignatura. Kaya naman may ilang mga estudyante ng kolehiyo na hindi na prayoridad ang

mga asignaturang wala namang kinalaman sa kanilang kurso. Tulad ng ilang mga kurso sa

business, medicine, engineering at iba pa, itinuturing lamang na minor subject ang

asignaturang Filipino.

Kaya naman sa taong 2018 ay ipapatupad na ang CHED Memorandum no. 20,

series of 2013 o ang pagrerebisa sa sistema ng edukasyon kapag nakatungtong na sa

kolehiyo ang mga nakapagtapos ng Grade 12, o ang unang batch ng Senior High sa bansa.

Ito ay inilabas noong Hunyo 28, 2013 na naglalayong tanggalin ang asignaturang Filipino

sa kolehiyo at ilipat na lamang ito sa Senior High School. Ang batas na ito ay may layuning

paunlarin ang mga kabataan sa kanilang napiling larangan at upang maging mga

mahuhusay ding mga indibidwal na pinahahalagahan ang kanilang mga kaalaman, maging

8
bukas dahil dito, at upang maging mas makabuluhan ang kanilang tungkulin sa bansa at sa

mas malawak pang komunidad (Cariga at Giongco, 2014).

Ayon sa Commission on Higher Education, ang pangunahing layunin ng CHED

Memorandum no. 20 series of 2013 ay ang sumusunod:

“General education thus lays the groundwork for the development of a

professionally competent, human and moral person. It also prepares the Filipino for the

demands of 21st century life and the requisite abilities to anticipate and adapt to swiftly

changing situation, to think innovatively and create solutions to problems. General

education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the

world, take part in and hopefully assert her/his identity and sense of community and

nationhood amid the forces of globalization.”

Sinasabi rito na dahil nga patuloy na umuunlad ang ating mundo, marapat lang na

paunlarin din natin ang sistema sa ating bansa, lalo na sa edukasyon. Dahil dito

matutulungan ang mga Pilipino makipagsabayan sa agos ng ating makabagong henerasyon.

Mapagtutuunan ng maraming oras ang mga asignaturang kailangan ng mga mag-aaral ayon

sa kanilang nais na propesyon. Ibig sabihin ay mas lalawak ang kanilang kaalaman

patungkol sa kanilang larangan.

Ayon kay Tabora (2013), ang General Education ay hindi lamang tungkol sa

edukasyon ngunit ukol din sa buhay na mayroon tayo ngayon. Makatutulong ito sa

pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga propesyonal at mga lider balang-

araw.

9
Ngunit ayon muli kay Tasic (2016), paano na maaalala ng mga kabataan ang

paggamit sa sariling wika natin kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin? Paano natin

mapapaunlad ang sariling bayan natin kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling

atin? Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili.

Repleksyon ng ating mga Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain

bagkus ay mas pahalagahan natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw

na komunikasyon sa bawat isa. At komunikasyon na daan sa tagumpay ng bawat Pilipino.

Ayon kay Papo N. (2000), ang pagpapahalaga at pagpapaunlad sa wikang Filipino

ay makakamtan sa pamamagitan ng paniniwala, paggamit at paglinang nito bilang wika ng

pakikipagtalastasan at wika na ginagamit sa pagtuturo. Isa sa pinakamahalagang salik ng

pagpapaunlad ng wika ay ang pagtuturo nito. Sa kolehiyo, itinuturo ang panitikan at

literatura na sumasalamin sa ating kultura at kinagisnang meron tayo. Hindi sapat ang

paggamit ng wikang Filipino sa ating pang araw-araw na pakikipagtalastasan o gawain

upang mapaunlad ang ating sariling wika. Kailangan nating itong ituro, mula sa gramatika,

panitikan at literatura upang ating mas maintindihan at mapalalim natin ang ating kaalaman

sa likod ng wikang ito. Mas maisasapuso at mas mapahahalagahan natin ang ating sariling

wika kapag ating maisisiwalat ng husto ang pinagmulan nito.

Ayon kay Enriquez (2001), "Ang wika ay isa sa pinakamahalagang kasangkapan

sa pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapwa." Kagaya nalang ng kultura, ang wika ay

nagsisilbing isa sa kultura natin bilang mga Pilipino. Kung kaya't ito'y mahalaga dahil kung

mawawalan o tatanggalin ang ating wika ay para narin tayong tinanggalan ng ating sariling

kultura at pagkakakilanlan.

10
Ayon kay Santos B. (2003), ang wika ay hindi nilikha gawa lamang ng mga taong

nag-aaral dito. Ito'y nilikha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, emosyon, pang-araw-

araw na pamumuhay at sa kung ano ang nais ng tagapagsalita kaya’t patuloy itong

nagbabago. Umusbong ang wikang Filipino hindi dahil ito’y gawa-gawa lamang. Ang ating

wika ay dumaan sa isang pagkahaba-habang proseso na kung saan ito’y nailikha dahil ito’y

kinakailangan ng mga tao, sa kanilang pakikipag-ugnayan, paglalahad ng emosyon o

maging sa kanilang pag-araw-araw na pamumuhay. Sa madaling salita, ang wika natin ay

maingat na pinauunlad ng panahon na dapat nating ipagmalaki at ipreserba.

Ayon sa Punla sa Lingwistikang Filipino at Sining ng Komunikasyon sa Kolehiyo

(2003), ang komunikasyon ay paghatid ng nais nating mensahe o emosyon upang tayo’y

maintindihan ng ating kapwa. Sa lahat ng oras, ang tao ay nakikipagkomunikasyon, sa

tuwing nakikipag-usap sila sa kapwa o nais nilang maintindihan ang mga taong miyembro

ng lipunang kanilang ginagalawan. Ang komunikasyon ay isang proseso kung saan may

nakakatanggap at naghahatid ng mensahe. Bawat isa, may kani-kanyang parteng

ginagampanan sa paghahatid ng kahulugan. Dapat atin itong pahalagahan at ipagmalaki sa

pamamagitan ng paggamit nito hindi lang sa paaralan kundi maging sa labas ng paaralan.

Tayo ay naninirahan sa demokratikong bansa kaya may karapatan tayo at malaya

tayong gamitin ang wikang atin kailan man at saan man natin gusto.

Ayon kay Lopez (1941), “It must be borne in mind, however, that the grammar of

the national language, or even of any Philippine language, for that matter, to be correctly

presented, must be explained in a matter of characteristically its own and not patterned

after the grammar of the Spanish or English language.”

11
Ang wika ay dinamiko. Sa paglipas ng panahon napapansin natin na may

pagbabago at nadadagdag sa ating wika. Ngunit ang wikang Filipino ay isang wikang

masasabi natin na isang katangi-tanging wika. Dapat ipagmalaki at gamitin ito nang wasto.

Kaugnay nito ay ang paggamit nito ng wasto lalong lalo na sa komunikasyon. Ang

paggamit ng ating sariling wika ay napakahalaga hindi lang para sa ating kaalaman kundi

pati narin sa pag-unlad ng ating bansa. Hangga’t maaari gamitin ito araw araw sa

pakikipagtalastasan at pakikisalamuha natin sa ating kapwa. Ang ating wikang pambansa

na Filipino ay dapat nating payabungin, pagyamanin, paunlarin, palaganapin, panatilihin

at puspusang itaguyod na gamitin bilang opisyal na komunikasyon.

Ito ay nakasaad sa probisyon Artikulo XIV ukol sa wikang pambansa sa

konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (Abueg, E.). Ayon kay Wilcamor Pacay III

“Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipino at obligasyon ng

gobyerno na ituro ito sa mga mamamayan.” Ang ating wika ay mahalaga sa kultura ng

ating bansa. Hindi masama ang baguhin ang sistema ng edukasyon upang makaakma sa

edukasyon ng ibang bayan, ang masama ay ang tanggalin ang puso ng kulturang itinatatag

ng mga ating mga bayani, lalo na ni Dr. Jose P. Rizal.

Naimpluwensiyahan man ng ibang kultura ang ating mga buhay, nangingibabaw pa

rin ang ating pagmamahal at pagtangkilik sa ating lahi. Kung tatanggalin ang ating wika sa

kolehiyo, hindi lamang maraming mga guro ang mawawalan ng trabaho kundi pati rin ang

daang taong salawikain, pamumuhay at pag-uugali ang mawawala sa atin. Obligasyon ng

ating gobyerno mapagtibay ang wikang ating kinasayan at hirap na pinaglaban sa mga

kolonyal na mananakop. Pero sa ginagawa nila sila na mismo ang sumisira sa kanilang

pangako bilang gabay ng taong bayan. Hindi masama umakma sa ibang kultura pagdating

12
sa edukasyon, pero kung sisiyatin natin ang ibang bansa, mas pinahahalagahan nila ang

kanilang inang wika kaysa sa wikang pang-globalisasyon.

