ARGUMENTATIVE
ARGUMENTATIVE
Hindi pa man opisyal na nakaupo sa pamamahala ang bagong halal na Pangulong Rodrigo
“Digong” Duterte, ang laban sa droga ay napa-igting na, na siyang nagbunsod ng paglabas ng
mga “drug lords,” “drug pushers” at pati ng mga gumagamit nito. Ito ay pagkatapos ideklara ni
Duterte na may kaukulang pabuya sa sinumang makapagtuturo ng mga drug lords na P5
milyon, at drug pushers na P50 libo.
Ang laban sa ilegal na droga at ano mang uri ng kriminalidad at korapsyon ang naging sentro
ng kampanya ni Duterte sa nakaraang halalan. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga
botanteng Filipino ay sumuporta sa kanya para manalo siya sa pagka-pangulo.Naging hudyat
din ito na ang mga tao ay sawa na sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa na naging talamak na
ang ilegal na droga, korapsyon at kriminalidad.
Hindi biro itong gagawin ni Duterte sa pagsugpo ng kriminalidad at ilegal na droga. Ngayon pa
lang, mayroon ng nagbabanta sa kanyang buhay pati ng kanyang bagong hirang na Police
Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. Ayon nga kay Dela Rosa, tig-P50 milyon sa kanila ni
Duterte ang nakapatong na pabuya ng mga “drug lords” kung sino ang makakapagtumba sa
kanila.Hindi rin biro na maraming masasagasaan sa gagawing ito ni Duterte na kinabibilangan
ng mga pulitiko, matataas na opisyales ng kapulisan, mga piskal at mga husgado.
Ibinunyag ni Duterte na may tatlong heneral sa Philippine National Police (PNP) at 35 mga
gobernador at mga mayor ang sangkot sa ilegal na droga. Sa ngayon ay hindi pa niya
pinangalanan ang mga ito ngunit nagbigay na siya ng babala na magbitiw na sila sa kanilang
mga posisyon sa pamahalaan. Ayon naman kay Dela Rosa, sa 18 na mga Regional Director ng
PNP, baka tatlo lang ang maiiwan at yong 15 ay mababalasa sa kanilang mga tungkulin.
Nakakabahala ang mga nagsusulputang impormasyon tungkol sa ilegal na droga. Yong mga
inaakala nating magbibigay ng proteksyon sa atin ay sila pala ang salot sa ating lipunan.
Hindi lang si Duterte ang may laban dito. Lahat tayo na nagmamahal sa katinuan at
kapayapaan ng ating lipunan at bansa ay kailangang makiisa sa kanya. Panahon na upang
masugpo ang galamay ng mga salot na sumisira sa buhay ng mga kabataan, mga pamilya at
moralidad ng ating lipunan.
ARGUMENTATIVE
Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para sa
ating mga Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon ng mga
Kastila. Pagdating naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa, sa panahon ni
Ferdinand Marcos naging popular ang parusang ito. Sa pagpalit ng administrasyon, sinuspindi
ito ni Corazon Aquino, mula 1987 hanggang 1999. Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos,
muling nanumbalik ang parusang kamatayan sa bansa bago muling itigil noong 2006 sa
pamumuno ni Gloria Arroyo. Naging papalit-palit ang pagpasa at pagbasura sa kaparusahang
ito dahil sa mga isyu ukol sa relihiyon, karapatang pantao, at mga di-inaasahang nangyari, sa
loob ng bilibid at sa lipunan, noong pinapairal pa ito.Ang mga pangulo ng Pilipinas ay may
paiba-ibang paniniwala at kinakampihan pagdating sa usaping ito. Sa kasalukuyan, supurtado
at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan bilang suporta sa kanyang
adbokasiya laban sa krimen at droga ngunit maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa
pagpapanumbalik sa marahas na hustisyang ito.
