You are on page 1of 42

1

Batayan Sa Pagpili Ng Mga Mag-Aaral Ng Kursong Information


Technology, Taong Panuruan 2019-2020

Isang Sulating
Pananaliksik Na Iniharap Para Kay
Bb. Ruffa Marie P. Menodiado

Bilang Pagtupad Sa Isa Sa Mga Pangangailangan Ng Asignaturang


Filipino 2,
Pagbasa at Pagsulat TungoSa Pananaliksik

Rowen Glenn D. Apellido


Nikka Kimberly Ann Arevalo
Iomar James D. Dela Cruz
Joshua Vinren B. Ureta
Joshua M. Casipe
Jesreal C. Ibabao

BS Information Technology – Software Engineering


Mayo 2020

2
Dahon ng Pagpapatibay

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Batayan Sa Pagpili

Ng Mga Mag-Aaral Ng Kursong Information Technology, Taong

Panuruan, 2019-2020” ay inihanda ng pangkat ng mga mananaliksik

mula sa ika-unang grupo na binubuo nina Rowen Glenn D. Apellido,

Nikka Kimberly Ann Arevalo, Iomar James D. Dela Cruz, Joshua

Vinren B. Ureta, Joshua M. Casipe at Jesreal C. Ibabao bilang

pagtupad sa mga kahingian ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at

Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik. Ihaharap ang nasabing

pananaliksik kay Bb. Ruffa Marie P. Menodiado.

Tinanggap at sinangayunan bilang pagtupad sa isa sa mga

pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat

Tungo Sa Pananaliksik.

Bb. Ruffa Marie P. Menodiado

Guro Tagapatnubay

3
Dahon ng Pasasalamat

Ang mga mananaliksik ng pananaliksik na ito ay taos pusong

nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal na naging bahagi

nito:

Sa Maykapal na lagi naming kasama, sa patuloy niyang

paggabay at pagbibigay lakas sa kabila ng mga hamon at pangyayari

na naging isa sa mga hadlang sa pagsagawa ng pananaliksik na ito,

nawa’y patuloy niyang bigyan ng sapat na lakas ang mga

mananaliksik upang harapin ang mga problema sa kasalukuyan at sa

kahaharapin pa lamang.

Pangalawa sa aming mga magulang na walanag sawang

sumusuporta sa aming pangangailangan lalo na sa problemang pang

internet at pinansyal na binigaya sa amin upang maisagawa ang

pananaliksik na ito.

Pangatlo, sa aming guro na si Bb. Menodiado na aming

propesor sa Filipino 2 na ginabayan kami sa aming pananaliksik at

binigyan kami ng ideya upang mas mapalawak naming ang pamanahong

papel.

Panghuli, sa mga mananaliksik sa mga pag-aaral na ito dahil

nadagdagan pa ang aming nakalap na impormasyon at nagkaroon kami

ng mga basehan sa aming pag-aaral.

4
Talaan ng Nilalaman

Kabanata 1. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-Aaral

I. Panimula ng Pag-Aaral 6-9

II. Layunin ng Pag-Aaral 10

III. Kahalagahan ng Pag-Aaral 10-11

IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag-Aaral 11-12

V. Depinisyon ng mga Terminolohiya 12-14

VI. Teoterikal na Balangkas 15

Kabanata 2. Kaugnay na Pag-Aaral at Literatura

I. Kaugnay na Pag-Aaral 17-33

Kabanata 3. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

I. Disenyo ng Pananaliksik 34

II. Lugar ng Pananaliksik 35

III. Mga Tagatugon 35-36

IV. Instrumento ng Pananaliksik 36

Listahan ng mga Sanggunian

Apendiks

I. Liham sa Tagatugon 37

II. Curriculum Vitae 38-41

5
III. Talaan ng mga Ambag 42

Kabanata 1

Panimula ng Pag-aaral

Ang paggugol ng oras upang tamasahin ang buhay at kasayahang

dulot nito ay nakabubuti.Gayunman, lumilipas ang oras at maaari

mong pag-aksayahan ng panahon na tumungin sa mga bituin habang

dapat kang tumatakbo sa landas ng iyong pangarap. Ang pagpaplano

para sa hinaharap ay mahalaga dahil ito ay gagabay sa iyong

paglalakbay. Sa mahihirap na kumpetisyon sa trabaho sa panahon

ngayon, kasama ang pag-urong ng ekonomiya, ang pagkakaroon ng

isang plano sa kung paano mo makakamit ang iyong pangarap ay

mahalaga kung ikaw ay talagang determinado sa pagsasakatuparan

nito. Maraming mga tao ang nahahantong sa pagsisisi dahil sa

hindi pagsaalang -alang ng kahalagahan sa pagpili ng tamang

larangan sa pag-aaral. Marami sa kanila ay hindi naisip na ang

pagpili ng maayos na kurso ay kinakailangan sa lahat.

Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isang mahalagang

desisyon sa buhay na dapat isaalang-alang ng mga kabataan ngayon.

Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay

para sa hinaharap. Kailangan natin maging desidido sa pagpasok sa

kolehiyo at sa piniling kurso. Hindi maaalis sa isang kabataan

ang pagbago-bago ng desisyon, ang kailangan lamang ay pokus sa

ginagawa at puso sa pagpili ng kurso.

6
Ayon kay Adarna (2009), ang Information Technology ay

nagsimula pa noong 40’s at 70’s na nagging isang pangkaraniwang

pangangailangang bagay sapagkat ginagamitan ito ng komunikasyon

sa ibang tao gamit ang teknolohiya. Dahil sa I.T, may mga

milestone, coding at computing at nagsimula ito sa mga guhit o

simbolo sa mga bato noong sinaunang panahon. Ngayon, ang mga

batong ito ay nagging elektronik na. sa medaling salita, mayroon

nang ganapang ganito at ngayong panahong ito’y nalilinang dahil

din sa pangangailangan ng mga tao. Nagging sikat na rin ang I.T

sa edukasyon dahil ito ay isa rin sa mga pinakapraktikal na kurso

sa panahon ngayon.

Malawak ang saklaw ng teknolohiyang pangkabatiran kaya naman

iba't-ibang tungkulin ang maaaring gawin ng mga taong bihasa

rito. Ang pangangasiwa ng mga datos, pagsasaayos ng network,

pagbubuo ng mga kompyuter, pagdidibuho ng database at software at

pati na rin ang pamamahala ng mga buong sistemang pangkabatiran

ay ilan lamang sa mga tungkuling ito.

