You are on page 1of 6

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay isa sa mga malaking
unibersidad sa Asya na may mababang matrikula na Dose Pesos per Unit at isa
sa may pinakamalaking populasyon ng mag-aaral. Ngunit sa kabila nito hindi
maitatanggi ang mas magandang oportyunidad sa mga matatalinong mag-aaral
sa panahon na makatapos na sa kanilang pag-aaral. Isa sa mga naisip na pagaralan ng mga mananaliksik ay ang epekto ng paninirahan ng mga mag-aaral sa
dormitoryo sa kanilang mga sarili at sa perpormans sa kanilang pag-aaral.
Malalaman sa pag-aaral na ito kung anu-ano ba ang mabuti o masamang
naidudulot ng paninirahan ng mga estudyante sa dormitoryo. Anupat marapat
lamang na ito ay malaman dahil ang mga estudyante sa unibersidad na ito ay
nakatira sa mga malalayong lugar ng Laguna, Batangas, Rizal at iba pa na
siyang dahilan upang magtulak sa mga mag-aaral na kumuha ng boarding house
o pansamantalang tirahan.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN/ PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ay isang pampubliko at
pangpamahalaang unibersidad na nangangasiwa sa buong taon at may
dalawang semestro. Ito ay isa sa mga pang-edukasyong institusyon sa bansa na
may mataas na abilidad na hubugin at paunlarin ang potensyal ng mga magaaral sa ibat-ibang aspeto tulad ng aspetong pisikal at intelektwal.

Ang PUP ay may malaking populasyon ng mag-aaral na umaabot sa


80,000. Ito ay maituturing na pinakamalaking unibersidad sa Asya base sa bilang
ng mga mag-aaral.
Pinili ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ang PUP dahil sa dami ng
bilang ng mga estudyanteng pumapasok dito na nagmula sa ibat-ibang
probinsya o malalayong lugar.
Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa epekto ng paninirahan sa
dormitoryo, at kung anong magiging epekto nito sa larangan ng pag-aaral at sarili
ng bawat estudyante. Napakalaki ng maitutulong sa mga piling mag-aaral upang
malaman ang mabubuting epekto nito at para maiwasan ang masasamang
epekto nito.
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung ano ang magiging epekto
ng pananahan sa dormitoryo sa pag-aaral at sa sarili ng bawat estudyante,
maging mabuti o masama.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang pigurang nasa itaas ay nagpapakita ng konseptual na balangkas


upang mas maunawaan ang tutunguhin ng pag-aaral na ito. Gumamit ang
mananaliksik ng Input-Proseso-Awtput bilang modelo. Nasa loob ng Input frame
ang profayl ng mga taga-tugon ayon sa edad, kasarian, at kurso ng mga ito.
Kalakip din nito ang mga epekto ng paninirahan sa dormitoryo. Sumunod ay ang
Process frame na naglalaman ng mga metodolohiya o mga hakbang na gagawin
ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha sa mga nakalap na datos mula sa sarbey

questionnaire. At ang huliy ang Awtput frame na naglalaman ng resulta ng mga


datos. Dito malalaman ang mabutit masamang epekto ng paninirahan sa
dormitoryo sa sarili at sa perpormans sa pag-aaral sa mga piling mag-aaral sa
loob ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
LAYUNIN
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman at mabatid ang epekto
paninirahan sa isang dormitoryo sa mga piling mag-aaral ng Poleteknikong
Unibersidad ng Pilipinas.
Layunin din ng pag-aaral na ito ang masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral na naninirahan sa dormitoryo ayon
sa:
a. edad
b. kurso
c. kasarian
2. Nakaka-apekto ba ang paninirahan sa dormitoryo sa mga mag-aaral?
3. Ano-ano ang epekto ng paninirahan sa dormitoryo?
a. sa sarili?
b. sa pag-aaral?

HAYPOTESIS o HINUHA
Ang pag-aaral na ito ay walang makabuluhang kaugnayan sa pagtuklas
ng mga epekto ng paninirahan sa isang dormitoryo ng mga mag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagkilala sa mga epekto ng
paninirahan sa isang dormitoryo ng mga piling mag-aaral sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas.
Saklaw lamang ng pag aaral na ito na alamin kung may mabuti at
masamang epekto sa sarili at sa pag aaral ng mga mag-aaral ang paninirahan sa
isang dormitoryo na nakabatay sa kanilang propayl tulad ng edad, kurso at
kasarian.
Ang pag-aaral na ito ay mayroon lamang 100 tagatugon na binubuo ng
mga piling mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na naninirahan
sa mga dormitoryo.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga
sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang malaman


nila kung ano-ano ang mga epekto ng paninirahan sa dormitory sa kanilang
perpormans sa klase, sa sarili, kung ito ba ay masama o mabuti.
Mga Magulang. Ito ay magsisilbing dagdag impormasyon sa kanila dahil
magkakaroon sila ng kaalaman kung ano ang kalagayan ng kanilang mga anak
at para magkaroon sila ng aksyon kung sakaling hindi nagiging maganda ang
mga epekto ng paninirahan sa dormitoryo sa kanilang mga anak.
Mga Guro. Ito ay magiging tulay upang malaman nila kung bakit
bumababa o tumataas ang mga grado o perpormans ng kanilang mga
estudyante na naninirahan sa dormitoryo.
Mga Mananaliksik. Ito ay makatutulong sa mga susunod na mananaliksik
at maaari nila itong gawing reperens kung sakaling ito ang magiging paksa nila.
Ito rin ay makapagbibigay impormasyon sa kanila kung nais nilang
magdormitoryo.

You might also like