Isa sa pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang kamatayan ay dahil sa
relihiyon. Bilang isang bansang may higit sa 80% Katoliko, mahalaga at binibigyang pansin at
respeto ang buhay ng bawat nilalang sa mundo. Isa pang rason sa pagbasura nito ay ang
karapatang pantao na nalalabag dahil sa batas na ito. Sinasabi ng mga nauna at kasalukuyang
pangulo na mataas ang lebel ng krimen sa bansa noong hindi na pinapatupad ang parusang
kamatayan. Sinasabi nilang nawawalan na ng takot ang mga masasamang loob na gumawa ng
krimen dahil sa mababaw na kaparusahan para dito. Iniisip nilang ang pagbabalik ng parusang
kamatayan ang sagot sa kanilang problema sa krimen. Ngunit hindi lahat ng problema ay
nadadaan sa dahas kung minsan ay lalo pa lamang nitong napapalala ang sitwasyon. Ang
pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng problema ay dapat sa ugat nito hindi kung kalian
natapos na ang krimen ay doon pa lamang kikilos.
ARGUMENTATIVE
Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo.
Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo. May
malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong ito, "Ano nga bang ikinaganda
ng panininigarilyo?".
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay buga ng
usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa
mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay
nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan
namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na
pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang
masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa sigarilyo tungkol sa
maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa
mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69
dito ay maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang
mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari pa ring maapektohan ang
mga taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa
bingit ng kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila humithit ng sigarilyo.
ARGUMENTATIVE
Ang droga ay isa sa mga bagay na nagiging dahilan ng pag-usbong ng napakaraming musika,
iba’t ibang “genre”, tono, at iba pa. Maraming awit ang nagawa dahil sa mga manunulat at awtor
na nakatira ng droga. Kung di dahil sa droga, malamang wala ang ilan sa mga awiting ito.
Maraming paraan, ang mga tao na sumulat ng mga kanta na iyon ay may katangiang
pagkamalikhain para magawa yun. Ang mga awit na ito ay nasa kanilang isipan. Hindi droga
ang gumawa ng kanta. Ito ay dahil sa malikhaing mga tao, at ang mga awiting ito ay umusbong
parito at pariyan.
Dinadala ng illegal na droga ang isang tao sa mundo kung saan nagagawa nila ang mga bagay
na sa tingin nila ay imposible kung hindi sila nasa ilalim ng pinagbabawal na drogang ito. Bakit
hindi nalang limitahan? Mayroon tayong literal na bilyong bagay na maaaring gawin sa
mundong ito, at mayroon lang tayong humigit kumulang 35 na taon na maranasan yung mga
bagay na yun sa ating pagtanda. Sa sobrang daming pagpipilian sa mga dapat gawin, bakit
hindi nalang piliin yung mga bagay na hindi makakasira ng kalusugan at makakapagpahamak
sa tao.
Hindi delikado ang droga. Bawat report tungkol sa droga tulad ng marijuana na nagsasabi na ito
ay hindi nagtatagal at hindi ito nakakaadik. Mga bagay na sadyang nagpapatunay na ito ay
walang masamang epekto.
Sa bawat patunay na ito ay hindi delikado, mas madami ang sumusulpot na nagsasabing ito ay
delikado.
Ang mga pag-aaral na lumalabas ay sapat na para patunayang delikado nga ito. Pero gagamitin
mo ba ang illegal na dorga para ma”high” ka habangbuhay? Bakit hindi mo paniwalaan na ang
droga ay wala naman sadyan masamang epekto. Oo, marahil magulo at may mga positibo at
negatibong ebidensya pero ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito nakakaadik at
nakakasira ng buhay ay ang sarap na naidudulot nito sa gumagamit. Lahat ng masarap ay
nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi kailangan nila ito.
Gawing legal ang droga at mawawalan ng krimen. Marami ang nakukulong dahil sa mga bagay
na kaugnay ang pinagbabawal na droga. Kahit yung mga taong nakulong dahil sa pagnanakaw
at iba pa ay kaugnay pa din sa paggamit ng droga. Gawing legal ito at mawawala ang krimen.
Hindi kaya sugpuin ng apoy ang kapwa apoy. Gumawa ng ibang paraan.