Ang teknolohiya ay isang kredensyal sa bawat indibidwal o

organisasyong naglalayong manguna. Habang umaangkop ang negosyo

sa modernong panahon, umuunlad ang industriya sa larangan ng

Information Technology. Ang mga industriya ngayon ay lubos na

umaasa sa teknolohiya upang mahing epektibo at mahusay sa

kanilang mga operasyon. Hindi lamang negosyo at industriya ang

7
hinahawakan nito, kasama rin ang bawat aspeto ng ating pang-araw-

araw na pamumuhay. Ayon sa Bureau of Labor ngayong taong 2020,

dahil dito dumadami ang mga trabaho para sa mga nangangailanagan.

Ito ang perpektong dahilan upang isaalang-alang ang Bachelor of

Science in Ingormation Technology.

Ayon kay Bill (2013) ng Tech Republic, labing-isang (11)

porsyento ang nagtaas sa mga taong kumuha ng kursong I.T noong

taong 2012. Ibig sabihin nito ay talagang nakaiimpluwensya na ang

teknolohiya sa mga estudyante. Ang kursong ito ay naglalayong

matulungan ang mga kabataan at iba pang klase ng indibidual sa

pag gamit ng teknolohiya. Ito ay nag sisilbing gabay upang

magamit ng wasto at tama ang mga makabagong teknolohiya. Mahalaga

ang papel nito dahil ito ang namumuno o nag bibigay ng aral

tungkol sa pakikipag komunikasyon at sa paggamit ng makabagong

teknolohiya. Maraming mga tao ang hindi pa gaano marunong sa

paggamit ng teknolohiya kaya naman isa rin sa layunin ay

mapalawak ang kaalaman ng bawat indibidwal sa paggamit ng

teknolohiya.Ang pinakapangunahing tinatalakay ay ang tamang

paggamit ng kompyuter. Inilalahad dito ang mga ibat ibang gamit

nito. At pati narin sa paggamit ng ibat ibang software halimbawa

nalang ng photoshop, animation, at ang paggawa ng sariling

website o HTML. Ito ay makakatulong upang magkaroon ng advance na

kaalaman para maging handa trabaho.

8
Malawak ang sakop ng nito, kaya naman isa ito sa

mahahalagang dapat matutuhan ng bawat indibidwal. Dahil ang

mundong ating kinagagalawan ay unti unti ng nagiging progresibo

sa teknolohiya. Dapat ang lahat ng tao ay may alam at handa sa

ano mang pagbabago ng teknolohiya sa atin. Huwag hayaang tayo ang

kontrolin ng teknolohiya, bagkus tayo dapat ang nagkokontrol sa

kanila dahil narin tayo rin naman ang dahilan kung bakit ang

teknolohiya ay buhay ngayon. Ang teknolohiya. Ang teknolohiya ay

napaka-importante dahil sila ang kasama natin araw- araw, at

araw-araw rin tayo gumagamit ng teknolohiya. Malaki na ang

naiaambag ng teknolohiya sa mundo. Maraming mga bansa ang umunlad

dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Kaya kapag nawala

ang mga teknolohiya, magkakaroon ito ng malaking epekto satin

lalong lalo na sa ekonomiya ng ating bansa. Ang Information

Technology ay isa sa dahilan kung bakit patuloy ang progreso ng

makabagong teknolohiya sa ating bansa. Ang pananaliksik na ito ay

ginawa upang gabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng kursong

tatahakin. Napili ang pananaliksik na ito upang ipakilala ang

kursong Bachelor of Science in Information Technology. Mahalaga

ang pananaliksik na ito dahil gumagabay ito at tumutulong sa

pagbuo ng tamang desisyon lalo na sa mga mga-aaral na may

kakayahan sa iba't ibang bagay na may kinalaman sa larangan ng

Information Technology at sa mga taong interesado dito. Ang

layunin ng pananaliksik na ito ay makahikayat ng mga mag-aaral na

9
walang tiyak na kursong kukunin. Layunin nitong magbigay ng

impormasyon na may kinalaman sa kursong Information Technology.

Ipapakilala nito mga mahahalagang bagay na dapat malaman ng isang

mag-aaral na kukuha o interesado sa kursong ito.

10
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay

naglalayong alamin ang rason kung bakit ang mga estudyante sa

unang taon sa kolehiyo ng ASU-CIT ay piniling kumuha ng kursong

Information Technology.

Isa rin sa layunin ng mga mananaliksik ay masagot ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga pangunahing batayan ng mag mag-aaral na

nasa unang antas sa pagkuha ng Information Technology?

2. Kumukuha lang ba ang mga estudyante ng Information

Technology sapagkat ito ay isa sa mga indemand na kurso?

3. Ano ang mga aspeto ng kursong Information Technology ang

nakahumaling sa mga estudyante na kumukuha ng kursong

ito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Bukod sa layunin ng pag-aaral, ang pananaliksik na ito ay

magiging kapaki-pakinabang ang kahalagahang dulot sa mga

mababanggit na tao:

11
Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing tulong at

gabay sa mga estudyanteng nagbabalak o nais kumuha ng kursong

Information Technology upang mapalawak pa nila ang kanilang

kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng kursong ito.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong at

makapagbibigay sa mga guro ng mga impormasyon upang mapalawak pa

ang kanilang kabatiran sa kursong Information Technology at upang

mapaunlad pa nila ang kanilang pagtuturo sa mga estudyante kukuha

at kumukuha ng kursong Information Technology.

Magulang. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing tulong sa

mga magulang upang masuportahan nila ang kanilang mga anak na

kukuha o kumukuha ng kursong Information Technology.

Administrasyon. Ang pananaliksik na ito ay makakapagpatanto

sa mga nakatataas sa Aklan State University – College of

Industrial Technology kung ano ang dapat gawin upang mapabuti pa

ang sistema ng pagtuturo para sa mga mag-aaral na nais magpatuloy

ng pag-aaral sa nasabing unibersidad.

Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa panig

ng mga mananaliksik sa pagpapabuti at madagdagan pa ang kanilang

kakayahan at kaalaman sa larangan ng Information Technology,

gayundin ay makapagbigay ng mahahalagang ideya o impormasyon na

makatutulong sa iba na mapagyabong rin ang kanilang isasagawang

pananaliksik.

12
Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Batayan sa pag pili

ng mga mag aaral ng kursong Information Technology, Taong panuran

2019-2020. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang

mga batayan sa pagpili ng mga mag-aaral ng Aklan State

University – College of Industrial Technology sa kursong ito.