Sa paglabas ng CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013, nagkaisa ang

mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino na manindigan laban sa

polisiya sapagkat isinantabi nito ang pagturo ng Filipino bilang mahalagang asignatura sa

kolehiyo. Ayon kay Rizare, M.G. (2009), Napakahalaga ng wikang ito sapagkat ito ay

ginagamit natin sa pang araw araw at ito ang nagbubuklod sa atin mula sa mga dayuhan o

bañaga. Hindi dapat alisin ang wikang Filipino sa mga unibersidad at pamantasan sapagkat

dito mas namumulat ang sangkaestudyantehan sa tunay na lagay at estado ng ating lipunan.

Dagdag dito, sa pagpapatanggal ng wikang ito bilang parte ng kurikulum sa

kolehiyo, unti unting mawawala’t mamamatay ang ating wika’t pagkakakilanlan dahil ang

pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay para na ding pagtatanggal ng

pagkakakilanlan ng mamamayang Pilipino dahil ang paggamit ng wikang Filipino ay

paraan upang maipahayag ang sarili at paraan upang mapanatili ang kultura at ang

nakasanayan na. Isa pa, ayon kay Dr. Jose Rizal, kabataan ang pag-asa ng bayan at

edukasyon ang susi sa kaunlaran. Paano magiging pag-asa ang kabataan kung sila mismo

ay walang alam sa ating wika na kakambal ng ating kultura?

Ayon sa Fun Facts, “Pag natututo tayo ng isang wikang iba sa ating wikang

kinagisnan, ang pag-uugaling nakapaloob sa inang wika ay unti-unting nawawala.”

Mahalaga ang wika sa aspeto ng buhay ng mga tao, dahil dito nakapaloob ang ating

kultura, hindi lamang sa lahi, kundi pati rin sa pamumuhay. Sa henerasyon ngayon, mas

umaangat ang paggamit ng Ingles pag dating sa pang araw-araw na komunikasyon. Kung

13
ating mapapansin, mas binibigyang importansya ang Ingles dahil ito ay ang lenggwaheng

pang-globalisasyon at hangad ng ating gobyerno na umangat sa estado ng ating bansa sa

larangang ito. Unti-unti na rin nawawala ang kalooban ng mga kabataan sa ating wika at

mas ginugustong sanayin ang paggamit ng Ingles. Kung ating hahayaang matanggal ang

Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, mawawala buo ang ilang taong sinanay natin upang

mapagtibay ang paggamit ng inang wika.

Ayon sa wordpress.com, “Napakahalaga ng wikang Filipino sa atin sapagkat

napakalaki ng papel na maaaring gampanan nito upang mapanatili ang isang pambansang

kamulatan at pagkakakilanlan.”

Sa panahon ngayong globalisasyon, madaming mga bagay na ipinagbabago upang

makaakma sa panahong kinabibilangan. Sa dami ng taong lumipas ipinaglaban at

ipinatupad ang wika bilang isang nagbubuklod sa buong bansa, hindi man lubos isipin na

naging bahagi na ng ating kasaysayan ang pagtanggol at pagtangkilik sa wikang ating

kinasanayan. Handa ba tayong tanggalin ang wikang nagbubuklod sa atin bilang isang

bansa at yakapin ang wikang sumunod lamang sa ating inang wika? Ang pag-aaral ng

wikang Filipino ay nakadadagdag ng pagmakabayan ng bawat isa.

14
Kabanata III

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral.

Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral,

instrumentasyon, at pangangalap ng datos pati ang istatistikong ulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Ayon kay Rafael Sebastian (2018), ang pinag-aaralan sa mga palarawang

pananaliksik ay ang pangkasalukuyang isyu ng isang bansa. Nagbibigay ito ng tugon sa

mga tanong na sino, ano, kailan, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng pinag-

aaralan. Hindi ito tumutugon sa tanong na bakit sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak

at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari, hindi ng nakalipas o hinaharap. Pinili ng

mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na isang uri ng deskriptibong

pananaliksik. “Ito’y gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para malikom ang

mga datos” (Manansala, 2017). Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa paksang nais nilang pagsaliksikan sapagkat mas mapapadali ang

pagkuha ng datos sa maraming respondente sa isyu ng pagpapatanggal ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo at ang bunga nito sa pananaw ng mga mag-aaral at guro.

15
Lokal na Pananaliksik

Ang saklaw ng pag-aaral ay binubuo ng 30 na mag-aaral na nasa ika-labindalawang

baitang ng pangunahing edukasyon ng Our Lady of Fatima University na matatagpuan sa

St. Benedict Hall at 20 na guro na nasa Padre Pio Building ng nasabing unibersidad.

Taktika sa Pagkuha ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Convenience Sampling technique sa

pangangalap ng mga respondente na kung saan ang mga kalahok ay pinipili base sa lapit

ng mga respondente. “Ito’y tinatawag din na maginhawang sampling. Ito ay ang mga

tagatugon na madaling maabot at makapanayam” (Blando et al., 2017). Ang mga

respondente ay mga guro sa Padre Pio Building ng kahit anong asignatura at mga mag-

aaral ng ika-labindalawang baitang ng St. Benedict Hall ng Our Lady of Fatima University.

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga talatanungan na sasagutan ng mga

respondente. Pagkatapos ito sagutan ng mga respondente, pag-aaralan ito at ililikom sa

isang grap kung saan pagsasama-samahin ang nga magkakatulad na sagot. Kukuhain ng

mga mananaliksik ang bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga

respondente sa bawat tanong sa kwestyuner. Ito'y lubusang pag-aaralan ng mga

mananaliksik upang ibuod at gawan ng konklusyon. Sa paraang ito ay makukuha ng

mananaliksik ang epekto at pananaw ng mga respondente ukol sa pagpapatanggal ng

asignaturang sa kolehiyo.

16
Instrumento ng Pananaliksik

Talatanungan ay isang pangunahing instrumento na ginagamit sa mga pananaliksik.

Ang kwestyuner ay naglalaman ng mga katanungan na maaaring pagkuhanan ng sagot at

pananaw ng mga respondente patungkol sa memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon

ukol sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ang sasagot sa katanungan

kung ano ang maaaring epekto at pananaw ng mag-aaral at guro sa nasabing isyu.

Ang talatanungan ang pinakamabisang instrumento at pinakamabilis sa pagkalap

ng impormasyon. Pagkatapos itong isagawa ay isusunod ang pagkuha ng bahagdan at

porsyento sa bawat katanungan. At ang paggawa ng grap na nakabase sa sagot ng

respondente ang susunod.

Istatistikong Pamamaraan

Ginamit bilang istatistikong pamamaraan sa pagtitimbang at pagsukat ng mga datos

ang percentage technique sa pananaliksik na ito.

Ginagamit ang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng gagawing

pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang

pangkalahatang bahagdan ng bilang na magkakamukhang mga sagot sa isang partikular na

tanong. Ayon kina M. Caras, I. Gumboc, L. Salamat et al. sa librong “Statistics and

Probability: A Simplified Approach”, “the expression of data in terms of percentage is one

of the statistical devices used in the interpretation of numeric data”. Ang ginamit na

pormula ay ang: % = F/N x 100.

17
Kung saan:

F = bilang ng sagot

% = bahagdan

N = bilang ng respondente

18
Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa talatanungan

na sinagutan ng mga guro sa Padre Pio Building ng Our Lady of Fatima University at mga

mag-aaral na nasa ika-labindalawang baitang ng St. Benedict Hall ng nasabing unibersidad.

Propayl ng mga Respondente

Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga Mag-aaral

Edad Bilang Bahagdan

17 6 20%

18 16 53.33%

19 7 23.33%

20 1 3.33%

Kabuuan 30 99.99%

Ang Talahanayan Blg. 1 ay naglalaman ng edad ng 30 na mag-aaral na sumagot sa

talatanungan. Sila ay may gulang na 17 hanggang 20 na taong gulang. Nakasaad din dito

ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang edad. Ipinapakita dito na mas

marami ang respondenteng may edad na 18 na may bilang na 16, bahagdan ay 53.33%.

Sumunod ang edad na 19, na may bilang na 7, bahagdan, 23.33%. Pangatlo naman ang

edad na 17 na may bilang na 6, bahagdan ay 20%. At ang pinakakaunting bilang ay ang

19
edad na 20 na may 1 bilang, bahagdan na 3.33%. Ang kabuuan ay may 30 mag-aaral na

aming naging respondente na may bahagdan na 99.99%.

Talahanayan Blg. 2

Kasarian ng mga Mag-aaral

Kasarian Bilang Bahagdan

Lalaki 27 90%

Babae 3 10%

Kabuuan 30 100%

Ang Talahanayan Blg. 2 ay naglalaman ng kasarian ng mga mag-aaral na aming

naging respondente. Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon

sa kanilang kasarian. Ipinapakita dito na mayroong 27 bilang ang lalaki na sumagot sa

aming talatanungan na may bahagdan na 90%. Samantalang mayroong 10% naman ang 3

babae na sumagot sa talatanungan. Ito ay may kabuuan na 30 respondente at 100% na

bahagdan.

