You are on page 1of 11

ANTIPOLO CITY SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO

KONSEPTONG PAPEL
PAMAGAT:
EPEKTO NG MAKABAGONG PANAHON SA
KULTARANG KAHAPON.

IPINASA NINA:
AIZLE ADRIAS
CHRISTIAN DIAZ
KIM VEDAROZAGA
VON WILLIAMS DEFUNTORUM
ZEDRIC TORRES

IPAPASA KAY:
GNG. ZHONA E. BERDAN

DEC 14, 2020


I. Paksa
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa anu-ano ang
epekto ng teknolohiya sa
makabagong panahon at sa kulturang kahapon.

II. Rasyonal/Layunin
Mahalaga ang paksang ito sapagkat matutuklasan
natin ang mga naging epekto
ng teknolohiya sa pamamaraan ng ating
pamumuhay at kultura nating mga Pilipino.

III. Rasyonal/Layunin
Layunin ng pananaliksik na ito ay masagot ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga popular na kultura ng mga
Pilipino.
2. Anu-ano ang mga maganda at di magagandang
naidulot ng teknolohya sa
ating kultura.
3. Paano natin mapapahalagahan ang ating kultura
sa makabagong panahon.
IV. Pamamaraan

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan


ng maigting na paghahanap
ng mga ebidensya o kasagutan sa mga aming
katanungan sa internet.

V. Panimula

Ang paksang napili namin ay tumutukoy sa mga


kabataang katulad namin, na masyado nang
nahumali sa teknolohiya at nalimutan nang
pahalagahan ang nakasanayan nating kultura.

VI. Pagtalakay

Ayon kay Natalie Joy D.J. Dazo ngamula sa


Pamantasan ng lungsod ng Maynila, maraming
nagbago sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga
Pilipino dahil sa teknolohiya. Isa nang halimbawa ay
ang paraan ng transportasyon, ang ating
kinagisnan na kulturangpang Pilipino ay ang
sasakyang jeep ngunit dahil sa panibagong
teknolohiya, mas binibigyang pansin na ang mga
bus.
Marahil ito ay mas komportable at sinasabing mas
ligtas kumpara sa mga jeep. Ayon naman sa isang
blog, nabago rin ng teknolohiya ang ating wika. Unti
unting nag babago ang mga bokubularyo na ating
nakagisnan.

Nagkaroon ng panibagong wika na tinatawag na


“Bekimon”, “jejemon”, wikang Fliptop at iba pa. Samu’t
saring mga salita ang nadagdag tulad na lamang ng
bes,mudrakels, babush, na nagdudulot ng kalituhan
sa mga taong hindi alam ang mga salitang ito

VII. Lagom

Bilang pagbubuod, nabatid ng aming pananaliksik


ang mga dahilan at epekto ng makabagong panahon
sa ating wika, kultura at mga kaugalian, natuklasan
din namin ang iba't ibang kultura ng mga pilipino na
patuloy na nakakalimutan at ang iba naman ay
patuloy na nagagawa at nagagamit parin sa panahon
nating ngayon, nabatid din ng aming pananaliksik na
may mga magagamda at hindi magagandang dulot
ang teknolohiya sa kultura at kaugalian,
nariyan ang tungkol sa pagtaas ng bilang ng mga
walang trabaho, nariyan din ang mga naidudulot na
maganda ng teknolohiya na maaari nating gamitin
upang mas mapabilis at mapadali ang ating mga
gawain at ang patuloy na pag babago ng kasanayan
ng pilipino sa pag daan ng mga panahon.

VIII. Konklusyon

Natuklasan ng pananaliksik na ito ang mga


sumusunod:
Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na
ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ng
Pilipinas Tampok dito,
saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay
na parada, mga katutubong seremonya, sayawan,
paligsahan, at masasaganang handaan. Ang
panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-
inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo
ng mga turista taun-taon.
Isa lamang ang pista sa mga tradisyong nakaugalian
na ng mga Filipino bago pa man dumating ang mga
dayuhang mananakop ng bansa bilang pag-alaala
at pasasalamat sa diyos ng kalikasan at espiritu ng
kani-kaniyang mga ninuno. Ngunit sa paglipas ng
panahon, naging bahagi na rin ng pagdiriwang ang
ilang sa mga kaugalian at paniniwala ng mga
Espanyol-- na siyang may pinakamalaking
kontribusyon sa kulturang Pilipinas.

Isa sa mga nag pabago ng kultura ng mga Pilipino


ay ang teknolohiya at ang iba pang modernong
kasanayan na ating natutunan sa nag lipas na mga
siglo, may mga pag kakataon na ang mga ito ay nag
dudulot ng maganda at ang iba naman ay hindi.