Ang sakop ng aming pag-aaral na ito ay ang unang taon na mag

aaral ng Aklan State University-College of Industrial Technology

partikular sa kursong Information Technology sapagkat sila na ang

pinakamalapit na respondenteng makakatugon sa pangangailangan ng

pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na sa kasalukuyang

panahon ang pinaka mainam magkaroon ng ganitong pagaaral upang

malaman ang mga rason,aspeto at batayan sa pagpili ng kursong

ito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga nakapaloob na mga termino na mababanggit sa

pananaliksik ay bibigyan ng wastong pagpapakahulugan upang

maunawaan ng mga mambabasa. Ang kahulugan ng mga terminong ito ay

hinango sa diksyunaryo, internet atbp.

13
Kompyuter

Sa konseptwal na pagpapakahulugan, ang kompyuter, kumpyuter,

komputadora o computer [Ingles] ay isang makina na ginagamit sa

paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa

pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ayon naman sa

operasyonal na pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa isang makina

na nagsisilbing pundasyon ng Information Technology.

Information Technology

Sa konseptwal na pagpapakahulugan, ang teknolohiyang

pangkabatiran, tinatawag ding teknolohiyang pang-impormasyon,

teknolohiya ng kabatiran, o teknolohiya ng impormasyon (Ingles:

Information Technology, na dinadaglat bilang IT) ay ang pagaaral,

pagdidibuho, pagbubuo, paglilingap o pangangasiwa ng mga

sistemang pangkabatiran na nakabatay sa kompyuter. Ayon naman sa

operasyonal na pagpapakahulugan, ito ay isa sa mga kursong

makikita sa Aklan State University – College of Industrial

Technology kung saan ang mga makakalap na impormasyon ay

manggagaling sa mga respondente ng kursong ito.

Pamantasan o Unibersidad

Sa konseptwal na pagpapakahulugan, ito ay isang institusyon

ng mas mataas na edukasyon at pananaliksik na nagbibigay ng mga

sertipikong akademiko sa iba't-ibang larangan. Ayon naman sa

14
operasyonal na pagpapakahulugan, ang unibersidad ay ang lugar

kung saan ginaganap ang pananaliksik.

Kurso

Sa konseptwal na pagpapakahulugan, ito ay isang bokasyon na

naitatag sa isang espesyalisadong pagsasanay na pang-edukasyon,

na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at

paglilingkod sa ibang mga tao, para sa isang tuwiran at tiyak na

kabayaran, na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng ibang

pagkakamit na pangnegosyo.

Teoretikal na Balangkas

Ang pagkuha ng mga estudyante ng Information Technology ay

may kinalaman sa kanilang pangangailangan pinansyal.

Ang Hierarchy of Needs ay isang modelo na binuo ni Abraham

Maslow binabalangkas ang mga pisikal, panlipunan, at sikolohikal

na mga kinakailangan na dapat masisiyahan para sa isang

indibidwal na mapagtanto ang kanyang tunay na potensyal. Gamit

ang parehong lohika, binuo ng MAF ang "Hierarchy of Financial

Needs" (HFN) upang ipaliwanag kung ano ang mga indibidwal na

nangangailangan upang mapagtanto ang kanilang tunay na potensyal

na pang-ekonomiya.

15
Isa sa mga binalangkas na modelong ito ay ang “Kita” o

income kung saan ito ang pinakasimpleng pinansiyal na

pangangailangan upang masakop ang mga pangunahing gastos sa

pamumuhay, tulad ng pagkain, pabahay, at mga kagamitan. Maaaring

tumagal ang kita ng maraming mga form, mula sa sahod at dividends

sa mga benepisyo ng gobyerno o kahit na paglilipat mula sa

pamilya o mga kaibigan. Ang kita ay ang pundasyon ng seguridad sa

pananalapi.

16
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga babasahin na may

kinalaman sa isasagawang pananaliksik. Ito ay nagbibigay ng

kongkretong kaalaman sa mga literatura at pag-aaral na inilakip

sa pag-aaral na ito na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman

ang mga mambabasa.

Mga Kaugnay Na Pag-Aaral

Ang pokus ng kabanata ay upang suriin ang gawaing

pananaliksik na nagawa na sa lugar ng teknolohiya ng impormasyon,

upang makakuha ng isang komprehensibong pag-unawa tungkol sa mga

layunin, kalikasan, istraktura, paglalahad at pagiging epektibo

ng mga programa tungkol sa teknolohiya at din upang matukoy ang

mga natuklasan na lugar na kailangang pag-aralan na may

sanggunian sa iba't ibang sukat ng mga programang tungkol sa

kursong Information Technology. Isang pagkilos ang ginawa upang

17
mai-scan ang mga kaugnay na panitikan mula sa iba't ibang mga

mapagkukunan.

Ayon kay Cath (2012), Ang kumukuha lang daw ng I.T. ay yung

mga taong “BASTA MAKAPAG-TAPOS LANG”. Wala naman kasing board

exam kaya’t ito ang dahilan kung bakit marami ang kumukuha ng

kursong ito. Meron din iba ang dahilan kinukuha nila ito dahil

kailangan nila na magkatrabaho agad kahit walang pala silang

masyadong alam.

Ayon kay Morkon (2013) Ang dahilan ng ibang estudyate na

kumukuha ng kursong I.T ay dahil meron 2 years ang kursong I.T

kaya pasok na pasok ang mga estudyante sa kursong ito. Pag

natapos kasi nila ang 2 years pumapasok agad ang iba sa pagiging

Call Center dahil malaki ang sahod dito at dito talaga ang bagsak

ng iba na nagtapos ng 2 years sa I.T.

Ayon kay Juan (2011) Isa sa dahilan ng mga estudyante kung

bakit pinili ang kursong ito ay dahil mahilig sila mag-computer,

gusto pa nila na mas matuto sa pag gamit nito, malaman kung paano

ayusin ang mga computer tulad ng pag tukoy kung ano ang sanhi ng

pagkasira nito,malaman ang mga parte ng computer,at kung paano

ito magagawa.

Smith (2018) Sabi niya ang mga kabataan ngayong 2018 ay

mahilig maglaro ng computer games kaya kapag nasa kolehiyo na

sila pumapasok sa isipan nila na kumukuha ng kursong Bachelor of

18
Science in Information Technology sa dahilan na marunong silang

gumamit ng kompyuter. Makakatulong naman ang paglalaro ng

computer games sa pagpili ng kursong I.T dahil nagagamit ang mga

ideya nila sa pag gawa ng mga programs at paggawa ng larong

ginagamitan ng estratehiya pero mas maganda kung napili nila ito

dahil may advance na pag aaral sila tungkol sa Information

Technology.

Ayon kay Drew, madali ng kumita ng pera sa pagiging

Information Technology student dahil sa panahon ngayon ay madami

ng mga teknolohiya na kailangang ayusin na konektado sa Computer.