Talahanayan Blg. 3

Asignaturang tinururo ng mga Guro

Asignatura Bilang Bahagdan

Research 1 5%

Business Subjects 1 5%

Chemistry 1 5%

Social Science 1 5%

20
Computer 1 5%

Accountancy 1 5%

English 5 25%

Mathematics 4 20%

UCSPOL 2 10%

Filipino 2 10%

Kabuuan 19 95%

* Hindi nilagay ng isang guro ang kaniyang asignaturang tinuturo

Ang Talahanayan Blg. 3 ay naglalaman ng mga asignaturang tinuturo ng mga guro

na aming naging respondente. Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga

respondente ayon sa asignaturang tinuturo. Ipinapakita dito na mayroong 5 guro na

nagtuturo ng English na may bahagdang 25%. Mayroon naman na apat na guro na

nagtuturo ng Mathematics na may bahagdan na 20%. Samantalang parehas na may

dalawang guro ng asignaturang UCSPOL at Filipino ang sumagot ng aming talatanungan

na may bahagdan na 10%. Ang pinakakaunti naman ay mga asignaturang Research,

Business subjects, Chemistry, Social Science, Computer at Accountancy na may tig-iisang

guro na aming naging respondente, bahagdan na 5%. Sa kabuuan ay mayroong 19 na

respondenteng guro na may bahagdan na 95%.

21
Talahanayan Blg. 4

Bilang ng taon ng kanilang Pagtuturo

Taon o Buwan Bilang Bahagdan

18 taon 1 5%

15 taon 1 5%

9 na taon 1 5%

8 taon 1 5%

6 na taon 1 5%

4 na taon 3 15%

3 taon 5 25%

2 taon 4 20%

1 taon 1 5%

8 buwan 1 5%

Kabuuan 19 95%

* Hindi nilagay ng isang guro ang kaniyang bilang ng taon ng kaniyang pagtututo

Ang Talahanayan Blg. 4 ay naglalaman ng bilang ng taon ng pagtuturo ng mga guro

na aming naging respondente. Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga

respondente ayon sa bilang ng taon ng kanilang pagtuturo. Nakasaad dito na may

pinakamaraming bilang ang 3 taon may 5 bilang na may bahagdan na 25%. Sumunod ang

2 taon na may 4 na bilang at may bahagdan na 20%. Mayroon namang 3 bilang ang 4 na

taon na may bahagdan na 15%. Pare-parehas naman na mayroong tig-iisang respondente

ang 18 taon, 15 taon, 9 na taon, 8 taon, 6 na taon, 1 taon at 8 buwan na may bahagdan na

5%. Ito at may kabuuan na 19 na respondente at bahagdan na 95%.

22
Grap Blg. 1

Pagsang-ayon ng mga respondente sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo

Wikang Filipino ang pundasyon sa maayos at magandang pakikipagkomunikasyon

ng bawat taong nakikipag-usap at nakikisalamuha sa iba’t-ibang tao. Kaya hindi dapat

tanggalin ang asignaturang Filipino sa pagtuturo dahil ito ang wika kung saan magiging

mabisa ang pag-uusap at pag-uunawaan ng bawat tao (Cuenca, 2015).

30

25

20

15
25

10
14

5
4

2
0
A B C

Guro Mag-aaral

Tanong: Sang-ayon ka ba sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo?


Mga pagpipilian:
A. Oo
B. Hindi
C. Ibang opinyon

Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga guro at mag-aaral kung sang-ayon ba

sila sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Batay sa resulta ng grap, ang

mga guro ng Our Lady of Fatima University ay hindi sumasang-ayon sa pagpapatanggal

23
ng asignaturang Filipino. Ito ay nakakuha ng pitumpung porsyento (70%). Ayon kay David

Michael San Juan (2014), "Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na

intelektwalisado o nagagamit sa iba't ibang larangan. pang maging ganap ang

intelektwalisasyon nito, nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito

sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo." Pumapangalawa naman ang mga sumasang-ayon sa

pagpapatanggal ng asignaturang Filipino, ito ay nakakuha ng dalawampung porsyento

(20%). At ang nakakuha ng pinaka kaunting bilang ay mga gurong mayroong ibang

opinyon na may sampung porsyento (10%).

Ipinapakita sa datos ang pananaw ng mga mag-aaral sa isyung pagpapatanggal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo, walompu't tatlo at tatlom pu’t sentimong porsyente

(83.33%) ang hindi sumasang-ayon sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino. Ang pag-

aaral ng wikang Filipino ay nakadadagdag ng pagmakabayan ng bawat isa. Habang patuloy

itong inaalam at sinasaliksik, lumalawak ang kaalaman ng bawat mamamayan patungkol

dito na isa sa magiging dahilan upang maging intelektwalisado na ang pambansang wika.

Pumapangalawa naman ang mga sumasang-ayon na mayroong sampung porsyento (10%).

At mayroong anim at anim na pu’t pitong sentimong porsyento (6.67%) ang may ibang

opinyon patungkol sa isyung pagpapatanggal ng asignaturang Filipino.

Ang mga ibang opinyon ng respondente ay mga sumusunod:

1. undecided (2 tao)

2. Bawasan lamang.

24
Grap Blg. 2

Mga salik kung bakit ipapatupad ang pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa


kolehiyo
Ang wikang Filipino ay wika ng mga intelektwal. Kapag hindi naipapahayag ng

mga kolehiyo o ng propesyunal na nililikha ng unibersidad, hindi nila makikita na ang

wikang Filipino ang magiging instrumento ng kanilang pagkatao (Lai, 2016).

16
14
12
10
8

14
13

9
4
7

2
4

3
0
A B C

Guro Mag-aaral

Tanong: Ano ang salik na sa tingin mo ang dahilan kung bakit ipapatanggal ang
asignaturang Filipino?
Mga pagpipilian:
A. May mahalaga pang asignatura na dapat ituro sa kolehiyo
B. Natalakay na ang asignaturang Filipino noong elementarya at high school.
C. Ibang opinyon

Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga guro sa mga salik kung bakit nga ba

ipapatanggal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Batay sa resulta ng datos, sa

kadahilanang maraming mga guro ang hindi sumasang ayon sa pagtanggal ng asignaturang

Filipino, para sa kanila ay walang salik ang nararapat dito dahil sa simula pa lang ay hindi

dapat ito tanggalin. Nakakuha ang ibang opinyon ng bahagdan na apatnapu't limang

porsyento (45%). Sumunod ang mga nagsasabi na natalakay na ang Filipino noong

25
elementarya at high school na may bahagdan na tatlongpu't limang porsyento (35%). At

ang pinakakaunti na sagot ay may mas mahalaga pang asignatura na dapat ituro sa kolehiyo

na may bahagdan na dalawampung porseyento (20%).

Ayon kay Marvin Lai (2016), ang pagtatanggal sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo

ay katulad ng pagtatanggal sa identidad ng mamamayang Pilipino. Ang kahalagahan ng

asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili. Repleksyon ng ating mga

Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus ay mas pahalagahan

natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na komunikasyon sa bawat

isa. Komunikasyon na daan sa tagumpay ng bawat Pilipino.

Samantalang ang pananaw naman ng mga mag-aaral sa mga salik kung bakit

ipapatanggal ang asignaturang Filipino ay natalakay na ang asignaturang Filipino noong

elementarya at high school na may bahagdan na apatnapu't anim at anim na pu’t sentimong

porsyento (46.67%). Sumunod ang nagsasabi na may mas mahalaga pang asignatura na

dapat ituro sa kolehiyo na may bahagdan na apatnapu't tatlo at tatlom pu’t tatlong

sentimong porsyento (43.33%). At ang pinakakaunti ay ang nagsasabi na may iba silang

opinyon na may bahagdan na sampung porsyento (10%).

Ang mga ibang opinyon ng respondente ay mga sumusunod:

1. Parang itinatangi natin na pilipino tayo.

2. Kolonyal na mentabilidad ng mga mambabatas.

3. Kung lahat nang dapat talakayin ay naituro na noon. At kung magkakaroon

lamang ng Filipino Profiency test.

4. Hindi dapat tanggalin.

5. Walang dahilan.

26
6. Talantunin ang lalim at ganda ng wika para sa mas mataas na antas ng

pagkatuto.

7. Hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad nito.

8. Hindi dapat tanggalin.

9. Depende ‘yan sa disiplina ng disiplina o kursong kinuha ng estudyante.

10. Akala ng gobyerno (CHED ay may redundancy curriculum ngunit wala talaga).

11. Ibaba ang Filipino sa senior high school.

Grap Blg. 3

Epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa edukasyon

Malaki ang magiging epekto nito hindi lamang sa mga estudyante pati na rin sa

mga gurong dalubhasa sa nasabing asignatura. At kung sakaling ituloy nila ang pagtanggal

ng Filipino sa kolehiyo ay mawawalan ang mga guro ng Filipino ng trabaho (Din, 2017).

