You are on page 1of 1

Dulce, Darlene Alyssa O.

Dela Cruz, Romelle Vincent WKL

Ang Pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo; Isang Sanaysay

Simula sa oras na tayo’y natututo pa lamang magsalita ay wikang Filipino na agad ang
unang lengwaheng lumalabas sa ating mga bibig. At habang tayo ay tumatanda, lumalawak ang
kaalaman natin sa bokabularyong Filipino. Pero sa tingin mo ba, ito ba ay sapat na? Tayo ay
nasakop ng iba-ibang bansa noon. Tayo ay naghihinagpis para lang makamit ang kalayaan.
Kalayaan na nagbigay sa atin ng ating identidad, ang pagiging Filipino at pagsasalita ng ating
sariling lenguwahe. Kailanma’y hindi natatapos ang pagaaral, ang pagkakadiskubre sa mga
bagong kaalaman sa araw-araw. Hindi sapat na sabihing, “marunong naman ako magsalita ng
wikang Filipino, bakit pa natin inaaral ito?”. Marami pa tayong dapat malaman at mapagaralan
sa asignaturang ito kaya hindi nararapat na tanggalin sa programa ng kolehiyo ito.

Habang lumilipas ang mga dekada, ang ating pamumuhay at nagbabago. Kasabay ng
pagbabago ng pamumuhay natin ay ang pagsulpot ng iba’t-ibang salitang balbal na
naimpluwensyahan ng social media at teknolohiya. Isa lamang ito sa dami ng rason kung bakit
patuloy nating pagaralan ang asignaturang Filipino. Unti-unti nang nadadagdagan ang ating
bokabularyo ng mga makabagong salita na naging uso ngayong panahon. Dahil dito, mas
kinakailangan natin na pagyamanin at pagtuonan ng pansin ang pagpapalaganap sa wikang
Filipino. Hindi malabong sa mga sumunod na henerasyon ay halos wala ng natitirang
nasyonalismo sa kanilang mga puso. Hindi ikabubuti ng sambayanang Pilipino ang pagtanggal sa
asignaturang ito, lalo na sa mga kabataan sa ating panahon.

You might also like