You are on page 1of 11

Site Title

Epekto ng Senior High para sa mga kabataan

joshua Maala joshua Maala

3 years ago

Advertisements

INTRODUKSYON

Panimula.

Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga estudyante at kalidad ng pagtuturo ng mga
guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo at maunlad. Ngunit kay
raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isana nga rito ang Edukasyon. Isang
problemang nais ng matuldukan ng ating gobyerno.Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang
hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapanna isa pang malaking
problemang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Angpagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan
kung bakit naghihirapang ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hind
inakakapagtapos dahil nagiging rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiya sa mga kabataan ngayon.
Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.Isa pang problemang pang-
edukasyon ang mababang kalidad ngpagtuturo. Dahil nga sa mga maling metodolohiya na naituturo sa
mga kabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang epektibo at magandangkalidad ng pagtuturo ay
hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil nga kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kanyang napiling
asignatura.Kakulangan sa Pondo ay isa pang problema sa ating edukasyon, kahit nasapat ang badyet ng
ating gobyerno kung hindi maayos ang paggamit nito,hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga kinakaharap na Problema ngating bansa tungkol sa Edukasyon.Sa
pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga sumusunod na mgatanong:

1.Ano ang Senior High School? Paano ito nakakatulong sa isang bansa?

2.Anu-ano ang mga nararanasan na mga Problema sa Senior High School ngating bansang pilipinas?

3.Malaki ba ang nagiging epekto nito sa ating bansa?

4.Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa mga problemang ito?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga researcher

. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makatulong sa ibang tao at makalikha pa siya ng mga
impormasyon at makagawa ang isang researching isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa
ibang tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.
Sa mga kabataan.

Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para malaman ang mga problema at sanhi ng mga suliranin
sa Edukasyon.Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang makuro na may malakingkinakaharap na
problema ang ating bansa tungkol sa Edukasyon.

Sa mga magulang.

Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ngmga magulang upang kanilang madalumati

ang katotohanang malaki angp roblema ng ating bansa lalong-lalo na sa Edukasyon.


Sa pamahalaan.

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sapamahalaan upang mas mapalawig pa nila ang kanilang
kaisipan athanggang sila’y makagawa ng iba’t ibang solusyon at paraan upangmasolusyunan ang
problema sa Edukasyon ng ating bansa. Ang pag-aaral naito’y makakatulong sa kasalukuyan sa
pagpapaunlad ng Edukasyon sa atingbansa.

Sa komunidad.

Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayanna maging bukas ang kanilang mga isip at
makagawa ng mga iba’t ibang kuro-kuro para makatulong sa estado ng Senior High School ng ating
bansa.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay atpaggawa ng mga kongkretong impormasyon at
datos na ukol sa mgaProblema sa Edukasyon ng Bansang Pilipinas lamang. Ako’y mangangalap ngmga
datos sa Flos Carmeli Institution of Quezon City at sa Don Fabian,Commonwealth Ave. Q.C. na
makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksikna ito.

Layunin Ng Pag-aaral

Upang malaman ang reaksyo

n o tugon ng mga mag-aaral sa memorandum ng Dep-Ed na Senior High

Malaman ang mga aspeto tungkol sa nasabing programa.

Kung ano ang kanilang palagay tungkol dito.

Malalaman kung ano ang mga nakaimpluwensya na ipatupad ang programang na senior high sa ating
bansa.

Konklusyona. Naging maayos ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa bagong kurikulum na senior high
sa ating bansa . Karamihan ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Balete ay sumasang-ayon sa
bagong kurikulum sa ating bansa.
Kaungay ng teorya

Ito ang programang ipatutupad ng pamahalaa at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan


ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung
hindi sa buong mundo.

Ang Senior High ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos
ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging
handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo.

Ayon kay Kalihim Bro. Armin Luistro ito ay ibibigay ng libre sa mga nais pumasok sa pampublikong
paaralan. Bagaman magiging isang puhunan o investment ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang
mga anak.

Sa kasalukuyan ay kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng kolehiyo para


makapagtrabaho. Ngunit para kay Kalihim Bro. Armin Luistro at Pangulong Noynoy (Aquino III) ang
Senior High ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga
kabataan. Junior high school pa lamang, maaari ng makakuha ng certificate of competency level 1 basta
ma-satisfy lang ang requirements ng TESDA. Senior high school, level 2, naman ay maaari na silang
magtrabaho matapos ito.

KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA


Ayon sa mga nakalap naming sanaysay tungkul sa aming pananaliksik, Ang isang dahilan kung bakit
nagiging malala ang kakulangan ng classrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa
private schools ang lumilipat sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyonang mga estudyante mula
elementary hanggang high school sa public school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2
milyon na estudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga estudyante sa private sa
public schools ay kahirapan. Pataas na pataas naang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na
rin ng lahat nabilihin.

Kaugnay ng pag-aaral

Pamilyar na ang karamihan sa ngayon sa sistema ng edukasyon na tinatawag na Senior High. Binubuo ito
ng labing tatlong grado, kindergarten hanggang Senior High grado. Ang Senior High na sistema ng
edukasyon ay tumutukoy sa mga pampublikong sistema ng paaralan sa Estados Unidos, Canada, UK, at
ilang mga bahagi ng Europa.

Mahirap tukuyin ang pinagmulan ng edukasyon dahil noon pa man ay may kinamulatan nang edukasyon
ang ating mga katutubo. Para sa mga layunin ng artikulong ito, talakayin natin ang sistemang Senior
High. Alam naman natin na ito ay napapanahon at naaangkop lalo na sa Estados Unidos.

Sa panahon ngayon, ang Senior High edukasyon ay kumakatawan sa sapilitang edukasyon na


kinakailangan ng lahat ng mga bata sa Amerika. Kahit na ang isang edukasyong Senior High ay maaaring
makamtan mula sa alinman sa publiko o pribadong institusyon, ang mga bata na naabot sa
kompulsaryong edad (sakop mula sa edad na 6-8, depende sa estado) ay kinakailangang pumasok sa
paaralan. Ang edukasyong ito sa Estados Unidos ay nagsimula higit sa 150 taon na ang nakaraan nang
itinatag ni Horace Mann ang isang malawakang sistema ng edukasyon sa Massachusetts, kung saan ito
ang naging unang estado na pumasa sa pagdalo sa mga batas ng paaralan noong 1852. Noong 1918, sa
lahat ng mga estado ang mga bata ay itinalaga ng batas na makatanggap ng edukasyon.
METODOLOHIYA

Paraan at metodo nga ginagamit

Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data

ang percentage technique sa pananaliksik na ito.

Ginagamit ang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga
sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang

kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong.


Pagpili ng respondent

Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay mga kalalakihan at mga kababaihan na edad 15-20
na may sapat na kaalaman sa mga nangyayaring problema sa Senior High School sa ating bansa ngayon.

RESULTA

Interprentasyon ng Datos

Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kuwestiyoner naipinamigay na naglalaman ng


tanong, at mga interbyu ukol sa nasabingpaksa. Ang pagkuha ng porsiyento at bahagdan ay batay at ang
basehan ayang mga sagot ng aking mga respondente sa aking mga nagawang kwestyoner.
KONKLUSYON.

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang-edukasyon ng ating bansa, kung anu-
ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y nakakabuti o nakakaganda sa
isang bansa at para sa mga kabataan. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga tanong
namagbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kurona nanggaling sa aking na
sarbey KONKLUSYON

Maraming problemang pang-edukasyon ang ating bansa isa na rito ang mga mag-aaral na di nakakapag
tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan,problema sa pamilya, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa
masamang landas.May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyonat hindi na
naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang kakulangan ngkagamitan at pasilidad sa bawat paaralan,
Dahil nga sa malaking populasyonng ating bansa nagkukulang ang mga kagamitang ito tulad ng mga libro,
kwaderno, bolpen maging silid-aralan o kaya’y paaralan. Kung nagkukulangang kagamitan ng ating bansa
puwede rin dahil sa kakulangan ng pondo.Mababang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nagiging
dahilan ngmaling pagkatuto nito. Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa pagtuturo ngmga guro na
nagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga Estudyante ngunit sapanahon ngayon tayo’y nahihirapan kung
maganda ba ang natuturo ng mga ito sa kanilang mag-aaral. Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang
edukasyon sa mga liblib na lugar dahil sa kalayuan na rin ng pook at kakulangan ng mga titser na nais
magboluntaryo dahil nga kaunti lng ang mga suweldo nito. Nawa ay pagpalain tayong lahat ng poong
may kapal.
Advertisements

Share this:

Categories: Uncategorized

Leave a Comment

Site Title

Back to top

Advertisements

You might also like