20
18
16
14
12
10
19

8
6
10

4
6

2
4

0
A B C

Guro Mag-aaral

27
Tanong: Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa edukasyon?
Mga pagpipilian:
A. Mawawalan ng trabaho ang mga Filipino teachers sa kolehiyo.
B. Iibahin ang curriculum system sa kolehiyo.
C. Ibang opinyon.

Inilahad ng grap na ito ang mga naging sagot ng mga guro at mag-aaral sa epekto

ng pagpapatangal ng Asignaturang Filipino sa Edukasyon. Ipinakita sa resulta ng datos na

maraming mga guro ang sumagot na mawawalan ng trabaho ang mga Filipino teachers sa

kolehiyo na may bahagdan na limangpung porsyento (50%). Sumunod ay ang nagsasabi

na may iba silang opinyon na may tatlumpung porsyento (30%). At ang pinakakauti ay ang

sagot na iibahin ang curriculum system sa kolehiyo na may bahagdan na dalawangpung

porsyento (20%). Ayon kay Randi Din (2017), kung sakaling itiwalag ang asignaturang

Filipino sa kolehiyo ay magkakaroon ng malaking epekto ito sa mga estudyante, hindi na

nila malalaman ang tamang paggamit ng wika at lalong lalala ang hindi pagkaka-alam nito.

Hindi na uunlad pa lalo ang wikang Filipino dahil nahinto na ito sa pagturo, isa sa paraan

ng pagpapalaganap nito ay sa pamamagitan ng pag-gamit sa eskwelahan pero kung ito ay

ititigil maaaring hindi na ito uunlad. Maaring pagdudahan ng nakararami ang ating pagka-

makabayan.

Samantala ang mga mag-aaral naman ay ang pinakamaraming sagot ay iibahin ang

curriculum system sa kolehiyo na may bahagdan na animnapu't tatlo at tatlom pu’t

sentimong porsyento (63.33%). Ang pumapangalawa sa datos ay ang mawawalan ng

trabaho ang mga Filipino teachers na may bahagdan na tatlumpung porsyento (30%). Ang

28
pinakakaunting napili ay ang sagot ay ang ibang opinyon na nakakuha ng anim at anim na

pu’t pitong sentimong porsyento (6.67%).

Ang mga ibang opinyon ng respondente ay mga sumusunod:

1. Maaaring bumaba ang mastery level at pagkatuto ng mga mag-aaral sa wikang

Filipino.

2. Mawawalan ng pilipinong nagsisilbi sa bayan.

3. Hindi made-develop ang bawat isa sa sariling wika.

4. Kawalan ng midyum sa komunikasyon lalo na sa mga batang hindi makaintindi

ng ingles.

5. Mababaw ang pag-unawa ng mga kabataan sa wika at kulturang Pilipino.

6. Magkaroon ng kakulangan sa kaalaman ang mga estudyante (sa Filipino) sa

kolehiyo.

Grap Blg. 4

Mga Positibong Epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa edukasyon

25

20

15

10 20

5 9 10
6
1 4
0
A Guro B Mag-aaral C

29
Tanong: Ano-ano ang positibong epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino
sa ating edukasyon?
Mga pagpipilian:
A. Mas madadagdagan pa ang kaalaman at oras sa iba pang asignatura.
B. Hindi na babagsak ang mga mag-aaral na hindi naman major ang Filipino.
C. Ibang Opinyon

Inilahad ng grap na ito kung ano ba ang mga positibong epekto ng pagpapatanggal

ng asignaturang Filipino sa edukasyon. Ipinapakita sa resulta ng datos na mayroong

limampung (50%) porsyentong guro ang sumagot ng ibang opinyon. Sumunod ang mas

madadagdagan ang kaalaman at oras ng mga mag-aaral sa ibang asignatura na nakakuha

ng apat na pu’t limang porsyento (45%) At ang panghuli ay isang guro lamang ang sumagot

ng hindi na babagsak ang mga mag-aaral na hindi naman major ang Filipino na nakakuha

ng limang (5%) porsyento.

Samantalang sa mga mag-aaral naman ay may pinakamalaking sagot ang mas

madadagdagan pa ang kaalaman at oras ng mga mag-aaral sa ibang asignatura na nakakuha

ng anim na pu’t anim at anim na pu’t pitong sentimong porsyento (66.67%).

Pumapangalawa ang hindi na babagsak ang mga mag-aaral na hindi naman major ang

Filipino na mayroong dalawampung porsyento (20%). Huli ang ibang opinyon na

nakakuha ng apat (4) na bilang at labing tatlo at tatlumpu’t tatlong sentimong porsyento

(13.33%).

Ang mga ibang opinyon ng respondente ay mga sumusunod:

1. Walang positibong effect

2. Wala akong nakikitang positive effect in education

30
Grap Blg. 5

Epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kultura at wika ng Pilipinas

Hindi lang sa larangan ng edukasyon makakatulong ang paggamit ng Wikang

Filipino. Dahil dito nagkakaroon ng maayos na ugnayan ang bawat Pilipino sa iba’t ibang

industriya ng paghahanapbuhay, mapalokal o media man ito ay malaki ang maitutulong ng

Wikang Filipino. Kung wala ito at tatanggalin hindi magiging mabisa at hindi

magkakaunawaan ang pag-uusap (Cuenca, 2015).

Guro Mag-aaral

19
11
10
8

1
A B C

Tanong: Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kultura at wika ng


Pilipinas?
Mga pagpipilian:
A. Maaaring makalimutan ang wikang Filipino o kultura sa ating bansa.
B. Hindi mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wikang Filipino.
C. Ibang opinyon

Inilahand sa grap na ito ang mga naging sagot ng mga mag-aaral at guro sa

pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kultura at wika ng Pilipinas.

Batay sa resulta ng datos, Ang pinakamaraming sagot sa mga guro ay ang hindi

31
mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wikang Filipino na may

bahagdan na limang pu’t lima porsyento (55%). Sumunod ay ang sagot na maaaring

makalimutan ang wikang Filipino o kultura sa ating bansa na may bahagdan na apatnapung

porsyento (40%). Ayon kay Gamalindo et al. (2017), isa sa paraan para makita ang ating

pagiging makabayan ay ang pag-gamit ng ating sariling wika sa komunikasyon. Ang

pagtanggol ng ating mga kababayan sa pagpapanatili ng Filipino sa kurikulum ay isa

lamang patunay na tayo ay mayroon paring respeto sa ating kultura at pagmamahal sa

kinagisnang wika na siyang naging parte at humulma ng ating kasaysayan, kultura, at

pagka-Pilipino. At ang pinakakaunti ay ang sagot na ibang opinyon na may bahagdan na

limang porsyento (5%).

Ayon kay Christoper Cabughay (2012), isang importanteng salik sa paglago ng

ekonomiya ay ang paggamitng wika na maiintindihan ng mga maralita. Hindi maitatanggi

ang kahalagahan ng wika hindi lamang dito sa ating bansa kung hindi sa buong mundo

man. Hindi dapat kalimutan ang paggamit nito, pasalita man o pasulat. At ang katanungan

na maiuugnay ang mga aralin sa Filipino sa pangaraw-araw na buhay.

Ayon kay Baaco, Belgira atbp, (2013), ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay

nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mgamamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng

iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang wikang pambansa ay nagiging isang malaking daan

ng komunikasyon upangmapalago at mapagbuti angtakbo ng politikal, sosyolohikal, at

maging ang ekonomikal na aspeto ng lipunan.

Samantala sa mga mag-aaral ang pinaka maraming sagot ay ang hindi mapapalawak

ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wikang Filipino na may bahagdan na

animnapu't tatlong porsyento (63.33%). Ang sumunod na sagot ay maaaring makalimutan

32
ang wikang Filipino o kultura sa ating bansa na may bahagdan na tatlumpu't tatlong

porsyento (33.33%). At ang may pinakakaunting bilang ay ang sumagot ng ibang opinyon

na may na bahagdan na tatlong porsyento (3.33%).

Grap Blg. 6

Kasapatan ng kaalaman ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

Kahit pa sabihin na ang mga estudyante ay tuturuan o di kaya tinuruan sila ng

wikang Filipino sa elementarya at sekundarya hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang

itigil ang pag-aaral nito at tanggalin ito sa kurikulum ng kolehiyo. Ang pag-aaral ng isang

wika ay hindi madali at dadaan pa ito sa maraming proseso at meron din itong mga

patakaran sa paggamit (Binoya et al., 2010).