Halimbawa ng magandang naidulot ng teknolohiya


saatin ay madali nating nagagawa ang mga
kinagisnang Gawain gaya ng pag lalaba na noon ay
minamano-mano, ngayon ay mas madali na itong
gawin ng hindi ka nahihirapan dahil may naimbento
ng makina upang makapag laba ng mas madali at
matipid sa oras, ito ang Washing Machine,
Isa iyan sa magandang naidudulot ng makabagong
panahon sa ngayon, Halimbawa ng hindi
magandang naidudulot ng Taknolohiya, isa dito ang
mga makinang ginagamit sa mga pabrica at mga
pagawaan, dahil sa mga makina hindi na
nabibigyan ng pag kakataon na makapag trabaho
ang ibang mga manggagawa dahil mas pipiliin ng
may hawak ng pagawaan ang mga makina dahil sa
higit na madali at mabilis ito nakakagawa ng mga
produkto at higit sa lahat hindi na ito kailangan
swelduhan gaya ng mga mangagawa ngunit
nagiging dahilan ito sa pagtaas ng bilang ng mga
mangagawa na walang trabaho.

Sa aming opinyon bilang isang mag-aaral,


mapapahalagahan natin ito kung patuloy nating
aaralin o sasanayin ang ating mga sarili sa pag-
gamit ng kultura noon kahit nasa makabagong
panahon na tayo ngayon, gaya ng pag mamano isa
ito sa kultura noon na patuloy nating ginagamit
ngayon upang magbigay galang sa mga
nakakatanda. Isa rin sa mga dapat nating tandaan
na ang kulturang Pilipino ay bahagi ng pagiging
tunay na Pilipino.
IX. Rekomendasyon

1.) Minumungkahi namin na bagamat malaki ang


epekto ng teknolohiya sa ating kultura obligasyon
pa rin nating pangalagaan ito

2.) Minumungkahi namin na kahit na tayo ay nasa


makabagong panahon na huwag parin dapat nating
kalimutan ang mga kaugalian na ating kinasanayan
noon, dahil sa pamamagitan nito mai- babahagi pa
natin ito sa mga susunod na henerasyon.

3.) Nararapat na ituro o ibahagi sa mga kabataang


patuloy na nakakalimutan ang mga kultura at
kaugalian ng mga pilipino.

4.) Patuloy nating alagaan ang ating kultura dahil ito


ay palatandaan ng pagiging isang tunay na pilipino.

5.) Patuloy tayong makilahok sa mga kulturang


nagaganap sa iba't ibang parte ng Pilipinas o di kaya
sa inyong lugar, isa sa mga kulturang iyan ay ang
mga pista, sa pamamagitan nito mas mapapaunlad
at mapapayabong pa natin ang ating mga kultura at
kaugalian na ating minana sa ating mga ninuno.
6.) Maging sensitibo sana ang mga magulang sa
kahalagahan ng kulturang Pilipino at handa silang
maglaan ng kahit maikling oras para kwentuhan
ang kanilang mga anak ng mga kwentong
nagmula pa sa kanilang mga magulang.

Magkaroon sana ng paligsahan ang gobyerno na


magbabalik sa mga nakagawiang pampalipas oras
gaya ng palaisipan,bugtungan at iba pa.

Mas marami pang pag-aaral na kagaya nito upang


maisatitik at hindi na tuluyang makalimutan ang
ilang panitikan ng ating mga ninuno.

X. Talaan ng mga sanggunian

https://www.academia.edu/38352622/DAZO_Ang_Epekto_
ng_Makabagong_Teknolohiya_sa_Kulturang_Kinagisnan_ng
_mga_Manilenyo?fbclid=IwAR1mwDbaCC-
R7Hv5QvDp_WOwmDZONm78RE1I0JQx4wtEg0LKMitKLeq
wISQ

https://iamthevaliantone.wordpress.com/2016/09/22/pag
usbong-ng-teknolohiya-pagkamatay-ng-wika-at-kultura
https://l.messenger.com/l.php?
u=https%3A%2F%2Fmalikhaingwikaatkulturangpilipino.we
ebly.com%2Fblog%2Fang-mga-
kultura&h=AT35qd1z2QLcrW1z6PBhGF9kOzyMAvoVLQ7_
dqV02FWJMdqpy3f-
t9QZeLbzDjB14y0gVieIJhBEDSqh7_T1rCzrIDgaja63EBjDWY
yofV1lZguFaQDK7M3rHZWzaDGDwQh-pXrGZLwiO6M

You might also like