You are on page 1of 1

Abstrak

Ang nais maabot ng pananaliksik na ito ay matukoy ang ibat ibang epekto ng pagtira
sa dormitoryo at pagtira kasama ang pamilya sa mga estudyante na nasa unang taon ng kolehiyo.
Nais ipaalam ng mga mananaliksik ang maaring maging pangpisikal at pang-emosyonal na
epekto nito, base sa mga taong nakakasama niya sa kanyang tirahan.
Ang pananaliksik din na ito ay naglalayon na alamin ang mga naging adaptasyon ng mga
estudyante mula ng sila ay nasa high school hanggang sila ay maging kolehiyo. Ang mga
naturang datos sa pananaliksik ay nakuha sa pamamagitan ng pag-iinterbyu. sa mga mag-aaral na
nasa unang taon ng kolehiyo sa ibat ibang programa sa Unibersidad ng Sto. Tomas.Kumuha
ang mga mananaliksik ng dalawamput limang (25) estudyante na galing sa ibat-ibang kolehiyo
ng Unibersidad ng Sto. Tomas at kinuhanan ito ng panayam. Ayon sa mga nakuhang datos,
karamihan sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay mga estudyante na nakatira sa
dormitoryo at galing sa probinsiya. Ang ilan naman ay nakatira din sa dormitoryo ngunit, malayo
naman ang uwian o bahay sa UST kung kayat napilitan tumira sa dormitoryo. Ilan din sa mga
estudyante ay nagtiya-tiyaga na gumising ng maaga para lang makapasok sa unibesidad,
makasama lang ang kanilang pamilya sa tirahan. Subalit may iba naman na gustong tumira sa
dormitoryo ngunit hindi pinayagan ng magulang, dahil sa nasa Maynila lang naman din ang
kanilang tirahan o hindi naman sa pang pinansiyal na bagay. Ang mga nakalap na datos ay
nagpapatunay lamang na ang kapaligiran na kinagigisnan ng mga estudyante ay maaring may
maganda o masamang epekto sa pang pisikal at pang-emosyonal na estado ng estudyante.

You might also like