Guro Mag-aaral
26
14
4

A B C

Tanong: Sapat na ba ang kaalaman ng mga kabataan sa asignaturang Filipino,


upang masabing pwede ng tanggalin ito sa kolehiyo?
Mga paagpipilian:
A. Oo
B. Hindi
C. C. Ibang opinyon

33
Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga guro at mag-aaral kung sapat na ba ang

kaalaman ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino upang tanggalin ito sa kolehiyo.

Ipinakita sa resulta ng datos na sa bilang na dalawampung (20) guro ay labing-apat (14)

ang sumagot ng hindi pa sapat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Ito ay mayroong pitumpung porsyento (70%). Samantalang apat (4) na guro naman ang

sumagot na sapat na ang kaalaman ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino na nakakuha

ng dalawampung (20%) porsyento. At nakakuha naman ng pinakakaunting sagot ang ibang

opinyon na may bilang na dalawang (2) guro at mayroong sampung (10%) porsyento.

Ayon kay Binoya et al. (2010), ang paggamit ng ating sariling wika ay

napakahalaga hindi lang para sa ating kaalaman kundi pati narin sa pag-unlad ng ating

bansa. Hanggat maaari gamitin ito araw araw sa pakikipagtalastasan at pakikisalamuha

natin sa ating kapwa. Ang ating wikang pambansa na Filipino ay dapat nating payabungin,

pagyamanin, paunlarin, palaganapin, panatilihin at puspusang itaguyod na gamitin bilang

opisyal na komunikasyon. Ang pananaw naman ng mga mag-aaral kung sapat na ba ang

kaalaman nila sa asignaturang Filipino ang nakapaloob sa susunod na pahayag. Sa bilang

na tatlumpung (30) mag-aaral ay mayroong dalawampu’t anim (26) na mag-aaral ang

nagsabi na hindi pa sapat ang kanilang kaalaman sa asignaturang Filipino upang tanggalin

ito sa kolehiyo. Ito ay mayroong walumpu’t anim at anim na pu’t pitong (86.67%)

sentimong porsyento. Mayroong 4 na mag-aaral naman ang sumagot na sapat na ang

kanilang kaalaman sa asignaturang Filipino na nakakuha ng labing tatlo at labing tatlong

(13.13%) sentimong porsyento. Walang sumagot sa ibang opinyon.

Walang nilagay na dahilan ang dalawang guro na pumili ng ibang opinyon.

Ngunit may isang guro na naglagay ng dahilan kung bakit Hindi ang sagot niya.

34
 Hindi, lalo na’t sa panahaon ngayon, hirap ang mga mag-aaral na

baybayin nang tama ang mga salitang Filipino at hindi sapat ang kaalaman

sa paggamit ng mga salita tulang ng “nang”, “muna”, at iba pa.

Grap Blg. 7

Pananaw ng mga respondente ukol sa Kahalagahan ng Wika

Ito ang wika ng diskurso, wika ng mga ordinaryong mamamayan, wika ng

demokratisasyong pampulitika, at obra maestra ng mga wikang rehiyonal sa Filipinas.

Samakatuwid, ito ang salamin ng ating kolektibong identidad. Ito ay lubos na

makakaapekto sa maraming tao (Pacleb, 2015).

0
0
Q3 4
9
17

0
0
Q2 1
9
20

0
0
Q1 1
2
27

0 5 10 15 20 25 30

1 2 3 4 5

Q1: Mahalaga ang wikang Filipino sa pakikipag-usap sa pangaraw-araw.


Q2: Mahalaga ang asignaturang Filipino sa mamamayan.
Q3: Mahalaga ang wikang Filipino sa pagiging Pilipino.
Mga pagpipilian:
5 – Lubos na sumasang-ayon
4 – Sumasang-ayon
3 – Walang opinyon
2 – Hindi sumasang-ayon
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

35
Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon ba sila

na mahalaga ang wikang Filipino sa pakikipag-usap. Batay sa resulta ng grap ay maraming

mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang lubos na sumasang-ayon na mahalaga ang

Filipino sa pakikipag-usap na may bahagdan na siyam na pung porsyento (90%). Ang

sumunod ay ang sagot na sumasang-ayon na may bahagdan na anim na porsyento (6.67%).

Samantalang ang pinakakahuli ay ang Walang Opinyon na may bahagdan na tatlo at tatlong

sentimong porsyento (3.3%).

Inilahad sa grap na ito ang sumunod na pananaw ng mga mag-aaral na nasa ika-

labindalawang baitang sa Our Lady of Fatima University kung sumasang-ayon ba sila na

Mahalaga ang asignaturang Filipino sa mamamayan. Batay sa resulta ng grap ay maraming

mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang lubos na sumasang-ayon na mahalaga ang

asignaturang Filipino sa mamamayan na may bahagdan na aninnapu't anim na porsyento

(66.67%). Ang sumunod ay ang sagot na sumasang-ayon na may bahagdan na tatlumpung

porsyento (30%). Samantalang ang pinakakahuli ay ang Walang Opinyon na may

bahagdan na tatlo at tatlong sentimong porsyento (3.3%).

Inilahad sa grap na ito ang panghuling pananaw ng mga mag aaral nasa ika-

labindalawang baitang sa Our Lady of Fatima University kung sumasang-ayon ba sila na

Mahalaga ang wikang Filipino sa pagiging Pilipino. Batay sa resulta ng grap ay maraming

mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang lubos na sumasang-ayon na Mahalaga ang

wikang Filipino sa pagiging Pilipino na may bahagdan na limampu't anin na porsyento

(56.66%). Ang sumunod ay ang sagot na sumasang-ayon na may bahagdan na tatlupung

porsyento (30%). Samantalang ang pinakakahuli ay ang Walang Opinyon na may

bahagdan na labingtatlong porsyento (13.33%).

36
Ayon kay Reynaldo L. Aguilar (2000), napakahalaga ng sariling wika sa isang

lipunan. Ang wika ay ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Ang

pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang

mga mamamayan nito. Ang sariling wika ang isa sa mga bagay na kumikilala sa isang lahi,

kung ano sila, saan sila nagmula, kung sino sila at ano ang kanilang kaibahan sa ibang lahi.

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga

mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang

wika ang ginagamit komunikasyon ng mga tao sa lipunan bilang instrumento ng

komunikasyon.

Grap Blg. 8

Pananaw ng mga respondente ukol sa mga Aralin ng Filipino

Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa

pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang

pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol

sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin,

at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino

ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito (Reyno, 2018).

37
1
2
Q3 2
9
16

4
3
Q2 6
6
11

0
1
Q1 1
13
15

0 2 4 6 8 10 12 14 16 18

1 2 3 4 5

Q1: Lubos kong naiintindihan ang mga aralin sa Filipino.


Q2: May pagkakataon na ang mga mag-aaral ay hindi naiintindihan ang kanilang aralin
sa Filipino.
Q3: Maiuugnay ko sa pangaraw-araw ang tinatalakay na paksa sa Filipino.
Mga pagpipilian:
5 – Lubos na sumasang-ayon
4 – Sumasang-ayon
3 – Walang opinyon
2 – Hindi sumasang-ayon
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon ba sila

na Lubos nilang naiintindihan ang mga aralin sa Filipino. Batay sa resulta ng grap ay

maraming mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang Lubos na sumasang-ayon na

naiintindihan nila ang mga aralin sa Filipino na may bahagdan na limampung porsyento

(50%). Ang sumunod ay ang sagot na sumasang-ayon na may bahagdan na apatnapu't

tatlong porsyento (43.33%). Samatalang parehas naman ang nakuhang porsyento ng

38
Walang opinyon at Hindi sumasang-ayon na may bahagdan na tatlo at tatlong sentimong

porsyento (3.3%).

Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon ba sila

na mayroong pagkakataon na hindi nila maintindihan ang aralin sa Filipino. Batay sa

resulta ng grap ay ay maraming mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang Lubos na

sumasang-ayon na may pagkakataong hindi nila nauunawaan ang mga aralin sa Filipino na

may bahagdan na tatlumpu't anim at anim na pu’t sentimong porsyento (36.67%).

Samatalang parehas naman ang nakuhang porsyento ng Sumasang ayon at Walang opinyon

na may bahagdan na dalawampung porsyento (20%). Sumunod naman ang Lubos na hindi

sumasang-ayon na may bahagdan na labing tatlo at tatlom pu’t sentimong porsyento

(13.33%). Pinakakaunti ang Hindi Sumasang-ayon na may bahagdan na sampung

porsyento (10%). Ayon kay Desiree Reyno (2018), mahalagang maisama sa oryentasyon

ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito,

malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Ito rin

ang maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng

pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na

nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino.

Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon ba sila

na maiuugnay ang aralin na Filipino sa pang araw-araw na buhay. Batay sa resulta ng grap

ay ay maraming mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang Lubos na sumasang-ayon

na naiuugnay nila ang aralin sa Filipino sa pangaraw-araw buhay na may bahagdan na

limampu't tatlo at tatlom pu’t tatlong sentimong porsyento (53.33%). Sumunod naman ang

Sumasang-ayon na may bahagdan na tatlumpung porsyento (30%). Samantala pantay

39
naman ang nakuha ng Walang Opinyon at Hindi sumasang-ayon na may bahagdan na anim

at anim na pu’t anim sentimong porsyento (6.66%). 1 bilang naman para sa Lubos na hindi

sumasang-ayon at may bahagdan na tatlo at tatlom pu’t tatlong porsyento (3.33%).

Grap Blg. 9

Pananaw ng mga respondente patungkol sa Paggamit ng Wikang Filipino sa

pang-araw araw na buhay

0
0
Q2 6
10
14

0
0
Q1 3
12
15

0 2 4 6 8 10 12 14 16

1 2 3 4 5

Q1: Magagamit ko ang asignaturang Filipino para sa araw-araw na buhay.


Q2: Nakatutulong ang asignaturang Filipino sa pakikipag komunikasyon sa ibang tao.
Mga pagpipilian:
5 – Lubos na sumasang-ayon
4 – Sumasang-ayon
3 – Walang opinyon
2 – Hindi sumasang-ayon
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

40
Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa ika-

labindalawang baitang sa Our Lady of Fatima University kung sumasang-ayon ba sila na

Magagamit nila ang asignaturang Filipino para sa araw-araw na buhay. Batay sa resulta ng

grap ay ay maraming mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang Lubos na sumasang-

ayon na Magagamit nila ang asignaturang Filipino para sa araw-araw na buhay na may

bahagdan na limampung porsyento (50%). Sumunod naman ang Sumasang-ayon na may

bahagdan na apatnapung porsyento (40%). Samantalang ang pinakakahuli ay ang Walang

Opinyon na may bahagdan na sampung porsyento (10%).

Inilahad sa grap na ito ang sumunod na pananaw ng mga mag-aaral na nasa ika-

labindalawang baitang sa Our Lady of Fatima University kung sumasang-ayon ba sila na

Nakatutulong ang asignaturamg Fipino sa pakikipag komunikasyon sa ibang tao na may

bahagdan na apatnapu't anim na porsyento (46.66%). Sumunod naman ang Sumasang-ayon

na may bahagdan na tatlumpu't tatlong porsyento (33.33%). Samantalang ang pinakakahuli

ay ang Walang Opinyon na may bahagdan na dalawampung porsyento (20%).

Ayon kay Santos (2013), malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang

araw-araw na gawain ng bawat Pilipino. Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng

isang ordinaryong Pilipino sa tindahan. Ang ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay

Filipino. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa at

nagkakaroon ng satispaksyon sa pagitan nila dahil natamo nila ang pangangailangan ng

bawat isa. Kapag ito’y natamo, magkakaroon ng katahimikan at kaayusan ang isang bansa.

41
Grap Blg. 10

Mas nauunawaan ang ibang lenggwahe keysa sa Filipino

Puwede namang tumangkilik sa ibang wika pero dapat isaisip na huwag kalimutan

ang sariling wika. Dapat ibalanse ang mga wikang tinutunan at ang lahat ng mga bagay

(Grupongkuatro, 2018).

Lubos na hindi sumasang-ayon 2


Hindi sumasang-ayon 5
Walang Opinyon 6
Sumasang-ayon 10
Lubos na sumasang-ayon 7

0 2 4 6 8 10 12

Sitwasyon: Mas nauunawaan ng mga mag-aaral ang ibang lenggwahe keysa sa


Filipino.
Mga pagpipilian:
5 – Lubos na sumasang-ayon
4 – Sumasang-ayon
3 – Walang opinyon
2 – Hindi sumasang-ayon
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon ba sila

na mas nauunawaan nila ang ibang lenggwahe keysa sa Filipino. Batay sa resulta ng grap

ay ay maraming mag aaral sa Our Lady of Fatima University ang Sumasang-ayon na mas

nauunawaan nila ang ibang lenggwahe keysa sa Filipino na may bahagdan na tatlumpu't

tatlo at tatlum pu’t tatlong sentimong porsyento (33.33%). Ang sumunod ay ang Lubos na

sumasang-ayon na may bahagdan na dalawampu't tatlo at tatlumpu’t tatlong sentimong

42
porsyento (23.33%). Ayon sa Grupongkuatro (2018), Ang pagtatangkilik ng iba’t-ibang

kultura, tradisyon at wika ay maaari itong magdulot ng kasamaan o kabutihan ng isang

bansa. Tulad rito, ang pagkalimot ng bansang kinagisnan dahil ito ay sobrang

nahuhumaling sa ibang kultura na ginugustuhan. Ang pagtangkilik ng sariling kultura,

tradisyon at wika ay dapat maisasabuhay ng isang Pilipino. Kahit sa simpleng paraan ng

pagtangkilik ay malaking hakbang para maitaguyod ito. At ang Walang opinyon naman ay

mayroong bahagdan na dalawampung porsyento (20%). Ang sumunod ay ang hindi

sumasang-ayon na may bahagdan na labing anim at anim na pu’t pitong sentimong

porsyento (16.67%). At ang pinakakaunti ay ang Lubos na hindi sumasang-ayon na may

bahagdan na anim at anim na pu’t pitong sentimong porsyento (6.67%).

Grap Blg. 11

Mapapagaan ang pag-aaral ng mag-aaral sa pagtanggal ng asignaturang

Filipino

Ang asignaturang Filipino ay hindi lamang isang paksa na nagiging bahagi ng

institusyon o unibersidad. Ito ay kinakailangan ng bawat estudyanteng Pilipino upang

maibahagi ang kanilang kaalaman, hindi lamang sa sariling wika kundi karunungan sa kung

paano natin maipauunlad pa ang ating bansa (Pacleb, 2015).

Lubos na hindi sumasang-ayon 5

Hindi sumasang-ayon 5

Walang Opinyon 6

Sumasang-ayon 4

Lubos na sumasang-ayon 10

0 2 4 6 8 10 12

43
Sitwasyon: Mapapagaan ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa pagtanggal ng asignaturang
Filipino.
Mga pagpipilian:
5 – Lubos na sumasang-ayon
4 – Sumasang-ayon
3 – Walang opinyon
2 – Hindi sumasang-ayon
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

Inilahad sa grap na ito ang pananaw ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon ba sila

na mapapagaan ang pag-aaral ng mga mag-aaral kung ipapatanggal ang asignaturang

Filipino. Batay sa resulta ng grap ay maraming mag aaral sa Our Lady of Fatima University

ang Lubos na sumasang-ayon na mapapagaan ang pag-aaral ng mga mag-aaral kung

ipapatanggal ang asignaturang Filipino na may bahagdan na tatlumpu't tatlo at tatlumpu’t

tatlong sentimong porsyento (33.33%). Sumunod ang Walang opinyon kung mapapagaan

ba ang pag-aaral ng mga estudyante kung ipapatanggal ang asignaturang Filipino na may

bahagdan na dalawampu’t porsyento (20%). Ayon kay Alvin Ringgo Reyes (2018),

“Mababansot ang pag-unlad ng Filipino sa iba’t ibang disiplina. Nasa kolehiyo ang tamang

pagtalakay ng Filipino na nakatali sa antas teknikal. Kung magpapatuloy ito, magbubunga

tayo ng henerasyon ng mga Filipinong hindi kayang iangkop ang propesyon nila sa

kontekstong Filipino". Subalit pantay naman ang nakuha ng Lubos na hindi sumasang-

ayon at Hindi sumasang-ayon na may bahagdan na labing-anim at anim na pu’t sentimong

porsyento (16.67%). Pinakakaunti naman ang Sumasang-ayon na may bahagdan na

labingtatlong at tatlum pu’t sentimong porsyento (13.33%).

44
Grap Blg. 12

Kabuuang Resulta mula sa Guro

Hindi sumasang-ayon

Ibang opinyon
70% 70%

Mawawalan ang mga Filipino


teachers ng trabaho

Ibang opinyon
45%
55%
Hindi mapapalawak ang
kaalaman ng mga mag-aaral
patungkol sa wikang Filipino
50% Hindi sapat
50%

Mga katanungan:
1. Sumasang-ayon ka ba sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo?
Sagot: Hindi sumasang-ayon (70%)
2. Ano ang salik na sa tingin mo kung bakit tatanggalin ang asignaturang Filipino?
Sagot: Ibang opinyon (45%)
3. Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa edukasyon?
Sagot: Mawawalan ang mga Filipino teachers ng trabaho sa kolehiyo. (50%)
4. Ano ang positibong epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa
edukasyon?
Sagot: Ibang opinyon (50%)
5. Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kultura at wika
ng Pilipinas?
Sagot: Hindi mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wikang
Filipino. (55%)
6. Sapat na ba ang kaalaman ng mga kabataan sa asignaturang Filipino, upang
masabing pwede ng tanggalin ito sa kolehiyo?
Sagot: Hindi sapat (70%)

45
Sa kabuuang resultang aming nakuha mula sa mga guro, karamihan sakanila ay

hindi sumasang-ayon sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Marami sa mga guro ang may iba't ibang opinyon patungkol kung ano nga ba ang

mga salik kung bakit ipapatanggal ang asignaturang Filipino. Sa kadahilanan na ang

karamihan ay hindi sang-ayon dito, may nagsabi na kung ipapatanggal ang Filipino sa

kolehiyo ay para nating itinatanggi na tayo ay pilipino. May isa namang nagsaad na ibaba

na lamang ang Filipino sa senior high school.