Ang lohika sa kabila ng legalisasyon nito ay terible at mahirap isagawa itong ‘reverse
psychology’ na ito. Maikli lang ang buhay ng tao at nais nala abutin ang estado kung saan di
nila alam ang buhay. Bilyun-bilyong bagay ang maaaring gawin, wala naman sigurong gustong
mabuhay na hindi ito nagagawa. Hayaang malaman ng tao ang sarili nilang pagkakamali.
ARGUMENTATIV
Inlove or Not?
“Ang pag-ibig ay hindi basta basta dumarating sa ating buhay, hindi rin ito basta basta hinihingi
kundi dumarating ito sa isang di inaasahang pagkakataon at kung minsan pa’y di natin inaakala
na ang mismong kaharap na natin ay ang matagal tagal na nating pinakaaasam na pag-ibig”.
Ngunit kailan nga ba natin masasabing tunay na pag-ibig na ito? Paano nga ba natin
nararamdaman kapag tayo ay inlove? At ang pinakamabigat na tanong, gaano tayo kasigurado
na ang taong ito ay siyang nakatakda talaga sa ating buhay?
Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating
masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan
na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag
masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong
nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin
ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino
talaga ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang
tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing
gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo
‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng walang
dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong pakiramdam na
abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya sa inbox mo at
syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka pang lilihis ng
tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo
na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil
pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito
kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe
kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din
namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa
lang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa
sa mga babae. Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas
ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman
daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang
ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon
ng boyfriend/girlfriend ay hindi naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa.
Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay
“legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang
tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin
halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari,
nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang mundo
ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.
Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay
mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi
lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat
tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong
mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas
matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay
kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon,
isipin muna natin ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.
EKSPOSITORI
Kung iisipin natin ang sitwasyon sa klasrum, mahirap para sa guro at estudyante na gumamit ng
banyagang wika sa paglalahad ng karanasan at mga konkretong halimbawa kaugnay ng mga
paksang tinatalakay sa Siyensa at mas lalo na sa Matematika. Kung kaya’t madalas
magreklamo ang estudyante na hindi niya maintindihan ang tinuturo kaya bagsak ang nakukuha
niyang grado. Kailangan ng isang midyum na komportable ang lahat para maging maayos ang
komunikasyon at hindi nagkakaroon ng kalituhan ang mga mag-aaral dulot ng wikang hindi
maintindihan.
Kung kaya’t ganoon din pagdating sa Matematika. Mahirap para sa isang estudyante ang
maintindihan ang itinuturo kung ang gamit na midyum ng guro ay Ingles. Kaya bilang nag-aaral
sa larangang ito, mas madali na maintindihan kung Wikang Filipino ang ginagamit sa pagtuturo
para masolusyunan ang suliranin sa pagbaba ng grado ng mga estudyante sa Matematika.
EKSPOSITORI
images (5)
Sa ating buhay, hindi na bago ang pagkakaroon ng adiksyon. Kapag sinabing adiksyon, ito ay
ang pagkalulong sa isang bagay at palaging hinahanap hanap. Maraming uri ng adiksyon at
mga bagay na maaaring kaadikan. Hindi lamang sa Pilipinas ngunti sa buong mundo ay
laganap na ang pagkaadik sa mga ipinagbabawal na gamot. Ang mas nakakabahala pa dito ay
ang mga kabataan ay siya na ding sangkot sa ganitong uri ng gawain o maituturing na ring
krimen.
Mayroon namang ilan na kabataan na idinadahilan ang pagkakaroon ng mga problema kaya
nakakagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ako, bilang isang kabataan ay hindi naniniwalang ang
droga ay siyang lutas sa mga problema. Kung may problema, maari natin itong ihingi ng tulong
sa ating mga magulang mismo na siyang nakakaalam at mas nakatatanda sa atin at sanay sa
mga problema. Kung ang problema naman ay tungkol sa mga magulang mismo, nariyan ang
mga tunay nating kaibigan na siyang aalalay sa atin sa tuwid na daan at hindi sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot.
