You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DAVAO DEL NORTE STATE COLLEGE


New Visayas, Panabo City, Davao Del Norte, Philippines 8105
Website: www.dnsc.edu.ph; Telephone #: 63846284301; 6288203
Email Address: president@dnsc.edu.ph; jab@dnsc.edu.ph;
INSTITUTE OF MANAGEMENT GOVERNANCE AND CONTINUING STUDIES

BILANG PAG TUPAD SA ISA SA MGA

PANGANGAILANGAN NG ASIGNATURANG

FILIPINO 2

ANG EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA

MAG – AARAL NG DAVAO DEL NORTE

STATE COLLEGE

ANG KONSEPTONG PAPEL NA

IPINASA KAY:

Bb. Zola Dela Torre

IPINASA NINA:

James Soriano

Chabelita Canacan

APRIL 2019
Introduksyon
Sa panahon ngayon, marami na ang mga naglalabasang makabagongteknolohiya.
Ang teknolohiya ay nakakatulong sa mga paraang tulad ng: Teknolohiya bilang gamitIto’y
mga gamit at makina na maaring tumulong sa ating gawain pagdating sa pag-aayos ng mga
sirang gamit at paggawa ng mga produkto. Teknolohiya bilang teknikIto’y kasalukuyang antas
ng ating kaalaman kung paano pagsasama-samahin angmga materyales upang maka-gawa
ng mga produkto, maka-tulong sa mga problema,at makamtan ang mga sariling
pangangailangan at kagustuhan. Angkop dito ang mgateknikal na methods, skills, proseso,
tekniks atbp. Ang mga halimbawa nito’y:computer technology, construction technology o
medical technology.

Rasyunal

Ang teknolohiya sa ating henerasyon ay masasabi nating nagpapatakbo saating


ekonomiya. Nariyan ang kompyuter na tumutulong sa atin na tumuklas ng mgabagong
kaalaman, Mga makinarya na ginagamit natin sa agrikultura, mga sasakyanna ginagamit sa
transportasyon at ang iba pang mga makabagong imbensyon natumutulong mapabilis ang
ating mga trabaho. Nang matapos sumiklab angikalawang digmaang pandaigdig ay
nagsimula narin ang paglaganap ng teknolohiyasa buong mundo. Nakatuklas ng mga bagong
imbensyon ang mga akedemiko at dahil sa mga ito ay unti unti nang umunlad ang
ekonmiya.Ang mga akademikong patuloy na nagsaliksik ng mga bagong kaalaman at
imbensyon sa tulong ng teknolohiya ay nagpatuloy pa at ang inobasyon ay nagdulot ng
pagkatuklas natin sa robotics o ang pag gamit ng mga robot upang gawin angtrabaho ng tao
at mapadali ang mga ito. Ang mga robot ay ginagamit na paggawa ng iba’t ibang trabaho at
pinanghahalili sa tao upang matugunan ang pangangailanganpangekonomiya.Sa mga
bansang maunlad tulad ng Estados Unidos, Europa, at Japan aymasagana sa pag gamit ng
robot at iba pang teknolohiya upang gamitin sapagpapaunlad ng kanilang ekonomiya.
Karamihan sa trabaho ng tao sa mga bansangito ay robot o kompyuter na ang gumagawa.
Ang usaping teknolohiya ang tiyak ngana malaki ang naidudulot sa ekonomiya ng isang
bansa ngunit ito ay mayroong dingadbentahe at mga disadbentahe na tatalakayin natin sa
pag-aaral na ito.

Layunin
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa
ngayon tunkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin
nito na ipahatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o
negatibo, lalong – lalo na sa kanilang pag – aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na
ito na mabugyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng
mga estudyante sa social media.

1. Ano – ano ang mga saloobin ng mga mag – aaral sa teknolohiya ukol sa pag – aaral
ngayon?
2. Sapat ba ang kaalaman ng mga mag – aaral na nakukuha sa teknolohiya at sa pag –
aaral ng mga mag – aaral?
3. Anong antas ng kaalaman ang nabibigay ng teknolohiya sa mga mag – aaral sa
DNSC?
4. Ano – anu ang nakukuhang kaalaman ng mga mag – aaral sa teknolohiya
5. Bakit kailangan ng mag – aaral ang teknolohiya ngayong panahon?

Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay napapakita ng metodolohiyang ginagamit tungkol sa pag – aaral


na may paksang “ANG EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA MAG –
AARAL NG DNSC”
Disenyo

Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng descriptive survey o


paglalarawan panunuri dahil inilalarawan rito ang kinalalabasan ng pag-aaral
sapamamagitan ng talatanungan. Upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito ang mga
mananaliksik ay gumawa muna ng talatanungan o “questionnaire” na siyang ipinasasagot sa
mga mag-aaral ng DNSC. Na nagiging saklaw ng pag-aaral naito. Pagkatapos malikom ang
mga talatanungan, ito ay iwinasto at matiyagang sinuri ng mananaliksik sa pamamagitan
ng talahanayan. Upang lalong maging malinaw ang kinalabasan ng pag-aaral ay
gumamit ang mga mananliksik ng pormulang makakatulong sa lubos na ikakaunawa ng
bawat talahanayan. Porsyentong teknik ang ginamit ng mga mananaliksik na pormula.
Respondente

Ang respondent o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Davao Del
Norte State College. Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa Gurong
nangangasiwa sa respondent na mag-aaral na saklaw ng pag aaral upang
maipamahagi ang mga talatanungan o questionnaire na inihanda ng mga mananaliksik upang
matugunan ang hinahanapan ng kasagutan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang malaman ang mga
salik na nakakaapekto sa paraan ng pagamit ng teknolohiya ng mga mag-aaral. Gumamit din
ng aklat ang mga mananaliksik sa pagkalap ng datos.

Pagtatrato sa mga datos

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga teybol matapos mai-tally ang mga kasagutan sa


kwestyuneyr ng mga respondente ay naipakita ang porsyento o bahagdan ayon sa daming
sinang-ayunang kasagutan ng mga respondente sa tanong na nakapaloob sa kwestyuneyr o
talatanungan.

You might also like