Ang mga Information Technology students ay mas marunong sa pag

aayos nito katulad ng pag rereformat at pag iinstall ng software

at hardware. Kaya na nahihikayat talaga ang mga mag aaral ng

kumuha ng kursong Information Technology sa kolehiyo.

Ayon kay Sam (2013) Pinipili ng mga estudyante ang kursong

“Bachelor of Science in Information Technology“ sa dahilan na

gusto nilang malaman ang larangan ng pag aaral tungkol sa kursong

ito. At para din upang matugunan ang mga pangangailangan ng

industriya at pamahalaan. Ang kaunlaran, pamamahala, at

pagpapanatili ng Teknolohiya ng Impormasyon sa mundo.

Ang mga kaalaman ng teknolohiya kasama komunikasyon,

computer networking, computer-based system, database, pag-unlad

ng software, website, digital media at iba pa. Ito ang mga

19
konsentrasyon na nagbibigay sa kanila ng mga kakayahan na

paunlarin ang industriya ng teknolohiya sa bansa.

Ayon sa ELSIVIER, Ito ay isang problema sa buong mundo na

kahit na marami ang mga mag-aaral ay lubos na interesado sa

Information Technology (IT), ginagawa nila hindi pag-aralan ito

sa mas mataas na antas ng edukasyon, o kung ginagawa nila

pagkatapos marami sa kanila ang nag-dropout. Pinag-aralan nila

ang mga dahilan ng mga kandidato ng mag-aaral piliin na pag-

aralan ang IT, upang makalikom ng data na maaaring magamit para

sa pagpapabuti ng hinaharap na Information Technology sa

pangangalap at pagpapanatili. Sa panahon ng pamamaraan ng

pagpasok sa tatlong mas mataas na edukasyon mga institusyon sa

Estonia, 1,464 mga kandidato ng mag-aaral. Tinanong kung ano ang

mga kadahilanan na naimpluwensyahan sila mag-apply sa Informatics

o Information Technology. Karaniwan, 2.6 mga kandidato ang

nakikipagkumpitensya bawat magagamit na posisyon sa mga

institusyon. Kwalitatibo ginamit ang pagsusuri ng nilalaman upang

code ang mga kandidato bukas na mga sagot at nagdulot ng

inductively sa 14 nakikilala mga kategorya. Ang pinaka madalas

ang mga kadahilanan sa pag-aaral ng IT ay pangkalahatang interes

lang.

Ang Information Technology, nakaraang karanasan sa larangan,

ay kailangan personal na pag-unlad ng propesyonal, at kahalagahan

20
ng bukid sa hinaharap. Kapansin-pansin, ilang mga kandidato

lamang ang ipinahayag bilang isang dahilan ng kahalagahan ng

mataas na sweldo. Chi-square analysis ang nagpakita na ang mga

kandidato ay

tinanggap na may mas mataas na posibilidad kung nahanap nila ang

It ay angkop para sa kanila, o ipinahayag ng Mabuti mga

pagkakataon sa merkado ng paggawa. Ang mga resulta ay kapaki-

pakinabang para sa pagpaplano ng epektibong pagpasok mga

pamamaraan upang magrekluta ng mga mag-aaral sa industriya ng

Information Technology.

Isang artikulo sa (2011) sa Review ng Harvard Business

tinukoy sa teknolohiya ng impormasyon bilang na binubuo ng

tatlong pangunahing dahilan bakit piliin ang kursong BSIT; una

ang computational data processing, pangalawa ang pagpapasya at

suporta, at ang huli ay software ng negosyo. Ginagamit ang

teknolohiyang impormasyon para sa mga koneksyon sa computer at

mga network. Ginagamit ito upang itago, makuha, magpadala at

pagmamanipula ng data. Ang Teknolohiya ng Impormasyon (IT) ay

isang negosyo sektor na tumatalakay sa computing, kasama ang

hardware, software, telecommunication at sa pangkalahatan ang

anumang kasangkot sa pagpapadala ng impormasyon o mga Sistema na

pinadali ang komunikasyon.

21
Ayon sa KM, Napakalaki ng ambag ng Information Technology

sa mga estudyante dahil sa napakaraming iba’t ibang bagay ang mga

matututunan patungkol sa teknolohiya, masasabing napakaganda at

nakapupukaw pag aralan ang teknolohiya. At pagnatapos ang kursong

ito may kasiguraduhan na ka agad ang iyong trabaho, maraming

pagkakataon ang nag-iintay. Tiyak na malaki ang magiging

katulungan ng iyong pag-aaral sa IT kapag nangangailangan kana ng

trabaho. Pwede kang maging technician, programmer, incoder,

secretary at iba pa sa loob ng opisina.

Ayon kay Niles & Harris-Bowlsbey, ang pagpili ng kurso ay

maaaring nakadepende sa mga karanasan at kagalingan sa nasabing

kurso.

Bandura, Barbaranelli, Vittorio & Pastorelli (2009),

sinasabing ang pagpili ng mga estudyante sa isang kurso ay

dahilan ng kanilang sariling pagkaunawa sa kanilang abilidad na

makagawa ng mga naaayong desisyon upang makasatuparan ang mga

ninanais na resulta, sa pamamagitan nito naiimpluwensyahan nila

ang kanilang sarili na piliin ang ang kanilang piniling kurso

sapagkat dito naaayon ang kanilang abilidad at gayon din ang

kanilang sarili. Dahil dito hindi na nakapagtataka kung bakit ang

mga estudyante ay kumukuha ng mga kurso kung saan ang kanilang

abilidad ay naaayon at nararapat dito. Kung ang isang estudyante

ay bihasa sa larangan ng kompyuter, mauunawaan na ang kursong

22
kukunin na nasabing estudyante ay Information Technology. Ang mga

konseptong ito ay sinang-ayunan ng teoryang Social Cognitive

Career Theory (Lent, Brown at Hacket) at sa pananaliksik ni Smith

sa kanyang “Academic Performance in Information Technology “.

Ang isa pang pag-aaral ang nalaman kung ano ang

isinasaalang-alang ng mga mag-aaral at guro ng mabisang

pamamaraan sa pag-rerekut, at kung anong mga kadahilanan ang

naka-impluwensya sa mga mag-aaral na pumasok sa larangan ng

edukasyon sa teknolohiya. Ang mga resulta ng pagsusuri ng 34 na

mga talatanungan ng mag-aaral ay iminungkahi na ang karamihan sa

mga mag-aaral ay nagpasiya na pumasok sa isang larangan o kurso

habang nasa high school kumpara sa paggawa ng desisyon kung anong

kurso ang pipiliin pagkatapos mag-enrol sa isang unibersidad.