Sa katanungan naman kung anong magiging epekto ng pagpapatanggal ng Filipino

sa edukasyon ay maraming sumagot na mawawalan ng trabaho ang mga Filipino teachers

sa kolehiyo.

Sa katanungan naman kung anong magiging positibong epekto ng pagpapatanggal

ng Filipino sa edukasyon ay maraming sumagot ng ibang opinyon dahil para sa mga guro

ay walang positibong epekto itong dala satin.

Ang nakakuha ng pinakamalaking sagot mula sa mga guro sa katanungan kung ano

ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kultura at wika ng Pilipinas,

"Hindi mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wikang Filipino”.

Hindi sapat ang kaalaman ng mga mag-aaral upang tanggalin ang asignaturang

kolehiyo ang pananaw ng mga guro sa tanong kung sapat na ba ang kaalaman ng mga mag-

aaral upang tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo sa pagkakaisa ng mga

mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang Ama

ngWikang Pambansa (Cabrera, 2009).

46
Ang wikang pambansa ay isang mahalagang instrumento sa pagkakaroon ng pam

bansang pagkakaisa o nasyonalismo. Ang pagtatag ng isang pambansangwika ay isang si

mbolo ng pagkakaroon ng iisang hangarin. Ayon kay Catacataca et al. (2001), lubhang

importante ang adapsyon ng panlahat na pambansang wika sa pagkatbito ay

makapangyarihang kasangkapan sa pagbuo ng pangkalahatang unawaan at pagkikintal ng

pambansang pagmamalaki ng sambayanan.

Grap Blg. 13

Kabuuang Resulta mula sa Mag-aaral

Hindi sumasang-ayon

Natalakay na ang asignaturang


86.67% 83.33% Filipino noong Elementarya at High
School.
Iibahin ang kurikulum system sa
kolehiyo
46.67% Mas madadagdagan pa ang kaalaman
63.33%
at oras sa iba pang asignatura

Hindi mapapalawak ang kaalaman ng


63.33%
mga mag-aaral patungkol sa wikang
66.67% Filipino.
Hindi sapat

Mga katanungan:
1. Sumasang-ayon ka ba sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo?
Sagot: Hindi sumasang-ayon (83.33%)
2. Ano ang salik na sa tingin mo kung bakit tatanggalin ang asignaturang Filipino?
Sagot: Natalakay na ang asignaturang Filipino noong Elementarya at High School.
(46.67%)
3. Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa edukasyon?
Sagot: Iibahin ang kurikulum system sa kolehiyo. (63.33%)
4. Ano ang positibong epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa
edukasyon?
Sagot: Mas madadagdagan pa ang kaalaman at oras sa iba pang asignatura. (66.67%)

47
5. Ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kultura at wika
ng Pilipinas?
Sagot: Hindi mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wikang
Filipino. (63.33%)
6. Sapat na ba ang kaalaman ng mga kabataan sa asignaturang Filipino, upang
masabing pwede ng tanggalin ito sa kolehiyo?
Sagot: Hindi sapat (86.67%)

Sa grap na ito makikita ang kabuuan ng resultang aming nakuha mula sa mga mag-

aaral, karamihan sakanila ay hindi sumasang-ayon sa pagtanggal ng asignaturang Filipino

sa kolehiyo.

Sa katanungan kung ano ba ang salik na sa tingil nila ay dahilan kung bakit

ipapatanggal ang asignaturang Filipino ay Natalakay na ang asignaturang Filipino noong

Elementarya at High School.

Sa katanungan namang kung anong magiging epekto ng isyu na ito sa edukasyon

ay ang pinaka maraming sagot ay "Iibahin ang curriculum system sa kolehiyo".

“Mas madadagdagan pa ang kaalaman at oras sa iba pang asignatura” naman ang

piniling sagot naman ng mga mag-aaral sa positibong epekto ng pagpapatanggal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Sa katanungang kung ano ang epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino

sa kultura at wika ng Pilipinas, ang pinakamaraming sagot ay "Hindi mapapalawak ang

kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wikang Filipino".

Hindi sapat ang kaalaman ng mga mag-aaral upang tanggalin ang asignaturang

kolehiyo ang pananaw ng mga mag-aaral sa tanong kung sapat na ba ang kaalaman ng mga

mag-aaral upang tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.

48
Ayon kina Fajardo at Piad (2018), “Kailangang linangin ang Filipino bilang

matibay na sandata sa panahong binubura ito ng globalisasyon at hinahati ang mga

mamamayan ng ating bansa bunga ng lumalalang sosyo-ekonomikong kalagayan”.

Mahalaga ang pagkakaroon ng sariling pagkakilanlan sa globalisadong mundo. Marapat

lamang na makiisa ng bawat isa upang higit pang mapaigting ang pagpapanatili ng

asignaturang higit na humuhubog sa pagkakakilanlan ng bawat Pilipino tungo sa patuloy

na pag-unlad.

Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi abstraktong nilikha ng mga nakapag-

aral o ng bumubuo ng diksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa,

pangangailangan, kaligayahan, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at

nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa. Malinaw na ang wika ay nalilinang at

napagtitibay sapagkat ang kultura ang nagbibigay katuturan sa ipinapahayag na kaisipan

ng wika. Ginagamit ang wika dahil ito ay daluyan ng komunikasyon upang magpasimula

ng isang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito rin ay pangangailangan ng tao sa pakikipag-

ugnayan sapagkat siya ay itinuturing na may pangangailangang sosyal.

Ayon kay Christoper Cabughay (2012), isang importanteng salik sa paglago ng

ekonomiya ay ang paggamitng wika na maiintindihan ng mga maralita. Hindi maitatanggi

ang kahalagahan ng wika hindi lamang dito sa ating bansa kung hindi sa buong mundo

man. Hindi dapat kalimutan ang paggamit nito, pasalita man o pasulat. At ang katanungan

na maiuugnay ang mga aralin sa Filipino sa pangaraw-araw na buhay.

49
Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom, konklusyon mula sa

datos na nakuha sa sarbey at ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin

base sa impormasyong nakuha.

Lagom

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang matukoy ang pananaw ng

mga guro sa Padre Pio building at mag-aaral ng ika-labindalawang baiting ng St. Benedic

Hall ng Our Lady of Fatima University patungkol sa maaaring epekto ng pagpapatanggal

ng asignaturang Filipino sa kolehiyo

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Descriptive Research upang makakuha ng

mga datos na lalagyan ng interpretasyon. Makakamit ang layunin ng pananaliksik gamit

ang mga datos na ito. Nagtingin ng iba’t ibang articles ang mga mananaliksik upang

kumuha ng impormasyong magagamit sa pag-aanalisa ng mga datos at pananaw ng

respondente.

Batay sa sarbey na isinagawa, mayroong 30 na mag-aaral ng ika-labindalawang

baitang ng St. Benedict Hall at 20 na guro ng Padre Pio building ng Our Lady of Fatima

University ang naging respondente na sumagot sa sarbey-kwestyuner. Buhat sa mga naging

kasagutan ng mga respondente, nakagawa ng interpretasyon ang mga mananaliksik ukol sa

paksang napili.

50
Nang matapos magpasarbey ang mga mananaliksik, ginamitan ng istatiskong

pamamaraan ang mga datos na nakalap, upang masigurado ang kalidad ng mga

impormasyon.

Konklusyon

Mula sa nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey, ito

ang mga nabuong konklusyon.

1. Ang kadalasang edad ng mga mag-aaral sa ika-labindalawang baitang ng St. Benedict

Hall ay may gulang na 18 taon. Karamihan dito ay kalalakihan. Samantalang kadalasang

English naman ang tinuturo ng mga guro at may bilang na 3 taon ng pagtuturo.

2. Karamihan sa mga guro at mag-aaral ay hindi sumasang-ayon sa pagpapatangal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo. Konti lamang ang sumagot ng oo at ibang opinyon.

3. Karamihan sa mag-aaral ay tingin na ang salik kung bakit ipapatanggal ang Filipino sa

kolehiyo ay may mas mahalaga pang asignatura na dapat ituro sa kolehiyo at natalakay na

ang Filipino noon. Kadalasang opinyon naman ng mga guro ay hindi dapat tanggalin ang

Filipino kaya walang salik ang nararapat na ibigay.

