You are on page 1of 19

Kasal-Sakal:

Alitang Mag-
Asawa

Ni: Balba, Ma. Francilia Q.
Castronuevo, Eva A.
Ang alitang mag-asawa ay isang kaganapang
karaniwan sa pagsasama. Layunin ng pag-
aaral na ito na mailarawan ang saloobin

tungkol sa alitang mag-asawa ng mga
naninirahan sa GK Alaska Village, San Pedro,
Laguna. Sa pamamagitan ng paggamit ng
katutubong metodo na pagmamasid-masid,
pakikiramdam, pagtatanung-tanong,
pagdadalaw-dalaw at pakikipagkuwentuhan
hanggang sa maabot ang
pakikipagpalagayang-loob sa sampung pares
ng mag-asawa.
Napag-alaman na tinuturing “normal” at
“salitaan” lang ang alitang mag-asawa ng
mga taga GK Alaska. Ang mga karanasan

sa buhay mag-asawa ay mahirap ngunit
masaya at nalalampasan ang mga
pagsubok sa tulong ng Diyos at
pagtutulungan ng mag-asawa. Ang
karaniwang sanhi ng alitang mag-asawa
ay tungkol sa usapin sa pera at
nasusulosyunan ang alitang magasawa sa
paraan ng mabuting pag-uusap sa pagitan
ng mag-asawa.
Mga Susing
 Salita:
Kasal, Mag-Asawa,
Alitan,
komunikasyon
Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng
lipunan. Ang pamilya ay ang nagsisilbing
pundasyon ng isang indibidwal, kung saan

nagsisimula ang edukasyon, kung saan ang
pang-unawa, mabuting-asal at
pakipipagkapwa ay natututunan, kung saan
matatagpuan ng isang tao ang mga bagay na
hindi tinuturo sa paaralan. Sa pamilya
nagsisimula ang pagkahubog ng pagkatao,
kung kaya’t malaki ang ginagampanang
papel ng pamilya sa buhay ng isang tao.
Katulad ng nakasaad sa ating konstitusyon,
kinikilala ng Estado ang pamilyang Filipino
na pundasyon ng bansa (1987 Phil. Const.

Art. XV sec. 1). Ang mga Filipino ay kilala
bilang makapamilya. Ang mga Filipino ay
kilala sa pagbibigay ng halaga at pag-aaruga
sa kanilang pamilya. Ang mga Filipino ay
nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa
oras para sa pamilya, mula sa taunang
pagsasama-sama at pagtitipon ng pamilya
sa mga pagdidiriwang pati na rin ang mga
simpleng salu-salo sa hapag kainan.
Ngunit bago ang lahat, ang pamilya ay
nagsisimula sa dalawang taong
pinagbuklod ng kasal, kung saan ang

dalawang tao ay nagiging isa. Subalit,
katulad ng karaniwang mga relasyon,
dahil sa mga pagkakaiba, hindi
maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan
sa pagitan ng mag-asawa, at kapag hindi
ito naayos, tumataas ang pagkakaroon ng
alitan ng mag-asawa.
Alitang Mag-asawa
Sa bawat kasal, ang
alitan ay hindi
maiiwasan (Mccoy, Cummings, at
Davies, 2009). Ang mga tao ay sadyang
hindi magkakapareho, ang bawat tao ay
may natatanging katangian na
nagpapaiba sa bawat isa. May sariling
paniniwala, hilig, at mga bagay na hindi
gusto, at ang mga ito ang pinagmumulan
ng mga alitan sa relasyon.
Alitang Mag-Asawa at
EconomicPressure
Sa isang pag-aaral mula kina Papp,
Cummings, & Goeke-Morey (2009),
nakasaad na ang pera ay ang hindi
pinakamadalas na isyu na
nagdudulot ng alitang mag-asawa sa
tahanan.
Alitang Mag-Asawa at
Komunikasyon
ay importanteng
Ang komunikasyon
bahagi ng ating buhay, kung kaya’t
hindi nakakagulat na ang
komunikasyon ay may kinalaman sa
alitang mag-asawa.
Ang kakayahan sa komunikasyon ay
may ginagampanang malaking papel
upang maiwasan ang alitang mag-
asawa.
Isinaad nina Zarnaghash et al.
(2013), na ang useful
communication skills sa
pagsisimula ng buhay mag-asawa
ay hindi pa natutunan kung kaya’t
ang problema ng mga asawang
kalahok sa pag-aaral ay dulot ng
problema sa komunikasyon.
Alitang Mag-Asawa at
Pagpapalaki ng anak

Ayon sa mga pag-aaral sa loob ng
sampung taon, (Doyle and Markiewickz,
2005; Du, Schudlich, and Cummings,
2007; Schwebel, Roth, Elliott, Chien,
Mrug, Shipp, Dittus, Zlomke and
Schuster, 2012) mayroong patunay sa
relasyon ng alitan o hindi
pagkakaunawaan ng mag-asawa sa
pagpapalaki ng anak.
Sinabi nina Doyle & Markiewickz
(2005), na ang hindi pagkakaunawaan
ng mag-asawa ay may kinalaman sa

mababang pagpapahalaga sa sarili at
ang more externalizing symptoms ay
konektado sa parental warmth.
Naobserbahan ni Du et al. (2007) na
ang emosyonal na seguridad ng mga
bata sa konteksto ng mga partikyular
na marital conflict styles ay may
kinalaman sa pagitan ng marital
conflicts at child adjustment problems.
Ang Marital conflict ay may
kinalaman sa pagtaas
 ng bilang
ng mga aksidente ng
nangangailangan ng
propesyunal na atensyong
medikal sa mga bata.
Pagiging Relihiyoso ng
Mag-asawa

Kilala ang mga Pilipino bilang mga
relihiyosong tao, maging ano man ang
relihiyon na kinabibilangan nito. Ayon
kay Mahoney (2005), ang relihiyon ay
nagbibigay ng mga estratehiya sa
pamilya na maaring makatulong o
humadlang sa pagresolba ng hindi
pagkakasunduan.
Ang pamilya ay ang pangunahing
yunit ng lipunan. Isa ang bansang
Pilipinas sa mga
hindi
sumasangayon sa divorce o
paghihiwalay ng mag-asawa kung
kaya’t ang pag-aaral na ito ay
makakatulong sa pagdagdag ng
kaalaman para sa Sikolohiyang
Pilipino.
Solusyon sa alitang
mag-asawa

Ang karaniwang solusyon ng mga taga GK
Alaska sa alitang mag-asawa ay ang pag-
uusap.
“Sa pag-uusap. Dapat pinag-uusapan, hindi
puwede yung bulyawan lang kayo ng bulyawan.
Kailangan talaga kapag nawala na yung init ng
ulo niya doon mo siya kakausapin, kasi kung
mainit pa din yung ulo niya tapos para kayong
magkakasalubungan.” Ani ni Babaeng
Kalahok 10.
Ang kakayahan sa
komunikasyon ay may
ginagampanang malaking
papel upang maiwasan ang
alitang mag-asawa.
Konklusyon

Ang alitang mag-asawa ay isang
normal at hindi maiiwasang
pangyayari, at ang alitan ay sa uri ng
salitaan. Sa karanasan naman sa buhay
mag-asawa, ito ay mahirap ngunit sa
tulong ng pagdadasal at pagtutulungan
ng mag-asawa lahat ng pagsubok ay
malalampasan.

You might also like