(Gray & Daugherty)

Ayon kina Swanson at Woitke na ang mga hadlang sa pagpili ng

isang larangan ay nakadepende sa isang tao at sa kaniyang

kapaligiran. Ayon naman kay Smith na ang mga babae na nasa

larangan ng teknolohiya ay nahaharap sa mga hamon kung saan ang

kanilang abilidad ay naikukumpara sa mga lalaki.

Mula sa pag-aaral ni R.Hartigan ang mga computer games ay

ekslusibong dahilan kung bakit pinili ng estudyante ang kursong

information technology (IT). Kaya sa ginawa niyang pag-aaral ay

mas tinatangkilik talaga ang computer games na dahilan.

23
Davis (2010) Sa kanyang pag-aaral na “Tool for learning” ay

naniniwala na walang isang mahiwagang formula para sa pag-uudyok

sa mga mag-aaral. Maraming mga kadahilanan ang nakakaapekto sa

isang naibigay na motibasyon ng mga mag-aaral na magtrabaho at

matuto: Interes sa paksa, pag-unawa sa pagiging kapaki-pakinabang

nito, pangkalahatang pagnanais na makamit, tiwala sa sarili, pati

na rin ang pasensya at pagtitiyaga. Sa pamamagitan ng makulay at

kaakit-akit na mga grapiko, kawili-wili at naglalarawan na mga

animation, naaangkop na mga epekto ng tunog, nagbibigay ang

Information Technology ng multisensory stimulus at mga karanasan

sa totoong mundo. Ang mga guro na gumagamit ng Information

Technology sa proseso ng pagtuturo ay maaaring makakuha ng pansin

ng mga mag-aaral, mag-udyok sa mga mag-aaral na gumugol ng mas

maraming oras sa mga aktibidad sa pag-aaral na may higit na

konsentrasyon, at makisali sa pamamagitan ng gawaing paggawa.

Maaaring pahabain ng kursong ito ang hanay ng mga alternatibong

pamamaraan ng pagtuturo.

Munyantware (2011) Sa kanyang pag-aaral "mga problema na

nakakaapekto sa teknolohiya ng pag-aampon ng matematika at mga

asignatura sa agham". Napag-alaman na ang mga mag-aaral na may

mas mababang kakayaha ng IT ay hindi handa at walang gaanong

pagtitiwala sa paggamit ng mga kasanayan sa IT. Ipinapahiwatig

nito na ang mga kasanayan sa teknolohikal na impormasyon ay

kritikal para sa matagumpay na pagpapatupad ng IT sa silid-

24
aralan. Resulta niyan ay nawawala ang iba ng pag-asa na kumuha ng

ganitong kursong kasi hindi sila gaanong kagaling sa larangan ng

matematika at asignatura sa agham.

Ayon kay El-Hindi na nagsagawa ng pag-aaral sa

"Constructivist teaching with internet". Ipinapalagay niya na ang

pag-aaral sa pamamagitan ng internet ay katugma sa

konstruktivitismo. Ipinapalagay ng Konstruktivismo na ang mga

nag-aaral ay aktibo at mausisa at ang proseso ng pagtatayo ng

kaalaman sa internet ay naaayon sa mga paradigma na ito. Ang

internet ay isang napakalakas na mapagkukunan upang suportahan

ang mga mag-aaral ng natural na pagkamausisa. Maaring dahilan din

ito sa pagpili ng mga estyudante sa kursong information

technology dahil napakahalagang bagay ang internet sa larangan ng

teknolohiya. Inilarawan muli ng internet ang ideya ng guro bilang

nag-iisang mapagkukunan ng kaalaman, sa pamamagitan ng pagbibigay

ng malawak na mundo ng impormasyon. Natagpuan niya na sa

pamamagitan ng paggamit ng internet, ang mga guro ay maaaring

mag-focus nang mas mababa sa pagiging sentro ng pag-aaral at

payagan ang higit pang mga pagtuklas sa bahagi ng mag-aaral. Sa

halip na maging mga positibo na mag-aaral na nakikinig sa

kanilang mga guro, ang mga mag-aaral ay maaaring lumikha ng

kanilang sariling mga paraan ng pangangalap ng impormasyon. Ang

mabisang paggamit ng internet ay makakatulong sa mga guro na

25
lumipat patungo sa pagpapadali ng mga kapaligiran sa pag-aaral ng

konstruktivista.

Jonassen et al. (1999) Isinasagawa nila ang pag-aaral na ito

ang "pag-aaral upang malutas ang mga problema sa teknolohiya".

Iniulat nila na matapos suriin ang mga aplikasyon ng I.T sa iba't

ibang mga paaralan at proyekto na naisaayos ang mga aktibidad na

ito, na maaaring magamit ng mga guro upang paganahin ang mga mag-

aaral na maging bisaha. Ito ang mga Databases, Semantikong

Network, Visualization Tools, Micro worlds, Expert Systems at

Mental Models.

Aryatuha (2010) Mga Pag-aaral sa "Relasyon sa pagitan ng

computerization at pagiging epektibo ng organisasyon". Natagpuan

niya na ang pagkakaroon ng computer harware at software ay dapat

na sinamahan ng pagsasanay ng mga gumagamit at patuloy na suporta

sa teknikal. Kung wala ito, kahit na ang mataas na kalidad ng

hardware at software ay magagamit, maaari silang masayang o

manatiling hindi mababago ng mga gumagamit.

Ayon kina Kong et al na Sinaliksik ang pag-aaral sa

"Possibilities of creative and lifelong learning”. Natagpuan nila

na ang pagsasama ng Information Technology at kurikulum ay ang

pangunahing puwersa sa pagtaguyod ng buong pagtanggap ng

teknolohiya ng impormasyon ng mga mag-aaral.

26
Law (2011) Sa kanyang pag-aaral na "Pagbabago ng mga silid-

aralan; Ang mga pagbabago sa mga paaralan ” ay natuklasan na ang

mga guro at mag-aaral ay may iba't ibang nakuhang galing sa

kanilang kasanayan sa larangan ng Information Technology. Kapag

ang pagtuon ay suportado ng pagtuturo ng teknolohiya, ang lahat

ng mga guro ay karaniwang mas may kakayahan, at marami sa kanila

ang pinagkadalubhasaan ang mga kasanayan sa paggawa ng multimedia

at programming. Kaya ang mga estudyante na napili ang kursong

information technology ay naniniwala na maabot o malampasan nila

ang lebel ng edukasyon at galing ng kanilang mga guro.