PAGLALARAWAN
Nagsilbing isang malawak na tsokolateng dagat na may amoy panis na ulam ang
lumulutang-lutang na animo'y patay na mga isda at kalat-kalat na isla na siyang nagsilbing
pahingahan ng mga tao ang ating natamasa ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.
Habang ako ay nanunuod ng balita, kitang-kita ng aking naglalakihang mata kung paano
sinakop ng maitim na ulap, nagbabagsakayang tubig sa langit kasabay ang paghampas ng
hangin at pagsabog ng kulog at kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa Filipinas,
partikular na sa Metro Manila. Isa itong delubyo na maihahalintulad natin sa bagsik na
ipinaranas sa atin ng bagyong Undoy. Hindi ako magkakandaugagang isipin kung ano ang una
kong gagawin kung sa amin nangyari ang aking nakitang hirap ng mga taong
nakikipagsapalaran sa tila isang survival game na ating napapanuod rin sa telebisyon. Ika nga
sa palabas na iyon ay "Matira, matibay".
Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang ng ulan ay ninanais kong magalit pa ang langit
habang hinihintay ang pagulan para sa suspensyon ng klase upang makaalis sa rehas ng
aming tahanan at magliwaliw na parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay nagkamali ng
panalangin at ang nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa madilim na rehas at
napaupo nalamang sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang may mga taong hindi
magkandarapa sa lugar ng kanilang kinalalagyan dahil unti-unting pinupulbos at nililimas ng
tsokolateng dagat ang kanilang pinaghirapang gamit at bahay ay ipinapanalangin kong
mawalan ng klase upang maglibang lamang. Ipinairal ko ang aking pagiging makasarili, sakim
para sa kaligayahan ng sarili na alam kong maari ko namang makamit ng hindi kinakailangang
humiling na pagdurusahan naman ng iba.
Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at unti-unting nanalangin upang bawiin ako nauna kong
panalangin at palitan na sana ay masilayan ko ng muli ang ngiti ng langit kasabay ang
pagababa ng tsokolateng dagat na bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais kong masilayan ang
dating ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng kalungkutan kasabay ng pagiyak
ng langit.
Hindi masamang humiling ng ikasasaya natin, bawat isa satin ang may kanya-kanya hiling para
sa sarili ngunit hindi kailangan isakripisyo ang kahirapan ng iba para sa ikasasaya ng iba. Isipin
muna nating mabuti kung ang ating kahilingan ba ay makakaapekto sa ibang taong nasa paligid
natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa ibang bagay na kaunti lamang
ang epekto sa atin. Wala namang mawawala sa pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay
makakatulong sa atin para sa kinabukasan.
PAGLALARAWAN
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago
ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas
na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating
mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating
araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang
edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa
Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano
mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin
ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa
kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung
saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa
kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao
upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.
PAGLALARAWAN
Sa tuwing mapapatigil ako sa mabilis nag pagtakbo ng aking buhay, bigla kong naalala ang
aking pagkabata. Lumaki ako sa isang panahon kung saan hindi pa ganon kaprogresibo ang
teknolohiya kaya napilitan kaming maglaro sa mainit na sikat ng araw habang pinupuno ng
alikabok at dumi ang aming mga malilit na paa. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ang
lamig ng batis kung saan kami naliligo, walang pakialam sa mga nakaakikita sa amin, parang
mga ibong naka-buka ang pakpak para sa hangin. At sa isang maikling sandali na ito, aking
naiisip kung gaano na kalaki ang pinagbago ng aking buhay, at gayon din ang mundong aking
ginagalawan.
PAGLALARAWAN
Laging Handa
Kung kelan nagdarasal akong huwag umulan, saka naman tila nanunukso ang panahon.
At kahit sisihin ko pa ang sarili ko sa hindi pagsunod sa batas ng Boy Scout na dapat ay “laging
handa” tuwing lalabas ng bahay, wala na akong magagagawa kundi ang umilag-ilag sa mga
“kaaway”.
Papatawid sa sakayan.
