You are on page 1of 1

POSISYONG PAPEL

Marijuana(Legal sa Medikal na Pangangailan)

Tayo ay nasa Mundo ng pagbabago.Pagbabago sa bawat segundo.Maraming mga bagay ang


natutuklasan na bago sa panlasa at paniniwala ng bawat isa,na maaaring mag dulot ng mag kasalungat
na resulta.Positibo ba o Negatibo? Ngunit sa usapang gamotan eksperto lamang ba ang may kaalaman?
Tama bang gawing legal ang illegal?Alam naman natin na ang bawal na Gamot na Marijuana ay
nakakapinsala hindi lamang sa mga gumagamit pati narin sa mga nakapaligid dito.Ito ay maituturing na
bawal dahil sa mga masasamang epekto nito sa tao.

Ang Marijuana ay may malaking gampanin sa bawat isa at Ito ay itinuturing na isa sa mga dapat
puksain sa isang bansa,gaya sa Pilipinas.Ang Marijuana ay nagtataglay ng kemikal na kung tawagin ay
Delta-9-tetrahydrocannabinol o THC,ito ay isang aktibong sangkap na nakakapag pabago sa takbo ng isip
ng isang tao na maaaring mag dulot ng maraming masasamang epekto.Ito ay ang ginayat,pinatuyo at
pinag halong bulaklak ng halamang cannabis sativa.Kilala at ginagamit ito sa buong Mundo.At dahil dito
ito ay itinuring na bawal na gamot na ipinagbawal na gamitin.

Ngunit sa kabila ng pagiging illegal nito marami paring naniniwala at nag sasabing ito ay maaaring
maka gamot saa mga sakit kagaya ng kanser,epilepsy at iba pa.At dahil dito ito ay masusing pinag aralan
kung Ito ba ay dapat gawing legal sa Medikal na pangangailangan.N gunit para sa akin hindi maaaring
gawing legal ang isang illegal.Di rin ako ganap na sang-ayon sa kung anong panibagong batas man ang
ipatutupad lalo na kung tungkol ito sa pagiging legal ng Marijuana,lalo na sa bansang Pilipinas.

Una ay dahil sa mga nagiging masamang epekto nito sa lahat,kagaya sa pag iisip o takbo ng isip ng isang
taong gumagamit nito,maari rin itong magdulot ng matinung pag kabahala,depresyon at di makapag isip
ng maayos at pinakang huli ay ang pagiging gateway drug nito,isang Uri ng droga na siyang sinisimulang
gamitin ng isang adik hanggang matuto siyang gumamit ng mas matapang at mas mapanganib na bawal
na gamot.At kung ang isang tao ay matagal ng gumagamit nito sya ay mahihirapang alisin at talikuran ang
pagiging adik.

Kung sakali mang mapatunayang nakaka gamot nga Ito di parin tamang isakripisyo ang lahat,lalot
nakasalalay dito ang kalusugan at maging ang buhay ng mga tao.Ito ay pinupuksa at kung maging legal
Ito lalong mag kakaroon ng lakas ng loob ang mga dati ng gumagamit na Ipag patuloy ang naturang
gawain.Kaya naman ang usaping Ito ay nakakabahala sa lahat.

Kahit ano pang sabihing nakakagamot Ito,di parin maaalis sa isipan ng bawat isa ang masamang epekto
nito.Kahit ano pang sabihing nakakagamot Ito,di parin maaalis sa isipan ng bawat isa ang masamang
epekto nito. Kahit ano pang sabihin Ito ay illegal parin.Oo ngat maaaring maka gamot ito ngunit di parin
maiiwasang mag karoon ng mga side effect sa mga gumagamit. Ang pag unlad ay di naman masama
ngunit di dapat madaliin ang pag unlad,kailangang magkaroon ng mahaba at malinaw na proseso ng sa
ganoon lahat ay sigurado.

You might also like