Mooij et al (2001) Sa pag-aaral na "Pagmomodelo at

pagsuporta sa pagpapatupad ng Information Technology sa

kolehiyo". Natagpuan na ang kakayahan ng mga estyudante at

kumpiyansa sa kanilang mga kasanayan ay isang pangunahing

kadahilanan kung bakit ang kursong Information Technology ay

kanilang pinili para upang maging bihasa sa larangan ng

teknolohiya. Pero ang mga tagapagturo ay dapat makamit at

mapanatili ang isang katiyakang antas ng kakayahang teknolohikal

upang gawing mas epektibo ang mga diskarte sa pagtuturo.

Ayong kay Agaba na nagsagawa ng pag-aaral sa "Mga Hamon at

ang paraan ng pasulong". Sabi niya Ito ay hamon sa mga mag-aaral

na patibayin ang loob at isipin ng maigi ang mga desisyon upang

ang kinalalabasan ng resulta ay maganda kasi nalaman niya na ang

27
kakulangan ng kompyansa sa sarili at kasanayan ay isa sa mga

problema kung bakit napupunta ang iba sa maling landas.

Ang mga mananaliksik na sina Blackmore et al Sa pag-aaral na

ito, "Ang mabisang paggamit ng teknolohiya ng impormasyon (IT)

upang mapahusay ang pag-aaral para sa mga mag-aaral na may

kunting kaalaman" ay natuklasan na ang paggamit “IT learning” ay

nag-aalok ng mga kalamangan at mga pagkakataon upang madagdagan

ang kaalaman ng mga mag-aaral, tumutulong sa mga mag-aaral na

malutas ang mga problema, at madagdagan ng pansin ang kursong ito

ng mga mag-aaral para mapaunlad ang kanilang kaalaman.

sa pag-aaral ni Allan Fisher na ang tingin daw ng iba

estudyante sa computer ay isang interdisciplinary. Ang tingin

naman ng may alam sa computer mas napapahayag nila ang interes

nila pagnakaharap sila sa computer kaya nakukumbinsi ang ilan na

kumuha ng kursong information technology.

Sabi naman ni Kane sa University of Wisconsin na ang mga

estudyante na magaling sa math ay pwedeng pwede kumuha ng kursong

(IT). Kasi ayon sa kanya mahilig talaga ang mga kabataan ngayon

sa mga problem solving at iba pa.

Sabi ni schaf, ating modernong panahon ay sumibol ang mga

makabagong teknolohiya kaya ang kursong Information Technology ay

dinumog dahil sa impormasyon na madali ito at ito ay ang pinaka

in demand ngayon taong 2019.

28
Deaney et al. (2011) Sa kanilang pag-aaral "Mga pananaw sa

mga kontribusyon ng IT sa pagtuturo at pag-aaral sa kolehiyo".

Natagpuan na ang mga mag-aaral ay tiningnan ang mga mapagkukunan

ng IT bilang kapaki-pakinabang sa mga gawain at pagtatanghal, at

kapaki-pakinabang din sa pagpino ng mga ulat ng proyekto at mga

pagpipilian sa pagsubok. Inugnay nila ang IT sa pagbabago sa

kapaligiran ng pag-aaral at relasyon sa silid-aralan; Ang mga

aplikasyon ng IT ay nagtaas ng interes at nadagdagan ang

pagganyak sa kanilang bahagi.

Bauer et al. (2010) na nakasaad sa kanilang pag-aaral na

"Patungo sa pagsasama ng teknolohiya sa mga paaralan" na ang mga

mag-aaral ay may sapat na kasanayan, ay makabagong at madaling

malampasan ang mga hadlang, hindi nila isinama ang teknolohiya

nang pareho bilang isang gamit sa pagkatuto. Ang mga kadahilanan

na hindi napapanahong hardware, kakulangan ng naaangkop na

software, mga kahirapan sa teknikal at mga antas ng kasanayan ng

mga mag-aaral. Nalaman ng pag-aaral na ang pag-unlad ng

propesyonal ay may makabuluhang impluwensya sa kung gaano kahusay

na yakap ang IT sa silid-aralan. Ipinapahiwatig nito na ang mga

programer ng pagsasanay ng mga guro ay madalas na nakatuon sa mga

batayang kasanayan at mas kaunti sa pinagsamang paggamit ng IT sa

pagtuturo. Sa kabila ng maraming plano na gamitin ang IT sa mga

paaralan, ang mga guro ay nakatanggap ng kaunting pagsasanay sa

lugar na ito sa kanilang mga programang pang-edukasyon.

29
Sinabi ni Albirini (2010) na ang kakayahan sa teknolohiya ay

binubuo hindi lamang kaalaman sa teknolohiya kundi pati na rin

ang mga kasanayan at karanasan na kailangan upang magamit ang mga

ito. Pinapayagan ng kakayahan ng teknolohiya ang mga mag-aaral na

maging mas mahusay na mga indibidwal sa pagharap sa pang-araw-

araw na gawain tulad ng pakikipag-usap sa mga expertl; upang

mapanatili ang mga talaan; gumawa ng pananaliksik sa kanilang

domain ng pagpipilian; at upang maghanda ng mga presentasyon.

Samakatuwid, ang kakayahang umangkop sa kompyuter ay maaaring

sundin sa mga tuntunin ng paniniwala ng mga guro tungkol sa

kanilang kaalaman, pangunahing kasanayan at kakayahan ng

pagsasagawa ng mahahalagang pag-andar gamit ang computer. Sinabi

din niya na ang kakayahang umangkop sa computer ay tumutukoy sa

mga paniniwala ng mga guro tungkol sa kanilang kaalaman at

kasanayan sa computer. Ang mga computer ay isang mahalagang

bahagi ng maraming mga lugar ng trabaho at ang mga employer ay

nangangailangan ng kapwa lalaki at kababaihan na may mga

kasanayan sa computer. Bagaman ang ilan ay dumating sa trabaho na

may edukasyon na may kaugnayan sa computer, maraming manggagawa

ang nangangailangan ng pagsasanay o pag-retra upang mapanatili

ang bagong computer hardware o software.

Iniulat ni Sife et al (2010) na ang suporta sa

administratibo ay kritikal sa matagumpay na pagsasama ng IT sa

mga proseso ng pagkatuto. Maaari itong maitalo na ang mga

30
administrador ay maaaring magbigay ng mga kundisyon na

kinakailangan, tulad ng paglalagay ng lugar ng isang patakaran sa

IT, insentibo at mga mapagkukunan. Sinabi niya na para sa pag-

ampon ng IT upang maging epektibo at sustainable, ang mga

tagapangasiwa mismo ay dapat maging karampatang sa paggamit ng

teknolohiya, at dapat silang magkaroon ng malawak na pag-unawa sa

mga teknikal, pedagogical, administratibo, pinansiyal, at

panlipunan na sukat ng IT sa edukasyon .

