You are on page 1of 2

Posisyong Papel

Death Penalty

Introduksyon

Bawat araw, May mga tao na na sesentensyahan ng kamatayan ng bilang parusa sa mga iba't
ibang uri ng krimen na kanilang nagawa. Sa ibang bansa , maari ito'y krimen na konektado sa
druga, terorismo, at tangkang pag patay o pagpatay.
Ang ibang bansa ay ipanapatupad ang pag patay sa mga kabataan na 18 taong gulang pababa
na nakagagawa o nakagawa ng krimen, ang iba ay ginagamit ang death penalty para sa mga
taong may mental at may intelektuwal na mga kapansanan at ang iba ay ginagamit ito sa mga
hindi patas na pag husga sa korte bilang pag labag sa International Law at mga patakaran. Ang
tao o ang mga tao na ito ay na sesentensyahan ng tinatawag na death rows, ito ang lugar kung
saan inilalagay ang mga taong sinisentensyahan ng kamatayan nang hindi nalalaman ng
nagkasala kung kailan at kung makikita niya pa ba ang kaniyang pamilya bago siya mamatay o
kunan ng buhay.
Ang Death Penalty ay isang pinakamalalang parusa na iginagawad sa isang tao, itinuturing itong
di makataong parusa at labag sa kautusan ng Diyos. Maging ang Amnesty ay labag sa parusang
ito kahit maging sino kaman o ano man ang nagawa mong kasalanan hindi ito sapat na dahilan
na para umabot sa pagpatay ng tao.
Capital Punishment o kilala rin bilang Dealth Penalty, isang uri ng batas na kung saan maaaring
kuhanan ng buhay ang isang tao dahil sa mga kasalanan na kaniyang nagawa. Ang tawag sa
sentensya na nag uutos na parusahan ang nag kasala ay tinatawag na death sentence, at ang
tawag sa aksiyon o paggawa nito ay tinatawag na execution. Ang bilanggo o ang taong
nagkasala na sentensyahan ng kamatayan na naghihintay ng kaniyang execution o araw ng
kaniyang pagbitay o kamatayan ay tinatawag din na "on death row".
Ang mga krimen na mapaparasuhan ng kamatayan ay dahil ang tao ay lumabag sa capital
crimes, capital offences, o capital felonois at ito'y nakadepende sa hurisdiksyon, kadalasan
kabilang ang mga krimen na maaaring maglagay ng kapahamakan sa buhay ng tao katulad ng
pagpatay o murder, mass murder o pag patay ng maraming tao, aggravated rape o rape nag
dulot ng matinding injury sa taong na rape kabilang dito ang child sexual abuse, ang iba pang
krimen na maaaring magdulot ng kapahamakan sa tao ay terorismo, pag-hijack ng eroplano,
pag aalsa ng digmaan isa rito ang pag tatangkang ibagsak ang Gobyerno, treason o pagtataksil
sa bansa, espionage o pag eespiya sa gobyerno. At ang karagdagan sa mga ito ay recidivism o
ang kriminal na nakalaya at ginagawa parin ang krimen ng pa ulit-ulit, aggravated robbery o
pagnanakaw ng dulot ng pinsala sa tao o nakasakit sa tao, kidnapping, drug trafficking, drug
dealing, ito ang halimbawa ng mga capital crimes.
Kahit na ang Pilipinas ang ka una unahang bansa na nagtanggal ang Death Penalty sa Asia na
naka saad sa ilalim ng Konstitusyon 1987, ito ay ipinatupad ulit noong administrasyon ni former
President Fidel Ramos upang masolusyonan ang matinding krimen noong 1993, ngunit ito'y
tinanggal ulit noong 2006 sa pamamahala na ni former President Gloria Macapagal Arroyo at
nilagdaan nya ang pagpapababa ng parusa sa mga bilanggo.

Sa maraming taon, ang mga tao ay sinisentensyahan ng death penalty lalo na sa mga kaso ng
tao nakakalalabag sa heinous crimes ( pagpatay, rape, pagnanakaw na nag dulot ng
kapahamakan sa tao o biktima at marami pang iba.) Ngunit sa tulong ni former President Gloria
Macapagal Arroyo at Simbahang Katolika tuloyang nawala ang Death Penalty sa Pilipinas noong
2006. At ang Human Rights din ay hindi sa ayun rito dahil ito'y di makatao at masyadong
malupit sa isang tao.

Ang pagiging marahas at malupit ng mga tao ang nagdulot upang mabuo ang Death Penalty
pero hindi parin sapat na dahilan ito upang tayo ay kumitil ng buhay ng isang tao.
Mga uri ng pamamaraan ng pag patay kung ikaw ay na sentensyahan ng Death Penalty:
* Beheading o pag pugot ng ulo
* Electrocution o pagpatay sa tao gamit ang kuryente
* Hanging o pagbitay
* Lethal Injection o pagpatay gamit ang drugs upang overdose at tumigil ang pagtigil ng puso
* Shooting o pagbaril
Ayon saInternational Law na ang death penalty ay pinagbabawal at angAmnesty ay tumutol rin
dito dahil na niniwala sila na hindi sagot ang pag patay.

You might also like