4. Ang kadalasang opinyon ng mga mag-aaral sa maaaring epekto ng pagpapatanggal ng

Filipino sa edukasyon ay iibahin ang curriculum system ng kolehiyo. Habang ang opinyon

naman ng mga guro ay mawawalan ng trabaho ang mga Filipino teachers sa kolehiyo.

Samantalang may nagbigay naman ng pananaw na bababaw ang pag-unawa ng mga

kabataan sa wika at kulturang Pilipino. O magkakaroon ng kakulangan sa kaalaman ang

mga estudyante sa kolehiyo.

51
5. Karamihan sa pananaw ng guro sa positibong epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang

filipino ay wala. Walang nakikitang positibong epekto ang mga guro. Samantalang sa mga

mag-aaral naman ay mas madadagdagan pa ang kaalaman at oras sa iba pang asignatura.

6. Karamihan naman sa pananaw ng mga mag-aaral at guro sa epekto ng pagpapatanggal

ng Filipino sa kultura at wika ng Pilipinas ay hindi mapapalawak ang kaalaman ng mga

mag-aaral patungkol sa wikang Filipino.

7. Karamihan naman sa pananaw ng mga mag-aaral at guro kung sapat na ba ang kaalaman

ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino upang tanggalin ito ay hindi pa sapat ang

kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino.

8. Ang pananaw ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng wika Filipino ay lubos silang

sumasang-ayon na mahalaga ang Filipino sa pakikipag-usap, mahalaga ang asignaturang

Filipino sa mamamayan at mahalaga ang wikang Filipino sa pagiging Pilipino ng isang

indibidwal.

9. Ang pananaw ng mga mag-aaral sa mga aralin sa Filipino ay lubos silang sumasang-

ayon na lubos nilang naiintindihan ang mga aralin sa Filipino, ngunit lubos din silang

sumasan-ayon na may mga pagkakataon na hindi nila naiintindihan ang mga aralin.

Maiuugnay ng mga mag-aaral ang kanilang leksyon sa kanilang pangaraw-araw na buhay.

10. Ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ay lubos silang

sumasang-ayon na magagamit nila ang asignaturang Filipino sa pangaraw-araw nilang

buhay at nakakatulong ang asignaturang Filipino sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao.

11. Sumasang-ayon ang mga mag-aaral na nauunawaan nila ang ibang lenggwahe kaysa sa

asignaturang Filipino.

52
12. At lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na mapapagaan ang kanilang pag-aaral

kung tatanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Sa kabuuan, mula sa nagawang pamanahong papel mayroong nahinuha ang mga

mananaliksik para sa lahat. Ang pagpapatupad ng pagtanggal ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo ay hindi sinasang-ayunan ng karamihan. Sinasabi ng mga aming respondente na

hindi pa talaga sapat ang kaalaman ng mga mag- aaral upang tanggalin ang asignaturang

Filipino sa kolehiyo. Para sa mga guro, walang sapat na salik ang maibibigay ng kahit na

sino para tanggalin ang asignaturang Filipino. Para naman sa mga mag-aaral, naituro na

ang Filipino noong elementarya at high school kaya ito tatanggalin sa kolehiyo. Ang

pagpapatanggal ng asignaturang Filipino ay maaaring magdulot ng epekto sa edukasyon

pati na rin sa kultura at wika ng Pilipinas. Nahinuha ng mga mananaliksik na ang epekto

sa edukasyon ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo para sa mga guro ay

mawawalan ng trabaho ang mga Filipino teachers na nagtuturo sa kolehiyo. Ang rason na

ito, ay masasabing praktikal talaga dahil kung iisipin, may mga Filipino teachers na ang

pinagkakakitaan lamang ay ang pagtuturo ng Filipino sa mga unibersidad. Habang ang

tingin naman ng mga mag-aaral ay iibahin ang curriculum system ng kolehiyo. Maaaring

kung wala na ang Filipino sa iyong kurso ay mababawasan na ang units sa isang sem.

Walang nakikitang positibong epekto sa edukasyon ang mga guro sa pagtanggal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo. Habang ang mga mag-aaral naman ay may nakikitang

positibong epekto sa edukasyon kung tatanggalin ang Filipino sa kolehiyo, ito ay ang mas

mabibigyan pa ng pansin at oras ang ibang asignatura. Samantalang ang epekto naman ng

pagpapatanggal ng Filipino sa kolehiyo ay hindi mapapalawak ang kaalaman ng isang

indibidwal sa ating wika.

53
Mula sa pinagsamang katanungan at likert scale sa talatanungan, nahinuha ng mga

mananaliksik na ang pananaw ng mga mag-aaral ay hindi sila sang-ayon sa pagpapatanggal

ng asignaturang Filipino, ngunit naniniwala silang mapapagaan ang kanilang pag-aaral

kung tatanggalin ito sa kolehiyo, subalit aminado ang mga mag-aaral na hindi pa talaga

sapat ang kanilang kaalaman sa ating wika. Base sa aming datos, sila ay lubos na sumasang-

ayon na mahalaga ang asignaturang Filipino sa buhay ng isang indibidwal, naniniwala din

silang lubos nilang naiintindihan ang mga aralin sa Filipino at nagagamit nila ang wikang

Filipino sa pakikipag komunikasyon ngunit aminado ang mga mag-aaral na mas

naiintindihan nila ang ibang wika kaysa sa kanilang nakasanayan at may mga pagkakataon

na hindi nila nauunawaan ang mga aralin sa Filipino.

Sa pagtanggal ng asignaturang Filipino ay para nating itinatanggi sa ating mga sarili

na tayo ay Pilipino talaga. Hindi dapat alisin ang wikang Filipino sa mga unibersidad at

pamantasan sapagkat dito mas namumulat ang sangkaestudyantehan sa tunay na lagay at

estado ng ating lipunan. Dagdag dito, sa pagpapatanggal ng wikang ito bilang parte ng

kurikulum sa kolehiyo, unti unting mawawala’t mamamatay ang ating wika’t

pagkakakilanlan dahil ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay para na ding

pagtatanggal ng identidad ng mamamayang Pilipino dahil ang paggamit ng wikang Filipino

ay paraan upang maipahayag ang sarili at paraan upang mapanatili ang kultura at ang

nakasanayan na.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga konklusyon na nabanggit ng mga mananaliksik, buong

pagpapakumbaba na inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

54
1. Para sa mga mag-aaral ng kolehiyo, sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo, dapat na itatak natin sa mga sariwang isipan ang wikang Filipino na ipinamana

pa sa atin ng ating mga ninuno. Walang masama na tumangkilik sa wikang Ingles, ngunit

dapat na mas pahalagahan natin ang wikang sariling atin. Kung mawala man ito sa

kurikulum, huwag dapat nating limutin ang mga aralin na itinuro sa atin patungkol sa

wikang Filipino.

2. Para sa mga kabataang hindi pa tumutungtong ng kolehiyo, pahalagahan at bigyang

pansin ang asignaturang Filipino hangga’t ito ay nasa kurikulum nila. Itanim sa isip na

kahit ito ay minor subject, mahalaga pa rin ang asignaturang Filipino dahil ito ang

humuhubog sa pagiging Pilipino natin.

3. Para sa mga guro ng Filipino, ipaglaban ang karapatan ng ating wika. Kayo ay

nagtuturo hindi lamang upang intindihin namin ang aralin sa Filipino kundi upang

pahalagahan naming ang ating kultura.

4. Para sa mga guro ng iba’t ibang asignatura, patuloy na suportahan ang punto na sa

tingin ninyo ay mas mapapabuti ang bawat indibidwal sa Pilipinas. Huwag kalimutan ang

kahalagahan ng wika kahit ano man ang asignaturang tinuturo.

5. Para sa mga kasapi ng pamahalaan, pakinggan ang saloobin ng mga mag-aaral at

isaalang-alang din ang kaunlaran ng wikang kinalakhan. Irebisa ang pag-aayos ng

kurikulum kung saan ang mga kabataan ay magiging globally competitive nang walang

natatapakan, o natatanggal na asignaturang maaaring makaapekto sa lagay ng wika ng

sariling bayan.

55
6. Para sa mga magulang, suportahan ang mga anak na nag-aaral at bigyan ng atensyon

ang kanilang pag-aaral.

7. Para sa mga mananaliksik, magsagawa pa ng mas malalim na pananaliksik upang mas

maintindihan at mabigyang linaw pa ang nasabing paksa.

8. Para sa mga mambabasa, alamin ang bawat detalye ng isang isyu bago mag sabi ng

ating pananaw, huwag husgahan ang isang sitwasyon kung hindi alam ang bawat pasikot

sikot. Ika nga ng iba, lamang ang may alam.

56

You might also like