Malcolm et al. (2012) iniulat na ang kakulangan ng mga

propesyonal na programa sa pag-unlad para sa mga mag-aar upang i-

upgrade ang kanilang mga kasanayan sa mga umuusbong na

teknolohiya ay isang hadlang sa mga tagapangasiwa ng pagpapatupad

ng IT.

Priscilla et al. (2011) nagsagawa ng pag-aaral sa "Mga Salik

na maaaring maimpluwensyahan ang paggamit ng mga laptop sa mga

mag-aaral." Iniulat nila na ang gabay mula sa isang pinuno ng

departamento ay napakahalaga sa paghikayat sa pagpapaunlad ng mga

elektronikong materyales sa aralin upang hikayatin ang paggamit

ng computer para sa tiyak na paksa sa kapaligiran ng pagtuturo.

Napag-alaman ng pag-aaral na ang tagumpay ng pagsasama ng IT sa

pakikipag-ugnayan sa pagtuturo sa gitna ng mga mag-aaral ng

paaralan ay nakasalalay sa suporta na ibinigay ng punong-guro ng

paaralan.

31
Ako et al. (2010) nagsagawa ng pananaliksik sa survey na

"Ang paggamit at pagsasama ng IT sa pagtuturo ng kimika sa

kolehiyo". Natagpuan na sa pangkalahatan ay lubos na kailangan

nilang baguhin ang kurikulum ng kimika gamit ang IT at mayroon

silang napaka positibong pananaw patungo sa IT at ang mga komento

ay epektibo para sa pagbabago ng kapaligiran sa pag-aaral.

Sa kanilang pag-aaral ng mga sistema ng impormasyon para sa

rural micro-enterprise sa Botswana, Duncombe at Heeks (2010)

iminumungkahi na ang papel ng ICT sa pagpapagana ng impormasyon

at kaalaman ay mahalaga para sa kaunlaran ng lipunan at pang-

ekonomiya.

Natagpuan nila na may isang pag-asa sa naisalokal, impormal

na mga social network para sa kanilang impormasyon para sa mga

pangangailangan ng impormasyon ng rural microenterprise. Ang

impormasyon mula sa mga network na ito ay hindi maganda ang

kalidad at hindi madaling magamit; lumitaw ito upang mabigo ang

pinakamahirap at pinaka-negosyanteng negosyante. Ang mga ICT ay

kumakatawan sa isang hindi maikakaila karagdagan sa mga gastos at

ang mga pakinabang ng paggamit nito ay hindi maliwanag. Ang

Duncombe at Heeks (2010) ay nagmumungkahi na mayroong isang papel

para sa tagapamagitan ng ICT sa pagbibigay ng kinakailangang

impormasyon sa mga merkado, customer at supplier.

32
Ayon naman sa AAUW,Gender Gaps o American Association of

University Women na ang mga babae ay magaling sa larangan ng

computation at ang mga kalalakihan ay mgaling sa problem solving.

Maaring isa ito sa aspeto kung bakit ang mga babae ay hindi

nagkakaroon ng interes sa computer sapagkat ang pagaaral na ito

ay isang logical problem na nanganga ilangan ng logical thinking.

Sabi pa ng AAUW American Association of University Women na

20 percent lang na babae ang IT professional at sinang ayunan

naman ito ng Bureau of Labor statistic na mas malaki ang

pursyento ng mga kalalakihan ng IT professional.

Sabi naman ni Kane sa University of Wisconsin na ang mga

kalalakihan at kababaihan ay magaling sa math pero mas magaling

daw ang mga babae. Ayon pa sa kanya mas mahilig daw ang mga babae

pagdating sa aspeto ng math.

Ayon sa pagaaral ni Allan Fisher na ang tingin daw ng mga

kababaihan sa computer ay isang interdisciplinary. Ang tingin

naman ng mga kalalakihan sa computer mas napapahayag nila ang

interes nila pagnakaharap sila sa computer.

Ayon naman sa pagaaral ni Dr. Cheryl Olson na 49% ng

mga kalalakihan ay naglalaro ng mga computer games at 25% lang

ang mga babae nahihilig dito. Ayon sa kanilang pagaaral pareho

silang nakasentro sa bilang ng mga naglalarong computer games.

33
Mapapansin na ang mga pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang

pagpili ng mga estudyante sa kursong Information Technology ay

nakadepende sa kanilang kagustuhang matuto sa larangan ng

teknolohiya at sa iba pang aspeto.

Kabanata 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mahahalagang impormasyon

hinggil sa pagbuo ng pananaliksik. Kabilang dito ang paraan ng

pananaliksik, ang lugar kung saan isinagawa ang pananaliksik at

ang proseso at instrumento sa pagkalap ng mga datos ay inilahad

sa bahaging ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong

pananaliksik, ngunit pinili ng mananaliksik na gamitin ang

“Descriptive Survey Research Design.”, na gumamit na talatanungan

(survey questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ang

mga mananaliksik na ang angkop ang disenyong ito para sa paksang

34
ito sapagkat mas madali ang pangangalap ng datos mula sa maraming

tagatugon.

Ang disenyong diskreptibo ay ang nakita ng mga mananaliksik

na magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap pa ng

impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay gaganapin sa Aklan

State University – College of

Industrial Technology na makikita sa

Roxas Avenue Extension., Andagao,Kalibo

Aklan.

Mga Tagatugon

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng teknik na tinatawag na

“Simple Random Sampling” kung saan ang pagpili ng ng respondente

ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Sa pamamagitan ng

mga impormasyon na manggagaling sa mga tagatugon, ang

pananaliksik na ito ay matutukoy ang mga batayan nila sa pagkuha

ng kursong Information Technology.

Ang mga magiging tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga

estudyante na nasa unang taon ng kolehiyo na kasalukuyang

kumukuha ng kursong Information Technology. Kung saan ang mga

35
nasabing tagatugon ay may total na nasa isang daan at tatlumpu’t

apat (134) sa taong panuruan 2019-2020, batay sa pagbibilang na

isinagawa ng Philippine Society of Information Technology

Students (PSITS). Nahahati sa apat na seksiyon o pangkat ang

kursong Information Technology sa unang taon, malayang pipili ang

mananaliksik ng dalawampu’t walo (28) mag-aaral sa bawat pangkat

upang kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

Talahanayan 1.

Pangkat na Kinabibilangan ng mga Tagatugon

Software Business Computer Instructional

Engineering Process Hardware and System Total na

Outsourcing Networking Technology Tagatugon

Technology
28 28 28 28 112

Ang kabuuang bilang ng mga tagatugon ay isang daan at

labindalawa (112) na mga mag-aaral sa unang taon ng Information

Technology sa Aklan State University – College of Industrial

Technology.Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng maikling

oryentasyon sa mga tagatugon upang magkaroon sila ng sapat na

pag-unawa sa mga talatanungan, ang mga impormasyon makakalap ay

magiging kompidensyal.

