You are on page 1of 2

PANGALAN:

SEKSYON:
PROPESOR:

Ang aking Pamilya


isinulat ni Arvin Fernando
Ang aking pamilya ay binubuo ng limang tao na may iba’t ibang katangian at kaugalian.
Arlin S. Fernando ang ngalan ng aking Ina. Isang masipag na guro at mapagmahal na ilaw ng
tahanan. Roderick M. Fernando naman ang pangalan ng aking masigasig at maalagang Ama.
Ang matalino at masipag na panganay sa aming pamilya ay nagngangalang Sarah Jane S.
Fernando at siya ay nakapagtapos ng kursong Akawntantsi sa Unibersidad ng Centro escolar.
Ang sumunod naman o ang ikalawa sa aming magkakapatid ay ang madiskarte at seryosong
kuya. Ang kanyang pangalan ay Mark Ace S. Fernando at siya ay nakapagtapos sa kursong
HRM sa unibersidad ng Jose Rizal.

Sa isang pamilya hindi maiiwasan ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan dulot ng


iba’t-ibang kaugalian, kagustuhan at paniniwala. Ngunit mas matimbang pa din ang mga bagay
na dapat pasalamatan. Ang aking Ama ay pumanaw noong taong 2014 dahil sa sakit na Liver
Cirrhosis. Sa kabila nito may mga bagay pa rin akong nais ipagpasalamat sa aking ama. Isa na
rito ay ang pagbibigay sakin ang pagkakataong Makita ang ganda ng mundo. Tinuruan niya rin
akong kumilos sa mga gawaing bahay na hanggang ngayon ay aking dala-dala. Ganun rin sa
aking ina, hindi biro ang dalhin ang buhayin ako sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng
siyam na buwan. Simula nang mawala ang aking ama, Ang ilaw ng aming tahanan ay siya na
ring naging haligi nito. Magisa niyang tinataguyod ang aming pamilya. Nagpapasalamat ako sa
aking mga magulang sapagkat binihisan, pinakain, binihay at pinag-aral nila ako. Tatanawin ko
itong malaking utang na loob.

Ang aking ate ay isa sa mga tumutulong sa mga gastusin sa aming pang araw-araw na
pangangailangan. Ganun rin sa aking Edukasyon. Nais kong ipagpasalamat ang walang sawang
suporta at pagbibigay ng mga bagay na para sa aming ikabubuti Ganun rin sa aking Kuya na
walang sawang nakasuporta sa lahat ng aking pangarap.

At bilang panapos.… Isa sa pinaka malaking bagay na nais kong ipagpasalamat sa aking
pamilya ay ang maluwag at mapagmahal na pagtanggap sa kung sino at kung paano ko ihahayag
ang aking nais at pagkatao. Isa ito sa mga bagay na alam kong maswerte ako. Nais kong
ipagpasalamat ang walang sawang pag-gabay at pagsuporta sa mga bagay na pinapangarap ko.
Hindi natin alam kung hanggang saan lamang tayo dito sa mundo. Tunay na hiniram lang akin
gating buhay sa tagapaglikha. Kaya naman sulitin natin ang bawat segundong kausap natin ang
ating pamilya. Ating iparamdam ang ating pasasalamat at pagmamahal sa kanila. Ika nga sa
isang kataga “Blood is thicker than water”. Sa huli, Pamilya pa rin ang ating magiging kakampi
laban sa mundo.

You might also like