You are on page 1of 2

Kamatayan ba ang Kasagutan?

 Ang usapin ukol sa Death Penalty  o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para sa
ating mga Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon ng mga
Kastila. Pagdating naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa, sa panahon ni
Ferdinand Marcos naging popular ang parusang ito. Sa pagpalit ng administrasyon,
sinuspindi ito ni Corazon Aquino, mula 1987 hanggang 1999. Pagdating sa pamumuno ni
Fidel Ramos, muling nanumbalik ang parusang kamatayan sa bansa bago muling itigil noong
2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo. Naging papalit-palit ang pagpasa at pagbasura sa
kaparusahang ito dahil sa mga isyu ukol sa relihiyon, karapatang pantao, at mga di-
inaasahang nangyari, sa loob ng bilibid at sa lipunan, noong pinapairal pa ito.Ang mga
pangulo ng Pilipinas ay may paiba-ibang paniniwala at kinakampihan pagdating sa usaping
ito. Sa kasalukuyan, supurtado at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang
kamatayan bilang suporta sa kanyang adbokasiya laban sa krimen at droga ngunit maraming
Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapanumbalik sa marahas na hustisyang ito.

                Isa sa pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang kamatayan ay dahil sa
relihiyon. Noong panahon ng rehimeng Arroy ay napilitang ibasura ang Parusang kamatayan
dahil sa panggigipit mula sa higit 80% Katoliko sa bansa. Isa pang rason sa pagbasura nito ay
ang karapatang pantao na nalalabag dahil sa batas na ito. Sinasabi ng mga nauna at
kasalukuyang pangulo na mataas ang lebel ng krimen sa bansa noong hindi na pinapatupad
ang parusang kamatayan. Sinasabi nilang nawawalan na ng takot ang mga masasamang loob
na gumawa ng krimen dahil sa mababaw na kaparusahan para dito. Iniisip nilang ang
pagbabalik ng parusang kamatayan ang sagot sa kanilang problema sa krimen. Mula sa
karanasan sa kasaysayan at sa malalim na mga pag-aaral napagtanto kung gaano kasira at
hindi sapat sistema ng hustisya sa ating bansa. Ang mga pagsalakay ng pulisya at walang
kararatang pag-aresto ay isang pang-araw-araw na pangyayari para sa ating mga kababayan
sa mga skatwer at mahihirap na lugar na pinalad na mabuhay sa kabila ng mga ito. Ang mga
nagpapalakad sa sosyo-ekonimiya sa bansa ay binabali ang implementasyon ng batas laban sa
mga mahihirap. Sa parehong oras, ang parehong puwersa ng pulisya ay lumapit sa mga gated
na komunidad na may paggalang at ganap na pagsang-ayon ng kanilang mga karapatan. Ang
pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng problema ay dapat sa ugat nito hindi kung kalian
natapos na ang krimen ay doon pa lamang kikilos.

                Ako, kasama ang mayorya ng mga Pilipino, ay tumututol sa planong


pagpapanunumbalik ng parusang kamatayan. Ang parusang ito ay nakapokus sa pagpuksa ng
mga mahihirap dahil sa masahol na Sistema ng hustisya sa bansa. Ang batas na ito ay hindi
makatutulong sa problema ng mga tao sa kasalukuyan, maaari lamang itong magdagdag ng
komplikasyon sa proseso ng pagkamit ng hustisya. Inamin ng Kataas-taasang Hukuman sa
kaso ng mga tao vs. Mateo (2004) na karamihan sa mga pagsubok ay maling ipinataw ang
kamatayan sa panahong ito ay pinarusahan bilang isang pagpapadala ng opsyon mula 1993
hanggang 2004. Sa kaso, sinabi ng SC na sa loob ng 11 taon mula 1993 hanggang Hunyo
2004, 907 out ng 1,493 kaso ay isinumite sa Korte Suprema para sa pagsusuri ng hukuman.
Sa bilang na ito, ang kamatayan parusa ay pinagtibay lamang sa 230 kaso o 25.36 % ng mga
kaso para sa pagsusuri. Mahigit kalahati (53.25%), o 483 kamatayan parusa kaso, ay
nabawasan sa paglusaw ng perpektong, habang 65 ay nakuha. Isang nakakagulat na pahayag
ng Kataas-taasang Hukuman ang naghayag ng isang panghuhusgang kamalian ng 71.77% ng
oras na iyon 651 sa 907 appellants mula sa kamatayan. Malinaw na "kabiguan ng
katarungan," tulad ng inilarawan ni Chief Justice Artemio Panganiban.

Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan ng Pangulong Duterte na para sa ikabubuti ng bansa


ang muling pagbabalik ng parusang kamatayan. Inaasahan niyang mapapababa nito ang lebel
ng krimen sa bansa, mababawasan ang laman ng mga congested na mga kulungan, at
maibibigay ang hustiya para sa mga biktima. Matatawag bang tagumpay ang isang
panukalang pambansa kung pinapairal ito gamit ang takot? Makokonsidera bang tamang
rason ang dami ng mga tao sa kulungan para isa-isahin sila upang lumuwag? Mahirap ang
proseso ng hustisya, pero kailan nga ba masasabing nakamit na ang hustisya?

                Sa lahat ng mga bansang demokrasya sa mundo, ang Pilipinas ay ang pangalawa sa
may pinakamataas na bilang ng nasa death row noon. Sa muling pasusulong ng parusang
kamatayan sa Pilipinas, unti-unti muling lalaganap ang maling pag-iisip ukol sa hustisya. Ang
akdang ito ay sumasalamin sa pagtutol ko sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan sa
aking bansa. Mag-uumpisang mawalan ng saysay ang buhay kung magiging pipi tayo
tungkol sa mga bagay na mahalaga.

You might also like