Instrumento ng Pananaliksik

36
Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kinakailangang

impormasyon sa pag-aaral ay isang sarbey-kwestyoner o

talatanungan. Layon ng mga mananaliksik na makakalap ng mga

impormasyon sa mga mag-aaral na nasa unang antas ng Aklan State

University – College of Industrial Technology partikular sa

departamento ng Information Technology.

Sarbey Kuwestiyoner

Mahal naming Tagatugon,

Ang talatang ito ay naglalayong mangalap ng mga datos para

sa aming isinasagawang pag – aaral na may pamagat “ Batayan sa

Pagpili ng Kursong Information Technology, Taong Panuruan 2019-

2020” bilang pagtupad sa pangangailangan ng kursong Filipino

II ,Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Kaugnay nito, ang mga mananaliksik ay umaasa na sasagutin

ninyo ang mga katanungan na naaayon at may buong katapatan. Nawa

ay maayos ninyong matugunan ito para sa ikatatagumpay ng aming

pananaliksik.

Maraming Salamat Po!

Lubos na gumagalang,

37
Rowen Glenn D. Apellido
Nikka Kimberly Arevalo
Iomar James D. Dela Cruz
Joshua Vinren B. Ureta
Joshua M. Casipe
Jesreal C. Ibabao
BS Information Technology
Mga Mananaliksik
Rowen Glenn D. Apellido
Baranggay Guinbaliwan, New Washington, Aklan
Contact No. 09093273111
glenndarklord@gmail.com

I. PERSONAL NA DATOS

Edad : 19
Kapanganakan : August 18, 2000
Lugar ng Kapanakan : Baguio City
Katayuan sa Buhay : Single
Pangalan ng Ama : Weneil M. Apellido
Trabaho : Tricycle Driver
Pangalan ng Ina : Rosalina Apellido
Trabaho : House wife
Wika : Filipino, Akeanon,Eng.

II. DATOS NA UKOL SA EDUKASYON

 ELEMENTARYA: Guinbaliwan Elementary School


Brgy.Guinbaliwan, New Washington,
Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2013
 SEKONDARYA:

38
 Junior High School: Aklan Polytechnic College
Kalibo, Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2017
 Senior High School: ANHSAT
Andagao Kalibo, Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2019
 TERSYARYA: Bachelor of Science in Info.Tech
Aklan State University College of
Industrial Technology
Kalibo, Aklan
Jesreal C. Ibabao
Dongon East, Numancia, Aklan
Contact No. 09270393065
jes08cerezo@gmail.com

I. PERSONAL NA DATOS

Edad : 19
Kapanganakan : October 8, 2000
Lugar ng Kapanakan : Roxas City, Capiz
Katayuan sa Buhay : Single
Pangalan ng Ama : Albert G. Ibabao
Trabaho : Farmer/Rice Field Owner
Pangalan ng Ina : Cresilda C. Ibabao
Trabaho : House Wife
Wika : Filipino,Akeanon,Eng.

II. DATOS NA UKOL SA EDUKASYON

 ELEMENTARYA: Dongon Elementary School


Brgy Dongon West,Numancia, Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2013
 SEKONDARYA:

39
 Junior High School: Dela Cruz Institute of Bussiness
and Industry (DIBI)
Kalibo, Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2017

 Senior High School: Numancia Integrated School


Poblacion, Numancia, Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2019

 TERSYARYA: Bachelor of Science in Info.Tech


Aklan State University College of
Industrial Technology
Kalibo, Aklan
Joshua Vinren B Ureta
Mambog Banga, Aklan
Contact No. 09090505661
jvinren398@gmail.com

I. PERSONAL NA DATOS

Edad :19
Kapanganakan : June 11 2000
Lugar ng Kapanakan : Estancia Kalibo, Aklan
Katayuan sa Buhay : Single
Pangalan ng Ama : Melvin T. Ureta
Trabaho : Mekaniko
Pangalan ng Ina : Irene B Ureta
Trabaho : House Wife
Wika : Filipino/Akeanon

II. DATOS NA UKOL SA EDUKASYON

 ELEMENTARYA: Uldario P.Custodio Elem. School


Carugdog Lezo Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2013
 SEKONDARYA:

40
 Junior High School: Aguinaldo Integrated School
Linabuan Sur Banga Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2017

 Senior High School: Aguinaldo Integrated School


Linabuan Sur Banga Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2019

 TERSYARYA: Bachelor of Science in Info.Tech


Aklan State University College of
Industrial Technology
Kalibo, Aklan

Iomar James Durana Dela Cruz


Dumaguit New Washington, Aklan
Contact No. 09219565190
iomar15dc@gmail.com

I. PERSONAL NA DATOS

Edad :20
Kapanganakan : April 15 2000
Lugar ng Kapanakan : Kalibo, Aklan
Katayuan sa Buhay : Single
Pangalan ng Ama : Mario P. Dela Cruz
Trabaho : Salesman Supervisor
Pangalan ng Ina : Rosemarie D. Dela Cruz
Trabaho : House Wife
Wika : Filipino/Akeanon

II. DATOS NA UKOL SA EDUKASYON

 ELEMENTARYA: Dumaguit Elementary School


Dumaguit, New Washington, Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2013

41
 SEKONDARYA:
 Junior High School: New Washington National
Comprehensive High School
New Washington Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2017

 Senior High School: Garcia College of Technology


Kalibo, Aklan
Taon ng Pagtatapos: 2019

 TERSYARYA: Bachelor of Science in Info.Tech


Aklan State University College of
Industrial Technology
Kalibo, Aklan

Mga Ambag ng Bawat Miyembro ng Grupo

Rowen Glenn D. Apellido - Layunin ng Pag-aaral, Teoritikal na

Balangkas, Paghahanap ng Kaugnay na Pag-aaral (RRL)

Nikka Kimberly Ann Arevalo – Gumawa ng Saklaw at Limitasyon ng

pag-Aaral

Iomar James D. Dela Cruz – Nag-ayos at naghanap ng kaugnay na

pag-aaral para sa pananaliksik.

Joshua Vinren B. Ureta – Naghanap ng karagdagang kaugnay na pag-

aaral, Tumulong gumawa ng kabanata 3.

Joshua M. Casipe – Naghanap ng karagdagang RRL.

Jesreal C. Ibabao – Editor ng pananaliksik, gumawa ng ibang

bahagi ng unang kabanata at pangatlong kabanata ng pananaliksik.

42

You might also like