Ginamit ko ang face towel na dala ko para ipagtanggol (kahit man lang ang ulo ko) sa mga
kaaway habang nag-i-i-step-yes-step-no sa pedestrian lane.
Huli na nang maisip kong hindi pala ako pwedeng lumaban sa giyera kung ang dala-dala ko’y
bread knife sa halip na bazooka.
Habang nakikipagsiksikan sa isang waiting shed sa Quiapo, naiisip ko ang mga batang palaboy
sa lansangan na nagpipilit maghanap ng ikabubuhay para sa sarili at sa pamilya kahit umuulan.
Ang mga batang sa bubot na isip ay nagagawang maghanap ng pagkain sa legal na paraan na
ipandudugtong sa hininga ng mga kapatid at magulang.
Hindi ko alam kung bakit itinatanong ko sa aking sarili kung paano natitiis ng kanilang mga
murang katawan ang kaligkig na dulot ng masungit na panahon alang-alang sa kaunting barya.
Hindi ko alam kung bakit pumapasok sa diwa ko’t balintataw ang hitsura nila habang hinahamig
ang mga dalisdis na patak sa lansangan upang makapagtinda ng sampaguita.
Hindi ko alam kung bakit ko naiisip kung ano ang kanilang iniisip sa kanilang sitwasyon.
Siguro, wala na silang panahon para isipin pa kung ano ang kanilang kahihinatnan sa dulo.
Naiisip ko rin kung ano ang iniisip ng taong nakaupo sa silyang naiikot at naitataas-baba.
Hinihimas ang baba sa paggawa ng batas na papabor sa negosyo ng ilang mga malalaking tao
at kaibigan habang itinatanong sa sarili kung ano ang mga numerong tumama sa lotto.
Kay hindi siguro nila naiisip ang mga naiisip ko…
PAGLALARAWAN
Noong unang araw ng pag-ulan, palihim ako nananalangin na sana ay umulan pa para
mawalan muli ng klase. Ayun, Lumakas ang ulan at idineklarang walang klase. Dahil sa labis na
pagkabagot tumutok na lamang ako sa aking mga paboritong palabas, balita sa telebisyon, at
nag-internet upang maging una sa mga anunsyo patungkol sa klase para mga susunod pang
araw at malaman din ang sitwasyon ng aking mga kababayan.
Habang nanunuod ako ng balita nangingilid ang aking luha, napaupo na lamang sa isang tabi
at naglalaro sa aking isipan na paano kung naroon ako sa sitwasyon na yun? At pagkatapos ay
ini-imagine ang bawat pang yayari. Weeeeeng! Weeeeeeng! Weeeeeng! Ito na ang hudyat
upang sinupin ang kagamitan, isarado ang bahay at pumaroon sa mas ligtas na lugar. Kasabay
ng malakas na pag-iyak ng langit tila ba'y isdang nagkukumahog ang mga rescuers lumangoy
sa kulay tsokolate, amoy palengke at mabasurang tubig na sumakop sa kalsada ng kalakhang
maynila para lang mailikas ang mga na-i-stranded sa kani-kanilang bahay. Ang mga
residenteng nirerescue ay nakakapanlambot ng puso lalo na't kung makikita mo silang
nanginginig, namumutla, at kumakalam ang sikmura. " O d'yos ko, tulungan niyo pa kami"
tanging daing nila.
Labis na nakakalungkot ang tinatamasa ng ating bansa ngayon ngunit hindi ko rin naman
maibaling ang sisi sa kalangitan, mga puno, halaman, at hayop sa mga sakanunang kagaya na
lamang nito dahil kung ating susuriin ay ang kapabayaan din naman ng mga tao ang dahilan
nito. May kasabihan nga tayong " ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo" sana ay
nag-silbing aral ito upang magbago tayo sa mga masasama nating gawain kagaya na lamang
ng pagtatapon ng basura kung saan-saan na kalaunan ay bumabara sa ating mga drainage
system. Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat sa bagbabago kaya magsikap tayo para sa
ating inang bayan dahil tayo at ang mga susunod pang henerasyon rin ang makikinabang dito.